IamStorm: wala na nga ako…

IamStorm: wala na nga ako mapaglagyan ng barya kaya bumili na lang akong panibagong alkansya.
Hoshi: (yabang lang) ako nga hindi na makapag-electric fan, baka hanginan yung tambak kong pera sa kuwarto.

IamStorm: wala na nga ako mapaglagyan ng barya kaya bumili na lang akong panibagong alkansya.
Hoshi: (yabang lang) ako nga hindi na makapag-electric fan, baka hanginan yung tambak kong pera sa kuwarto.

Thanks 2009

Gaya ng dati, gusto kong ibahagi ang mga bagay-bagay na aking ipinagpapasalamat sa nagdaang taon, mga bagay na puwedeng maganda o pangit pero pasadong inspirasyon at hamon. Last year nag-start akong magkaroong ng prayer requests and answered prayers na natima ko sa pagbili ng organizer sa PCBS. Okay naman siya nakakatuwa.

Answered prayer 1. Broadband connection

Oo sa tinatagal tagal ng panahon na may PC ako, nagkaroon ng work at ilang part time jobs ay nagtiyaga ako sa dial up. Nagagawa ko ngang magtiis sa P30 kada buwan, kung di kinakailangan. Puyatan lang ang drama.

Noong malaman ko na papatak na 200 lang babayaran ko kada buwan sa PLDT DSL, nagpakabit na ko. Kahit dumalang ang aking mga karaketan, at least wantusawa na ang blogging, chatting, pag-a-upload ng mga pics and videos, nakakapanood na ako ng mabilis-bilis sa youtube. Hehehe siempre damay na d’yan ang papatakbo ng aking resto (sa fb).

Answered prayer 2. Visit Baguio

At last, nakarating na ako sa city of Pines na halos walang kagastos-gastos. Buti na lang umuwi ang ate ko tas nag-aya na mag-Baguio for almost 4 days.

Answered prayer 3. Learn to eat vegetables

Hmmm baka may magpadala ng violent reaction, okay kahit papaano napapakain na ako ng bongga. Before kasi soobrang pihikan ako sa pagkain ng gulay. Pero nitong taon, nagugustuhan ko na ang magkakain ng salad na madahon. Dito sa bagay na ito, gusto ko ring pasalamatan ang mga friends ko na sina Len, Liz, Jovy at Ka Ver. Mga friends dahil sa nakakatakam ninyong pagsasalad, natatakam na ako. One thing pa, mas naging adventurous na ata ako sa pagkain at MEDYO ready ng gumastos pagdating sa pagkain at SALU-SALO.

Answered prayer 4. save money

Kumpara last year, mas naging matumal ang pagkakataon na makapag-save ako. Siguro dahil na rin sa gusto kong ma-try ng mga kabagayan na siempre equal sa gastos. Pero at least, nakapuno na ulit ako ng alkansya.

Answered prayer 5. small business

Siguro mga 5-7 years ago, sinabi ko sa sarili ko na pag-apak ko sa edad na ganito ay bibili ako ng kotse. ‘Pag hindi, kailangan may negosyo ako kahit maliit lang. Hindi PA ako nagkakaroon ng kotse, well, bukod sa wala pa ‘yong latest model na pinapagawa ko (chuz!), hindi rin advisable na mag-kotse ngayon sa taas ng langis at hirap ng buhay, kailangan may exercise (palusot no.35!) at higit sa lahat hindi pa naman ako marunong mag-drive (palusot no.154).

Ang nakakatuwa lang ay noong July, kasama ng aking Kuya, nakapagpundar kami ng store. Ako ang bahala sa financial at siya sa pagma-manage. Tumutulong din ako pero nagpo-focus ako sa isa pang under na business noon. Honestly, mas tulong ‘yon sa kuya ko more than sa kita ko.

Iba yong fulfillment na nakatulong ka na matupad ‘yong pangarap ng iba, saka may pinapatunguhan ‘yong pinagpaguran mo. ‘Yong puhunan doon ay halos naipon ko lang sa pagpa-part time at loan sa SSS. First investment ko ‘yon at first loan sa SSS.

Hmmm medyo may ilang problema kaming pinagdaanan at pinagdadaanan pero nase-settle naman na, sana! Magkagayon man, yong fulfillment na nadama ko nakatatak na yon at magsisilbing aral sa akin para sa mga susunod sa investments. More power Hoshi!

Answered prayer 6. Reconciliation

Wala na sigurong mas giginhawa kapag feel mong wala ka ng kaaway. Although marami akong gustong sabihin pa, for now thankful ako na after so many years nag-usap na kami.

Btw, remember my wild-wild wish? Isa sa natupad na doon ay ang maka-receive ako pareho ng Dirty Dancing 1 and Step Up 2 (puro original po yon Mr. Rickets), yahoo! Thanks JO o “Mama Car-Car”

tipid tips

Dear Ate Jevz,

Aminado ako na naging sosyal ako mula nung magtrabaho ako. Sanay naman ako sa hirap dahil galing ako sa lower middle class pero since nga na  naiba ang lifestyle ko ng ilang taon ay parang mag-a-adjust ako dahil sa hirap ng buhay ngayon. Madalas kasi kinakapos na ako ng pera.

Pwede  mo ba akong bigyan ng tips diyan? Ano ‘yong mga ways na pwede akong maka-earn ng extra money o maka- minimize ng gastos.

Thanks

Tara Neighdito

Dear Tara,

Wow, parang feel ko eh nagho-host ako ng lifestyle & magazine show dito. In fairness I like the idea. Hehehe!

Actually kapag gustong magtipid ng tao, marami bagay siyang nakukuha.  Halimbawa niyan ay ang ‘di mo muna pagbili ng food na  kinatatakaman mo. Oh di ba instant diet ka agad, especially kung fatty or sweet ang target mong lamunin.  Ganon din kapag gusto mong madagdagan ang barya mo by selling bote, newspaper and lata (yes hindi na uso ang garapa my dear).  Nakatulong ka na rin  kay mother nature.

Other than these things… heto pa ang mga advice ko powered by Manang Juling

switchKuryente. kahit sabihin na nating nangitngit ka sa galit sa Meralco dahil mataas ang bill mo eh makinig ka pa rin sa kanila especially kung about sa pagtitipid ng kuryente ang commercial nila.

Sa bahay, hindi namin pinagsasabay-sabay ang mga kagamitan. Kapag may nagpaplantsa, tanggalin muna ang ref. Kapag konti na lang ang pinaplantsa at maliliit na lang gaya ng mga undergarments eh hugutin mo na ang plug. Mainit pa yung plantsa nun, kung gusto mo hawakan mo pa eh. Joke!

Iwasan mo na ang mag-aircon, sa halip ay mag-bentilador ka na lang. promise malakas sa kuryente ‘yan at isa pa hindi yan healthy. Sos tapos yung aircon mo ay may palawit pang hugist pine tree na sobrang bango, nakakahilo!

planga-plangganaTubig. Kung hindi naman pasakit sa iyo and kung alam mong may konting tagas ang mga tubuhan mo diyan eh better isara mo ang pinaka-switch, yung near sa metro sa gabi bago ka matulog.  Ang bulusok kasi ng tubig ng may panaka-nakang utot este hangin na siyang nagpapagalaw ng mabilis sa metro.   But of course, dapat lang na ipagawa mo kaagad ang iyong mga gripo o tubo para iwas aksaya at extra pay.   Tapalan mo na rin yang mga drums at timba ninyo ba!

Plastic, Can, Bottle.  Yes, dadagdagan ko lang yung binanggit ko sa taas.  Minsan djahe pero ano bang mawawala kung iuwi mo na lang yang mineral water mo o di kaya ay iyang coke in can mo. Hindi naman sinabi na magbote ka diyan sa food court. Ang mahalaga ay di ka nagkalat, may pandagdag ka pa sa kabaryahan mo.

alkansyaAlkansya.  Oi hindi lang ito pambata noh! Pwedeng matagal at mas maliit kumpara sa mga savings account ng iba diyan pero  maigi na rin may kalagyan ang mga barya mo.  Hindi mo alam ito ang makaka-save sa iyo ‘pag kulang ang pamasahe mo, kung kailangan mo ng pangmeryenda o pandagdag sa bibilhing mong gadgets.

Lakad.  Hindi ko na kailangang i-elaborate ‘di ba kung bakit mahalaga ang paglalakad kaysa pagsakay ng tricycle?  Kasi ‘di ba dapat alam mo na na ang paglalakad ay form of exercise at tipid sa pamasahe?  Sorry hindi ko talaga ma-explain masyado eh.

bus & jeepBus and Jeep.  Hindi naman sa tinatakot kita, pero tandaan mo na kapag nag-taxi ka hindi mo alam kung magkano ang babayaran mo at malamang hindi pa tama ang metro ni manong kaya baka ‘yang perang dala mo ay magkulang o sumakto lang para sa buong labas mo. Tapos alam mo ba na mahirap ‘yong naho-holdap na mag-isa at idadaan ka pa sa madidilim na lugar?  Ito sa akin lang ito ha, hindi ako nanakot.  Pili ka na lang siguro ng taxi na mapapagkakatiwalaan o ‘di kaya ay magtiis ka na lang sa bus at jeep.  Maholdap ka man (na huwag namang sanang mangyari eh) ay may mahihingan ka ng tulong.

Baon.  Sayang naman ang laman ng ref mo kung hindi mo kakainin ang mga ito, da va?  Magbaon ka lalo na kung magaling kang magluto.  Malaki ang matitipid nito at nakakasigiguro kang malinis ang kinakain mo. ‘Pag nagluto ka ng champorado o  macaroni salad, dalhan mo ako ha!presscon

Raket.  Sa lagay ng buhay ngayon, use your extra time and talent para makapag- part time job and sideline.  Pero piliin mo rin kung ‘yang part time mo ay may patutunguhan. Baka naman ikaw pang gumagastos or ikaw pa ang lugi.

Libre. kumain ka doon sa mura lalo na sa libre. pwede ring magpalibre ka ri paminsan-minsan. hehe!

Tipid.  Ay naku, kalimutan mo na ang lahat sa itaas  ‘wag lang ‘to. Kahit kilo-kilong lata ng soft drinks ang maibenta mo at hindi ka na natutulog kaka-part time eh walang kwenta kung gastos ka pa rin  ng gastos.  May isa akong friend na laging may bitbit na small notebooks na nakalagay doon lahat ng bibilhin niya pati kaliit-liitang bagay na binili niya eh nililista niya roon. In that sense, alam na alam niya kung saan napupunta ang pera niya. Maganda rin ‘yon, lalo na kung may goal kang bilhing bagay. Ay naku masarap mag-check.

Sana’y may nakuha mo ang mga payo ko.  Tsk tsk.

Mabuhay!

Ate Jevz

thanks 2008!

Entrada: Again, Feliz Año Nuevo mi amigos y mi amigas!  Pacencia kung ngayon lang ako nakahirit dahil hindi lamang ako naging abala, nagkasakit din po ako. Vira: Ngayong nakapaskil na ang OX na 2009 calendar, hindi ko mapigilan ang mag-isip at magtanong.  Ano nga ba ang nangyari sa akin nitong 2008?  Siempre pa, may mga malulungkot at negatibo akong naisip pero mas gusto kong balikan yung mga blessings o magagandang pangyayari na natanggap  o naranasan ko. Sa lahat-lahat dalawang bagay talaga ang tumatak sa memorya ko. Iyon ay ang iba’t ibang  lugar na napuntahan ko at o yes! nakapag-ipon din pala ako. 1. Travel & Pleasures In fairness ha, marami-rami rin ang destinasyon ang nabisita ko noong nakaraang taon. Bago iyon sa akin dahil lagi lang naman ako sa Purple Nassau  at  hindi  rin ako ma-adventure sa pagkain man o sa paggastos. Hehehe! a. Pundaquit, Iba Zambales (Feb. 15-17)

sunrise (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales

Maraming first sa viaje kong iyon.  Una, iyon ang first out of town ko na hindi ko kasama alin man sa pamilya ko, partikular na si Manang Juling.  Siempre, panandalian ko munang nilimot ang pagiging kuripot ko dahil first time ko rin nagpaluwal ng pera  para sa paglalakbay. Pero ang hindi ko malilimutan doon ay nang matulog kami ni Avi sa waiting shed from 3 am to 5 am ata yun at napapalagiran kami ng mga tambay. Lamig doon sa area na yon, sobra! b. Avilon Zoo (April 5) white-peafowl3.jpg Cheesy pero baka yun ang first time kong makapasok sa Zoo. Ang kagandahan pa ay ang saya-saya ng lakad ng PIMSI barkada noon dahil walang lumitaw na reklamador. Paubusan ng battery and the winner was Ka Ver’s cellphone. Iba talaga ang masilayan, makadaupang palad at masinghot ang lugar ng mga kahayupan.  Guapo ng mga white peafowl! c. Pura, Gerona Tarlac (May 15-17) tarlac-trip-may-15-17-007“Mabuti po talaga at hindi pa rin namamatay ang kultura ng mga Pinoy! Magdiwang tayo,” iyan ang masasabi ko sa tatlong araw na paghimpil namin nina Avi at barkada kong si Maya sa Tarlac. Buhay na buhay pa rin po ang pagiging hospitable ng mga Pinoy, special mention diyan ang Fernandez Family. Makulay pa rin ang piyestang probinsya nila. Siempre, napuntahan din namin ang pamosong Hacienda Luisita at ayon napadpad kami sa Aquino museum. Doon ko higit na nabasa (diary nila Ninoy at  Ex. Pres. Cory Aquino) at namalas ang pagmamahal ni Ninoy sa kanyang asawa, anak, at bansa. d. World of Butterflies (June 4) , Pan de Amerikana (June 4 &5), and Marikina‘s museums (August 2wobpandeamericana6-4-08-0443) Nabago na po ang pananaw ko sa Marikina dahil sa mga  lugar at sistema na nakita ko sa pag-ikot namin doon. Sa WOB, Shoe Museum, Belen Museum, Miniature Museum, Doll Museum at Pan de Amerikina, talagang ipo-promote ko ‘yung huli. The best e! Mula sa porma ng lugar, mura at sarap ng mga pagkain, hanggang sa serbisyo ng tao maipagmamalaki talaga.  Hindi ko rin kakalimutan ang sinabi sa amin ng may-ari ng restaurant na si Mr. Jun Salvador dahil gagamitin ko yun ‘pag nagtayo na ako ng sarili kong business. Jia You, Hoshi! e. Wordcamp (Sept. 6) and Adarna Workshopwordcamp (July 19) Ah ito, feeling ko lakbay- aral ang ginawa namin nina Avi at Sherma.  Sobrang nahayok kami sa kaalaman at pag-aaral. Sana nga ay matupad namin ang aming mga adhikain at natutuhan. f. Food and Restpilita's famous ...aurants Naku itong 2008 na ata ang pinakamaraming restaurant akong nakainan na iba sa usual kong pinupuntahan.  Ilan sa mga nilamunan namin ang Pilita’s Resto (bandang Greenhills Shopping Center), Halo Café (Cubao Expo), Gottis Ristorante (Atrium, Megamall), Adarna Food and Culture (Kalayaan Ave., Q.C.), Hot Pot Noodle House (Megamall), Ohana Resto (Megamall) etc. g. Antipolo (May 25) and Manaog (August 17) Yung sa Manaog grabe nanakit ang pwet ko sa limang oras na viaje. Mas mahaba pa yung nilagi namin sa bus kaysa sa simbahan pero okay lang ibang experience yun. Sa Antipolo naman, ang masasabi ko lang ay maganda at mabuti na nanatili pa rin ang tradisyon at paniniwala sa nasabing lugar kahit unti-unti nang nagbabago ang paligid nito. May ilan pa akong napuntahan na lugar pero yung mga nasa itaas yun yung  mga the best! 2. Savings alekansyaDahil sa dami ng naging gastos ko last year at wala naman ako masyadong raket ay talagang in-anticipate ko na mahihirapan akong makapag-ipon. Hanggang ngayon nga ay halos hindi ko pa mapuno ang aking alkansya. Pero hindi ako tumitigil at hindi ako nagpapagapi. (Naks, sugod!)  At thankful naman ako kasi maraming salik ang nakatulong para maka-quota ako. yahoo! Aja: Kaya kahit may mga hindi natupad sa mga wishes ko noong 2008, masaya pa rin.  Aasa na lang ako na magkakatotoo ang ilan sa kanila this year. Vaya Con  Dios Hoshi!