Monologue: Para Sa Mga Umasa, Patama sa mga Paasa

KCalle Crisologoay hirap panghawakan ang pangakong muli,

kung di lang kasiguraduhan ang tanong…

kundi maging ang ilang beses kang naloko noon.

Subalit minsan pa para sa  samahan

tiwala’y igagawad, pag-asa ang panghahawakan.

II

Ang masakit nito ay kung sino ang pinahalagahan  mo

sa  pang-unawa at tiyaga ay s’ya palang manloloko sa iyo.

Bibigyan ka ng matatamis na salita,

Dadaanin ka sa ngiti at pasakalyeng may patama

Sa huli  rin pala’y manlaglag at mawawalang parang bula.

III

Ngunit kung tinig ko man ay di mo marinig

Pakiusap ko ay wala na ring halaga’t himig

Makakaasa ka para sa samahang

Aking pinahalagahan at iyong  binalewala…

Patatawarin kita, para ako ri’y lumigaya

IV

Aalis man akong malungkot, talunan at

Nasaktan sa hapdi ng  peke mong kinang

Mas magpapasalamat pa rin akong

sumugal ako sa ating samahan at  pagdaka’y

nagising din sa katotohanan.

V

Aalahanin ko na lamang aral na nakuha sa iyo

Mga panahon na napuno rin ako ng pangarap

Pagka’t naniniwala ako na sa karanasang

nahirapan ako ang buhay ko ay lalo sumasarap

Lalo akong tumatalino at nagkakaroon ng puso.

VI

Sa iyo na ang sa iyo

salamat na lang kung maalala mo pa ako

Hindi man ako magiging tulad ng inaakala mo

Hindi rin naman ako magiging katulad mo

Iyon ang higit na ipagpapasalamat ko.

VII

Kung naniniwala ako sa hustisya at karma

Nanindigan din ako na may saya sa pagiging malaya

Sa liwanag ng kinabukasan

at sa  rami ng pangarap na aking matutupad…

dahil sa tingin ko ay may Pag-asa sa buhay kong na wala ka.

 

 

Note: ang  tulang ito ay alay ko sa mga taong umasa, nagpaasa at nag-iisip pang kailangan pang umasa.

tandaan na may relasyon na kailangang ipaglaban sa ngalan ng kung ano pa man.

 

Nonhuman

Love Padlock, N Seoul Towerdahil sa routine ko sa buong isang linggo, at ang recreation ko pa ay pang-emo este solo like blogging, movie marathon, scrapbooking  sound trip, and reading minsan napi-feel ko hindi na ako human. hindi ko na ata alam makipag-interact sa mga tao, eh yon pa naman ang tingin ko na asset ko at nagpapayaman ng aking individuality.   alam mo yung cowboy feel na kahit kanino kaya kong makisama maliban sa mga VIPs like MVP or Oprah Winfrey.

pero to begin with ay ambivert ako na mas madalas ay leaning sa pagiging introvert.  basta may mood na sobrang maloko ko pero madalas parang may sariling mundo lalo na kung hindi ko pa tropa yung nasa paligid ko.  sa akin mabuti na ang masabihang “tahimik mo naman” kaysa “epal mo no!”  Nitong August or July, isang araw naisip ko na lang na kailangan ko ng human interaction!  Well, puwedeng dahil nami-miss ko na rin ang mga kabarkada ko, dating office mate at family ko pero in general gusto ko lang makausap ng tao na walang kinalaman sa trabaho ko o sa kahit anong lagi kong ginagawa.

minsan nare-realize ko na lang hindi ko pinansin yung isang tao, dahil hindi ko sya alam pakisamahan, tantyahin or something to that effect.  tas mayroon naman pinapansin ako pero di ko alam kung anong dapat kong reaction. ewan parang wala lang sa ulirat na then maya-maya parang nakaka-paranoid at extra sensitive na ako.  Ayoko rin naman kasi syempre na makapahiya o makasakit ng damdamin. ayoko rin naman mag-judge or mag-assume. Di ba ang gulo na!  kaya para matigil na ito, kailangan ko na ng tao sa paligid. sarap kayang past  time ang kuwentuhang malupit, pulutan ay crispy kropek sa sukang may garlic tas sasamahan  mo pa ng soda in the end. hayyyyy!

Babae na ang nagliligaw sa Lalake

Dear Ate Jevs,

Hindi ba dyahe kung babae ang manligaw sa lalake?
Feeling ko naman kasi may gusto rin sya sa akin kaya lang ang torpe-torpe n’ya.

Hintayin ko ang payo mo,

Bb. Calachuchi

————————————————————————-

Hi Ms. Calachuchi!

Bukod sa tingin ko ay mabango ka naman in person, salamat naman ay may sumulat sa akin na hindi nag-po. hahaha pabata effect lang.

Sa iyong problema? hmmm! Kung kaya ba ng lakas ng loob mo why not? Kung wala ba syang girlfriend o asawa? Go! At kung wala kang magiging problema sa kung ano siya, yoyoyo!
Wala akong nakikita na masama sa ganito, although siempre naging norm na sa ating mga Pinoy na dapat babae ang nagpapaligaw. Parang it hurts din for girls na ma-basted, e tingin ko
Ready ka naman anu’t ano man. Sabi nga nila “landi-landi rin ‘pag may time.” Gorah na Day!

Humihigop ng mainit na kape sa disyertong mainit,
Ate Jevs

 

Ang Pinakakontrabida sa buhay mo

Magulang mo ba na ayaw kang pagbigyan sa mga gusto mo o iyong parang walang paki sa  iyo?

kaibigan na akala mo loyal True orange, yon pala plastic na walastik may straw pa.

teacher na kung manakot at manita akala mo hindi ka nagsusulat sa pader este notebook at nagbubulatlat ng magazine este libro?

kapit-bahay na walang ibang binantayan kundi ang chismis tungkol sa iyo?

mga kakilala na kung makahusga sa iyo eh akala naman talaga kilala ka.

Mga tao na pahara-hara sa daan kung kailan male-late ka na?

driver na kung humarorot wagas, maningil walang kupas? etcetera-etcetera

Mga kontrabida ng taon, hindi ba nila alam at pati na ikaw na ang pinakamahirap na kalaban ay…

ang sarili mo mismo!

The power of staring

Val and Porky

1. Pag napatingin ang lalake sa babae – iisipin n’ya crush siya ng lalake

kapag tinitigan na nang matagal – feeling n’ya pinagnanasaan na siya.

2. pag nagkatinginan ang dalawang lalake – akala nung isa nababading ‘yong isa

kapag nagkatitigan na sila –  feeling nila masama na makatingin, maya-maya away na.

3. kapag nagkatinginan at nakangiti – ngingiti ka rin dapat

kapag nagkatinginan at nginisi ang kilay (yung itinataas) – dapat ganun din ang gagawin mo

kapag nagkatitigan na – ganun dun ba dapat gawin mo?