Money or Love? …For your Career?

coins for donationNa-excite akong sagutin ang Money or Love na trending topic  ngayong araw sa Twitter. Well hindi ako in love and  medyo-medya ako sa usaping anda.  Siempre pag sinabi mong relasyon – madali sabihin na pagmamahal at kung business naman ay money. Paano naman ang pagpili ng career?

Choose what your Love

Madaling husgahan ang taong walang pera di ba?  Bababa ang tingin mo sa kanyang passion or profession kasi hindi siya kumikita dito. Pero happy siya.  For me panalo pa rin iyon – you can’t buy true happiness.

coffee-heart.jpgEh paano kung pag-aralan niyang itaas ang level ng kanyang talento at nalalaman? Bakit lahat ba ipinanganak na  rich, businessman or magaling sa sales?  Runaway winner  pa s’ya noon Dong or Day – happy na kumikita pa.

Eh paano ka naman  na pinili kung saan ka kikita pero ‘di mo gusto. At parang di ka rin gusto ng ginagawa mo? Unless you learn to love what you do – at sasahugan mo pa ng patient, perseverance at passion- waley!

then Work hard and Fight for it

May mga sumusunod sa gusto nila pero umuuwing luhaan. Bakit?  They tend to put boundary and so much pride in what they do. Realistically, talagang  hindi lahat ay mabentang service o produkto. Accept it and do something about it kung ma-realize  mo na part ka ng elite circle ng mga itinuturing na weird.

Remember mukhang weird ang talagang mga business tycoon and genius.  Pero they fight for their creations – they don’t stop till they reach their goals.

Ang hirap kasi sa ilan, malakas ang utak pero mahina ang loob. May malakas ang loob pero puro yabang ang dating kasi kulang sa  aksyon. Mayroon naman umaaksyon hindi naman pinagpaplanuhan. May nagpaplano pero nag-uubos ng oras bago gumalaw.

Career is … a job well done

bantay churchPaano i-define ang successful career? Dami ng awards! Bakit nasasanla ba ang medals at trophy?  Malaking Kita!  So hindi mo na gagawin kung di mo pagkakakitaan? Sikat na sikat ka!  Marami ba namang natutuwa sa kasikatan mo?

the truth is walang secret formula sa successful career. Sa ganang akin- There’s nothing wrong  in aiming to earn a lot of money.  Sino bang ayaw at di nangangailangan?  Pero kung susumahin, ang career ay ang misyon mo sa buhay at paano mo ito palalaguin at maibabahagi.

Happy Sunday everyone and God Bless! 

 Do you not know that in a race all the runners run, but only one gets the prize? Run in such a way as to get the prize. Everyone who competes in the games goes into strict training. They do it to get a crown that will not last, but we do it to get a crown that will last forever. Therefore I do not run like someone running aimlessly; I do not fight like a boxer beating the air.  No, I strike a blow to my body and make it my slave so that after I have preached to others, I myself will not be disqualified for the prize. – 1 Corinthians 9: 24- 27

What’s your career path?

Mapag-isip akong tao na kahit sa pagtulog iniisip ko kung paano kaya ako makakatulog at ilang minuto. What more pa kaya kung usapang career? Kahit marami na akong nakakausap sa bagay na ito at marami akong nakukuhang ideya o payo, parati ko pa rin kinakausap ang sarili ko sa isyung  ito.

Hitokiri : Ano ang ipinagpapasalamat mo sa work o career mo?

Hoshi:  napa-practice ko ang pinag-aralan ko, nakakapagsilbi ako sa ibang tao, at may sweldo akong nakukuha rito.

Siyempre, may mga reklamo rin ako- sagana!  Pero nakuha kong magtagal sa trabahong (iiwan ko na ngayon) dahil sa mga sagot ni Hoshi plus yung malalim na samahan   sa aming grupo at prebiliheyo ng mga taong inugatan na sa isang lugar also known as “seniority”

Money matters? Oh common!

Hitokiri:  Ano ba ang mga gusto mong gawin para sa iyong career? Naibibigay ba ang mga ito ng pinagtatrabahuan mo ngayon?

Hoshi:  Puro ka tanong!

new philippine peso billsBagaman hindi ko  pa ma-imagine na winawalis ko ang pera  sa kuwarto ko (puwede naman ikalat ang tagbe-bente di ba?), hindi ako hypocrite  sa aim ko na magka-isang milyon bago ako mag-40. Wala akong nakikitang bad d’yan dahil pagtatrabahuan ko ‘yan at wala sa hinuha ko ang manloko o mang-apak ng tao. In fact, kung business-minded ako gusto ko magbigay ng source of income din sa ibang tao at iangat ang estado ng pamilya ko.  Pero idealist ako at hindi ako lango sa view na “pera-pera lang yan.”

Because I believe money is just an instrument to buy your needs, your wants or you desires.  But needs, wants, or desires are not equivalent to happiness.

Pero realistic din ako, I know kung gusto mong umangat sa kinalalagyan mo ngayon kailangan may gawin kang extra sa ordinaryong sitwasyon na mayroon ka.

If your income is not enough to support your needs, check your personal finance. Baka naman yung gastos mo ay equal sa dalawang buwang sahod mo? At siempre, hindi puwedeng nagtatrabaho ka lang para may makain o pambayad ng ilaw, tubig at telepono. Mangangarap ka rin ng ibang bagay ‘di ba like business, retirement, education, house and lot at iba pa gaya ng wish kong tablet.

You can’t tell me what I “really” want

grandpa's inn musical instrumentsKamakailan may nakausap ako na todo explain ng work environment na ginagalawan n’ya. Pardon me, pero ang dating sa akin ng explanation niya ay ignorante ako sa industriyang ‘yon at hindi ko kayang tapatan ang ginagawa nila.

Siguro nga hindi at wala rin akong interes na tapatan. Sorry pero alam ko kung anong challenge ang gusto kong pasukin at hindi yung challenge na patunayan ko na mali ang background ko. Kung ang background ko man ay isang mahirap at makaluma, hindi ako dapat mangimi kahit ang kaharap ko ay isang mayaman at maalam sa latest technology. Tao akong pinalaki at humaharap. Ano pa ba ang mas mahalaga sa lahat? Puwedeng mas may alam ang isa sa ganitong bagay pero hindi ibig sabihin noon na ang isa ay mang-mang na.

May nakausap din ako na pinayuhan ako na mag-stay. Ano ba ang mahihita ko sa labas? Babalik na naman daw ako sa rank and file employee and baka magre-retire na lang ako ay hindi pa ko tataas ulit?

Ganito kasi yan e.

Hitokiri: parang manghuhula siya no?

Hoshi: oo nga e, akalain mong sa bata kong ito, sabihan na kaagad akong hindi na ako magiging team leader. Puwede naman akong maging purok leader a, floor manager, chairman of the board o kaya ay chief executive officer.

Hitokiri: Iyong posisyon mo,  ma-miss mo ba? Paano ‘yan baka bumalik ka sa ibaba?

Hoshi:  Tao ang name-miss hindi puwesto at ang mami-miss ko ‘yong mga kasama ko nang ilang taon. At dun sa pagbaba , walang problema. Ang totoong  slasher star, hindi nakabase sa demand ng popularity kundi sa quality ng role na tini-take. Kung nakaka-deliver at nabibigyan niya ng justice ang kanyang role.  Kapag nagawa niya ng mahusay ang kanyang pagganap/ trabaho, sunod-sunod na ‘yan. Awards, more projects, commercial endorsements and even singing engagements.   

Ang title ay title lamang kung  hindi mo talaga feel. Kung mananalo ako na Miss Universe at hindi ko feel na maganda ako. ano yun?

read
My Work is not the whole me
sa next post ko.

IamStorm: wala na nga ako…

IamStorm: wala na nga ako mapaglagyan ng barya kaya bumili na lang akong panibagong alkansya.
Hoshi: (yabang lang) ako nga hindi na makapag-electric fan, baka hanginan yung tambak kong pera sa kuwarto.

IamStorm: wala na nga ako mapaglagyan ng barya kaya bumili na lang akong panibagong alkansya.
Hoshi: (yabang lang) ako nga hindi na makapag-electric fan, baka hanginan yung tambak kong pera sa kuwarto.

Bida naman si Manny

Madalas ang nagiging bida sa movie ay mga naaapi, iyong may kakulangan at ‘yong sinisingil. Oo, kahit alam na sa istorya na hindi makapagbayad ng ilang buwan ang bida at talagang may intensyon siyang hindi magbayad, lalabas pa ring tama kasi sa point of view niya ang anggulong ‘yon.

Pero ang papel pala ng Manny (maniningil) gaya ng landlady, loan shark, at bangko ay hindi madali. Inutangan ka na, pinapahirapan ka pa sa pagbayad. Sabihin na natin na sa iba ay may interes pero paano naman dun sa utang na personal. Walang resibo, walang kontrata, pangako lang na magbabayad sa ganitong petsa.

Siguro nga ay mga tao na parang okay lang na huwag bayaran. Okay lang kasi mukhang okay naman ang kanyang kalagayan o hindi pa naman naniningil ng bongga. Magiging mas maluwag pa ito depende sa koneksyon nang umutang sa kanyang inutangan – kapatid, kaibigan, katrabaho o kapit-bahay.

Pero naisip kaya nang umutang na kung ano kaya ang pakiramdam na pangakuan, ang paghintayin, ang mag-abono dun sa iba niyang babayaran kasi nasa ibang tao ang kanyang pera, at higit sa lahat ay magmukha ka pang dagdag- alalahanin?

Kung tutuusin, hindi dapat na kinaiinisan sina Manny especially kung ikaw ang lumapit sa kanila. Kung alam mo ang kanilang sistema (lalo na kapag credit card) alam mo rin ang posibleng mangyari kapag hindi ka makapagbayad on time. Pero lalo naman na wala ka ring karapatan na i-blame ang taong nag-alok ng tulong sa’yo sa oras na ikaw ay nagigipit. Minsan pa ha, ang nagpautang pa ang nahihiya dun sa nangutang.

Siguro nga may rason bat hindi makapagbayad, pero dapat may rason din para magbayad. Ang utang ay obligasyon na dapat bayaran sa pinagkakautangan. Dahil maaring ang kanyang pera ay ipon mula sa kanyang sakripisyo, pagtatrabaho at pagtitipid. Wag sanang dumating ang point na masabi ang

“KARMA ran over my DOGMA” – what can I do when my past overpowers my present” (source: Our Daily Journey)