Falling out of love…paano makipag-break?

Dear ate Jevs,

Paano po makipag-break sa boyfriend ko na 6 years na po kami mag-on? Nawala na po kasi ‘yong feeling ko. Parang best friend na lang yung tingin ko sa kanya.

Nagsama po kami sa house nila last year po at magwa-one year po (yun) this year, Oct. Last month pa po ako unti-unting umiiwas sa kanya. Umuwi na rin po ako rito sa house namin para kahit papaano makaiwas ako sa kanya.

Mabait naman po s’ya sa akin, (ang) kaso ayoko naman magsisi sa bandang huli. May nagawa na rin po ako na pinagsisihan ko dahil ‘di ko sinubukan this time. Gusto ko siguraduhin itong feelings ko.

Paano po ba ako makikipag break sa kanya po? Ate jevs please help me at pwede n’yo po ba ako bigyan ng advice?

Truly yours

Grace

—————————————————————————————-

Dear Grace,

Tulad ng aking sinabi sa aking hiwalay na page (yon oh ^ between bungad and hu me?) ay sasagutin ko sa hiwalay na entry ang iyong problema.  (naku tingin ko magiging seryoso ako sa pagsagot.)

Grace napanood mo ba ‘yong One More Chance? Kasi ako ‘di ko natapos yun noong pinanood ko sa SM North. Pero nakuha ko naman ang sense ng pelikulang ‘yon, ang makipaghiwalay muna si Basha (Bea) kay John Lloyd (Popoy) para hanapin ang kanyang sarili at palawakin ang kanyang nasasakupan este pwedeng gawin. Minsan kasi kailangan ng isang individual na ma-feel talagang individual siya na kaya niyang mag-stand on her own.

Kung talagang feel mo ay kailangan mo ng umaksyon, gawin mo. In the end, “double jeopardy” sa iyo yan kasi niloloko mo na lang siya at pati ang sarili mo. Ano ba ang trip mo maghiwalay kayo ng maayos o talagang may  drama with action scenes  and special effects? Honesty is the best, than police, este policy.

Ngayon kung gusto mo talaga ng step by step advice ito ang multiple choice ko.

  1. Kausapin mo siya once and for all “honey, I love you and you love me, but isn’t okay if I break up with you? Gusto ko lang alamin ang real feelings ko. Parang naba-vibrate ko kasi mas gusto na kitang maging BFF kaysa BF e.” ( note: tago mo muna ang mga patalim at pwedeng ibato, bago ka magtapat)
  2. Magsimba kayo sa St. Jude, Quiapo Church o saan man. Baka kailangan mo na ng Divine intervention. If you feel habang nagdadasal kayo na magkatabi na “ah baka naguguluhan lang ako (dahil sa ganito-ganyang factor). Hindi ko siya kayang hiwalayan, dahil mahal ko siya at mahalaga siya sa akin. I’m blessed na na-meet ko ang taong nagmahal sa akin kung ano ako.” Ay girl, mag-MCDO o Jollibee kayo at sabihin mo sa kanya ‘yon. Sa gitna ng Large french fries (sawsawan ay gravy) at sundae chocolate, malalaman mo ang kanyang saloobin nang magaan at malinamnam.
  3. Kung ‘di mo kaya ng personal at mahihirapan kang harapin ang magiging mangyari. Sulatan mo siya (utang na loob ‘wag mo siyang i-text o i-email lang) ng note, doon mo sabihin ang lahat. Idetalye mo lahat, pati kung kailan mo narandaman na nawala na yung  love. (note: wag naman sa yellow pad paper mo lang isulat at gawin mong special kahit papaano, pwede na yung scented stationery. At mas best pa rin kung makikipag-usap ka ng personal).

Sana’y nakatulong ako kahit paaano sa iyong problema Grace. And please mag-isip ka ng ulit bago ka gumawa ng malupit na hakbang. Kung practical lang din ang usapan, “mabuti na yung sumama sa taong mahal ka talaga kaysa doon sa mahal mo pero di naman binabalik ang pag-ibig mo. kasi ang fame, fortune and beauty madaling hanapin pero ang true love, sooobrang hirap”  At para sa iba pang suhestiyon I think may mababasa ka pang maganda-gandang comment dito.

Good luck!

Ate Jevs

63 thoughts on “Falling out of love…paano makipag-break?

  1. nako..

    6 years mukang mahirap yan…

    baka di matanggap nung guy..

    tsk..

    baka pede mong pag-aralan ulit kung pano maibalik ang feelings..

    kung nawala man, pedeng ibalik diba.

    tapos kasi, unfair yun sa lalaki..

    ewan… basta…

    hehehe
    😀

  2. I come in peace and may the force be with you Grace.

    Aprub sa akin ang mga mungkahi ni Ate Jevs. Ngunit napabalikwas ako sa pag-iisip habang nangungulangot nang mabasa ko ang pangalawa sa multiple choice niya. Para sa akin, wag mo iyong gagawin Grace dahil baka bigla ka nyang pakasalan right there and then eh lalo kang malintikan nyan. Ipagdasal mo na lang ng mataimtim ang taong ito na minsan ay nagpaligaya rin ng puso mo at nawa’y mabigyan ka nya ng tamang daan upang masulusyonan ang iyong pinagdaraanan (dun sa hindi trapik).

    Follow your heart.. ika nga nila. Kung saan ka magiging masaya dun ka. Kailangan mo lang mamili at pag-isipan ng ng mahusay kung ano o sino ang makakapagpasaya sa iyo.

    Para sa akin, sa totoong buhay, mas magiging maligayang makasama ang taong mahal mo na hindi ka mahal kaysa sa hindi mo mahal na mahal ka. Parte yan ng pag-ibig, ang magpaka-tanga.

    Kung desidido ka na sa desisyon mo, Go go go girl! Harapin mo ang problema. Kausapin mo si bf, sabihin mo kung anong nararamdaman mo towArds him. I think you don’t need to mention that u fall out of love on him kase natural na magiging masakit ito para sa kanya.

    Kung hangga’t maaari, ipaliwanag mo ng mahusay dahil alam kong mas alam mo kung paano mo sya kakausapin dahil mas kilala mo siya.

    Mahirap talagang saktan ang taong alam mong mahal na mahal ka at naging mabuti sa iyo. Isipin mong hindi si bf ang kalaban mo rito dahil alam mong magkakampi kayo. Ang kalaban mo rito ay ang iyong sarili, walang iba. Paghandaan mo at pag-isipan ito ng maigi.

    Ang tanong, lalaban ka ba o babawi? Handa ka na bang i-let go ang taong nagmamahal sa iyo? Itanong mo sa sarili mo ang tanong din ni Korina K. Kanchez sa sarili nya, handa na ba ako?

    Ang makasakit at masaktan ay isang mahabang prosesong pinagdaraanan ng taong parehong nagmamahal. Masugatan man ito’y maghihilom at tuluyang gagaling sa nararapat na panahon.

    NOW,think again, baka may na-missed out ka pa.

    Take one step at a time, breathe then decide.

    1. galing-galing naman ni ate jube. nakuha ang iyong makabuluhang mga punto at nawa’y makuha rin ito ni Grace.

      mabuhay!

      ay oo nga noh, yung s simbahan. pero tingin ko pwede namang tumanggi si Grace kasi sa food chain lang ang reception? wahhhhh!!!

      salamat sa dagdag na payo ate Jube!

  3. lam mo grace, mhrap tlaga kapag na-fall out of love ka na, mhrap na ibalik pa ang kung ano ang dati…tama cla pag-isipan mong mabubuti, kc bka in the end eh pagsisihan mo pa ang decision na yan, on the contrary, kung wala nang love eh di let go, mhrap kc ipilit, mas mhrap yung love eh magiging obligation db…grace it sucks!
    ganito lang yan tama c ate jevs, kausapin mo cia ng masinsinan, ipaliwanag mo sknya ang lahat malay natin d reason na mgksama pa din kayo eh dhl obliged lang kayo to still be in that relationship. pwde rin nmn na trials lang yan kung gaano tlaga katatag ang relasyon nio…i suggest, let God do the job for you, pray and ask for guidance di ba!
    nothing is impossible with God, just simply seek for HIS answer okay…
    kung mahal ka tlaga ng fafa mo, he’ll let go…
    love is sacrifice, is patient…
    kung ang mag-asawa nga naghihiwalay, ang mag-jowa pa kaya…hehehe

  4. mas gusto ko ang advice no. 1…kausapin ng harapan…masakit sa una…maaring di katangggap-tanggap ang reaction nya…masaktan man sya….ang mahalaga nasabi mo…ang sakit lilipas din yun…pero ang pagharp sa reality mas mahalaga…..ayaw ko ng mga go-between…ung mga pasulat-sulat…etc…mas diretsahan mas mabuti….

  5. Unang-una, congratulations ate Jevz dahil made ka na (parang si Raft3r), may following ka na. hehe

    Para naman kay Grace, sort out your feelings well. Kung wala na talaga e di wala na. Baka nagho-hold back ka lang kasi ang tagal niyo ng nagsama.

    Just go for your happiness. ;p

    1. Parang simple and casual lang ang pagharap sa buhay pero tingin ko dapat ganyan nga dapat. para wala ng masyadong hirap pero dapat sincere ha.

      salamat len for your comment. and tingin ko ay hinugot mo ito sa mga karanasan mo. 😉

  6. mam pa comment ha susyal topic eh!
    grabe parang tinamaan ako slight lang naman! kay grace, maaaring routine na lang yung relasyon niyo at calculated na lang eh bonggang bonggang panget naman nun tama sila, pag-isispan mabuti wag impulsive sa desisyon! pero magpakatotoo ka din dapat! mag pray over ka kagaya ni noynoy dun sa mindanao hehe..kung kelangan diba why not? kaw depende sayo wag ka muna magparamdam sa kanya para hindi maapektuhan desisyon mo diba. pero sana i consider mo din o wag mo balewalain pinagsamahan niyo take note mo din yun mukang naguluhan ka lalo pero sana nakatulong!🙂 prayer is the best policy!

    1. salamat sa iyong payo erika! na-touch ka ba at tinamaan ng bonggang-bongga?! hehehe

      anyway, tama ka sa iyong payo ng masinsinang panalagin para malinawan ang isipan. 😉

      salamat din daw sa comment sabi ni HOshi!

  7. minsan nga ang pag-ibig walang control yan pagtinamaan ka sasabihin mo agad sya na ang my one & only. pero maling mali dahil di magtatagal pagnakakita ka na naman ng mas higit pa sasabihin mo “hindi sya pala” paulit ulit lang ang mangyayari sa sarili mo. dapat maging tunay ka salain mong mabuti kung totoo na talaga at walang pagsisisi. eh kung gawin naman sayo yan? diba masakit ang mararamdaman mo. dapat maging tapat ka sa iibigan mo para sa bandang huli “yes! my true love ko”, “my hero”. kaya ako kay Grace go wag mong pilitin hanggat maaga nalaman mo agad okay lang un kahit 6years pa ang tinagal nyo. kesa naman kinasal kayo at nagkaroon ng mga supling di maslalong masakit sa taong pinagsinungalin mo ng pag-ibig okay lang kung nag iisa eh pati narin yung mga butwit mo. haaay bakit ba ganon sana dalawa ang puso natin kasi salawahan. gusto mong magmahal ng isa pa hehehehehehe ano ka hilo! aru

    1. naks naman dpuge… sobrang seryoso ang iyong komento pero napakamakabuluhan.
      tama ka sa iyong sinabi na mabuti na ang mahimasmasan at malinawan kahit umabot ng 6 years pero hindi pa kasal.

      dapat ang tingin sa kasal ay isang sagrado at panghambambuhay na commitment. mabuhay ka dpuge!

  8. kung wala na talaga, wag ipilit.
    pero sabi nga sa isang pelikula.. pumili ka ng isang makakasama mo sa buhay, yung kaibigan mo, mawala man ang passion, nandun pa rin ang friendship..

    yun ang okay. sa relasyon naman, hindi importante kung gaano kayo katagal, ang importante masaya pa rin kayo..

    o akala mo wala ng feelings pero malay mo natutulog lang yan… gisingin mo…

    o inlove ka sa iba? -magulo yan..

    1. mukha bang in love sa iba si grace? parang napapaisip din ako ng ganyan. sana nga ay hindi ganoon.

      tama magandang kasama sa buhay ay hindi lamang lover mo kundi pati best friend mo rin.

      salamat sa iyong payo!

  9. bakit kasi nagpo fall out of love… bakit ?

    haizzz anyway mahirap ipilit kung wala na talaga, kesa naman lokohin mo siya at lalong lalo na ang sarili mo, it’s better na tapusin na nga.

    1. oo nga hindi nilinaw ni grace kung paano at kailan nawala ang kanyang feelings.

      pero tama di dapat ipilit ang hindi na talaga kayang ipilit. para yang bomba e, matindi pag sumabog kapag di pa tinapos.

      salamat sa iyong payo dhyoy

    1. napaka-brutal naman ng suggestion mo. although yan na nga siguro ang pinakamadaling gawin o sulution, pero di ba walang closure pagganyan.

      mas lalong masasaktan mo yung taong iiwan.

      thanks sa iyong comment Raft3r! kumusta raw sabi ni hoshi.

  10. hehe napadaan si blog ong sa inyong usupan.

    Ahem! Grace, kapangalan mo yung kaibigan ko. Sana hindi siya ikaw. (labo? hehehe)

    Hindi ko alam kung dapat ko itong irekomenda sayo kasi medyo marahas kung ito ay iyong susundin. Pero sabi nga nila, ANG HINDI MADAAN SA SANTONG USAPAN, IDAAN SA PUWERSADONG PARAAN. Baka lang gusto mo ito mabasa.

    http://tatakblogong.wordpress.com/2009/09/17/rated-18-ayoko-na-break-na-tayo/

    BTW, I just lost a 4-year old relationship last month. Kaya i know how you feel. Goodluck sayo. Sundin mo lang puso mo. Kung saan ka magiging masaya, dun ka.

    1. oh ayan grace may mapangahas na suhestiyon si blog ong. at read mo na rin ang kanyang nirerekomendang link. click mo lang yan.

      salamat sa iyong komento blog ong! tama dapat sundin kung ano ang tinitibok ng puso, lalo na kung happiness na ang usapan.;)

  11. You really had been fall out love na girl hehe. Siguro ang tanging pag isipan mo na lang ngayon ay kung panu mo masasabi sa kanya yung desisyon mo ng maayos. Yun tipong kahit mahirap at masakit ay matatanggap nya. Pati ang true love is not selfish, it can also set you free if you are really not happy. ayun lang haha!

  12. gusto ko rin po ng advice ksi ung bf kuh hndi nagtetext tpos nung first monthsary nmin hndi nia kuh bnti tpoz dun kuh na feel na uala pla akuh hlga sa kanya ….

    tang inang pagibig yan nauso pah??!!

    tsk..tsk

    1. Dear Bea,

      Hi and welcome sa Hoshilandia!
      Thanks din sa pagdulog mo sa akin.

      I think every person needs a benefit of the doubt, ‘wag ka kaagad mag-conclude kapag una o nakakadalawang beses pa lamang. That’s being understanding sa puwedeng pagkukulang ng iyong boyfriend.

      But, kapag consistent na siya at sa tingin mo ay sobrang nababastos ka na. Tell him what you think and from there, makukuha mo na ang right thing to do. tas posibleng may maayos na closure pa kayo.

      huwag mong sisihin ang pag-ibig o ba’t na-in love ka pa. kahit papaano sa love na yan naging masaya ka at natuto ka. It’s just, the person you love right now is not actually meant for you.

      Mabuhay
      Ate Jevs

  13. hingi ka lang ng konting space. kc pag wala na sya dun mo lang marerealise na mahal at mahalaga sau ang isang tao. gimik kau ng something new boring kc kc pag palaging un lang ang ginagawa nyo. wag ka makipag break agad.

    1. hi erlhits!

      alam mo to tell you honestly, kahit anong paraan ang maisip mo mahirap masigurong hindi s’ya masasaktan. it is always painful since mahal ka niya.

      but it is more painful kung paliliguyin mo pa at paaasahin mo siya tapos hindi mo na pala siya mahal. pinakamaganda pa rin ang diretsahan mong sabihin sa kanya at ilatag mo yung mga reasons mo ng klaro. pareho kayong masasaktan pero at least may closure at nagpakatotoo ka.

      otherwise try mo itong ideya ko…

      1. spend a day or days with him yung parang treat mo siya.
      2. pero once in a while pumi-pick up line ka na, giving him hints na may bagay na bumabagabag sa iyo. this way napi-prepare na siya or naiisip niyang may problema.
      3. observe yung reaction niya…kasi humahanap ka ng right timing and at the same time para ma-analyse mo rin kung ready ka makipag-break baka kasi naguguluhan ka lang din.
      4. when he asks you, tell him sincerely what’s your point. how you feel about him and go… sabihin mo na ang iyong break up statement.

      hope nakatulong ito sa iyo at salamat sa iyong pagdulog.

    1. huli man daw at ewan kung makakarating pa sa iyo. pero hopefully ay nasagot na ang problema mo. pero just in case na hindi pa- ganito na lang- makipaghiwalay ka na sa kanya. hindi na healthy ang iyong nararamdaman.

  14. One year na kami ng bf ko, alam na ng mga parents niya na ako gf niya. Alam na din ng parents ko na siya bf ko, kaso pinapagalitan ako ng parents ko mag-syosyota :((( at gusto ko syang iwan dahil hindo ko kaya na palagi akong pinapagalitan na parents ko. pero paano ko siya hihwalayan? :(((( mhal ko pa siya

    1. Hi Jane!

      Ang problema mo ay sa pagitan ng puso at isipan mo. Piliin mo kung sino ang mas matimbang sa iyo at hindi puwedeng mawala sa buhay mo. Puwedeng mahal mo ang bf mo pero kung hindi mo na kaya ang sinasabi ng Parents mo about him ibig sabihin din na somehow, nakukuha mo ang point nila.

      baka naman bata ka pa para magka-syota? napapabayaan mo ang iyong pag-aaral o ibang priorities mo sa buhay? I hope maging okay din kayo ng Bf mo at try nya i-reach out ang parents mo.

    1. madali lang yan kenjie… magkasundo kayo na maghiwalay na lang kayasa lumalala ang hindi nyo pagkakaintindihan.

      or puwede naman baka hindi paghihiwalay ang solusyon – masinsinang pag-uusap.

  15. On the rocks kami ngaun ng GF ko, and feeling ko malapit na kaming maghiwalay, but sabi nila dapat ang break up is mutual, kung tatanong ko xa na gusto mo pa bang ituloy ang relationship na to, but she answered ” ikaw?”

    pero sa sarili ko half-hearted ung nararamdaaman ko, im thinking if sasabihin ko na lets end it na, she might say, ayaw ko naman ipilit sarili ko sayo or hindi na kita pipilitin, or she might say some safe answer para ako ang magmukang bad guy, but pero fight a lot kc kaya im so fed up by this frequent arguements, if xa ung makakasama ko in the future, hindi na kami magsundo sa ibang bagay, eh papano pa kaya sa future,,

    PLS HELP ME TO MAKE THE RIGHT DECISION…

    1. Hi Da and welcome sa aking balwarte!

      well, masakit ang makipaghiwalay at mas may dagdag na tarak sa ego kapag hiniwalayan (oo magkaiba to). Pero masakit din naman ang pilitin mo o nyo pa kung talagang plit na lang ang pagtitinginan nyo. Para yang sugat na kinakayod at nilalagyan pa ng kalamansi sa halip na budburan ng penicillin nang gumaling. ano ang redundant word? masakit

      so whether you look rude or cruel so be it – kung ikaw ang makipaghiwalay- minsan you need to be cruel to be kind sa taong mahalaga sa iyo. your just being honest at kapag nasaktan kayo pareho ibig sabihin lang nun talagang nagmahalan kayo.

      pero ito lang– wag ka lang magsalita ng tapos… para sa inyong future. siguro magkakahiwalay kayo ngayon (kung yun na ba talaga ang desisyon mo) pero who knows love moves in mysterious way so be open minded with open arms. kung nag-aalngan ka rin talaga and sya (with her resounding answer “ikaw?!) di ba may something pa rin kayong hino-hold – is it ego, years ng inyong pinagsamahan or you’re still love each other ( but sometimes love is ain’t enough)?

  16. Hi po ang gaganda ng mga advices nyo sana po matulungan nyo din ako.

    May bf kasi ako and were getting 5years this june 2014. Kaya lng po sobrang lamig nya sa akin ngaun kaya binigyan ko po sya ng space at ganun din po ako sa sarili ko kasi ako yung may kasalanan kung bakit kami nagkaroon ng gantong klaseng problema. In the first place mahal ko pa din sya at hindi naman nawawala ung love ko sa kanya, pero po sya hindi ko talaga maintindihan kung anu ung feelings nya sa akin. Dati ok kami nagkakausap bilang friends pero ngaun hindi na at dahil dun namimiss ko sya. Ayoko na din kasi siyang munang guluhin pero hindi ko po kasi alam kung hanggang kailan kami ganito. Kahit anu pong nangyari in the past ay mahal ko pa rin sya.Nabibigatan lng po ako kasi bka hndi na nya ko mahal at mafall out of love na sya akin. Hindi ko rin kasi alam kung mahalaga pa sa kanya ung relationship namin. Mahirap para sa akin kasi ako po ung naging dahilan kung bakit nagkaganito ung bf ko and hindi rin kasi nya ko masisisi kasi hndi lng din naman ako ang nagkamali. Finally, ready naman po ako maghintay kaya lng habang tumatagal baka marealize nya na hindi nya na ako magustuhan at hanggang friends nalang ang kaya nyang ibigay sa akin. Saamat po sa inyong pagtugon. Hihintayin ko po. God bless

  17. Hi megan.young!

    Napi-pressure ako sa pagsagot parang dapat pang-Miss World ang peg hehehe!

    Since you admit na ikaw naman ang dahilan ng cold war n’yo be humble and make it obvious sa kanya na you really feel sorry. For me, nanatiling magic words yang “I’m sorry” and “I love You” kung maipapaunawa mo nang buong katapatan.

    Don’t be afraid na ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya. Ano bang nagho-hold back sa iyo? pride, worry or you’re just waiting na magkatotoo ang negative na iniisip mo? try mong tanggalin yung takot at pride mas mapi-feel mo na what matters most is love. Mararamdaman din n’ya naman yan eventually so be patient. Saka mo na isipin yung nega pag nangyari na.

    and if that happens ( hopefully never) masasabi mo na you fight for your love. mas loser yung wala talagang ginawa at puro regret lang ang drama.

    mabuhay and sana’y mabalik ang sigla ng inyong relasyon😉

    1. Salamat po sayong payo. Sa tingin ko po tinitiis lng din nya ako sa ngaun pero hindi po ako sure kung anung feelings nya sa akin. Pero kung ako po ung tatanungin nyo feel ko naman na mahal pa rin nya ako kasi in the first place bakit space lang ang hiningi nya sa akin, space means gsto nya lng magisip isip at hanapin ung sarili nya although ramdam ko naman sa knya na mahal pa din nya ako. Sana kung nasan man sya ngaun malaman nya na namimiss ko kasi at mahalaga sya sa akin bilang isang kaibigan. Nadala napo ako sa nangyari before at mas magiging matalino na po ako sa pagibig ngaun. Hindi ko sya kayang iwanan at ok lng sakin maghintay hanggang sa maging ok sya. Sa tingin nyo po ok lng un. Salamat po.

  18. Salamat po ate jevs, willing naman po ako maghintay at masaya at natanggap ko na ang lahat ng nangyari. Wala nakong takot sa ngaun kasi mas ok na sa akin kahit friends nalang muna kami mahalaga pa din naman sakin ung taong un at sabi ko nga po whatever happens magiging matapat akong kaibigan niya. Bitter ako dati pero ngaun hindi na kasi ramdam ko naman na kailangan lng talaga nya ng space, ngayon masaya na ako sa kung anung meron kami ngaun ang mahalaga anjan pa rin sya kahit hnd nya na ko masyado pinapansin. Pero ok lng po ba un na kahit gaano katagal maghihintay ako kasi po mahalaga pa rin sa akin ung tao. Salamat po

    1. hi Shane! it takes two to tango ika nga, so kung gusto mo ng space and you mean it. kahit ipilit nya ikaw ang masusunod. pero wag mo naman siyang iwan sa ere… it feels like koreanobela with subtitles pero better na you clearly state to him what you feel and what you think about your relationship. kung baga (sa isa namang pausong sawikain) ipakita mo ang lahat ng iyong baraha. Nsa sa kanya kung ano ang laro niya basta ikaw ito ang desisyon mo.

      but before anything else do your self-analysis, do you really want tp separate with him or may something ka lang ayaw at akala mo – naawa ka lang sa kanya but deep inside you still love and care.

      pero kung 100 percent, ayaw mo na that’s it. don’t waste your time. time is gold, you need to explore…for both of you

  19. Hi! magaganda mga advice d2.sana matulungan nyo rin po ako.
    May nagtxt po ksi sa kin nung Oct 29,2015 ng “hu u?bf nya to” gamit nya cel# ng gf ko.nireplyan ko sabi ko “ako ang gf nya” & then nagreply sya sabi nya “bf nya din ako number 2 ka lng”. tumawag gf ko at malakas ang boses ko habang kausap ko sya, sabi nya hindi raw sya ang nagtxt, yung mga pinsan nya.napagtripan kmi dhil siguro sa sobrang kalasingan kaya nila nagawa yun.hindi ko sya maintindihan sa phone kaya ang ginawa ko pumunta ako sa kanila kahit gabi na. Kumatok ako lumabas yung pinsan nya at binati ko at tinanong kung pwede ko makausap ang girlfriend(gf) ko.pero sinaraduhan ako ng pinto, ang ginawa ko naghintay ako panay ang txt ko sa gf ko na nasa harap ako ng house nila at gusto ko sana sya makausap kahit sandali para magkaayos na kmi kaso po hindi sya lumabas kaya inabot ako ng umaga sa harap nila,lumabas na sya ng bumagsak ako dahil lagpas 24 hours ako gising at wla tlga ako pahinga.

    Nagsorry ako sa kanya dhil malakas ang tono ng boses ko sa phone, ang sabi nya sa kin hindi nman sya galit sa kin.hinatid nila ako ng pinsan nya sa min,hinalikan ako ng gf ko bago sila umalis.pagkauwi nila tumawag sya sa kin para sabihin sa kin na nakauwi na sila.dahil medyo hindi ko sya maintindihan tinext ko na lang sya at humingi ako ng pasensya sa ginawa ko pagpunta sa kanila ng gabi lalona at hindi nya alam, nangako pa nga ako na hindi ko na uulitin ginawa ko.

    Kinabukasan,panay ang text ko sa kanya pero hindi sya nagrereply sa kin ni kahit “hi” man lang.inisip ko na lng wala syang load kaya nagtxt na lng ako ng “good night” bago ako natulog. Paggising ko nagtxt agad ako ng “good morning! I love you.” sa kanya. Nag reply na sya,sinabi nya sa kin “please,hayaan mo muna ako para kasing hindi na ko masaya. sorry!”. Nagtext ako sa kanya sabi ko”pero kahit anong mangyari nandito lng ako,itext mo na lng ako pag ok ka na at hindi ka na galit. Sorry sa ginawa ko sa pagpunta sa inyo, nangangako ako na hindi ko na uulitin ginawa ko pagpunta sa inyo ng hindi mo alam.sana mapatawad mo na ko.mag iingat ka lagi.I love you”. Nagttxt pa rin ako ng “good morning! I love you. Nagbreakfast ka na?”, “good afternoon!musta na? galit ka pa?, “kumain ka na?, “good evening! I love you.” at nagpapahinga ka na siguro,good night. I love you”.

    November 1 ng gabi nagtxt sya sa kin at nag decide na syang makipaghiwalay sa kin. sabi nya “ayoko na tlga,maghiwalay na tayo!kung mahal mo ko palalayain mo na ko.sinubukan ko pero hindi na tlga ako masaya. sorry!” kinabukasan ko na nareceived txt nya dhl maaga ako nakatulog. tinext ko sya “gusto mo na tlga makipaghiwalay?,cge hiwalay na tayo.sinira mo promise natin na wlang hiwalayan at lokohan. gusto kong malaman mo na galit ako at sobra ako nasasaktan dhl mahal na mahal kita.”. Nagreply sya at sinabi nyang “makakahanap ka rin ng babae na mas mabait at mapagmahal sa kin. sorry!. Yun na po ang huling txt nya sa kin. Simula nun hindi na kmi nagttxt.

    Wala na kmi communication,pero nasasaktan pa rin ako dhl mahal na mahal ko sya.Lagi ko naiisip yung mga good memories namin. Nakilala ko sya sa carwash last year pero hindi sya nagtagal sa carwash dhil sa mga nagawa nyang mga palpak.simula nang pinatalsik sya sa carwash araw araw na kmi nagttxt,inaya nya ko makipag date,nagkita kmi sa sm north,inaya nya ko gumala sa star mall at sm megamall at last nmin pinuntahan MOA. Sa MOA siya simulang na fall sa kin,naramdaman ko rin yun. 2nd date nmin nanood kmi ng sine sa sm fairview at kinabukasan nun nagkita uli kmi dahil binalikan nmin yung couple ring pero hindi pa raw ok.after 1 week binalikan nmin yung ring nasusuot ko na pero yung kanya hindi nagfit kaya pinaayos na lng nya uli at nagpunta kmi sa wildlife at doon nagsimula ang love story namin. July 14 sinagot nya ko sa text,nagkita kmi july 27,nag inuman kming 2 sa cubao inamin nya sa kin na nag start syang ma fall nung nasa MOA kmi at inamin ko sa kanya 2nd day nmin na magkakilala kmi na nagstart ako ma fall sa kanya at tapos nun nakitulog ako sa kanya,magkatabi kmi pero walang nangyari sa min. Nagkita uli kmi nung birthday ko.nagpunta kmi sa luneta park at ocean park,nagkuhaan kmi ng picture at habang nagseselfie sya bigla ko sya hinalikan at tapos naghalikan na kmi.yun ang first kiss namin. August 12 nagkita kmi at nakitulog ako sa kanya sa pasay. May nangyari sa min nun 2 araw at simula nun pg nagkikita kmi lagi na may nangyayari sa min nagpupunta kmi sa hotel at motel pero hindi nman lgi.nung last date nmin sya lahat halos gumastos at sya rin nagbayad ng pang motel nmin. Ang huling pagkikita nmin yun yung sumugod ako sa knila dhil sa kagustuhan ko na magkaayos kmi agad, Ngayon nagsisisi na ko sa mga nagawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya at hindi ko pala sya kayang mawala sa kin. kahit 3 months and 18 days lng naging kmi,minahal ko talaga sya. Ano po kaya pwde ko gawin? May pag asa pa kaya na magkabalikan kmi or try to move na lng ako? Masaya pa kmi nun bago nangyari yung nagtrip yung mga pinsan nya.sinasabi pa nga nya sa kin na mahal na mahal nya ako at gusto na nya na magsama na kami. nagpropose na ko ng kasal sa kanya at pumayag sya na magpakasal kmi sa february 14 2017 pero hindi na mangyayari yun dahil tapos na kmi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s