Ang Pinaka’s top 10 Pinoy-Friendly countries

MATAPOS ang maraming Linggo, nakapanood na ulit ako ng “Ang Pinaka” sa QTV 11 na ang host ay si Rovilson Fernandez na.  In fairness, pinatutunayan talaga ng programang ito na tinatalakay nila ang iba’t ibang paksa bukod sa showbiz.

Sa kanilang September 7 episode ang top 10 Pinoy-friendly countries ang kanilang itinampok.

10. Spain

9.  New Zealand

8. Austria – mayroon daw 22 k + na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

7. Germany – mayroon daw 42 k + na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

6. Guam – mayroon daw 42, 986 na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

5. United Kingdom – meron daw 52, 500 na permanenteng Pinoy na naninirahan.

4. Japan – mayroon daw 83, 303 na permanenteng Pinoy na naninirahan

3. Australia – mayroon daw 211, 664 na permanenteng Pinoy na naninirahan

2. Canada – mayroon 369, 225 na permanenteng Pinoy na naninirahan

1. USA– may 2, 271, 933 na permanenteng Pinoy na naninirahan (as of 2004) at 4 million + (as of 2007)

Totoo man o hindi ang data, nakakatuwa rin malaman na halos napapaligiran na ng mga Pinoy ang mga naglalakihang bansa na may magagandang estado ng ekonomiya at kultura. Nakakamangha na nalagpasan o kinakaya na ng ating mga kababayan ang diskriminasyon, pangungulila at pamumuhay sa piling ng mga dayuhan.

Kung ako ang inyong tatanungin, parte na talaga ng pangarap ko na mangibang bansa.  Minsan hindi na lang ito isang pangarap na tipong gusto ko lamang makapamasyal kundi isang option para masuportahan ang aking pamilya at gumanda ang aking karera.

Sa sampung nabanggit siguro pwedeng umabot ng 50 porsyento na makarating ako sa New Zealand, Australia at Canada.  Pakiramdam ko lang naman kasi may kamag-anak at malalapit na kaibigan kami sa tatlong bansang nabanggit. Kung papipiliin ninyo ako kung saan ko talaga type na magtrabaho, sa ngayon sa Canada  ako nakatutok.

sagrada-familia-front-barcelono-spain by Jen Syngkit
sagrada-familia-front-barcelono-spain by Jen Syngkit

Ilan naman sa pinangarap kong puntahan bilang turista ay ang Japan at Spain. Gusto ko lang matunton kung talagang may malaking orasan sa pinaka-main building ng mga paaralan ng mga Hapon, kung nasaan ang Shimabara, na lugar daw pinaghimlayan ng mga Kristiyano noon (Shougo Hamakusa story sa “Samurai X”), at didiskubrehin ko kung nasaan na ang mga bida ng  “Bioman” at “Maskman” etc. Sa Spain naman, gusto ko makapunta sa mga simbahan nila roon at paano mamumuhay ang mga Español.

Kung may isang bagay ako na naiisip kapag binabanggit ang Germany at Austria, iyon ang kwento ni Maria at ng pamilyang von Trapp. Oh ‘di ba talagang patawid -tawid lang ang istorya nito sa Austria at kay Hitler. Isa pa pala na naaalala ko ay ‘yong pelikula nina Michael Douglas at Melanie Griffith na “Shining Through.” Okay din lang sa akin na may magpapunta sa akin sa mga bansang ito.  Proud pati ako masilayan ang monumento ni Dr. Jose P. Rizal sa Germany.

Isa rin sa gusto kong marating ang United Kingdom. Titingnan ko kung anong laban ng Orasan ng Manila City hall sa Big Ben (hehehe!) Maramdaman ang panlalamig ng mga hari at reyna o ang pakikipag-usap sa mga Briton gamit ang aking waray accent. Chuz!

Sa lahat ng nabanggit  parang ayokong pumunta ng Guam. Para kasing puro negative  news ang nasasagap ko lalo na yung dalawang artista noon na nasangkot sa drugs at grupo ng mga sexy stars na nagbebenta umano ng aliw.  Pero ayon naman sa “Ang Pinaka” marami na ngang Pinoy ang  ninirahan at marami naman silang magagandang benefits na nakukuha roon.

Magkagayon man nais ko  pa ring libutin muna ang Pilipinas bago lumipad sa ibang bansa.  Gusto ko, pag napadpad ako sa ibang lugar kargado ako ng mga impormasyon tungkol sa ating bansa, partikular na sa mga tourist spots natin. Aba hindi naman ako papayag na sila lang ang may magandang bansa no! (please watch this video!)

Dungaw, a Puppy Love fiction (pu-fi)

Warning: mahaba ‘to, e kwento nga e

 

I.

 

Noong una wala ka lang sa akin, suplado ka kasi, minsan lang lumabas ng bahay at magkaiba ang henerasyon natin. Ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaro, lalo na sa mga nakababata mong pinsan. Pero, isang araw bigla mo akong tinitigan at tayo’y nagkausap. 

Dahan-dahan sa pakiwari ko’y nag-iiba ang trato natin sa isa’t isa. Palagi ka nang nakatambay sa harap ng bakuran n’yo, habang ako’y palaging napapadungaw sa bintana namin. Unti-unti nagugustuhan ko ang pagiging tahimik mo, ang ‘di mo paghuhubad ng T-shirt kapag nagba-basketball, ang itsura mo na laging mukhang presko kahit pagod. Maging ang pag-iwas mo sa mga inuman at ‘di paninigarilyo,  pagbabasa ng diyaryo at pagpapatugtog ng radyo. 

Alam mo bang napakasaya ko noong batiin mo ang pagsasayaw ko kahit parang  palpak naman  ang  nagawa ko.

 

II

 

Napangiti ako nang malaman ko na marami pala ang nagkakagusto sa iyo. Akala ko nga may nagustuhan ka sa isa sa mga kabarkada ng ate ko. Bigla-bigla hindi ka na lumalabas sa inyong bahay at nawala na rin ang alingawngaw ng iyong radyo.  Napansin ko na lang din na palagi akong niloloko ng kuya mo noong mga panahon na iyon.  Sila ba ang patalastas ng ating kwento?

Isang okasyon, nagulat ako dahil sumama kang makikain sa amin.  Sa bigla ko nga ay para akong naging istatwa at namula ang aking mukha. Kahit gutom ako nun, mas pinili ko ang maglagi sa kwarto

Naalala ko rin noong gabing ‘yon ay nagmamadali kang umuwi. Akala ko nataranta ka rin dahil bigla akong lumabas, iyon pala nahiwa ang daliri mo ng salamin ng mesa namin. Ang cute, namula ka rin nang magtama ating mga mata.

 

III.

 

Minsan umangkas ako sa tricycle ng kaklase kong lalake para maihatid malapit sa bahay namin.  Kung ano ang saya ko sa biyahe, iyon naman ang simangot ko noong makita mo akong bumaba ng tricycle. Nanginig ata tuhod ko noong tumayo ka at umalis. Tama nga ang song mo sa akin, “Isang Tanong, Isang Sagot” type ba natin ang isa’t isa?  

Pero mas nalungkot ako nang malaman ko na maninirahan ka sa ibang bansa.

 

IV.    

 

Ilang taon ang nakalipas, wala ng balita sa iyo at abala na rin ako sa ibang bagay. Isa sa inaayawan ko noon ay ang mamalagi sa tindahan namin, pero minsang abala ako sa pagnguya ng chichirya ay narinig ko na lang boses mo.

“Hi Hoshi!” bati mo sa akin. Noong araw na iyon, parang lalo kang gumawapo at hindi ako nakaimik. Sabi mo “hindi mo na ako kilala?” Kunwari, kinikilala kita pero sa totoo lang alam kong ikaw na ‘yon. Pero, ang mahirap sa iyo puro ka pagbati  at hindi ka marunong magpaaalam, lalo na nung muli kang umalis.

 

V.

 

Nitong Marso nabalitaan ko na darating ka at dahil may teresa na ang bahay ninyo hindi ko maiwasang tumingala rito. Subalit ilang linggo na ang nagdaan nun ay hindi pa rin kita nakikita.

Isang araw, naisipan ko na magsimba sa paborito kong simbahan sa Manila. Dahil inabot ako nang tanghaling tapat at nakita kong may mga basura sa tapat ng aming bakuran, medyo uminit ang ulo ko. Subalit, maya-maya  ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

Nang tumingala ako, nakadungaw ka na sa inyong teresa. Binati mo ako at dalawang beses  naman kitang nasabihan ng “Hi!” Binati kita at sinagot mo naman ako sa wikang Tagalog kaya namangha ako sa iyo.  Iba ka kasi sa  nakatatanda mong kapatid.  

Maya-maya napadako ang tingin ko sa batang naglalaro sa tabi mo  Tinanong kita kong kaano-ano mo ang bata. Sinagot mo ang tanong ko at dahil doon gusto ko nang tumalikod kahit nararamdaman ko na gusto mo pa akong kausapin.  Pero tingin ko ‘di mo narinig ang tanong ko dahil saliwa rin ang sagot mo nang sabihin ko na kausapin mo ang kuya ko.

Hindi ko mapigil ang mapatanga sa tuwing naalala ko ang eksenang iyon, lalo na’t nalaman ko na hindi mo naman  nakausap sino man sa miyembro  ng pamilya ko o sa mga kapit-bahay natin. Salamat! Dahil nitong huling alis mo, isinigaw mo ang pangalan ko.

Liars go to Abroad

  

Sa hindi pa malinaw na scenario, pinagbibintangan ang pamangkin kong si Ms. Calabasa na ginawang sketch pad ang passport ng ina niyang si Bisanghot. Dahil dun, namomobrolema ang aking ate Bisanghot dahil sana ay naka-fly sana  noong January 7 sa bansang nandoon yung isa pa niyang kapatid na si Antot.

Eto na ang siste, pasan na nga niya ang kapapelan niya sa pagre-renew niya ng passport ay naloka pa si Bisanghot dahil mali ang nakalagay na year sa birthdate niya. 1978 imbis na 1977. eh ever since naman ay 1977 ang ginagamit niya. Magkasunod lang kaya sila ni antot. As in kaka-debut lang halimbawa ni antot last year, si Bisanghot naman ngayon.

Hindi ba nakakabanas, simpleng pagkakamali ng iba laki ng dadanasing hirap. Partdida ha, mahabang pila at proseso pa ang pagdadaanan para maayos yung isang simpleng character o number na yun. Alam yan ng buong pamilya ko, bakit? Sa dami namin, dalawa lang kami nung ate kung panganay ang may tamang info sa birth certificate.

Si bangaw nga yung birth certificate, walang name. wa da pak peru trulili.

Kung tutuusin hindi na rin masisisi ng ilang ahensya gobyerno kung bakit buhay na buhay ang Recto University.  Naku may nalaman nga akong story na pinagpalit ang identity ng kanyang mga anak makaalis lang bansa yung isa dun.  And wagi siya ever.

Tas nalaman ko sa ate ko na isa pa (siencia na ha, marami  talaga akong ate. Pero patas naman kasi marami rin akong kuya) na kailangang ipa-authenticate mo muna yung diploma at transcript mo sa school, sa Ched at sa Malacañang para kilalanin ng POEA o kung type mong mag-abroad.

Nang pusang kinalmot, apat na taon kang kokopya sa kaklase mo at mang-uuto ng profs eh sa bandang huli papa-validate mo pa ulit yung diploma mong inagiw na sa dingding.

Ah basta… kakasama ko sa trabaho ni Manang Juling alam na alam ko na pahabaan talaga ang pila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Minsan kahit may backer ka na, mas maikli nga lang hehehe…

Naku wish ko lang pag-turn ko nang  lumipad eh wag naman akong mahirapan…ang lesson lang naman diyan eh… tago mo kapapelan mo at wag mong pasusulatan sa bata.. dava. Tas koneksyon-koneskyon, be socialite like mi mama!

If I know marami ang nang-churva ng papeles para makapag-abroad, hindi dahil sa gusto nila kasi kailangan.