Tayo ang Tulay

May sari-saring rehiyon, relihiyon, lengguwahe o diyalekto, at higit sa lahat nakatira sa magkakahiwalay na pulo-  pero sa iisang diwa kaya ng bawat Pinoy na magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ito ay dahil sa halip na pader, marunong tayong tumulay at gumawa ng “tulay.” 

Ang mataas na tulay ng (viaduct) Patapat sa Pagudpud, Ilocos Norte ang pang-apat na pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na nagdudugtong sa Ilocos at  Cagayan Valley.

Ang larawang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 4

Thanks 2009

Gaya ng dati, gusto kong ibahagi ang mga bagay-bagay na aking ipinagpapasalamat sa nagdaang taon, mga bagay na puwedeng maganda o pangit pero pasadong inspirasyon at hamon. Last year nag-start akong magkaroong ng prayer requests and answered prayers na natima ko sa pagbili ng organizer sa PCBS. Okay naman siya nakakatuwa.

Answered prayer 1. Broadband connection

Oo sa tinatagal tagal ng panahon na may PC ako, nagkaroon ng work at ilang part time jobs ay nagtiyaga ako sa dial up. Nagagawa ko ngang magtiis sa P30 kada buwan, kung di kinakailangan. Puyatan lang ang drama.

Noong malaman ko na papatak na 200 lang babayaran ko kada buwan sa PLDT DSL, nagpakabit na ko. Kahit dumalang ang aking mga karaketan, at least wantusawa na ang blogging, chatting, pag-a-upload ng mga pics and videos, nakakapanood na ako ng mabilis-bilis sa youtube. Hehehe siempre damay na d’yan ang papatakbo ng aking resto (sa fb).

Answered prayer 2. Visit Baguio

At last, nakarating na ako sa city of Pines na halos walang kagastos-gastos. Buti na lang umuwi ang ate ko tas nag-aya na mag-Baguio for almost 4 days.

Answered prayer 3. Learn to eat vegetables

Hmmm baka may magpadala ng violent reaction, okay kahit papaano napapakain na ako ng bongga. Before kasi soobrang pihikan ako sa pagkain ng gulay. Pero nitong taon, nagugustuhan ko na ang magkakain ng salad na madahon. Dito sa bagay na ito, gusto ko ring pasalamatan ang mga friends ko na sina Len, Liz, Jovy at Ka Ver. Mga friends dahil sa nakakatakam ninyong pagsasalad, natatakam na ako. One thing pa, mas naging adventurous na ata ako sa pagkain at MEDYO ready ng gumastos pagdating sa pagkain at SALU-SALO.

Answered prayer 4. save money

Kumpara last year, mas naging matumal ang pagkakataon na makapag-save ako. Siguro dahil na rin sa gusto kong ma-try ng mga kabagayan na siempre equal sa gastos. Pero at least, nakapuno na ulit ako ng alkansya.

Answered prayer 5. small business

Siguro mga 5-7 years ago, sinabi ko sa sarili ko na pag-apak ko sa edad na ganito ay bibili ako ng kotse. ‘Pag hindi, kailangan may negosyo ako kahit maliit lang. Hindi PA ako nagkakaroon ng kotse, well, bukod sa wala pa ‘yong latest model na pinapagawa ko (chuz!), hindi rin advisable na mag-kotse ngayon sa taas ng langis at hirap ng buhay, kailangan may exercise (palusot no.35!) at higit sa lahat hindi pa naman ako marunong mag-drive (palusot no.154).

Ang nakakatuwa lang ay noong July, kasama ng aking Kuya, nakapagpundar kami ng store. Ako ang bahala sa financial at siya sa pagma-manage. Tumutulong din ako pero nagpo-focus ako sa isa pang under na business noon. Honestly, mas tulong ‘yon sa kuya ko more than sa kita ko.

Iba yong fulfillment na nakatulong ka na matupad ‘yong pangarap ng iba, saka may pinapatunguhan ‘yong pinagpaguran mo. ‘Yong puhunan doon ay halos naipon ko lang sa pagpa-part time at loan sa SSS. First investment ko ‘yon at first loan sa SSS.

Hmmm medyo may ilang problema kaming pinagdaanan at pinagdadaanan pero nase-settle naman na, sana! Magkagayon man, yong fulfillment na nadama ko nakatatak na yon at magsisilbing aral sa akin para sa mga susunod sa investments. More power Hoshi!

Answered prayer 6. Reconciliation

Wala na sigurong mas giginhawa kapag feel mong wala ka ng kaaway. Although marami akong gustong sabihin pa, for now thankful ako na after so many years nag-usap na kami.

Btw, remember my wild-wild wish? Isa sa natupad na doon ay ang maka-receive ako pareho ng Dirty Dancing 1 and Step Up 2 (puro original po yon Mr. Rickets), yahoo! Thanks JO o “Mama Car-Car”

Materialistic

Alin ba ang mas mainam, ang maging kontento sa kung ano ang meron o mangarap ng magandang buhay para sa kinabukasan ng iyong pamilya?

Dahil half day na at male-late pa ako, tas gusto pa ng guard sa MRT na buksan ang dala kong regalo, nilakasan ko na lang loob kong mag-taxi. Actually, sooobrang bihira akong mag-taxi ng walang kasama o hindi inuudyukan e. Siguro last year pa ako last nag-taxi ng walang kasama.

Para kasing may masamang usok na bumubuga sa kokote ko ‘pag napapansin ko na mabilis pumatak ang metro. Wala akong gaanong tiwala sa mga taxi driver, maliban sa respetado at kilala ang kanilang operator. Siempre, pinaka-bottom line din e, kuripot na naman ako.

Kinausap ko yung driver, na ginagawa ko para maging feeling close nang hindi niya taasan ang singil sa akin. Ewan at mula sa kita niyang whooping 2000 per day ‘pag December (malinis na raw yun) hanggang sa mga  bisyo ng mga taxi drivers gaya ng pambabae hanggang sa pamimik-ap sa quezon ave at makati ng mga lalaki, bading at matrona ay napunta kami sa kuwentuhang  pag-aasawa.

May nasabi ako about na hirap mag-asawa o magpamilya ngayon. Kailangang handa ka sa gastusan at pagiging magulang. Eh mukhang kontento naman sa buhay si Manong. Sabi niya, masaya naman ang may pamilya basta nagtutulungan, masipag sa paghahanap-buhay at hindi materialistic.  May iba raw kasi (siguro mga babae) na wala na nga raw makain ay kung anu-ano pa raw ang gustong bilhin. (buti hindi niya  sinabi yung kung anu-ano ang inaatupag like cheese miss sa’n at pagsusugal).

Medyo napahinto ako, as if nag-moment ako at may nag-voice over ng ilang segundo. “Hoshi, materialistic ka nga ba? Sagot ni Hitokiri, hindi ka materialistic kuripot ka girl!”

Binalikan ko siya, sabi ko kay manong driver, minsan dapat matutuhan talagang maging kontento para mas maa-appreciate mo ang buhay. mukhang nag-agree naman si manong driver. pero sa totoo lang nandoon pa rin ang pagtatalo sa isip ko. pinalaki kasi ako ng nanay ko na ‘wag humintong mangarap. Animo’y ang  pangarap ay color sa iyong life.

In the end, magkaiba pa rin ang satisfaction at contentment.  Hehehehe! Kapag masaya ka na eddie masaya ka na.

Liars go to Abroad

  

Sa hindi pa malinaw na scenario, pinagbibintangan ang pamangkin kong si Ms. Calabasa na ginawang sketch pad ang passport ng ina niyang si Bisanghot. Dahil dun, namomobrolema ang aking ate Bisanghot dahil sana ay naka-fly sana  noong January 7 sa bansang nandoon yung isa pa niyang kapatid na si Antot.

Eto na ang siste, pasan na nga niya ang kapapelan niya sa pagre-renew niya ng passport ay naloka pa si Bisanghot dahil mali ang nakalagay na year sa birthdate niya. 1978 imbis na 1977. eh ever since naman ay 1977 ang ginagamit niya. Magkasunod lang kaya sila ni antot. As in kaka-debut lang halimbawa ni antot last year, si Bisanghot naman ngayon.

Hindi ba nakakabanas, simpleng pagkakamali ng iba laki ng dadanasing hirap. Partdida ha, mahabang pila at proseso pa ang pagdadaanan para maayos yung isang simpleng character o number na yun. Alam yan ng buong pamilya ko, bakit? Sa dami namin, dalawa lang kami nung ate kung panganay ang may tamang info sa birth certificate.

Si bangaw nga yung birth certificate, walang name. wa da pak peru trulili.

Kung tutuusin hindi na rin masisisi ng ilang ahensya gobyerno kung bakit buhay na buhay ang Recto University.  Naku may nalaman nga akong story na pinagpalit ang identity ng kanyang mga anak makaalis lang bansa yung isa dun.  And wagi siya ever.

Tas nalaman ko sa ate ko na isa pa (siencia na ha, marami  talaga akong ate. Pero patas naman kasi marami rin akong kuya) na kailangang ipa-authenticate mo muna yung diploma at transcript mo sa school, sa Ched at sa Malacañang para kilalanin ng POEA o kung type mong mag-abroad.

Nang pusang kinalmot, apat na taon kang kokopya sa kaklase mo at mang-uuto ng profs eh sa bandang huli papa-validate mo pa ulit yung diploma mong inagiw na sa dingding.

Ah basta… kakasama ko sa trabaho ni Manang Juling alam na alam ko na pahabaan talaga ang pila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Minsan kahit may backer ka na, mas maikli nga lang hehehe…

Naku wish ko lang pag-turn ko nang  lumipad eh wag naman akong mahirapan…ang lesson lang naman diyan eh… tago mo kapapelan mo at wag mong pasusulatan sa bata.. dava. Tas koneksyon-koneskyon, be socialite like mi mama!

If I know marami ang nang-churva ng papeles para makapag-abroad, hindi dahil sa gusto nila kasi kailangan.