pagbibigay ng second chance kung third party ang kasalanan?

Ate Jevs, okay lang po ba ang pagbigay ng second chance kung ang reason ng hiwalayan ay third party? Hindi ko kasi maintindihan iyong kakilala ko kung bakit pinagbigyan n’ya pa ang nangaliwa n’yang BF. Kung ako kasi basta third party ang isyu, ayoko na bigyan ng second chance.

Ano po ang opinyon n’yo rito? Maraming salamat.

Marie

Photo by Immortal shots on Pexels.com

oo o hindi sa pagbibigay ng second chance?

Marie wala namang may gustong hiwalayan, lalo na dahil sa third party. Pero hindi lahat ng hiniwalayan, dahil sa third party, ay babaeng o lalakeng walang kapintasan. Gayon din ay bibihira ang breakup, third party o hindi, ang walang matinding rason. I don’t think madali rin sa nag-third party ang magdesisyong iwan ang taong minahal o minamahal pa nya kahit papaano.

Sa akin depende talaga sa kaso kung sa usapang pagbibigay ng second chance. Ang laking factor din kung sino ang ipinalit sa akin at paano iyong naging sitwasyon. Halimbawa matalik na kaibigan ‘yong third party, tapos may anak na sila at nagmamahal pa si ex-bff sa nagbabalik na bf ( pang teleserye DAY!).

Pero sabihin natin na ang nagbabalik na bf or gf ay humingi ng tawad, at wala namang ibang isyu kundi pagbibigyan mo lang ng second chance. Kung ako oo, kahit pa nga sabihin na complicated ( except pinagsasabay pa kaming Damuho s’ya). Ang rason ay basta MAHAL ko.

Alam kong mahirap ibalik ang tiwala. Kailangan patunayan na this time na mapagkakatiwalaan ulit s’ya. Pero para lang sa ideya na dapat hindi pinabibigyan ang minsang nangaliwa ng second chance ay parang pinipigilan mo naman ata ang sarili mong matututong magpatawad, magmahal ulit o lumigaya pa. Again lahat ng break up ay masakit pero logically ay baka may valid reason. Halimbawa si BF ay hindi sweet at insensitive sa emosyon ni girl. Then si girl may problema imbes na damayan ni bf, si boylet officemate ang shoulder to cry on n’ya.

You know love is not only a noun, its also an action word. Anyway, paano naman kung..

Photo by Mike on Pexels.com

paulit-ulit ang pagbibigay ng second chance ?

Kapag lumalabas na technically na third to nth chance na ang second chance, in my opinyon desisyon na iyon ng taong binalikan. Kung love is blind, well he or she decides to be a blind. And ako I have nothing to say sa mga taong ganoon, I respect them ( sana ikaw rin Manay hohoho) anuman ang desisyon nila. If there’s a person na makakapag-decide na tama o sige pa sa pagmamahal, ‘yon na ‘yong taong gaya ng kakilala mo.

nanood ng a second chance sa sinehan ,

Ate Jevs

Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident?

May mga  punto sa buhay ko na tinatanong ko rin  ang aking sarili kung  tama pa ba ang pagiging humble ko .  Iyon din kasi  ang  mga  panahon  na  ang pakiramdam ko ay  inaabuso ang  kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba.  Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung  tama  pa ba  ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?

Kailan ba ‘di okay ang  maging humble

It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay  mapagtanto ko ang bagay-bagay.

Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad.  Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.

Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako.  Buti na lang ay may  malupit na payo sa akin ang kuya ko na  tumatak sa kokote ko…

“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.

Sa bagay,  ang kabutihan ay hindi  palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa  sarili nilang mga  karanasan at nakalakhang pananaw.  So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban.    May wrong signal din kung baga. Ayon sa  nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa  Relevant Magazine   minsan ay mali na rin ang  definition natin sa humility.

“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”

So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na  “hindi naman?!,” sabihin mo  radyo “maraming salamat.”  Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa  pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

parish-of-the-holy-sacrifice-via-crucis.jpg
to be humble and confident is … (photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Kailan ‘di cool ang maging confident?

Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na  “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong  bata ako sa  mga  extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong  (esp. kabataan) tumatayo  para sa  kanilang pangarap.   Hindi  pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world.  So kailangan  kapag sasali ka sa reality show,  maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.

Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang  bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan.  Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :

“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves.  Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Para sa akin,  ang hirap abutin ng isang pangarap,  bagay man ito o tao, kung wala  kang lakas ng  loob.   At para  magkaroon  ka  ng lakas ng  loob  kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa  sarili. Ang magandang isipin siguro  tungkol sa  confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng  Diyos ng gifts  at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit  mo  hihindian dahil  lang sa  sinasabi  ng  iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:

“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”

Mabuhay!

Bakit ka may doubt sa sarili mo?

Palagi  akong may doubt sa sarili klo pero maaaring natatabunan ito ng aking mga kagustuhan (desire/ passion),  simpleng hiling man o matatayog na pangarap. Lumilitaw lang iyang pag-aalangan o pagdududa ko kapag may na-experience akong hindi naaayon sa  gusto ko. Pero alam mo ang mas masakit?  Iyong makaramdam  ka ng panghihina dahil ikaw na mismo ang nag-aalangan sa iyong sarili. So I’ll answer this question: “When you find yourself struggling with doubt, how do you find renewed hope?” na nabasa ko sa Our Daily Journey.

When do you find yourself struggling with doubt?

Malaking tulong ang aking maturity ( anuman ang antas nito) ngayon para mabawas-bawasan ang mga doubts ko sa buhay. Nagkakaroon na ng way to have objective perspective.  Magkaiba rin kasi yung kayang unawain ng puso, sa puwedeng maintindihan ng isipan. Pero in contrast sa tsika ng iba na palaging tama ang isip, may pagkakataon na mas tama din ang ♥.  Ang mga sumusunod ay  pinagmumulan ng  doubts ko sa aking sarili.

1 Failure –   Hindi ako  perpektong tao at tanggap na tanggap ko ‘yan. Kapag confident  ako sa ginagawa o gagawin ko ay siyempre ipupursige ko.  Pero kung nagkamali ako sa  bagay  pa naman na feeling ko ay okay naman ako  saka  ako nagdadalawang-isip.

Halimbawa sa work, napaka-sensitive ko kapag napagsasabihan ako sa task. Sa una at pangalawa ay nagbibigay pa ako ng allowance sa pagkakamali pero kapag paulit-ulit  na ay ang big deal noon sa akin.

Puwede rin dito iyong sumubok lang naman, tapos ang laki ng bagsak ng pagkakamali at may naapektuhan pang iba. Iyong tipong parang nasira na ang imahe ko sa ibang tao.

2 Intimidation/ Insecurity – I think medyo complicated ang definition ko ng intimidation na kumo-crossover sa insecurity. Mas malala ito ng noong college at fresh  grad ako (lam mo na bata) dahil mas feel ko na laging mahina ako kumpara sa mga tao sa paligid mong mas may  itsura, matalino, o mayaman.  Medyo rare  na kung ma-experience o maramdaman  ito  pero kapag dinalaw naman ay naku po…deep ang impact. Aminado rin ako na mas madali akong ma-intimidate ng taong alam kong magaling sa math, hahaha!

Ang  most recent na  naalala ko na na-intimidate o siguro medyo na-insecure ako  ay na-meet ko si rich guy freelancer  at nung may nagpa-flood sa wall ko na isang kakilala na panay ang kwento sa latest  achievements n’ya.

3 Incapable – May time na  gustong-gusto ko yung ginagawa ko pero di ko ma-meet yung expectation kaya pinag-iisipan ko yung kakayahan ko. Minsan ako na rin ang napu-frustrate kasi hindi ko na kinakaya o hirap na hirap na ako na ma-meet yung standards. So far, ito ang pinakamatinding factor kung ba’t ako nagkakaroon ng doubt sa sarili ko.

Outcast or you think no one believes in you – hindi naman malala pero there were instances that I felt na napagkakatuwaan or dina-down ako.  Yung doubt nanggagaling na rin sa pagiging conscious na baka  pag-initan or  maliitin ako. Puwede rin nag-aalangan ako sa isang tao kasi part siya ng elite group. In fact, noong college may isang guy na may feelings ako na mabait naman siya sa akin pero inalayo ko na sarili ko kasi dahil sa grupo n’ya.

Ikaw bakit ka nag-aalangan o nagdudu sa sarili mong kakayahan.

Want to know kung ano ginagawa ko

 When I Struggle with Doubt? 

Paano makaka-Save ng Thresher Sharks?

Itong Setyembre ay naging aware  ako sa panawagan sa Change.org at  ThunderClap tungkol sa pagsasailalim ng mga uri ng pating ( Thresher Sharks) sa Appendix II  CITES at red list ng IUCN.  Vulnerable at mabilis na mawawala ang mga isdang ito kung hindi mapipigilan.

Hindi ko na hahabaan ang post na ito, kung nais mong malaman pa ang  relasyon ng ganitong adbokasiya sa ating well-being, economy, tourism, at iba pa. Maaaring mong basahin ang mga sumusunod na posts:

Save Thresher Sharks for Malapascua Island
Save Thresher Sharks for Malapascua Island

Ano ang halaga ng pagba-budget sa health, wealth, and environment?

 Anak ng Pating, what’s the matter if fishes die

May Pawala ng uri ng Isda, paano na?

Sa ngayon ay nilalayon na makapdagdag pa ng boto sa Change.Org para mapaabot sa mga kinauukulan ang  petisyon  para sa mga Thresher Sharks.  Sa hindi pa nakakaalam sa Pilipinas lamang makakapag-dive ang mga turista na makakita sila ng mga pating. Sa Monad Shoal around Malapascua Island (Cebu) ay mga Thresher Sharks ang mga bida.  Noong panahon ng Super Typhoon Yoland/ Haiyan ay ang mga Thresher Sharks ang nakatulong para muling makabangon ang mga residente sa Malapascua. Para sa detalyeng ito, panoorin ang youtube video sa ibaba.

savethreshertala-thresher-shark-by-hitokirihoshi

Sana makapagbigay tayo ng suporta at maibahagi rin natin ito sa mga kapwa nating Pinoy  man o hindi, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Magsisimula na ang convention (COP 17) sa 24 September to 5 October 2016 in Johannesburg, South Africa. Kaya Puspusan ang  kampanya rito.

Mabuhay!

Weird quirk of Mine, patagilid akong manood: 31 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nabanggit ito pero maituturing kong weird and natural quirk of mine ay ang patagilid kong panonood. I-imagine mo si Jean Grey na nakahawak sa magkabila n’yang sentido at patagilid (kanan side) na nakatingin sa iyo na umaastang nanood lang na ala-Cyclops- ganern.

Bata pa lang ganito na ako. Sabi ng nanay ko ay namana ko raw ito sa Lolo ko. Pero dati wala pang kamay tapos nagagawa ko ito kahit hindi nanood ng TV. Naalala ko na nasa grade 5 ata ako noon nung pinansin ng teacher ko na tinitingnan ko raw sya ng kakaiba o masama. Patagilid lang tumingin masama na? Tapos habang lumalaki ako mas more lang ng panonood pero padagdag nang padagdag yung mga daliri sa paghawak sa sentido ko. Dati isang kamay lang at ngayon lahat na. Madali mo nga akong makikita sa sinehan kasi ako lang yung mukhang tangang nakahawak sa sentido at patagilid na nood. Daig pa ang naka-sunglass na pang 3D animation.
Nung high school nagkaroon na ako ng astigmatism. Pero bukod sa posibleng ito ang dahilan, nagbabasa rin ako ng medyo madilim sa kuwarto. Tapos nagsalamin ako at tinanggal ko na lang kusa kasi nawala naman na yung pamamaga ng mata ko. Sagabal lang din kasi sa panonood yung salamin kasi nga kusang tatagilid ang paningin ko at sumusuot ang daliri ko sa loob ng salamin. Mula naman noon ay okay ang mata ko. In fact, ang linaw-linaw kahit isuksok ko na yung ilang daliri ko sa mga mata ko. Lahat na nga ng mga friends ko na kapwa ko ng profession ( may kinalaman sa computer) ay nakasalamin na at nahihirapan ng umaninag. Ako hindi malinaw kahit pag sa mga annual checkup sa office.
Habang sinusulat ko itong post na ito. Ngayon ko lang naisip na i-research bat nga ba ako sideway manood? Kadalasan may kinalaman sa head posture at eyesight ang nakikita ko, pero itong tsika ng Naked Scientists ang naka- relate ako base sa pakiramdam ko….
“The reason is probably the same as the reason people generally find it hard to do two things at once, or the reason that it’s hard to concentrate on a book if someone’s talking. Averting your gaze allows you to cut yourself off from a particularly attention-getting and distracting environmental stimulus – the questioner’s face – in order to focus on the answer to the question.”
Nakakaloka na isa rin palang sign ito na tinitingnan kung may autism ang isang bata ayon sa Autism Help For You.
Pero Iba kasi pag naka-scanning mode na ako parang buong-buo kong nakukuha yung tinatakbo ng pinapanood ko news o istorya man. Mas natatandaan ko yung mga linya, iyong acting partikular na mga character, at maliit na bagay na BAKA hindi kaagad napapansin ng iba. May mga times na sinusubukan ko ito sa pakikinig lang sa iba. Medyo effective kaso nakaka-conscious kasi mukha nga lang akong tanga at ayoko rin masanay. Baka makasira na nga sa mata ko. Pansin ko rin kasi hirap akong magtuwid ng pagguhit ng linya kahit may ruler o pattern. Ewan baka totoo o palusot ko na lang din dahil pinaniniwala ko na tagilid talaga ako tumingin. Sa panonood lang talaga wala akong control lalo na pag may papatungan ng kamay. Automatic iyon kahit pigilan ko sa simula o straigt naman akong nakatingin sa screen.
Any explanation? Share naman!