My 10 Blog Events in 2012

Alam mo bang ang susunod na theme  ng scrapbook ko ay tungkol sa blogging? Hindi? Puwes ,now you know.  Dapat bandang May ko pa ito sisimulan pero mabuti na rin na hindi ko ituloy kasi may hindi pa ako napapa-develop este napapa-print.

Giant Lantern Festival

December 10 and 15 – Dahil masyado pang latest ang post na ito click here na lang. hohoho! At mabuhay sa mga bumubuo nang magarbo, makulay at kumukutitap na event na ito ng San Fernando, Pampanga.

Letters in a case 3Pinoy Expats/ OFW Blog Awards

December 15 – For the second time, sumali at naka-attend ako sa awarding ceremony ng PEBA. Wala pa man ang pangtanggap ko sa aking certificate ay maluha-luha na ako dahil sa nakaka-antig ng awitin ng mga batang nagpe-perform at sa videos na pini-play sa stage. Mabuhay sa PEBA at maraming salamat po sa inyong pag-appreciate sa aking gawa!

Patapat,Pagudpud Ilocos Norte dSaranggola Blog Awards

December 15 – Pangatlong beses ko nang mag-join sa SBA, at pangalawang beses ko nang hindi naka-attend awards night dahil sa mga saktong date ko rin ( na mapapansin sa itaas na mga date). Hindi man ako nakakadalo ay naniniwala ako na buhay ang paglipad ng Saranggola at marami akong name-miss na happenings. Hohoho!

FBW” 1st Grand Eyeball

ImageDecember 7- Dahil member ako ng Filipino Bloggers Worldwide fan page alam ko ang event na ito  pero mabuto rin na na-remind ako ni Jube. Nung una ay nagulumihanan at medyo nalungkot  ako dahil ‘yong invitation na una kong nabasa  ay ‘di pala from FBW.  Hanggang sa maisip ko na lang na, check ko nga ‘yong spam folder.  Hay  talaga namang may something sa basurahan (kahit sa digital world).

Ang siste lang  ay closing at bigayan na ng giveaways ang timing ko kaya may nauwi pa ang lola n’yo. Pero siempre nakakapanghinayang ‘yong mga aral at kwentuhan, pero na -meet ko naman dun ulit si AXL at Mark na nakita ko sa iBlog8 sa UP at siyempre nandoon din si Jube. Salamat din kay Ma’am Myrns Geronimo Roman at Lawrence Chan sa pag-welcome sa akin kahit late na late ang arrival ko.

bianca gonzalezSocial Good Summit

September 22- Mabuti na lang at mabilis  na nai-share sa akin ni Tim ang link na kung saan makakakuha ako ng free ticket sa event na ito dahil kung hindi, baka hindi ako nakapagpa-picture kay award-winning journalist Maria Ressa aTV personality Bianca Gonzalez este makakakuha ng  total awareness sa power ng Social Media sa madlang people.

Uuulitin ko na lang , ‘wag sumali sa Cyberbullying lalo na kung hindi mo alam ang isyu at pagkatao nung tao. At hindi dahil nakunan ng kamera ay may right ka na mang-criticize to the max at ganun na siya sa kabuuan.

Scrap n Tell

June 30 12 – Speaking of my hobby, Scrapbook. Buti na-try ko rin maka-attend sa event na ito na organized by Mr. Jeman Villanueva of Orange TV Magazine and ng Filstar Distributor Corporation.  Isa pa, hobby lang at alam kong hindi pa pang award-wining ang aking galing sa scrapbooking kaya naman challenging at bukod pa sa  naiiba ang experience ko na ‘yon dahil scrapbook bloggers ang mga kasama ko.

Carlo OpleiBlog 8

May 25- 26 – First kong maka-attend sa iBlog 8 sa UP na pinamumunuan ni Ms. Janet Toral.  Maganda ang experience ko rito dahil  sa dami ng aking natutuhan about sa blogging, ito man ay may kinalaman sa writing, pagpo-promote ng blog, monetizing or marketing, at sa mga hardcore technicalities gaya ng SEO.

Pero ang isang cool part nun ay ma-meet ko ang mga younger and “hunger” bloggers na gaya ko ay naroon para mas mapagyaman ang kanilang sarili bilang mga bloggers.

Prizes from iBall of AyosDito.PhiBall of AyosDito.Ph

June 8- Swerte-swertehan lang ang manalo sa raffle, ako medyo mailap sa akin yan pero kapag tinamaan ng roleta ng swerte kung hindi sunod-sunod, panalong-panalo  ang prize.Ganyan ang naganap sa aking experience sa event na ito na nagturo sa akin ng isa pang alternative kabuhayan online. Makapaglaku-lako na nga online – #bilibilina @hoshilandia

Halli-Cruz Ballet dancers
Halli-Cruz Ballet dancers

Dance Exchange

April 19 – second ako maimbitahan nito ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) at sobrang thankful ako rito lalo na at hilig ko talaga ang magsayaw – for fun at for exercise. Bukod sa info about sa convention sa Cebu at panood sa mahuhusay na sample performances ng Halili-Cruz Ballet Company at Kislap Sining Troup, nakaka-inspire ang makausap ang head ng National Committee on Dance na si Shirley Halili-Cruz. 

NCCA Bloggers’ Hour

March 27 – 2 bagay ang naramdaman ko sa pag-attend ko sa event na ito ng  NCCA, una ay kasiyahan na mabigyan ng pagpapahalaga bilang blogger. Ang sarap pa rin kasi sa pakiramdam na maimbitahan ka ng isang respetadong ahensya, iyong out of the blue may mare-receive kang email.

Isa pang naramdaman ko yung pagka-proud ko bilang Pilipino. Sa event na iyon ma-a-amaze ka sa kanilang kampanya para ma-uplift pa ang kamalayan ng lahat sa yaman ng ating kultura at sining ng mga Pilipino. In fact, ang maupo at makinig lang kay NCCA Chairman Felipe de Leon ay bibilib ka na.

Maraming salamat sa lahat nang nag-imbita, nag-asikaso at na-meet ni Hoshi sa mga events na ito. Worthy talaga kayo na ma-scrapbook (meaning maging part ng good memory ko). Happy Blogging sa lahat and Merry Christmas and Happy New Year!

Tayo ang Tulay

May sari-saring rehiyon, relihiyon, lengguwahe o diyalekto, at higit sa lahat nakatira sa magkakahiwalay na pulo-  pero sa iisang diwa kaya ng bawat Pinoy na magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ito ay dahil sa halip na pader, marunong tayong tumulay at gumawa ng “tulay.” 

Ang mataas na tulay ng (viaduct) Patapat sa Pagudpud, Ilocos Norte ang pang-apat na pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na nagdudugtong sa Ilocos at  Cagayan Valley.

Ang larawang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 4

Ang Paborito Naming Laruan ni Matmat

I

Grade three po ako no’ng maging kaklase ko si Paeng. Si Paeng po ang naging kalaro ko sa takbuhan at Game Boy. Minsan din po nag-aaway kami kasi po nang-aaway siya ‘pag natatalo siya sa laro. Pero matapang po si Paeng, takot nga sa kanya ang mga kaklase namin eh!

II

Second grading period po namin no’ng mag-transfer sa school si Mathew. Tawag namin sa kanya ay Matmat, ang “Patpat.” Ang payat po kasi niya at ang putla pa. Pareho kaming nine years old pero siya may salamin na. Pala-ngiti naman siya sa akin at sa iba pa naming kaklase. Pero hindi ko po s’ya pinapansin masyado kasi parang ‘di siya masayang kasama.

II.

Isang araw nakaupo ako malapit sa kanya, hinihintay po namin si teacher Rudy. Nagsusulat po s’ya sa papel. Akala ko po nagdo-drawing, ‘yon pala ay tinitingnan niya ang assignment namin kay teacher Rudy. Lumapit ako sa kanya, sabi ko, “Matmat pakopyahin mo naman ako sa assignment natin, mahina ako sa Math e.” Ang sabi niya “Ayoko, bilin ng Nanay ko huwag daw akong magpapakopya.”

IV.

Simula po noon, inis na po ako kay Matmat. Kung ayaw niya, ayoko rin sa kanya, hmp! Ako may friends gaya ni Paeng, may Game boy, at walang tumutukso sa akin na patpat. Kahit mahina po ako sa Math, magaling naman ako sa ibang subjects lalo na sa Science. Alam ko sa’n umiikot ang earth at ano ang pina-pump ng puso. Oha! Oha!

V.

Kulay red po ang grade ko sa Math, 74%. Nang ibigay ko po kay Mama ‘yong (report) card ko pinagalitan n’ya ako, Nang makita naman ni Papa, akala ko po papaluin n’ya ako. Takot na takot ako kina Mama at Papa kasi bagsak ako. Tapos mababa rin ang grade ko noong first grading period. 79 +74+_+_ =?

VI.

Kinuha ni Papa ang Game boy ko, hindi na rin ako puwedeng manood ng TV ‘pag may pasok. Hayyyy! Buti pa ang mga classmates ko masasaya. Buti pa sila walang bagsak. Buti sila makakapaglaro pa rin. Buti pa si Matmat, kahit payat nagta-top sa Math. Teka, ba’t ko ba siya iniisip? Hindi naman kami friends.

VII.

Nagku-quiz kami sa Math nang narinig ko po na gusto ni Paeng na pakopyahin s’ya ni Matmat. Hindi pumayag si Matmat, kaya sabi ni Paeng mamayang uwian lagot daw siya. Kinabahan po ako. No’ng uwian, nakita ko na itinulak ni Paeng si Matmat, natumba s’ya sa lupa. No’ng parang itatapon ni Paeng ang mga libro ni Matmat, pinigilan ko po si Paeng. Ako po tuloy ang nabagsakan ng mga libro, ang sakit!

IX.

Isa, dalawa, takbo! Hinila ko si Matmat palayo kay Paeng. Hinihila ko pa siya kasi ang bagal-bagal po n’yang tumakbo. Noon malayo na po kami, napansin kong nahihirapang huminga si Matmat. Sabi po n’ya, “hinihika ako, hinihika ako!”  Pero sabi niya malapit na raw ang bahay nila kaya sinamahan ko siya pabalik sa kanila. Ang bahay pala nila ay tabi ng pinakamalaking junk shop sa amin. Ito raw ang kompanyang pinapasukan ng mga magulang n’ya.

X.

Malinis po ang bahay nila Matmat pero wala silang ga’nong gamit. Iyong TV nila black and white at ‘yong antenna po no’n ay nakalagay sa kanilang  bintana. May mga platong itim sa dingding nila. Sabi ni Matmat, mahilig daw kasi sa music ang Tatay n’ya.  Dati raw napapatugtog ng Tatay n’ya iyong mga platong ‘yon pero ngayon bago na raw, (cassette) tapes na.  Kinuha ni Matmat ‘yong gamot niya sa hika (Nebulizer) sa parang sirang microwave oven.

XI.

Dumating ang Nanay ni Matmat galing pong palengke.  Marami itong pinamili kasi malaki raw ang kita nito sa kanilang kompanya. May mga nakita akong mga gulay, isda, ‘di plantsadong damit, at ang hinihinging laruan ni Matmat. Nagulat po ako no’ng makita ko ang pasalubong na laruan n’ya kay Matmat, multiplication flashcards, laruan po ba ‘yon?

XII.

Kahit karton at hindi colorful, ang saya-saya ni Matmat nang tanggapin n’ya ang flashcards. “Ba’t ‘yan ang ipinabili mo sa Nanay mo,” tanong ko po sa kanya. Sabi n’ya hindi raw kasi niya makita sa dyaryo kapag iyon ang papel na ginagamit nila sa paglalaro. Saka naguguluhan daw siya sa number four ng tatay n’ya parang number nine. Hindi ko po talaga alam kung bakit ang tingin ni Matmat ay laruan ‘yon. Pero no’ng sumali po ako sa laro nila Matmat at Nanay n’ya, nakakatuwa at nakakaba po pala.

XIII.

Nagsimula kami sa ibang flashcards na nabili noon nila Matmat. May tungkol sa animals, fruit at ang paborito ni Matmat na addition and subtraction. Akala ko po magaling na ako sa sum pero hindi pa po pala. Ang yabang-yabang ko pa po na madali lang sa akin ang mag-plus, ‘yon pala ‘pag mabilis na, ang hirap po pa lang sumagot. Lalo naman po sa minus. Nagbibilang pa lang ako sa daliri ko, sagot na ng sagot si Matmat. Siguro, alam na alam n’ya na lahat ‘yon. No’ng sabi nila Matmat na gamitin na namin ‘yong multiplication flashcards n’ya, nagsabi na po ako na uuwi na ako. “Baka hinahanap na po ako sa amin, good bye po!”

XIV.

Gusto ko pong matalo si Matmat kaya nagpabili rin ako ng flashcards kay Mama. Sabi ni Mama kung sigurado raw po ba ako sa pinabibili ko kasi baka ang ibig kong sabihin ay pogs o teks.  Si Mama talaga, niloloko pa ako. Araw-araw nagpa-practice ako kasama si Yaya. Minsan sumasama rin si Mama ‘pag hindi siya pagod sa work. Sini-secret ko po kay Matmat ‘yon, para ‘pag naglaro na kami ulit, two times na akong magaling.

XV.

“Bakit close na kayo ni Matmat?” tanong po sa akin ni Paeng noong nasa canteen kami ni Matmat. “Ako maraming toys, may bike, at maraming baon parati. Nagsi-share pa nga ako sa ‘yo tapos sasama ka lang dito,” galit ni Paeng habang nakapamewang at nakanguso kay Matmat. “Mabait naman s’ya at saka masayang kalaro,” sagot ko po kay Paeng. “Bakit ‘di ba ako mabait at ‘di ako masayang kasama?” Sagot sa akin ni Paeng. “Saka ang galing-galing ni Matmat sa flashcards.” Ayon natahimik po si Paeng. Ano daw po ba ang flashcards?

XVI.

Isinama po namin ni Matmat sa kanilang bahay si Paeng. Natatawa nga po ako no’ng makita na ni Paeng ang mga flashcards ni Matmat, akala n’ya rin bagong labas na laruan. No’ng araw din po iyon nang makilala ko ang tatay ni Matmat na si Mang Marcos. May buhay-buhat po itong green na maliit na ref (refrigerator). Ang galing, may ilaw pa tuwing bubuksan namin ang bagong cabinet ni Matmat. Tapos nakilaro rin sa amin si Mang Marcos. Ang galing n’ya rin po sa sum at minus!

XVII.

Simula noon friends na kami nila Paeng at Matmat. Lagi na kaming naglalaro ng mga flashcards at nagpapalitan din po kami. Minsan natatalo na rin po namin si Matmat. Ang saya-saya! Kaso isang araw nagalit si Paeng kay Matmat kasi nandadaya raw po s’ya. Natulak ni Paeng si Matmat na napaupo sa lupa. Umiyak po si Matmat sa sakit at maya-maya ay hinihika na naman po s’ya. Tapos hindi pala nadala ni Matmat ang gamot n’ya.

XVIII.

Binuhat namin ni Paeng si Matmat patakbo sa bahay nila. Isa, dalawa, tatlo, pang- ilang street nga ba sa kanila? Sabi ni Paeng kung mag-tricycle na lang kami, hati na lang kami sa bayad. Paano nga po ba maghati? Minus ba ‘yon o times? Pero bago pa po kami mag-tricycle, nakita namin si Mang Marcos na nagtutulak ng kanyang kariton. Sumakay po kaming tatlo sa kanyang malaking kariton pabalik sa kanilang bahay. Ang bilis nga po ni Mang Marcos magtulak ng kariton, two times! Kaya madali pong nagamot si Matmat.

XIX.

Humingi po ng tawad si Paeng kay Matmat at pinatawad naman po s’ya ni Matmat. Hindi rin po siya pinagalitan ni Mang Marcos. Ang sabi pa nga po n’ya ay sana ay maging matatalik kaming magkaibigan hanggang paglaki namin. Kaso, isang araw sabi naman ni Papa lilipat daw po kami ng Davao. Doon daw po s’ya pinagtatrabaho ng boss n’ya. Pare-pareho po kaming nalungkot nila Paeng at Matmat. Nag-iyakan pa nga po kami no’ng nagpaalam na ako sa kanila at no’ng binigyan ko sila ng flash cards. Binigyan ko ng division flashcards sila Matmat at Paeng. Binigyan din nila ako ng cards pero hindi naman po flashcards kundi friendship cards.

XX  

Ngayon pong grade five na ako, hindi ko na po masyado na nagagamit ang mga flash cards ko. Siguro kasi magaling na po ako sa Math. Siguro kasi puwede na kaming gumamit ng computer dito sa school. Pero alam n’yo po kung tatanungin n’yo po ako kung ano ang paborito kong laruan, flashcards pa rin po. Kasi rito po ako natututo sa Math, hindi rin po kailangang mahal ang laruan at saka rito ko rin po naging kaibigan sina Matmat at Paeng. Maraming salamat po!- Sedrich.

Ang entry na ito ay aking lahok sa Kategoryang Kwentong Pambata sa Saranggola blog awards 3 (www.saranggolablogawards.com.)

Ang Bata ko sa Divisoria

Puno ng pagdadalawang-isip ang pagpunta ko sa Divisoria noong Sabado Setyembre 10 para mamili. Kung susundin ko kasi ang pinakapakay ko na bilhan lang ng…

via Ang Bata ko sa Divisoria.

Salamat 2010

Ito ang taon ng pagiging extremist ko at pag-appreciate sa anumang bagay na katuwa-tuwa para sa akin, ako o iba man ang may kinalaman. Panahon nang pagtikim, pag-experience sa kung ano ‘yong puwede pero hindi naman sobrang all out. Ito rin ‘yong nabuhay-buhay ang aking social life. Salamat po God!

Blogging – Maraming major-major things ang nangyari sa akin when it comes sa blogging

  • una siempre ay nung mabuo na ang Hoshilandia.com. Sobrang salamat kay Salbehe, kung hindi sa kanya hindi ko alam kung kailian ako da-dotcom.
  • Sumasali na rin ako sa mga blog contest na  ipinagkikibit-balikat ko dati o kinakatakutang gawin. Siguro mula sa Nuffnang may lima na at yung una yung tungkol sa Red Shoes na pinalad naman akong makapasok sa kanilang shortlist.
  • Pero siempre ang pinaka-ultimate na  so far ay ang maging isa ako sa finalists sa kategoryang Tula ng Saranggola Blog Awards.
  • Dahil dyan naka-attend din ako ng event na kung saan ko nakilala in person ang mga sikat at batikan sa blogging. Gaya na lamang nung nangyari sa akin sa Wordcamp kung saan naman for the second time ay na-meet with pic ko si Mr. Matt Mullenweg or better known as Mr. WordPress.

Events – hindi ko masabing travel ito kasi ang ideya ko sa travel ay outdoor at malayu-layo sa Quezon Memorial Circle pero hindi lalagpas sa Ecopark.

  • Dahil sa influence ni Tim sumali ako sa photowalk sa UP at QC Circle (layo di ba?)
  • Music Expo– Ang ipinagpapasalamat ko dito ay ‘yong mga natutuhan ko lalo na pagdating sa sistema at legal matters pagdating sa music industry.
  • Andalusia – Di ko alam kung mauulit pa ang pagdaong ng replica ng galyon na ito sa ‘Pinas pero nagpapasalamat na rin ako at nakatuntong ako dito. Iba yung experience lalo na ang makipagsabayan sa dami ng tao at kumausap ng mga Espanyol.
  • Amazing Show – ay masasabi ko hindi lang magaganda ang mga Pinay kundi  maging ang mga Bading na Pinoy, panalo!
  • Johnson’s Baby Bed time discoveries actually may kinalaman ito sa blogging pero kasi nung time na ito yong blog mentor ko ang involve, sabit lang ako. Ang natutuhan ko rito ay tungkol sa magandang dulot ng pagtulog ng mga bata.
  • Alternative Publishing Seminar libre lang ang seminar na ito mula sa Ortigas Library. Binuksan nito ang diwa ko sa mga  puwede kong gawin sa aking imahinasyon.
  • Concert yes, naka-attend na rin ako ng concert at kay Aiza Seguerra pa (isa kasi siya sa mga trip kong local artist)
  • Baranggay Election bakit? Kasi active ako sa pagka-campaign na namigay talaga ako ng fliers, nag-house to house at nag-torch parade. Tumugtog pa nga ako ng tambol kahit hindi ako marunong hehehe!
  • Reunion sa  lahat ito ang madugo kasi for the first time isa ako sa nag-initiate at nag-organize. Nakakatakot din baka hindi siputin. Hahaha!

Biz – nahihiya ako sabihin dito pero thankful ako sa mga kaganapan sana lang ay mas ma-manage ko ng husto, maging masagana at tuloy-tuloy. Basta malaking tulong sa akin ang BDO. Hehehe!

Pero siempre nagpapasalamat ako sa lahat nang tumatangkilik sa aking mga pinagaggawa sa buhay, sa pagkakaroon ng mga  bagong kakilala, pananatali ng aking mga kaibigan at pagiging malusog na relasyon na aking pamilya. Kahit medyo minsan feeling ko may down syndrome ako eh alam ko pa rin blessed ako. Yong mga hiling ko, alam NYA na ‘yon pero puwede ko rin naman banggitin sa mga susunod na post. Hehehe

Happy New Year everyone and Gambiramasu!