Ano ang shortcut sa pagyaman?

Magnegosyo ng big time,  mag-invest in a lucrative venture,  mag-apply ng trabaho in a prestigious company o  mag-create ng  blog then monetize it.  Dali di ba? Kapag may nagsabi sa iyo na huwag maniwala sa mga  items sa itaas, s’ya ang wag mong paniwalaan. Sabihin mo sa sarili mo yayaman ka, shortcut!

short cut to my FaceBook fan page : https://www.facebook.com/hoshilandia

Simple lang ang kailangan para yumaman – hard work. Yung luck dagdag na  flavor na lang pero ang basic ay anumang gusto mo dapat tinatrabaho mo rin, tyinatyaga, pinag-aaralan at pinagbubutihan.

another social media short cuthttps://twitter.com/hitokirihoshi

Kahit anong big time ng iyong negosyo – kung di mo naman ginagawa ang assignment mo. Wala.  Alam n’yo bang marami ang company ngayon ang wala man lang Facebook Fan Page or Twitter account?  At ito ang malupit,  may ibang aspiring businessmen na ni hindi nila alam ang kanilang produkto at serbisyo. Siguro naman hindi na kataka-taka kaya nahihirapan sila sa selling and marketing.

short cut to my home-based business info

Lucrative – para itong word na beautiful kanya-kanyang pagtingin at pag-iingat.  Maraming  promising investments na may iba-ibang form.  Mayroon ding bulaang financial expert and then mayroon ding sincere financial adviser .  You really have to investigate ang taong paniniwalaan mo at hindi lang dahil maganda ang offer sa iyo.  Maaari ring yung type of investment ay swak lamang sa iba  at hindi sa iyo. IMHO,  it’s your lifestyle and  community ang magandang batayan sa kukunin mong investment and business.

shortcut to my Google+: https://plus.google.com/117654077520073057389/posts

Big word  talaga ang hard work  na kahit baliktarin pa natin na sa work hard.  Ang suwertehin na makapasok sa isang kilalang company ay one thing pero ang mag-grow dun ay another thing.  Don’t expect na malaking sahod o  promotion kung ang inaatupag mo ay ranting, selfie – ing , facebook -ing  and chatting.  Kung ‘di naman abala sa iyong precious time ay why not mag-take ng short course, seminar or  mag- Masteral. Nowadays,  ang labanan ay experience at level ng education especially sa  corporate world.

shortcut to my LinkedIn:  http://www.linkedin.com/profile/view?id=133239726&trk=nav_responsive_tab_profile

How to make money in blogging? Yun pa rin ang short cut.  Walang kumikita ng overnight at wala pa ring tatalo sa “Content is King.” Pero sa akin  ang longevity ng iyong blog life ay depende sa level ng iyong passion dito. 😉 

 ang short cut na para-paraan bow! 

Freelancing is freedom to prove yourself

pag freelance worker ka ibig sabihin ay unemployed ka, earning less at kulang na lang sabihin sa iyo na isa kang timawa?

Naranasan ko na noon ang maging freelance worker out of finding the right  company for me.  Hindi yun magandang experience because it couldn’t support my expenses and I realized how foul yong work ethics ng company. But  sabi nga, may purpose ang mga bagay-bagay and if hindi ako dumaan dun I would not be richer now (oha-oha!)…sa skills and experience.

Back to freelance field , back to fighting the norm

To be honest, ang kapal ng mukha ko na bumalik sa ganitong lifestyle eh hindi pa naman ako financially stable.  At idagdag ko na rin yung idea na huhusgahan ka ng marami na kapag freelance ka ibig sabihin ay unemployed ka, earning less  at kulang na lang sabihin sa iyo na isa kang timawa.

Ganun na ganun ang pakiramdam ko noong una, pero hindi na ngayon. Kasi aside sa pagiging freelance  or part time employee  nagdagdag na ako ng iki-claim — isa na rin po akong home based businesswoman (oha-oha). Pero siguro maturity na rin at kahit papaano itinaas ( oo may effort) ko sa pedestal ang confidence level ko. hehehe!  Eh bakit ko naman kasi iintindihin  ang iba kung alam ko sa sarili ko ang ginagawa ko ay tama, gusto ko at nagpapasaya sa akin. Saka para matapos na ang usapan – ganito ang excuse, naapakan ko  ba ang ego mo sa pagiging freelancer ko? hehehe!

Exempted na sa akin matatanda, eh ganun naman talaga ang concept ng karamihan ng mga Pinoy dati pa

May pakinabang ang degree/ pagtatapos mo sa pag-aaral kapag nag- 8-5 regular employee kasi dun may kita at benefits.

Oo naman, nakaka-miss kaya ang  tuwing akinse at katapusan pipila ka na lang sa ATM machine para kunin ang salary mo.  Ang excitement na tingnan ang pay slip mo kung ilan ang kinaltas na late mo o idinagdag sa kaka  over time mo. At kung galing ka  sa pagiging regular na empleyado ng ilang taon, aba  talagang maninibago ka pati na ang katawang lupa mo. Nand’yan yung gigising ka pa rin ng maaga st susumpain ang alarm clock o  makakailang tumbling at kembot ka EDSA para i-beat ang  oras na isang kurap na lang late ka na.

At oo may perks and maraming disadvantages ang pagiging freelance like yung thought din na hindi ka basta-basta maa-approve lalo na sa mga mobile plans, car loan or almost  all kind of loans. Ganun kamahal ng mga company dito ang freelancer, self-employed or small time businessmen.

Why I’m pursuing it?

Call me idealistic but I know how to push my self, realistically.    Ayoko na ng puro idea or rant lang, gusto ko na i-execute yung bagay na alam kong kaya ko naman gawin.  Sa puntong ito ng aking buhay masyado akong naimpluwensyahan ni Steve Jobs

oh di ba parang Ph500 lang kada tingin mo

Pangarap ko mag-retire ng maaga sa pagiging empleyado.  Ginawa ko pa ito ng mas maaga sa plano ko siguro dahil na rin sa  gusto ko i-maximize ang status at  pagiging bata ko.  Mahirap din kapag freelance ka, dahil ang kalaban mo yung sarili mo na kailangan kilalang-kilala mo. Hindi dahil ako si Rhodora X, kundi para mas mai-market at  mapagyaman ko pa ang aking sarili.

Ikaw ano ang kwentong freelance mo?

Changes in My life

These are all the many Changes in My life

If you think I’m gonna talk about my love life

Ah eh hindi, saka na

What I’m gonna  share is my big shift ( don’t forget to put  “F”)

Like Butterfly Sweet Potato

I

lumpia at kamote-q
lumpia at kamote-q

Sa salitang bungang kahoy  ako ay nangangamote pa

Puno ng alikabok, kailangan hugasan saka balatan

Pero nakabaon man ako sa lupa puno naman ako ng sustansya

II

Parang  tubong lugaw lang, mura ang puhunan pero may kita

Pasasaan ba’t mula  sa paggapang na mala higad

Ako ay mabababalot ng mga pagsubok saka magbabagong anyo

Saka lilipad nang pagkataas-taas  gaya ng isang paro-paro

III

May forever slogan, hindi ko papasukin ang isang bagay na hindi ko interes

At wala akong interes na hindi ko binibigyan ng malaking porsyento ng

Panahon, enerhiya at lakas ng loob

To Flyover employment

Noong una nagtatarabaho ako to gain experiencebusiness ideas

To apply ang pinag-aralan ko na aking pinaghirapan at pinaglaban

Sumunod na rason ay to serve and for passion

Pero ngayon nagtatrabaho ako to learn, to earn

to gain experience, and  to know people sa isang bagong field.

Totoo, mahirap kumawala sa comfort zone and very risky

pero ang changes laging nagbibigay ng challenges.

Challenges na once you take positively and seriously

They rejuvenate your purpose and wisdom

Nirerespeto ko ang concept ng ibaPatapat,Pagudpud Ilocos Norte c

“nakakakatakot kasi babalik ka na naman sa simula”

“akala ko ba sa ganitong R, ganitong R  pala ha!

Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon to explain my side

Ganito lang ‘yan mahilig ako sa tulay at hindi ko ikinakahon ang sarili ko

When I want change, I pray for it and work hard to have it

You don’t know what’s gonna happen next as in ‘yong eksakto

Basta ang maiging gawin mo tumuloy ka lang sa pagtulay

Your future is the sum of many factors

Choice+Action+mindset+ situation+faith = change

What’s your career path?

Mapag-isip akong tao na kahit sa pagtulog iniisip ko kung paano kaya ako makakatulog at ilang minuto. What more pa kaya kung usapang career? Kahit marami na akong nakakausap sa bagay na ito at marami akong nakukuhang ideya o payo, parati ko pa rin kinakausap ang sarili ko sa isyung  ito.

Hitokiri : Ano ang ipinagpapasalamat mo sa work o career mo?

Hoshi:  napa-practice ko ang pinag-aralan ko, nakakapagsilbi ako sa ibang tao, at may sweldo akong nakukuha rito.

Siyempre, may mga reklamo rin ako- sagana!  Pero nakuha kong magtagal sa trabahong (iiwan ko na ngayon) dahil sa mga sagot ni Hoshi plus yung malalim na samahan   sa aming grupo at prebiliheyo ng mga taong inugatan na sa isang lugar also known as “seniority”

Money matters? Oh common!

Hitokiri:  Ano ba ang mga gusto mong gawin para sa iyong career? Naibibigay ba ang mga ito ng pinagtatrabahuan mo ngayon?

Hoshi:  Puro ka tanong!

new philippine peso billsBagaman hindi ko  pa ma-imagine na winawalis ko ang pera  sa kuwarto ko (puwede naman ikalat ang tagbe-bente di ba?), hindi ako hypocrite  sa aim ko na magka-isang milyon bago ako mag-40. Wala akong nakikitang bad d’yan dahil pagtatrabahuan ko ‘yan at wala sa hinuha ko ang manloko o mang-apak ng tao. In fact, kung business-minded ako gusto ko magbigay ng source of income din sa ibang tao at iangat ang estado ng pamilya ko.  Pero idealist ako at hindi ako lango sa view na “pera-pera lang yan.”

Because I believe money is just an instrument to buy your needs, your wants or you desires.  But needs, wants, or desires are not equivalent to happiness.

Pero realistic din ako, I know kung gusto mong umangat sa kinalalagyan mo ngayon kailangan may gawin kang extra sa ordinaryong sitwasyon na mayroon ka.

If your income is not enough to support your needs, check your personal finance. Baka naman yung gastos mo ay equal sa dalawang buwang sahod mo? At siempre, hindi puwedeng nagtatrabaho ka lang para may makain o pambayad ng ilaw, tubig at telepono. Mangangarap ka rin ng ibang bagay ‘di ba like business, retirement, education, house and lot at iba pa gaya ng wish kong tablet.

You can’t tell me what I “really” want

grandpa's inn musical instrumentsKamakailan may nakausap ako na todo explain ng work environment na ginagalawan n’ya. Pardon me, pero ang dating sa akin ng explanation niya ay ignorante ako sa industriyang ‘yon at hindi ko kayang tapatan ang ginagawa nila.

Siguro nga hindi at wala rin akong interes na tapatan. Sorry pero alam ko kung anong challenge ang gusto kong pasukin at hindi yung challenge na patunayan ko na mali ang background ko. Kung ang background ko man ay isang mahirap at makaluma, hindi ako dapat mangimi kahit ang kaharap ko ay isang mayaman at maalam sa latest technology. Tao akong pinalaki at humaharap. Ano pa ba ang mas mahalaga sa lahat? Puwedeng mas may alam ang isa sa ganitong bagay pero hindi ibig sabihin noon na ang isa ay mang-mang na.

May nakausap din ako na pinayuhan ako na mag-stay. Ano ba ang mahihita ko sa labas? Babalik na naman daw ako sa rank and file employee and baka magre-retire na lang ako ay hindi pa ko tataas ulit?

Ganito kasi yan e.

Hitokiri: parang manghuhula siya no?

Hoshi: oo nga e, akalain mong sa bata kong ito, sabihan na kaagad akong hindi na ako magiging team leader. Puwede naman akong maging purok leader a, floor manager, chairman of the board o kaya ay chief executive officer.

Hitokiri: Iyong posisyon mo,  ma-miss mo ba? Paano ‘yan baka bumalik ka sa ibaba?

Hoshi:  Tao ang name-miss hindi puwesto at ang mami-miss ko ‘yong mga kasama ko nang ilang taon. At dun sa pagbaba , walang problema. Ang totoong  slasher star, hindi nakabase sa demand ng popularity kundi sa quality ng role na tini-take. Kung nakaka-deliver at nabibigyan niya ng justice ang kanyang role.  Kapag nagawa niya ng mahusay ang kanyang pagganap/ trabaho, sunod-sunod na ‘yan. Awards, more projects, commercial endorsements and even singing engagements.   

Ang title ay title lamang kung  hindi mo talaga feel. Kung mananalo ako na Miss Universe at hindi ko feel na maganda ako. ano yun?

read
My Work is not the whole me
sa next post ko.

How to be creative?

coffee-heart.jpgBago ang lahat binabati ko sila na wala man sa Libangan ng mga Bayani pero nag-alay ng sarili ( kahit hindi pa sila pinagbabaril sa likod). Magasgas na ang gulong ni Mamang kaskasero pero bibitawan ko pa rin ang linyang ito Kung hindi dahil sa mga bayaning sina Ka Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo ( ano kaya ang reaction mo at George Estregan ang pumapel sa karakter mo at take note kasama pa si Nora Aunor), Diego Silang at Gabriela Silang ( mabuhay ka Madam ginampanan ko dati sa school ang role mo), Tandang Sora, Lapu-Lapu at iba pa ay baka Spanish ang blog ko ngayon. I love Filipino, you know!

 Kinalaman?

Siempre thank you sa kanila, Holiday! Walang pasok at tigil-bahay-bawas gastos- lapat-ang-puwit-sa-papag-nganga-sa-paglamon ang mode ko.   Pero ang si Hoshi ay sadyang gustong maging produktibo at kailangan ko ring gawin ang trabaho na sana maiwan ko na este natapos ko sa office plus ‘yong mga the usual.

Eh kaso sadya ring tinamaan ng magaling, walang ma-produce na kahit ano ang kokote ko.  Ni wala nga akong ganang manood ng film, magbasa ng book o kumain kung di rin lang gutom .  Alam mo yung beyond katamaran ang sumapi sa iyo. pero siguro ang nearest synonym sa katamaran na yan ay kawalan ng gana.

Anyway, may ilang seremonyas ako to bring back my senses and to be creative  para maging productive.

1.  Drink Coffee – ayon sa aking sariling pag-aaral, ang kape ay hindi na nagpapa-gising sa akin kundi nagpapaantok. Pero bago ako antukin ay nakakaisip ako ng kunganu-anong idea na para akong naka-high sa amoy ng balat ng pomelo or citrus aurantium.

2. Eat Chocolate –  honestly, antok ang tama sa akin ng chocolate at feeling ko rin pagkagat ko pa lang may bilbil na ako sa arms. Pero gaya ng tamis ng kape ay binibigyan ako ng kakaibang feeling. Hindi masaya e, parang  masidhing passion. hohoho!

3. Dancing – Secret lang nito pero kabog ko si JLo pag tinamaan ako ng magaling at gusto kong magising ang diwa ko. pag sinaniban na ako nagsu-showdown na kami nila Shakira, Beyonce, Britney Spears, Lady Gaga, at Christina Aguilera. wala pa dyan yung tuloy-tuloy na tugtugan ng Black Eyed Peas, Rihanna, Shaggy, at ang pinakamatagal ko ng ka-sama sa dancing floor na si Michael Jackson.

4. Sound trip/ Singing – Thursday Night sumama ako sa gimik ng ibang department. Sulit ang bayad ko sa establishment na pinuntahan namin sa Metrowalk dahil kahit hindi ako umiinom at hindi ako nakakain ng marami, binira ko sa kantahan. Noong pumasok ako sa room na iyon ang dami ko pang burden e, paglabas ko boses ko na lang ang ay problema. salamat Yeng Constantino, Bangle, Aegies at Penny Tai taob ang humamon sa akin. hehehe Peace Dieg!

Hindi ko nga akalain na may ibibirit pa ako habang nag-aantay ng inspirasyon sa harap ng PC.  Buti na lang sinamahan ako ni Ka- Adele, Casting Crown, Celine Dion, Alison Krauss, Bread and Maroon 5.

5.  Surf the Net – Nakakagising ito ng diwa at nakakaiwan ng stress. Iyon nga lang puwede ring magligaw sa focus mo. Pero kung determinado naman  puwede naman makabalik at umalis ulit hehehe.

6. Walk -Walk  then Talk -Talk – Hindi ako typical na tita o ate. Hindi rin naman ako isip bata sa pagkakaalala ko pero alam ko makulit ako. at kapag nasipagan ako na makipag-usap sa kahit kanino que bata o matanda. Maya-maya may maiisip na ako na kakaiba.

iba pa yan yung nakapaglakad-lakad ako ng malayo,  parang akong namumulot lang ng ideya bangketa. iyon nga lang medyo sabaw-sabaw sa una.

cropped-02-09-09_1115.jpg1_Binangonan-confession room

Pero alam n’yo sa lahat ng ‘yan at kahit pa siguro makakakain ako ng mani, hindi naging effective.  Nagkaroon ako ng motivation na gumawa nang magising ako ng 4am kanina, magdasal at  magsulat ng mga dapat kong  gawin sa araw na ito. Hayon nakakarami na ako ng natapos.