May mga punto sa buhay ko na tinatanong ko rin ang aking sarili kung tama pa ba ang pagiging humble ko . Iyon din kasi ang mga panahon na ang pakiramdam ko ay inaabuso ang kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba. Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung tama pa ba ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?
Kailan ba ‘di okay ang maging humble
It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay mapagtanto ko ang bagay-bagay.
Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad. Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.
Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako. Buti na lang ay may malupit na payo sa akin ang kuya ko na tumatak sa kokote ko…
“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.
Sa bagay, ang kabutihan ay hindi palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa sarili nilang mga karanasan at nakalakhang pananaw. So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban. May wrong signal din kung baga. Ayon sa nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa Relevant Magazine minsan ay mali na rin ang definition natin sa humility.
“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”
So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na “hindi naman?!,” sabihin mo radyo “maraming salamat.” Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

Kailan ‘di cool ang maging confident?
Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong bata ako sa mga extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong (esp. kabataan) tumatayo para sa kanilang pangarap. Hindi pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world. So kailangan kapag sasali ka sa reality show, maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.
Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan. Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :
“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves. Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.
Para sa akin, ang hirap abutin ng isang pangarap, bagay man ito o tao, kung wala kang lakas ng loob. At para magkaroon ka ng lakas ng loob kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa sarili. Ang magandang isipin siguro tungkol sa confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng Diyos ng gifts at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit mo hihindian dahil lang sa sinasabi ng iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:
“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”
Mabuhay!
sobrang relate po ako dito, ate. Salamat sa shinare mong bible verse! 🙂
Salamat din sa iyong pagbisita at ikinakatuwa ko na ma-touch ka ng post na ito.
Mabuhay!
Hehehe more power po! ❤
Sobrang relate po ako dito ate. Salamat sa shinare mong bible verse. 🙂