Monologue: If I Marry You…

I am always striving to become positive in my life because ,by default, we think negative di ba?  But marriage is something that’s hard for me to imagine so positive. Palaging may idea of separation, jealousy, affair,  and divorce.  Perhaps, I think like kasi galing ako sa broken  and complicated family. But  I believe in blessings, power of love, and good results of commitment.   So my dear future husband, here’s my message if I marry you:

I love  you! I will not marry a man for fame, fortune, and power. I don’t live in the standard of others. I don’t like a trophy husband. I like to spend my time with the person who I’m comfortable to talk to every morning, kiss anytime of the day, and hug every night. And I know this love makes me stay and fight with you through thick and thin.

I’m going to be your lifetime partner.   Sorry dear, I am not a sweet woman who gives you a movie-like gestures. I don’t usually do flower stuff, luxury gifts, and surprises. But you can expect respect, loyalty, team work, care, trust, and love from me. You don’t have to treat me like  a princess. First of all, I’m not from a fairy tale land. But we can be like anime characters – serious, hilarious, passionate, colorful, desire to join force, playful, rely on support of loved ones , and partnership. I don’t forget that we’re two different individuals with different strengths and weaknesses. And yet we complement each other.

You’re a  great blessing for me. I don’t believe in love at first sight nor love is blind. True Love for me is a blessing. It’s not something we can just order anytime or achieve out of mere perseverance. It comes, grows, empowers, and bind us together. And I thank God that He gives me a man like you who loves me for being beautiful with ugliness, confident with insecurities, and totally imperfect.

I commit my now and future with you. It’s not easy to change, but expect we’re going to evolve, be happy, and face future together.

With you, I now  believe that a happy marriage and family is so Real! 

 

 

 

Advertisements

Singleness

Dahil sa article tungkol sa pagiging single ni Carmi Martin’(pep.ph) na-inspire akong mag-share ng paniniwala ko bilang single. Dahil una sa lahat single ako.

I don’t know when  nag-umpisa pero yung huli na tinukso ako na bat hindi pa ako nag-aasawa ay yung matandang driver ng taxi na sinakyan ko. Well may lagi akong sagot dyan, “mamaya na (o bukas) maaga pa e (o gabi na).” In fairness, napapangiti ko yung mga pala-tanong.

Impokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako naghihintay o naghahanap ng special someone. Pero talagang passive ako sa issue ng love and commitment. Basta ang sa akin ay i-develop na lang ang aking relasyon sa aking pamilya, kaibigan at komunidad. Then siempre yung karera at ang aking well-being. For me ang relasyon ay hindi gaya ng pag-a-apply sa iba’t ibang kompanya at napakadaling magpasa ng resignation letter. Takot akong masaktan? Siguro nga! Pero mas takot akong makasakit.

Ngayon, hindi naman tama na sabihin na hindi masaya ang maging single porke’t walang love life. Ang kasiyahan ay nasa pagkatao at pananaw sa buhay. May asawa ka man o wala, kung talagang malulungkutin- malungkot nga ang buhay mo. At hindi naman puwedeng ikumpara ng iba na masaya ang mag-bf o gf dahil masaya sila. Bakit lahat ba ng lalaki o babae magkakatulad? Sige test natin, maghiraman tayo ng syota.

For me, isang interesting na journey ang pagiging single. Kaya mong i-maximize yung individuality mo and i-push ang iyong limitation on your own. Mata-try mo yung mga posible mong gawin na hindi mo magagawa na once na may asawa ka na or magkaanak. Hindi ko sinasabi na malungkot ang magpamilya ha!  ibang kasiyahan meron dun.

I don’t know kung ano life ko kung what if  may asawa na ako ngayon, pero sa sitwasyon ko- okay ako, suave lang. Ini-earn ko kung ano ang pinaghirapan ko at ini-enjoy ‘yong opportunities na available. Hindi ko na napi-feel na cute na cute ako gaya nung teenager ako but mas fun and free ako ngayon.

Pana-panahon naman ‘yan ‘di ba. Pag bata ka, follow them. Kapag teenager or student may liberty pero limited (puwedeng dahil sa baon). Pag may work ka, go! May resources ka na e. Masuerte ka na nga lang, kung may partner kang sasakay sa sarili mong trip.

To be honest, hindi ako naniniwala sa prince charming o sa partner nakasalalay ang lahat ng kaligayahan. Gusto ko ang mga babaeng hindi nag-i-stay sa shadow ng lalaki at nile-let go yung mga pinaghirapan at pinangarap nila. Kasi at the end of the day, kahit masaya ang paligid mo kung sa sarili mo bilang single individual ay nadadama mong hindi mo na-fulfill yung trip mo. Maghuhumiyaw pa rin yan at mapu-frustrate ka.

Materialistic

Alin ba ang mas mainam, ang maging kontento sa kung ano ang meron o mangarap ng magandang buhay para sa kinabukasan ng iyong pamilya?

Dahil half day na at male-late pa ako, tas gusto pa ng guard sa MRT na buksan ang dala kong regalo, nilakasan ko na lang loob kong mag-taxi. Actually, sooobrang bihira akong mag-taxi ng walang kasama o hindi inuudyukan e. Siguro last year pa ako last nag-taxi ng walang kasama.

Para kasing may masamang usok na bumubuga sa kokote ko ‘pag napapansin ko na mabilis pumatak ang metro. Wala akong gaanong tiwala sa mga taxi driver, maliban sa respetado at kilala ang kanilang operator. Siempre, pinaka-bottom line din e, kuripot na naman ako.

Kinausap ko yung driver, na ginagawa ko para maging feeling close nang hindi niya taasan ang singil sa akin. Ewan at mula sa kita niyang whooping 2000 per day ‘pag December (malinis na raw yun) hanggang sa mga  bisyo ng mga taxi drivers gaya ng pambabae hanggang sa pamimik-ap sa quezon ave at makati ng mga lalaki, bading at matrona ay napunta kami sa kuwentuhang  pag-aasawa.

May nasabi ako about na hirap mag-asawa o magpamilya ngayon. Kailangang handa ka sa gastusan at pagiging magulang. Eh mukhang kontento naman sa buhay si Manong. Sabi niya, masaya naman ang may pamilya basta nagtutulungan, masipag sa paghahanap-buhay at hindi materialistic.  May iba raw kasi (siguro mga babae) na wala na nga raw makain ay kung anu-ano pa raw ang gustong bilhin. (buti hindi niya  sinabi yung kung anu-ano ang inaatupag like cheese miss sa’n at pagsusugal).

Medyo napahinto ako, as if nag-moment ako at may nag-voice over ng ilang segundo. “Hoshi, materialistic ka nga ba? Sagot ni Hitokiri, hindi ka materialistic kuripot ka girl!”

Binalikan ko siya, sabi ko kay manong driver, minsan dapat matutuhan talagang maging kontento para mas maa-appreciate mo ang buhay. mukhang nag-agree naman si manong driver. pero sa totoo lang nandoon pa rin ang pagtatalo sa isip ko. pinalaki kasi ako ng nanay ko na ‘wag humintong mangarap. Animo’y ang  pangarap ay color sa iyong life.

In the end, magkaiba pa rin ang satisfaction at contentment.  Hehehehe! Kapag masaya ka na eddie masaya ka na.