Reflection: What’s is your advice to your 18-year old self?

What’s your advice to your 18-year old self? Ito ang naisip kong tanong habang binubuo ko ang birthday message para sa kamag-anak kong debutante. Okay na okay kami ni birthday girl pero, I don’t think ganoon ka-close. Kaya nahirapan ako at ayoko naman na basta makasabi lang. Ayoko rin na tunog preachy. So paano? Ito na nga, naalala ko  yung question at naisip ko why not share simple life lessons. it will matter to her and to all 18+ people sa party.

Note: This is Hitokirihoshi, not Ate Jevs. Nagliliwaliw pa si Madam at miss ko na ang blog na to.

Photo by Pixabay on Pexels.com

Advice to 18-year old girls, boys

My short, but sweet este meaningful message sa debutant and actually sa lahat ng 18-year old girls and boys ay ang tatlong ito  (sinamahan ko na lang ng explanation now):

Time is your asset.  Sabi nga nila time is gold.  Pero dahil madalas nating iniugnay  ito sa procrastination at tardiness kaya parang mas walang dating.  Ibahin natin ang siwasyon …

  • Paano kung itong point na ito ay ayaw mo na sa work mo? Pagod, stress, at ayaw mo na sa boss mo.  Tipong hindi lang ito simpleng rant, kundi burn out ka na.  Kaso hindi practical choice na mag-resign ka kasi wala kang ipon at investment. At actually hindi mo alam kung anong next move mo. Feeling mo mare-reject ka sa pag-a-apply dahil sa edad o kaunti mong skills o work experience?

  • Paano kung magre-retire ka na? May pension ka pero sure ka na hindi iyon sapat sa pangangailangan mo. Wala kang naging retirement plan kaya hindi mo rin naisip noong kabaataan mo ang saysay ng retirement fund. Hindi mo na rin kayang magtrabaho kasi bukod sa mahina ang katawan mo, sakitin ka pa.
  • Paano kung awang-awa ka na sa kalagayan mo/n’yo? Puwedeng dahil iresponsable ang napangaswa mo. Walang makain at hindi makapag-aral ang mga anak mo. May sakit sa pamilya mo. At takot ka ring may mangyari sa iyo lalo na’t ikaw na breadwinner ay wala ring insurance.
  • Paano kung gusto mo ng pagbabago? Career shift o lumipat ng bahay malayo sa in lawsmo.
  • Paano kung bilang na ang araw mo o ng mahal mo? Masaya kang magpapaalam sa mundo o pagsisihan mo ang maraming bagay na hindi mo nagawa?
time, an advice to 18-year old self

May iba na ikinokonek sa YOLO ang mga mga agresibo at wild nilang aksyon. Gaya ng paggastos ng pera, pagtikim ng bisyo, pagkain ng mga unhealthy foods, at mga…, you know.  Sa maniwala ka’t sa hindi, kapag masamang-masasama sa iyo ay masama iyo. Kahit sabihin mo ikinasiya mo  iyon ng kabataan mo. O kahit may FOMO ka.  May tinatawag naman na in moderation, good choices and decisions, and the doing the right thing.  The time you spend is something either you waste or invest. It is not something can replace or reverse.  So habang bata ka, think that your time is asset. Use it wisely and make good choices while you have chances.

malabon zoo

Define your success.   Madalas naririnig ko noon ay “bata ka pa naman, magbabago pa ang pangarap (o  gawi mo).” Tapos sila rin magsasabi sa iyo na ganito dapat kunin mo at ganito gagawin mo ‘pag nagtapos ka. Dapat may ganito estado mo sa susunod o ganitong edad. Ganito o iyon ang taong successful na gagayahin mo.  Nakakarindi!

Then may mga nangangamusta.  Iyong kumusta na may laman. Iyong itse-tsek kong higher or lower level ka sa standards niya.  Iyong mapi-peer pressure ka kung hindi ka belong. Nakakaliit ng pagkatao!

Slogan dati ng Makati city

Sa maraming taon ng kakasunod, kakakumpara, at pagtapat sa pamantayan ng iba—I think I failed. And I think, hindi mo maabot ang antas ng tunay na success noon. But that’s not until masabi mo na ito ang success sa akin.  At yung success na iyon ay hindi definition ng ibang tao para sa iyo, kundi success na ikaw mismo ang nagtakda.  Aim higher and achieve that something valuable for you, your loved ones and the world.

Define your happiness. Kapag bata ka at kausap mo ay matanda parang ang happiness mo ay entertainment, leisure, or past time lang sa kanila. Ang totoo? Puwedeng oo o hindi. Okay lang naman na at 18 ay hinahanap mo pa ang happiness mo.  At okay din kung inaalam mo pa kung ano ba ang happiness mo.  Pero gaya ng success, it should be the happiness that you define for yourself.  And you should look for the genuine happiness– the kind of happiness that is right and long-lasting that you deserve.

Photo by Tirachard Kumtanom on Pexels.com

For me happiness ay hindi lang tao, bagay, activity or achievement kundi estado. Iyong kahit may bad trip days o ano pa ang sabihin ng iba, deadma ka. Iyong alam at ramdam mong puno ka ng pagmamahal. Kaya mong magmahal o tumanggap ng pagmamahal.  Iyong alam mong nakakatulong ka sa ibang tao o you serve your purpose. Iyong ginagawa mo iyong gustong-gusto mo.  At wala kang regret sa buhay mo, na kahit  mamatay ka na bukas ay masasabi mo pa rin “Thank you Lord!”

What’s my advice to my 18-year old self?

Noong 18 ako ang hilig ko sa anime at nasa college na ako. Nao- awkward ako kapag kasama ko iyong mga kaklase ko na sosyal, matalino, mayaman, at may itsura. Kasi feeling ko ang weird-weird ko, jologs, average student,  hampas-lupa,  at sakto lang itsura. Gusto ko noon sumama sa mga organizations gaya sa theater play, choir, at mag-library assistant. Kaso sa baon ko na Php 40 lang ang pangkain ko kahit pasok ko 7am – 7pm. Dalawa lang uniform ko sa 6 na araw na pasok ko.  In short, wa extra anda.

Sa grades ko masaya na ako maka- 1.5 ( 1 is the highest  and 5 is the lowest), pero nakakatikim ako ng 2.75 at 2.5.  Nakatikim din ako ng 3.5 ( o 70-74%) sa Math.  May crush na ako noon, pero kinikim ko na lang. kimkim na pinapatay yung feeling kasi hindi praktikal.  Ang biyahe ko papasok  at pauwi ay2-4 hours ( depende sa ula at traffic), pagdating ko ng bahay pagbabantayin ako ng tindahan. Tapos kailangan ko mag-review ng magreview.  Pressured ako kasi parang ako ng bobo sa A section.

Photo by Pixabay on Pexels.com

The thing is minus yung feeling bad about myself, wala akong regret.  If I can tap my 18-year old self  on shoulder and speak with her now…

Girl, I want to congratulate you. You’re doing the best that you can. and Ano man yan pinagdadaanan mo, nakatulong sa akin.  Thank you na ipinaglaban mo yung course na gusto mo. Thank you kahit awang-awa ka sa sarili mo at ayaw mo sa school mo, hindi ka sumuko. Thank you kahit napasama ka sa mga masasabing  bad influence, hindi ka nagpadala. Hindi kita sisihin kahit panay bili mo ng anime cards, poster, o panonood ng TV.

Hindi ka man nakasali sa organizations na unamong gusto, napursige mo makapasok sa counselling and testing section at junior saver’s club. My only advice for you to have confidence and boost your self-esteem.  Kapag kumpiyansa ka sa sarili mo – ang ganda-ganda mo. Yung talino at kasanayan mo, hindi kayang gayahin ng kahit sino. You’re imperfectly perfect. Kung may isa lang ako maidagdag ay sana lang nag-double time ka lang sa math at English grammar, hehehe

Photo by bruce mars on Pexels.com

Ikaw? What’s is your advice to your 18-year old self?

What I am afraid of: 18 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Kahit anong sabihin kong atapang akong babae, waley afraid pa rin ! Maraming  pagkakataon na epic fail ang palaban kong itsu. Akalain mong naka-1.5 ako sa Swimming Class[P.E] namin noon pero sa 5 feet swimming fool ay muntik pa akong malunod. Ang nakakahiya pa noon ay nasa Boracay kami. Malulunod na lang di pa sa dagat di ba? Baka may sumagip pang prince charming, charoot!

Hindi ako takot sa ipis, bubwit, dilim at minsan kahit pa nga sa momo, pero ayoko talaga sa palaka. Ayoko ni ma-imagine na dinila-dilaan at tinalunan ako. Ewan nagsimula ata ito noong bata ako na nagkaroon ako ng kulogo na ang sabi ay dahil baka daw naihian ako ng palaka. Pero huwag ka naging paborito kong Sanrio character noon si Kero Kero Keroppi.

frogs-1109775_640
Credit: Pixabay

Siempre bukod dyan mas marami pa akong kinakatakutan na alam o iyong di ko pa alam. Noong umakyat ako ng bundok ang alam ko wala akong fear of heights or acrophobia. Pero nalula rin ako kouya and teah, iba ang hangin parang kinakampayan ka ng manananggal sa harap at likod.  So either nalula lang ako o medyo may fear din ako, ikaw ba naman ang umapak sa bato na nasa 1397 feet.

Iyong ibang takot ko, bahala na si Lord.  May mga kinatakutan ako na common naman ata sa lahat ng tao. At mayroon akong kinatakutan noon na akala ko kaya pero kinaya ko kapag nandyan na.

Favorite Childhood book: 17 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Paano ba sasagutin ang tanong na ito kung hindi naman ako palabasa noong elementary at sa totoo lang wala rin naman nagbabasa ng libro para sa akin?  Ganito na lang kung ano ang paborito kong children’s books na binasa ko noong college ako.

Late bloomer ako pagdating sa pagbabasa. Grade 3 pa nga ata ako nakapagbasa nang maayos at mas magaling talaga ako sa extra-curricular activities. Grade 5 or 6 na  ako natauhan na kailanngan ko na ayusin ang buhay ko, kasi *^%$## naging section 1 pa ako?  Ayokong matawag na pinaka-eng-eng sa star section hohoho.  Hindi ko naman masabi na naging paborito ko ang kwento ng Alamat ng Ibong Adarna [although yun ata ang kauna-unahang book ko], Alamat ng Lansones, at Alamat ng Pinya.

Wala rin akong maalala na  papasang children’s book na trip ko noong high school. Kasi ang bet ko ay Greek Mythology at World History lalo na ang Ancient Civilization [China, Egypt, at India]. Hindi rin naman pambata ang  El Filibusterismo, Noli Me Tangere,  o Florante at Laura. Ganun din yung isa kong favorite Filipino novel Ang Mga Ibong Mandaragit na binasa ko boong bakasyon bago ako mag-third year or fourth year high school.

Little Women by Louisa May Alcott

So noong second-year college ako ay mayroon akong subject na English Literature, na meron din naman noong third year high-school at baka noong fourth-year high school.  Pero  kahit na saglit lang nabanggit iyong kay Louisa May Alcott,  gustong-gusto ko ang Little Women. Iyon, kahit  labas na sa klase nagbabasa ako sa library para tapusin iyong kumpleto novel.  Sa pagkagusto ko sa kanya ay hanggang ngayon ay may copy ako nang librong ‘yan.

Bakit ko nagustuhan?  Gusto ko ang character ni Josephine Marsh, na sa makalumang panahon nila ay  unconventional and strong-willed. Naiisip ko till now pareho kami ng ugali, pag-iisip, at  baka kapalaran.   So  mas may edad sa akin at teacher ang makakatuluyan ko?  I don’t know. Hehehe

There was a time na nahilig na ako sa children’s books talaga at gawang Pinoy – Gusto ko Ang Mga Lihim ni LeaAng Pambihirang book ni Raquel, Bru-ha-ha-ha-ha, at Tight Times.

By the way, bumili kayo ng Agdan [ Hagdan] written by Palanca awardee  Sherma Benosa.

Old Photo of me: 8 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

NAPAKAbihira ko mag-post ng picture na nandoon ako, hindi ako fan ng selfie at gusto ko lang  talagang pangatawanan ang pagiging  anonymous blogger ( try hard na lang ata ngayon).  Pero iba itong okasyon na ito kasi old photo at sige, patulan na ang blog challenge.

  • Ito ang picture ko noong 2nd birthday celebration ko, kasama ko sa picture yung aso namin na kung tama ako Ilaw ang pangalan at daddy  ko. Crop ko na lang yung daddy ko sa photo.

bata_pa_2 years oldB
Ako at si Bantay

  • Siguro nga 3 or 4 ako rito, hanggang ngayon mannerism ko ang tumingin at manood ng patagilid. Iba ang concentration ko ‘pag naka-ganyan ang mode ko parang super zoom in and x ray. Bata pa lang mahilig na akong mang-ungas ahaha.1
  • Competitive talaga akong bata, charrot!  Ang alam kong iniisip ko d’yan ay bakit s’ya kumakain ng cake, kanya ba ‘yan?nene negra 2
  • Nahalata mo ba ang masamang balak ng ate ko sa akin, gusto n’ya agawin ang walker ko. hohoho. gonzales siblings
  • Six years old ako nito, kaya nauuto pa ako sa mga ganitong bagay. Kung alam lang ng mga utaw, uwing-uwi na ako mula sa sagalang ‘yan. After n’yan di na ako mapag-gown ng Nanay ko hehehe! sagala hoshi

 

Earliest Childhood memory: 4 of 31 Days Blog challenge

Ako at si Bantay
Ako at si Bantay

Naniniwala ako na ang memory ng tao ay selective at ang matitira ay iyong maaaring base sa emotional impact na nagawa sa iyo ng memory.  Pero may ilang  pagkakataon din na basta naalala mo na lang at hindi mo alam kung ano ba ang impact noon sa iyo.  Narito ang ilan sa earliest childhood memory ko  na bago ako mag-grade 2 ( 7 year old)

>> sumasama ako sa pagkuha ng pagkain para sa mga alagang baboy ng lolo ko at nakitulak ako ng kariton n’ya.

>> tumatambay ako sa labas ng gate namin at literal na nagbibilang ako ng taong nagdaraan.

 

>> may picture ako ng two years old ako na nakaturo ako sa  isang lobo habang hawak ako ng daddy ko.  Ang iniisip ko noon ay “yun ang gusto kong lobo sa lahat ng lobo.”

>> may itinulak akong kaibigan sa duyan dahil naisip ko lang kung kaya ko sy’a kasi mataba s’ya hehehe. Bad!

>> pinapasayaw ako sa mga piyesta at reunion ng mga kamag-anak namin. Moody, minsan bigay-todo ako o nagmamaktol ako.

>> pinakain ako ng kapitbahay namin ng tahong, nagsuka ako.

>> pina-squat ako ng kuya ko kasi nahuli n’ya akong dinudura ang mga kinakain kong gulay. Hehehe

>> mabagal  akong dumumi dati, nung narinig ko nanay ko na nakikipagtsikahan sa mga kaibigan n’ya tungkol sa tae… nasanay ko sarili ko na bilisan ang pag-ere. hohoho

>> nung  nasugatan ako nang malubha ( may tahi ako sa binti), ang unang ginawa ng daddy ko ay pakainin ako ng champorado

>> kapag may sakit ako nung bata ay pork and beans ang gusto kong kainin

>> hindi ko matandaan na naihi ako sa salawal nang hindi ko alam hehehe

>>Magnolia ice cream, magnolia chocolate drinks, two pesos ang paboritong ibigay sa akin ng daddy ko.