Happy Anniversary sa Kwentot Paniniwala ni Hitokirihoshi at Happy Birthday sa creator nito, clue, Hitokirihoshi name n’ya. Hahahaha! Pero bigyan natin ng palayaw ang nilalang na ito, Hoshi. Ang tanda na ng site na ito at minsan na lang na ma-update pero humihinga pa naman.
Dahil blog anniversary, gusto namin mangako sana ni Hoshi na pabongahin Ang site na ito at everyday or every other day mag-post…pero mahirap yon.

Bakit di na nakakapag-blog?
Since day one ng pagba-blog n’ya ay hindi naman talaga s’ya ka-prolific at consistent gaya ng ibang blogger or content creator sa posting. Pero noong una ay at least twice or once a week ay may update. Mas lalong dumalang nang mabuo na ang kanyang lifestyle magazine blog site na hoshilandia.com. Nakakatawa baka ito pa lang this year ang unang post dito. Pero s’ya rin naman ay hindi gaano. Nakakapag-update sa aspectos de Hitokirihoshi (kailangan i-emphasize ang promotion).
Ang tatlo pang reason kung bakit hindi nakakapag-blog?

- May buhay sa likod ng blogging. Bukod sa wala naman akong kita rito kundi kumuda, makatulong at makapagbigay hopefully ng saya ay marami kaming pinagkakaabalahan sa totoong buhay. Hindi ko alam kung percent o level (Math ‘yan e.), pero kahit siguro pagkakitaan ko (pero umaasa rin ako) itong blog ay pipiliin ko pa rin magkaroon pa ng ibang pagkakaabalahan. Aligagang nilalang ako e.
- Wala lang siguro sa personality as a blogger or content creator ko na kailangan may iba-iba pa akong pinagkakaabalahan. Iyong hindi ginugugol sa harap ng screen. By the way, ginagawa ko rin ang social media detox. And it helps na yong inspiration or source mo ng content ay base sa obserbasyon sa totoong buhay. Mananatili ka ring in touch sarili mo at hindi sa kung ano nasa algorithm, trend sa social media, at kung ano/sino pa. Charrot! Ano nga ulit meaning ng algorithm?
- Health, procrastination or tanders na. Sa totoo lang baka ang tanda na ng term na blogging, eh vlogging at content creation na uso ngayon. Lumalabas ba ang edad? Well, we’re still millennial pero kami yung second batch ng pioneer hahahaha. Naabutan namin yung maraming nagba-blog for personal o personal blogger, na mala diary ang datingan. Rant kung rant. Maraming nawala, at may ilan din naman nag-evolve sa content creation na pang malakasan. So anong nangyari sa amin ni Hoshi? Ang sagot ay mula item a, b at ito:
Health kasi pagoda na ang mga lola n’yo sa kakababat ng boto at paglalabada, charr! Procrastination or disorganization kasi may time na hindi rin namin alam kung ano uunahin at kailan gagawin. Tapos papasukan na nawala na sa wisyo.

From time to time nakaka-miss din yung avid readers and co-bloggers na inactive na.
Bakit magba-blog pa rin?
We’re trying to improve or mag-come up ng way na mas makakapag-post pa. The hows are hard but definitely our whys and whats are still overflowing. English yan ha! Perhaps, we will start again sa personal blogging and advice column na nakagawian natin, nang makilala n’yo ako charr. Saka sa personal at social aspeto, marami talagang benefits ang blogging. Masaya daw mag-blog sabi ng HoshiVersion2012.

Bilang Ate Jevz nakakatuwa na nakakatanggap pa rin ako ng letters from our readers. My mistake hinayaan ko at hindi ako gumagawa ng sariling email for this. Pero puwede naman ikoment dito di ba.
Mabuhay and happy anniversary sa atin!
Ate Jevz