Paano ba maging positibo?

Dear Ate Jevs,

Paano po ba manatiling maging positibo o maging masaya sa gitna na puro kamalasan o kanegahan na mga pangyayari. Lately po kasi ay napapansin ko na lagi akong malulungkutin.  Iyong konting kibot nalulungkot ako at naiisip ko, bakit ko pa gagawin iyong isang bagay wala rin naman mangyayari.

 

Siempre may mga dahilan naman po ba’t nalulungkot ako kaya hindi ko rin mapigilan. Sa ibang banda, natatakot din naman po ako na masyado akong maging negative, na baka ako na pala ang nakakasakit sa iba o sa aking sarili. Ayoko naman po ma-depress kasi kahit may mga pinagdadaanan ako ngayon at  parang hopeless ay nangangarap pa rin ako kahit papaano.  Ano po bang gagawin ko?

Gumagalang,

Marietta

 

******

Dear Marietta,

Paano ba maging positibo?  Paano maging masaya?  Ang sarap sagutin n’yan kung nasa happiest place on earth ka o mala-cloud 9 situation. Iyong di mo pansin si inis, inggit, o awa sa sarili. Tapos iyong laman ng utak mo ay magagandang bagay na iyong nagawa, nakamit, at ikinasiya. Teka  kailan ko nga ba naramdaman iyan?

Pero alam mo kahit pala malas-malasin ka, paligiran ka ng mga bruho at bruha, at ang tagal-tagal naman ma-solve ng simpleng one plus one mo ay puwede pa rin pala kahit papaano makahanap ng positive signs and sides.  Narito ang tsika ni Ate Jevs mo:

Maging positibo sa pamamagitan ng…

to be humble and confident is …
(photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross
Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Don’t regret too much of something you already decided to let go.  May naka-chat akong ex office-mate na ang suwerte raw ng mga umalis sa office namin dati, at s’ya lang ang hindi.  Ang sagot ko sa kanya ay “there’s life after doon and there’s still life din pa naman doon. ”

Kung tutuusin kasi ay mula ng iwan ko ang kompanyang  iyon ay hindi  naman puro triumphs o failures. Roller coaster talaga!  May mga pagkakataon na negative at sumasagi sa isipan ko na what if hindi ako nag-resign. Parang stable na ako doon e. Pero sa bandang dulo pa rin ay maiisip at maiisip ko na mag-resign doon sa iba mang dahilan o pagkakataon.

Sa pagitan ng pagsisihin o hindi, kling na kiling pa rin sa no regret.  I’m happy sa mga naiwan at I’m glad sa pag look forward sa mga susunod sa buhay ko. Ang laking tulong kung matutuhan mong, Marietta ka,  na mag-move on agad lalo na sa mga bagay na tapos na.  Iwas lungkot at nega iyan, bagkus ay magiging positibo’t malawak ang iyong isipin. Ang focus mo ay iyong mga lessons from the past na magagamit mo na lang sa kasalukuyan. Parang kwento ni award-winning actress na si Gina Pareño na ilang beses na nadapa, pero nagbabalik na mas magaling at mahusay. Nagamit n’ya sa pag-arte ang kanyang mga pinagdaanan noon.

Stay away from negative people.  Ito ang mahirap na bahagi pero napakaimportante. Mahirap kasi hindi lang sa  kailangan gawin, kundi dahil hindi madaling ma-identify din kung sino ang nagdudulot ng nega at sadness pala sa iyo. Puwedeng iyong mga negatron ay  iyong akala mo okay, nakakatulong sa iyo, o may concern sa iyo… pero hindi. Kasi either may hidden talaga silang agenda o sila mismo sila ay may problema sa sarili nang-aano lang sila…nang karamay?

Live Brighter… Let Go Energy Vampires ni Hoshi ay nabanggit  na sa buhay pala para maging happy, successful, or positive  ay kailangan makilala at may iwasan/tagpasin ka sa iyong landas. Puwedeng sila ay ang akala mo kaibigan, always may tamang kamag-anak, tsikadora kapitbahay o kapamilyang puro pangda-down ang ginagawa.

Dalawa sa paborito kong tagpasin sa landas ko ay iyong mga friendly pero manipulative, at mga pa-victim (mentality) na kasalanan ng mundo bakit sila nagkakaganoon.

Maging Positibo dahil…

Your existence important, special, and blessing.  Napansin ko rin na isa sa nagpapalungkot sa mga tao ay  ang paraan nila ng pagpansin sa ibang tao. They either pro or against sa current, pero in the end mapu-frustrate sa  pakisama sa kanila.  Ang masaklap  pa doon ay they focus sa external factors,  pero in truth internal problem ang mayroon sila.  I am talking about mindset, accepting your personality, embracing strengths and weaknesses, at celebrating your uniqueness.

Puwedeng kuda ito sa iba, pero kung kikilalanin mo ang iyong personality (introvert, extrovert, omnivert, o ambivert) ay baba ang chance na malungkot ka sa  kaka-compare. Mas magiging positibo ka kung tatangpin mo kung ano ka at if ever kung ano ang willing mo ikumpromiso o baguhin.

No matter what other people say na ganun o ganira ka,  ikaw at ako ay may limitasyon. However we also have our own capacity to go beyond those limitations depende sa maturity, phase o level, or changes in our lives.  Lahat may pinagdadaanan, may mababa o mataas, pero walang taong walang silbi o saysay.  Nasa iyo if you want your life so meaningless, kahit idikdik ka ng ibang tao na ganun. Hanggang naniniwala ka na hindi-hindi-hindi-hindi, sorry na lang s’ya.

Alam mo ba na sa ekolohiya, kapag may isang mawalang species ay magiging imbalance  ang  buhay ng lahat ng living creatures?  Natutuhan namin ‘yan sa campaign para ma-declare na endangered species ang thresher sharks sa Cebu. ‘Di ba kung tutuusin ay wala na tayong paki sa sea creatures na yun dahil tilapia, bangus, dilis at galunggung ang kinakain natin.  Pero oo nga  naman, kapag wala ng sharks, whale, coral sa dagat ay may mag-o-overpopulate na species, may susunod na ma-e-endanger, at mayroon siguradong ma-e-extinct. Bandang huli damay pa rin ang tao. Mabuting mawala na ang pollutants at abusado sa dagat, kaysa mga dapat naninirahan doon ‘di ba? At hindi ka pollutant, ikaw pinaka-unique na specie sa balat ng lupa.  Paki-verify na lang ung badge. charrot!

What you think is what you do, what you show, and what you attract.  Sa totoo lang ang hirap pangatawanan ang katagang “Kapit lang” o “manalig ka lang.” Patience is really virtue kapag nasa crucial stage ka. Iyong kailangan mo na ng sagot sa iyong problema, ora mismo!  Tapos parang wala pa ring nangyayari o malabong maganap ang iyong hinihiling.  Mapapatanong ka na talaga, ano pa ba? Bakit ganito?

Subalit ika nga sa Matthew 6:27.

“Can any one of you by worrying add a single hour to your life?

So kung nega ang sitwasyon, umaksyon ng positive para umuusad ka rin going to positive side.   Iyang pagiging masaya ay choice at result din ng kung ano ang handa mong hanapin, hingin, at ipagkaloob.

Nagtatabas ng damo,

Ate Jevs

Advertisements

Earliest Childhood memory: 4 of 31 Days Blog challenge

Ako at si Bantay
Ako at si Bantay

Naniniwala ako na ang memory ng tao ay selective at ang matitira ay iyong maaaring base sa emotional impact na nagawa sa iyo ng memory.  Pero may ilang  pagkakataon din na basta naalala mo na lang at hindi mo alam kung ano ba ang impact noon sa iyo.  Narito ang ilan sa earliest childhood memory ko  na bago ako mag-grade 2 ( 7 year old)

>> sumasama ako sa pagkuha ng pagkain para sa mga alagang baboy ng lolo ko at nakitulak ako ng kariton n’ya.

>> tumatambay ako sa labas ng gate namin at literal na nagbibilang ako ng taong nagdaraan.

 

>> may picture ako ng two years old ako na nakaturo ako sa  isang lobo habang hawak ako ng daddy ko.  Ang iniisip ko noon ay “yun ang gusto kong lobo sa lahat ng lobo.”

>> may itinulak akong kaibigan sa duyan dahil naisip ko lang kung kaya ko sy’a kasi mataba s’ya hehehe. Bad!

>> pinapasayaw ako sa mga piyesta at reunion ng mga kamag-anak namin. Moody, minsan bigay-todo ako o nagmamaktol ako.

>> pinakain ako ng kapitbahay namin ng tahong, nagsuka ako.

>> pina-squat ako ng kuya ko kasi nahuli n’ya akong dinudura ang mga kinakain kong gulay. Hehehe

>> mabagal  akong dumumi dati, nung narinig ko nanay ko na nakikipagtsikahan sa mga kaibigan n’ya tungkol sa tae… nasanay ko sarili ko na bilisan ang pag-ere. hohoho

>> nung  nasugatan ako nang malubha ( may tahi ako sa binti), ang unang ginawa ng daddy ko ay pakainin ako ng champorado

>> kapag may sakit ako nung bata ay pork and beans ang gusto kong kainin

>> hindi ko matandaan na naihi ako sa salawal nang hindi ko alam hehehe

>>Magnolia ice cream, magnolia chocolate drinks, two pesos ang paboritong ibigay sa akin ng daddy ko.

Meaning of my business name: Day 3 of 31 Days Blog Challenge

5446643327_8dc38a67c3_bWala pa akong konkretong business name pa, pero siguro ‘di na ako lalayo sa name ng  blogazine ko ang Hoshilandia.  Para naman iisa iyong tema at madali ma-promote.  Paano at saan nagsimula ang Hoshilandia?

Dati kapag may nagko-comment sa blog na ito ay ang sinasagot ko ay ‘Mabuhay welcome to Hoshilandia!” Nung mag-offer sa akin si Salbehe ng chance to have a domain ay s’ya na rin ang nag-suggest na why not use Hoshilandia. Well, parang world or baluarte ni Hoshi lang ang peg so okay sa akin.  Kaya maraming salamat din talaga kay Salbehe!

May isa pa akong business name na tina-target pero hindi ko na lang sasabihin muna hanggat hindi ko pa napapa-register.

By the way, Hoshi means star in Japanese and nakuha ko ito sa anime na Fushigi Yuugi. Crush ko ang character Emperor Hotohori.

20 Facts About Me: 2 of 31 day Blog Challenge

Sige sikapin kung mag-isip ng 20 facts about me na hindi ko pa nasulat para sa ikalawang araw ng aking 31 day Blog Challenge.  Walang tema, kategorya o pagkasunud-sunod, basta kung ano ang maisip ko sa moment na ito.

  1. Na-overcome ko na magpa-picture kahit kanino, pero it takes time at personality ng lalaki bago ako makipag-usap. May nakapagsabi sa akin na may intimacy issue ako (lalaki ang nagsabi). Ewan di naman siguro mababa ang self-esteem ko basta ganoon lang ako simula ng nag-teenager ako.

 

  1. Bihira ako makakuha nang mahaba at magandang tulog dahil  madali akong magising at mahirap i-shut down ang gumagana kong isip.

 

 

  1. May 6 akong kapatid sa nanay, 9 na kapatid sa tatay at 3 kapatid na buo.

 

  1. saving-tips.jpgIyong pagkakuripot ko puwedeng nagsimula sa simpleng buhay na kinalakhan ko. Hindi ito pilit, talagang by default ay hindi ako mahilig sa branded clothes, gadgets, at fancy activities. Mas trip ko novelty. Occasionally, napapagastos ako kung travel ang usapan.

 

  1. Hindi ako mainggitin na tao at ayoko nakikialam . Pero sensitibo ako pag napapansin ng iba lalo na kung di katanggap-tanggap ang kritisismo. In a way, it is easy to recognize yung sarcastic praise and mockery versus constructive criticism.

 

  1. Hindi ko pa napapasok ang Araneta Coliseum. Totoo ito, pero ginawa ko ng joke at pang-asar sa ang daming kuda.

 

  1. Minsan maloko o rebellious ako kahit sa mga kaibigan ko hehehe. Alam ng friends ko na di ako nakikinig sa fashion advice.

 

  1. Isa akong example ng jack of all trades and somehow, wala akong paki kung I am master of none. I follow my gusts, passion and happiness minsan  parang  tipong stubborn or impractical na rin. I think marami akong nadi- disappoint especially yung mga mentors dahil sa trait kong ito.

 

  1. Mapagtiis ako pero di masyadong mapagpasensya. Example: Kaya kong magtiis na hindi gumastos, hindi kumain at maghintay pero hindi ako iyong tipong pagpapasensyahan yung mga taong abusado na talaga. Pero naniniwala ako sa diplomasya.

 

  1. Type ko ang mga lalaking cute, medyo nerdy, at medyo oldy lalo na sa mga characters like Peter Parker, Clark Kent, and Harry Potter. So nagulat din ako bat nagustuhan ko si Tony Spark o magaling lang talaga si Robert Downey Jr.

 

  1. May mannerism ako sa panonood, patagilid at nakahawak sa sentido ang mga kamay ko

 

  1. Okay lang sa akin ang mga plastik naniniwala rin ako na may mga bagay na hindi mo naman talaga masasabi ng diretso. Ang mahirap ay iyong balimbing at traydor

 

  1. Hindi ako masyadong relihiyosa o mapamahiin, pero madalas ako magsimba sa Monasterio De Sta. Clara (Katipunan), St. Jude Shrine ( Mendiola, Manila) at EDSA Shrine (Ortigas, Mandaluyong) kapag may pagkakataon.

 

  1. Hindi ako nag-black na damit ‘pag Monday, pero comfortable ako sa dark colored shirts especially Blue and Brown. Attracted ako sa Orange (favorite) at especial na shade ng green. Medyo di ko trip ang lalaking nakasuot ng pink at violet lalo na yung loud pero di ko naman sinasabi na hate ko.

 

  1. Kapag may chance na pinipili ko ang numero o dates na 10, 12, 21, 23 at 27.

 

  1. key-chains-2.jpgPangarap kong magkaroon ng sariling bahay o maging milyonarya (1 million puwede na di ba) bago man lang ako mag-40. Pero mas pangarap ko ang financial freedom na tipong pa-travel travel ako

 

  1. Dati gusto ko magkaanak ng 5 para Bioman…pero ngayon basta 2 or 3 okay na. Sa obserbasyon ko mahirap magpamilya at maging ina.

 

  1. Nalagpasan ko na ang anime and Asian dramas stage, Marvel at DC naman ako ngayon. Favorite ko si Ironman at crush ko si Henry Cavill (Superman).

 

  1. Hindi ako mahilig sa gulay. Kumakain ako ng balot at paa ng manok.

 

  1. Mas nauna akong magkaroon ng refrigerator (second hand na pamana ng kuya ko) kaysa magka-smartphone at single ako :p ahahaha kinalaman

Introduction: 1 of 31 Day Blog Challenge

Nakita ko lang itong 31 Day Blog Challenge sa Pinterest at nagkainteres akong gawin. Kaya rin kasi minsan lang ako sa mag-post dito ay dahil  parang nasa verge ako na  baka preachy, ignorant o feelingera na ako. Pero ang isang bagay din ay siguro ay kailangan ko ulit hanapin ang voice ko at magkaroon ng rule dito at sa Hoshilandia  Anyway, let me do my  Introduction bilang first challenge.

Mabuhay I am Hitokirihoshi

cropped-cropped-twitter.jpgKwentotpaniniwalanihitokirhoshi.wordpress.com Kung babalikan ang una kong post dito ay next year pala ay isang dekada na ako sa pagba-blog sa WordPress.  Naudyukan lang ako noon so wala akong paki noong una kung may magbabasa  at mas gamay ko magsulat ng kwento ko sa diary. Kung mapapansin mo ay napakahaba ng url at blog name ko, sinadya ko ‘yan, pinagsisihan at sa huli ay pinanindigan na lang.  Ang nasa isip ko  dati ay pahihirapan yung mga maghahanap sa akin na as if  sikat na sikat ako.  May privacy issue ata ako at trip na trip ko talaga ang mystery.

Hitokirihoshi Laurence.  May ilan naguguluhan kong babae ba ako o lalaki.  Sa halip na ikorek ko ay ikinakatuwa ko na manghula na lang ang mga nagtatanong. Madalas napagkakamalan akong Sir or Mr. Pero wala akong identity crisis ha :p Sa seryosong aspeto,  mas napi-feel ko yung  appreciation at effectiveness ng blog or ng isa kong  post, kung may magko-comment base sa nabasa n’ya at hindi sa kung anong pagkatao.  Hindi ko naman itatago kung may magtatanong kung gusto akong makilala.

Ang first name sa pseudonym ay kombo ng mga  karakter sa anime at ang Laurence ay  – Little Women.

Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi. Hindi lang uso kundi it’s a must na raw ang niche blogging. Pero isa ako sa mga hindi sumusunod dito una kasi ay personal blog talaga ang simula ng lahat para sa akin.  Nasa personality ko na talaga ang magkainteres sa kung anu-ano at kaya kung anu-ano rin ang kwento ko. Bukod sa makwento rin talaga ako pag nasimulan na.

Siguro sa ilang bad effect sa akin ng pagkakaroon ng isa pang site ay

  • Nahihirapan ako ng definite pagkakaiba nila
  • Tutukan ang dalawa ng sabay
  • Mapag-combine yung mga readers.

Ang na-appreciate ko ay nakikita ko ang pagkakaiba at loyalty ng readers. Mas open ako sa blog site na ito na kahit anong topic at mas personal  ang aking approach. Ang aim ko kasi hoshilandia ay magazine type talaga.

Mabuhay! Bakit Pa Ako Nagba-blog?

hitokirihoshilogoYung kauna –unahan kong post dito ay tungkol sa bakit ako magba-blog? Ngayong halos isang dekada na ako – ang masasabi ko ay mabuti sinubukan kong mag-blog at mag-evolve bilang blogger. Marami itong naitulong sa akin sa aspetong personality development,  communication, social life at discovering more in life.

 

May pagkakataon na naguguluhan ako kasi parang all about business or money na. Minsan din gusto ko ng i-give up kasi hindi ko ma-sustain at parang naapektuhan na yung drive.  Siguro compare sa ibang blogger lalo na sa matatatagal na,  ang baba figures ng hits at followers ko. Pero kasi ang mahalaga sa aking pagba-blog ay passion, personality at relevance.