May pangarap pero walang kumpiyansa sa sarili?

Dear Ate Jevs,

Gusto ko may marating sa buhay at alam ko naman na dapat ay pinaghihirapan ang pangarap.  Masipag naman po ako and I’m always looking forward na dumating ‘yong time na maging maginhawa naman  kami. Iyong tipong may sariling sasakyan, bahay, at kapag may nagkasakit ay hindi kami mamomoroblema sa pagpapa-check po.  Pero ewan ko po  kapag nand’yan na iyong opportunity ay parang palagi ko na lang pinagduduhan ko ang aking sarili. Kaya ko ba?

Dinadaga po ako na tanggapin lalo na iyong may malaking sahod sana pero may mabigat ng responsibilidad. Hindi ko po alam  kung takot lang ako na hindi ko kakayanin, sadyang wala akong tiwala sa  aking sarili, o siguro hindi lang po ako sanay na ako na pinagkakatiwalaan sa malalaking katungkulan. Mas sanay po kasi ako na tumatanggap ng kritisismo at komportable sa pagiging team player lang. Kung ako ay hirap na dalhin at kinaya ko lang, paano pa kung ako na pa ang maging  leader sa iba.

Problema po sa akin ito dahil  marami po akong pangarap pa. Alam ko haharap ako sa mabibigat na challenges kaya kapag hindi ko na-overcome ito ay mas lalo akong mahihirapan.  Sana po ay mabigyan ninyo ako ng tips. Marami pong salamat at pagpalain po kayo.

 

Nicole

pexels-photo-919607.jpeg

Dear Nicole,

Ateng ang hirap naman ng kalaban mo— ang sarili mo.  Ang daling magsabi ng payo kung iba kasi dali naman magtsika na tara tumbahin na natin ‘yang lukaret o damoho. Pero ito ay iba e, so kailangan  lansiin, sanayin at ikondisyon mo ang iyong sarili na?

  • Kung ‘di mo lalakasan ang loob mo, eddie mananatili kang feeling mahina at nagkakasya sa kung ano ang nand’yan. Eh kamo marami ka pang pangarap? Alangan naman mangarap ka ng malaki tapos  gusto mo maliit lang ang effort. Gusto mo makarating sa finish line, e ni hindi ka nga tumatakbo. Believe me, mas lalakas ang loob mo, kapag sinasanay mo itong palakasin. Kapag nagawa mo na minsan, masusundan at magagawa mong madalas basta magsimula ka.

Maniwala ka na ang Lakas ng loob is one of the powerful traits in the universe. Itatarak ko ‘yan sa noo ng mga astang matatalino at sa peslak ng mga feeling maganda at guapo.

 

  • Kapag gusto mo ang isang bagay kahit hindi ka sanay na gawin at dinadaga ka ay  ipaglaban mo.  Sino bang nadapa nang bongga na hindi nasaktan?  Que walang tumuklap na balat, bumulwak na dugo,  tumulong uhog, o nangilid na luha– Bes masakit pa rin ang madapa. Ngayon nasa tao na ‘yan kung hindi n’ya iindahin ang sakit o pagkapahiya, either dahil sanay na o deadma na lang s’ya. Ang importante ay hindi ‘yon ang nagpatigil sa kanya para maglakad ulit. At mas magagawa mong bamangon, rumesbak, mag-bounce, at kumadirit pa after ng madapa kapag motivated ka. ‘Pag ginusto mo, gusto mo tanong mo pa sa mga kinantahan ng “Love is Blind.”

 

  •   Baka naman gine-generalize mo ‘yang mga takot mo? Cliché man  gaya ng “rich boy meets poor girl” or “laging may masama sa magkakambal,”   pero oo  “case to case basis” ang mga bagay. Baka naman introvert ka at mas sanay ka na tahimik na nagtatrabaho sa isang sulok kaysa maglider-lideran. Pero maraming introvert na CEOs at artista. Baka naman dahil nag-fail ka dati kaya feeling mo magpi-fail ka ulit. Ano ka born to fail?

Baka naman may “impostor syndrome” ka or “fear of success?”   Ang masasabi ko lang d’yan whatever failure you had before, ano mang nakikita mong similarities, at takot mo sa unknown. May  antonyms ang failures, similarities, at unknown. Wag mo lang itanong sa akin ang specific dahil big word na sa akin ang “antonym.” Ikaw na magturo sa akin, hindi lang antonym kundi pati na rin ang  translation nga mga yoon sa science, Korean, o salitang kanto. Hohoho!

 

Supermodel sa ganda based sa kapal ng mukha,

Ate Jevs

Advertisements

Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident?

May mga  punto sa buhay ko na tinatanong ko rin  ang aking sarili kung  tama pa ba ang pagiging humble ko .  Iyon din kasi  ang  mga  panahon  na  ang pakiramdam ko ay  inaabuso ang  kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba.  Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung  tama  pa ba  ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?

Kailan ba ‘di okay ang  maging humble

It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay  mapagtanto ko ang bagay-bagay.

Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad.  Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.

Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako.  Buti na lang ay may  malupit na payo sa akin ang kuya ko na  tumatak sa kokote ko…

“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.

Sa bagay,  ang kabutihan ay hindi  palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa  sarili nilang mga  karanasan at nakalakhang pananaw.  So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban.    May wrong signal din kung baga. Ayon sa  nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa  Relevant Magazine   minsan ay mali na rin ang  definition natin sa humility.

“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”

So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na  “hindi naman?!,” sabihin mo  radyo “maraming salamat.”  Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa  pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

parish-of-the-holy-sacrifice-via-crucis.jpg
to be humble and confident is … (photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Kailan ‘di cool ang maging confident?

Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na  “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong  bata ako sa  mga  extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong  (esp. kabataan) tumatayo  para sa  kanilang pangarap.   Hindi  pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world.  So kailangan  kapag sasali ka sa reality show,  maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.

Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang  bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan.  Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :

“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves.  Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Para sa akin,  ang hirap abutin ng isang pangarap,  bagay man ito o tao, kung wala  kang lakas ng  loob.   At para  magkaroon  ka  ng lakas ng  loob  kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa  sarili. Ang magandang isipin siguro  tungkol sa  confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng  Diyos ng gifts  at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit  mo  hihindian dahil  lang sa  sinasabi  ng  iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:

“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”

Mabuhay!

Paano kung may nakikipagdebate tungkol sa relihiyon ko?

Wala akong matandaan na dibdibang debate tungkol sa relihiyon maliban sa isang job interview ko.  Ang totoo n’yan nakaranas na ako  na muntik na akong magpalit ng religion and it wasn’t easy and very complicated spiritually-emotionally-mentally. So iyon ang naghulma ng pagtingin ko sa differences between being religious and faithful. Pero “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed” o may makipagdebate  talaga?

Statue-at-San-Miguel-Church

Sa akin first up to seventh reactions ay surely ignore! Wala sa personality ko ang nakikipagtalo at ni ganahan na pag-usapan ang  isyu na sa  tingin ko ay hindi  pinagtatalunan o  malabong may patunguhan na maganda.   Ang  prinsipyo ko na lang dito ay “respect.” I give respect sa ibang tao sa  kahit anong relihiyon na mayroon  sila at nag-e-expect akong ganun din ang gagawin for me.  Hindi naman ako namimili ng kaibigan dahil sa religion. Medyo maiiba nga lang siguro sa kasal, pero mabuti at mayroong naman civil wedding hehehe.

If someone ridicule my  religious belief…

Kung aalipustahin (ridicule) ako because of my spiritual belief,  baka ang una kong isipin  ay  may something na doon sa tao.    Ano ba ang kanyang malalim na  pinaghuhugutan   at intensyon  dahil  it could be  beyond religion na eh. Kasi  sabi ko nga ay hindi naman ako papatol sa  debate o diskusyon tungkol sa religion, pero malamang  makikinig naman ako sa  abot ng aking  makakaya. Pero siyempre I also believe na may kapasidad at malalim na akong RELASYON sa  Kanya para iyon ang sundin ko. Hindi ko na kailangan ipagmalandakan ‘yon. Kung baga my faith is something personal na hindi kayang anuhin lang ng usapan o debate lang.

Isa pa I can say  na rito sa  Pilipinas may  mga batas  na sumasakop sa  ganito   gaya na lamang ng

Article III, Section 5 ng Philippine Constitution 1987

“No law shall be made respecting an establishment of religion or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.”

Hindi ko alam kung malulusuta pa itong batas na  ito at maaaring naba-violate. Subalit, to follow whatever religious practice na mayroon ako ay hindi ko na kailangan ipakipagtalo. Ang alam ko  lang  willing akong mag-share  kung bukas naman ang puso  at isipan ng  makikinig. Ang sarap magkuwentuhan at makipagkapwa-tao  kahit ano pa ang religion ninyo. Basta usapang faith na lang tayo di ba.

Note: Ito at reflection ko sa tanong sa Our Daily  Journey  “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed

Bakit ka may doubt sa sarili mo?

Palagi  akong may doubt sa sarili klo pero maaaring natatabunan ito ng aking mga kagustuhan (desire/ passion),  simpleng hiling man o matatayog na pangarap. Lumilitaw lang iyang pag-aalangan o pagdududa ko kapag may na-experience akong hindi naaayon sa  gusto ko. Pero alam mo ang mas masakit?  Iyong makaramdam  ka ng panghihina dahil ikaw na mismo ang nag-aalangan sa iyong sarili. So I’ll answer this question: “When you find yourself struggling with doubt, how do you find renewed hope?” na nabasa ko sa Our Daily Journey.

When do you find yourself struggling with doubt?

Malaking tulong ang aking maturity ( anuman ang antas nito) ngayon para mabawas-bawasan ang mga doubts ko sa buhay. Nagkakaroon na ng way to have objective perspective.  Magkaiba rin kasi yung kayang unawain ng puso, sa puwedeng maintindihan ng isipan. Pero in contrast sa tsika ng iba na palaging tama ang isip, may pagkakataon na mas tama din ang ♥.  Ang mga sumusunod ay  pinagmumulan ng  doubts ko sa aking sarili.

1 Failure –   Hindi ako  perpektong tao at tanggap na tanggap ko ‘yan. Kapag confident  ako sa ginagawa o gagawin ko ay siyempre ipupursige ko.  Pero kung nagkamali ako sa  bagay  pa naman na feeling ko ay okay naman ako  saka  ako nagdadalawang-isip.

Halimbawa sa work, napaka-sensitive ko kapag napagsasabihan ako sa task. Sa una at pangalawa ay nagbibigay pa ako ng allowance sa pagkakamali pero kapag paulit-ulit  na ay ang big deal noon sa akin.

Puwede rin dito iyong sumubok lang naman, tapos ang laki ng bagsak ng pagkakamali at may naapektuhan pang iba. Iyong tipong parang nasira na ang imahe ko sa ibang tao.

2 Intimidation/ Insecurity – I think medyo complicated ang definition ko ng intimidation na kumo-crossover sa insecurity. Mas malala ito ng noong college at fresh  grad ako (lam mo na bata) dahil mas feel ko na laging mahina ako kumpara sa mga tao sa paligid mong mas may  itsura, matalino, o mayaman.  Medyo rare  na kung ma-experience o maramdaman  ito  pero kapag dinalaw naman ay naku po…deep ang impact. Aminado rin ako na mas madali akong ma-intimidate ng taong alam kong magaling sa math, hahaha!

Ang  most recent na  naalala ko na na-intimidate o siguro medyo na-insecure ako  ay na-meet ko si rich guy freelancer  at nung may nagpa-flood sa wall ko na isang kakilala na panay ang kwento sa latest  achievements n’ya.

3 Incapable – May time na  gustong-gusto ko yung ginagawa ko pero di ko ma-meet yung expectation kaya pinag-iisipan ko yung kakayahan ko. Minsan ako na rin ang napu-frustrate kasi hindi ko na kinakaya o hirap na hirap na ako na ma-meet yung standards. So far, ito ang pinakamatinding factor kung ba’t ako nagkakaroon ng doubt sa sarili ko.

Outcast or you think no one believes in you – hindi naman malala pero there were instances that I felt na napagkakatuwaan or dina-down ako.  Yung doubt nanggagaling na rin sa pagiging conscious na baka  pag-initan or  maliitin ako. Puwede rin nag-aalangan ako sa isang tao kasi part siya ng elite group. In fact, noong college may isang guy na may feelings ako na mabait naman siya sa akin pero inalayo ko na sarili ko kasi dahil sa grupo n’ya.

Ikaw bakit ka nag-aalangan o nagdudu sa sarili mong kakayahan.

Want to know kung ano ginagawa ko

 When I Struggle with Doubt? 

In God’s perfect time: Thank you 2016 and Hello 2017

Roller-coaster ang journey ko this year na para bang mas maraming pababa kaysa pataas. May mga pagkakataon na halos ikunsidera ko ng malas o hindi magandang taon ito para sa akin.  Pero kung babalikan ko iyong mga  panahon na down ako, doon ko pala mas natutupad ang mga dati ko pang pinaplano at maa-appreciate ang ibang tao sa buhay ko.5. time

Nitong Oktubre lamang, I don’t know kung out of frustration or ambition, ay sinimulan kong maglakad ng papers for my business.  Actually three or a week before this, nakadalawa akong job interviews na hindi ako na-hire. I guess hindi lang sa disqualified ako, but all along alam ko na rin na may iba na akong gusto o priority. At nararamdaman ng mga interviewers na hindi lang trabaho ang focus ko sa buhay na.  Hindi ko rin ideni-deny ‘yon kapag tinanong ako. I believe din kasi na ang totoong may malasakit na trabaho/amo ay nag-o-offer ng work-life balance at hindi sahod na malaki lamang. Um-attend ako sa job interview na sa tingin ko ay interesadong gawin na makadagdag sa experience ko at siempre financial.  Subalit, hindi ko rin itatatwa kong halimbawa ayoko ng magpatuloy sa application o maging honest sa sagot. Tapos na ako sa era na kailangan sumagot sa gustong marinig ng HR officer. Hindi sa anu pa man, if I really want the job and I believe I’m qualified hindi ko kailangan magsinungaling o i-sugarcoat pa yung mga linya. Anyway, thank you pa rin sa kanilang time.
So dahil naisip-isip ko nga kaya nga ako nagpi-freelance ay para makapagnego-negosyo rin.  Pero this time, iyon naman ang gusto kong mas matimbang kaysa pagtatrabaho. Dahil dito ay binalikan/binasa ko ulit ang mga business books at magazines ko.  May book ako na “Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business” nabili ko  siguro 2010 or 2011. Ito iyong mga panahon na  kung kailan pa-sideline-sideline pa lang ang drama ko at wala sa isip ko ang mag-freelance. Pero 2013 siguro ko na halos ito matapos at seryosong basahin, yung time na ginawa kong  therapy  workbook ito dahil gusto gusto ko ng mag-resign sa work  hindi lang sa ayaw ko na sa work mismo kundi sawa na ako sa buhay commuter. Muli ko itong binasa nitong nakaraang araw at may isang page (41) dito na halos maluha-luha ako nung makita ko ulit. ..

Simple lang naman ang nakalagay at nilista ko “write your goals, the steps, you will take to achieve them, and your time frame.  Natuwa ako nang ma-realize ko na hindi man natupad noong 2013 o 2014 yung laman ay  halos mission accomplished  lahat ngayong 2016. Yung taon na puro ako gastos, kulang sa kita, down moment, at puro subok ang drama.  Biruin mo nagawa kong ipursige yung mga matagal ko ng goals kung kailan lost, frustrated, at waley ako sa limelight. Sa bagay, isa pang realization din kasi sa pag-abot ng pangarap ay hindi naman puwedeng walang lang extra effort o gastos. May kailangan kang i-risk o ipagpalit in return for something na mas talagang gusto mo. So mas namo-motivate ako ‘pag pressured?

Hindi ko na iisa-isahin yung mga goals na yun at hindi ko rin naman sinasabi na lahat na-achieve na. Pero dahil natupad na iyong iba, feeling ko konting push pa at dalangin ko kay Lord ay matutupad din paisa-isa.

Kaya ang isa sa New Year’s wish, goal, resolution, at prayer ko ay “Tuloy ang pangarap, laban kung laban!

Mabuhay at Happy New Year sa iyo!