Dear Ate Jevs,
Napanaginipan ko po ang aking dating co-worker who’s currently live and work abroad. Nag-uusap daw kami at naitanong ko sa kanya kung bakit nagdesisyon s’ya mag-abroad. Ibinalik n’ya sa akin ang tanong at ang sagot ko sa kanya ay wala (pa) sa plano ko ang mag-abroad. Hindi sa ayaw na ayaw, pero gusto ko ay gumawa at paunlarin ang kabuhayan ko rito sa ‘Pinas.
Ang napansin ko lang ay parang nakahawi ‘yong buhok ko na may bangs at nakaka-distract sa pag-uusap namin. Pinansin ng kasama ko rin ‘yong buhok ko. Okay naman po iyong pakiramdam ko sa pag-uusap namin. Doon lang ako slight na na-conscious sa buhok ko.
Sa totoong buhay po ay hindi kami close ng co-worker ko na iyon, pero hindi naman kami magkaaway. Nag-uusap naman kami dati ng mga bagay-bagay, pero may mga pagkakataon at topic na malabo namin i-open namin sa isa’t isa.
Ano po kaya ang mensahe ng panaginip ko?
Adela
***
Dear Adela,
Mukhang maganda naman ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung ano man ang sinasabi mo doon ay malamang din ay dikit ito sa katotohanan sa totoong buhay. Pero kapansin-pansin sa paningin mo ang iyong buhok. Puwedeng simbolo ito ng mga bagay sa realidad na pumipigil sa iyo para ma-realize o mag-materialize ang iyong mga idea. Kung baga nandoon ka sa alam mo na ang gusto mo pero nanatiling distracted ka.
Sa tingin ko ay maaaring may agam-agam ka rin sa iyong mga ginagawa dito sa Pinas. Minsan naiisip mo na mag-abroad ka na lang kaya? Pero ako Beh, tukuyin at putulin mo muna ang mga bagay na nakaka-distract sa iyo. Kapag sinubukan mo na lahat para sa kina-career pero waley pa rin, that’s the time na isipin ang option na mag-abroad.
Yo!
Ate Jevs
Disclaimer: Hindi expert sa dream interpretation si Ate Jevs. Kung ano man ang ibinabahagi sa post na ito at gaya nito ay sariling pag-aanalisa sa mga bagay -bagay na nakapaloob sa panaginip.