Day 1 of 7-day Gratitude Challenge with myself

Active ako sa Facebook hindi para mag-upload ng selfie or mag-post ng status, kundi maglaro ng Cafeland and Kitchen Scramble ( dahil hindi ako magaling magluto). Pero ngayon, after so many months  nakakapag- post ako sa status part dahil sa mga  tag sa akin.  Actually mas makapal ang mukha ko rito sa blog kaysa Facebook, paano nandoon din yung mga former bosses ko. hehehe. Anyway, I Can’t resist yung 2 tags sa akin ng aking mga Ate Friends who  happen to be both good writers and readers.  Unahin ko na yung 2nd tag sa akin and that’s 7-day Gratitude challenge.

Mechanics/ note of  7-Day Gratitude Challenge

 (translated)  Ilista ang 7 mga kabagayan na you are grateful sa loob ng 7 araw, and i-tag 7 tao para sundin ito. Walang pilitan, puwedeng tumanggi… pero magadang pag-isipan at sumali dahil masaya. 

 Day 1

Bumilang pa ng araw bago ko natugunan ang tag na iyon, pero just the same interested ako na  i-share at analisahin din sa sarili ko kung anu-ano ang ipinagpapasalamat ko at  gaano ako mapagpasalamat sa buhay. Salamat lang ng salamat!

ito ang post ko with some editing

I’m thankful kay Lord

a. for Life – kung wala ako nito wala ring chance to say thank you. I’m weird and my life is not perfect- but whatever background and experiences meron ako- kung di sa mga yun hindi ako ito- hello Hitokirihoshi is Hitokirihoshi (hohoho)

b. strong Nanay – kung hindi siya ganyan baka hindi ako kulot este ganito – i think because of her I’m courageous and thrifty (hohohoho) lady (not yet a woman)

c. for many siblings – they are my real guardians, protectors, supporters, partners, and even FB likers (yohohoho)

d. beautiful este healthy body – i have a passionate heart, idealistic mind, gifted hands, sharp eyes, happy feet, musical ears, native nose, famous hair, golden voice etc (#memasabina)

e. various type of friends – as magical as magic sarap but I’m lucky to have different group of friends. May mga kaibigan ako na outgoing,  introvert, book lover, moms, oldies,  geek, foodie. Siguro may  special sa mga yan, pero nevertheless what’s wonderful is you have people around you with different interests and yet accepting you from what you are.

f. education – if you ask me what is my greatest achievement? Hmm wala pa akong Oscar and Grammy so ito na. And hindi man ako super galing or honor student- happy ako sa pinag-aralan ko at sa buhay- eskuwelahan ko from HS to College.  I consider myself bless na to have education. I’m fully aware how hard and unfortunate para sa iba na makapatapos na pag-aaral. And yung course ko is my choice pa so whatever happens to my life after school-I’m more than happy.

g. for the meaningful people – Daddy Marcelino, Itang Maximo Jacob, Mamang Sylvia, Uncle Tudio, Auntie Sion, Ate Jing-Jing, Fernando Poe Jr., Robin Williams, Rico Yan and Dolphy Quizon. ANo common denominator nila? They are all dead and they touched my life- big or small time”

Update: Pagal at pasasalamat

Madali ang maging malungkot lalo na kung iisipin at dibdibin mo. hindi mo na kailangan ng ibang factors lalo na kung talagang likas patola ka sa negative energy na nasa singit-singit lang ng iyong leeg at kuyukot.

Alam mo ba ang salitang “pagal?” parang naramdaman ko yan nitong second week ng June. Pero kahit ganun, nagpapasalamat ako na kahit hindi natupad yung hiling ko may mga napatunayan naman ako sa aking paglalakbay. Malakas pala talaga ang loob ko, kahit mukhang imposible at katangahan – gagawin ko at kahit mahirap sa isang punto malalaman mo rin sa sarili mo kung ano talaga ang gusto mo.

Nagpapasalamat ako sa Kanya dahil may mga tao akong napagtatanungan, may bago akong nakilala at muling nakita at may mga tao na okay naman palang kasama.

Nagpapasalamat ako na kahit malayo iyong mga lugar, traffic at maulan ay nararating ko at nakakauwi naman ako ng safe.

Nagpapasalamat ako na nalalagpasan ko ang mga pagkakataon at mga tao na akala ko dati ay imposible kong maharap. Wala na akong paki kung ako ay napahiya basta lalaban ako.

At kahit nakakatanggap ako ng bad news at may konti pang pagal effect ang aking katawang tao ay ida-divert ko na lang sa winner na pang-divert, ang tumingin sa magagandang bagay. update-update na!

1.kung nabasa mo ang Gadgets? Laptop,netbook or typewriter post ko… well tinupad ko na siya. Nakilala ko na si Hugh  -

2. kung nagtatanong ka kung ano nangyari sa aking pagiging I’m an active Passive Stock Investor . nakatanggap na ako ng dividend ko mula sa aking isang stock at nakakadalawang hulog na ako.  –

3.  at sa wakas nagbunga na rin ang aking Passport Renewal. Natanggap ko na ito noong sat, yahoo!

4.  may adjustment na sa aking ngipin at waist line yahehehe. Kaya kahit mahirap ang may  braces kakayanin ko. konti na lang good bye na sa mahirap pagkasyahin na mga damit.

5. Nakabili ako ng murang LG GW305 sa halagang P1000 (sa ate ko hehehe) at nagagamit ko na siya sa aking sideline. hehehe

6. Google PR 3 na ang Hoshilandia.com ko yahooooo

7. Google PR4 na ang KwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI.wordpress.com. crayola na ako!!!

Thanks 2009

Gaya ng dati, gusto kong ibahagi ang mga bagay-bagay na aking ipinagpapasalamat sa nagdaang taon, mga bagay na puwedeng maganda o pangit pero pasadong inspirasyon at hamon. Last year nag-start akong magkaroong ng prayer requests and answered prayers na natima ko sa pagbili ng organizer sa PCBS. Okay naman siya nakakatuwa.

Answered prayer 1. Broadband connection

Oo sa tinatagal tagal ng panahon na may PC ako, nagkaroon ng work at ilang part time jobs ay nagtiyaga ako sa dial up. Nagagawa ko ngang magtiis sa P30 kada buwan, kung di kinakailangan. Puyatan lang ang drama.

Noong malaman ko na papatak na 200 lang babayaran ko kada buwan sa PLDT DSL, nagpakabit na ko. Kahit dumalang ang aking mga karaketan, at least wantusawa na ang blogging, chatting, pag-a-upload ng mga pics and videos, nakakapanood na ako ng mabilis-bilis sa youtube. Hehehe siempre damay na d’yan ang papatakbo ng aking resto (sa fb).

Answered prayer 2. Visit Baguio

At last, nakarating na ako sa city of Pines na halos walang kagastos-gastos. Buti na lang umuwi ang ate ko tas nag-aya na mag-Baguio for almost 4 days.

Answered prayer 3. Learn to eat vegetables

Hmmm baka may magpadala ng violent reaction, okay kahit papaano napapakain na ako ng bongga. Before kasi soobrang pihikan ako sa pagkain ng gulay. Pero nitong taon, nagugustuhan ko na ang magkakain ng salad na madahon. Dito sa bagay na ito, gusto ko ring pasalamatan ang mga friends ko na sina Len, Liz, Jovy at Ka Ver. Mga friends dahil sa nakakatakam ninyong pagsasalad, natatakam na ako. One thing pa, mas naging adventurous na ata ako sa pagkain at MEDYO ready ng gumastos pagdating sa pagkain at SALU-SALO.

Answered prayer 4. save money

Kumpara last year, mas naging matumal ang pagkakataon na makapag-save ako. Siguro dahil na rin sa gusto kong ma-try ng mga kabagayan na siempre equal sa gastos. Pero at least, nakapuno na ulit ako ng alkansya.

Answered prayer 5. small business

Siguro mga 5-7 years ago, sinabi ko sa sarili ko na pag-apak ko sa edad na ganito ay bibili ako ng kotse. ‘Pag hindi, kailangan may negosyo ako kahit maliit lang. Hindi PA ako nagkakaroon ng kotse, well, bukod sa wala pa ‘yong latest model na pinapagawa ko (chuz!), hindi rin advisable na mag-kotse ngayon sa taas ng langis at hirap ng buhay, kailangan may exercise (palusot no.35!) at higit sa lahat hindi pa naman ako marunong mag-drive (palusot no.154).

Ang nakakatuwa lang ay noong July, kasama ng aking Kuya, nakapagpundar kami ng store. Ako ang bahala sa financial at siya sa pagma-manage. Tumutulong din ako pero nagpo-focus ako sa isa pang under na business noon. Honestly, mas tulong ‘yon sa kuya ko more than sa kita ko.

Iba yong fulfillment na nakatulong ka na matupad ‘yong pangarap ng iba, saka may pinapatunguhan ‘yong pinagpaguran mo. ‘Yong puhunan doon ay halos naipon ko lang sa pagpa-part time at loan sa SSS. First investment ko ‘yon at first loan sa SSS.

Hmmm medyo may ilang problema kaming pinagdaanan at pinagdadaanan pero nase-settle naman na, sana! Magkagayon man, yong fulfillment na nadama ko nakatatak na yon at magsisilbing aral sa akin para sa mga susunod sa investments. More power Hoshi!

Answered prayer 6. Reconciliation

Wala na sigurong mas giginhawa kapag feel mong wala ka ng kaaway. Although marami akong gustong sabihin pa, for now thankful ako na after so many years nag-usap na kami.

Btw, remember my wild-wild wish? Isa sa natupad na doon ay ang maka-receive ako pareho ng Dirty Dancing 1 and Step Up 2 (puro original po yon Mr. Rickets), yahoo! Thanks JO o “Mama Car-Car”

Thanks 4 d hits!

Ayoko sana mag-post pa ng panibagong entry kasi masaya pa ako sa pagse-celebrate (virtually) ng dalawang taon ng Hoshilandia. Actually may gusto pa nga akong idagdag sa aking second official statement, so pakibasa pa rin po. Kaya nga lamang ay hindi ko mapapalampas ang bagay na matagal ko ng napapansin.

Palaging may hits ‘yong post ko na Bi-day ni Nanay (a Hoshi’s monologue). Ikako baka naman may nag-aaral ng monologue or whatsoever tapos ang bumubuluga ay iyon na ngang post. Nakakatuwa lang na na-notice ko na simula ng mailathala ko ‘yon ay halos palagi na siyang part ng top posts ko every day.

Thank you po sa mga nagbo-view! Ang monologue na ‘yon ay hindi lamang basta kinatha kundi may bahid talaga ng katotohanan. Siempre pa!

thank u sa paghahanap
thank u sa paghahanap

Nakakatuwa lang ngayong araw na malaman na talagang ang mismong piece ko na pala talaga ang binabasa o sini-search. Nag-iisa ka man o marami kayong bumabasa noon, maraming salamat sa pagbabasa!

Naniniwala naman ako na bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang linya sa buhay at magandang ipahayag sa paraang masining o punong-puno ng passion.

Mabuhay!

nakakaloka na nakakatuwa

ciencia na mi amigo y mi amiga pero di ko talaga maawat ang aking kakangiti. Por que?

napansin ko sa top searches part ng hoshilandia ko na may nag-search ng…

nakakatuwa lang na malaman na talagang may nagtsa-tsaga na mag-type ng complete name ng blog ko at ng partikular na entry ko na medyo matagal ko nang nai-post. kung sino ka man saludo ako sa iyo! at eto pa…

inulit-ulit mo pa ha? kaya natuwa naman ako. thanks! nakakaloka ka o kayo? hehehehe

alam mo pwede ka rin mag-comment “,)