election result is sum of…

Politician- kung di natalo. nadaya
voter- kung di sikat. sa may pera
eleksyon – may dismayado, may deadma

bakit? 
ang mga nagmamagaling na may alam sa tamang pagboto, hindi bomoboto
ang (ilan)mga sanay sa pagboto, nagpapagamit sa politiko

asa sa pulitika

hindi lahat ng problema ay actually nasa mga pulitiko.

katunayan may ibang mga umaasa sa pagpasok sa politics ay naloloko rin.

may iba rin kasi na nangangampanya sa ngalan ng pera

at may mga pumupunta ng political rally, sa ngalan din ng kuwarta

II

bagaman may kumikita sa ganitong paraan, ito ay panandalian lamang

walang pulitiko ang mismong bubuhay sa isang pamilya para kumain

sa araw-araw at syang magpapa-aral sa bawat anak sa loob ng tahanan

III

at ang mga politician ay hindi hinahalal para pagkunan ng pera

hindi lahat sa kanila ay marunong sa batas at sad to say may ilan na hindi alam ang talagang

responsibilidad nila. bakit nga ba tayo naghahal ng mga taong, ni magbukas ata ng libro at

mag-basa ng blog ng mga Pinoy ay hindi ginagawa?

IV

May kuwenta pa nga ba ang mga poltical rally? Parang hindi na rin uso ata ang matinong debate

makinig ka, magmatyag, at kilalanin nang husto ang taong napipisil mong iboto

pero ang iasa sa kanya ang kinabukasan mo, malabo yun at hindi n’ya rin responsibilidad

magsikap ka at magtrabaho para maiahon ang iyong pamilya at makatulog sa bansa

V

dahil ang totoo, may ilang dapat nagra-rally ay wala sa kalye at kumakayod pa rin sa

ibang bansa, sa mga pabrika at opisina

huwag mong isisi sa gobyerno ang kahirapan mo

tapos na ang dekadang yon

Tayo ang Tulay

May sari-saring rehiyon, relihiyon, lengguwahe o diyalekto, at higit sa lahat nakatira sa magkakahiwalay na pulo-  pero sa iisang diwa kaya ng bawat Pinoy na magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ito ay dahil sa halip na pader, marunong tayong tumulay at gumawa ng “tulay.” 

Ang mataas na tulay ng (viaduct) Patapat sa Pagudpud, Ilocos Norte ang pang-apat na pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na nagdudugtong sa Ilocos at  Cagayan Valley.

Ang larawang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 4

Calling Philhealth!

Before anything else…Gusto ko muna i-greet ang lahat ng Happy New Year. I hope ay maging peaceful, healthy and happy tayo lahat.

Hindi ako galit na galit sa Philhealth, gusto ko lang sana ay hingin ang kanilang explanation and action pagdating sa 2  bagay concern ko.

1.  Since nagwo-work ako at ang tangi ko pang beneficiary ay ang Nanay ko, Paano naman yung lagay ng hinulog ng Nanay ko sa mahabang panahon?  Siyempre, kung susumahin ay mas malaki ang naihulog ni Nanay at hindi ko naman ipagkakait sa kanya kung ano man. Pero tataka lang ako bat parang nababalewala yung hulog nya? Ano yun pagtanda ko rin ganun? Nagbabayad ako buwan-buwan tapos mababalewala lang din kung gawin akong beneficiary ng future kong guapong bunso, Beauty queen kong panganay o scholar kung pangalawa?

2. Nakikiisa po ako sa pinaglalaban ng OFWs tungkol sa dagdag singil sa kanilang kontribusyon. Hindi ko po pahahababain ang intro dahil ika-copy paste ko yung part ng kanilang letter...

December 21, 2011
  
Dr. Eduardo P. Banzon
Subject:           Opposition to Increased Philhealth Premium Payment
Sir:
The Filipino Migrant Workers Group vehemently opposes the issuance of Philhealth Circular No. 022, s, 2011 which increased among others, the individual premium contribution of Overseas Filipino Workers from Nine Hundred Pesos (900) to Two Thousand Four Hundred Pesos (2,400) per year effective July 1, 2012.
The increase was not only arbitrary, but the circular itself is in clear violation of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of R.A. 10022 otherwise known as the Amended Migrant Workers Act.
For millions of OFWs who are holding low-paying jobs and hardly benefiting from Philhealth, and particularly those who are already covered by more superior health insurance provided by their overseas employers, the present compulsory premium of Nine Hundred Pesos is already a burden. But to even increase it by more than 150% (without proper consultation) is downright callous and a clear manifestation of insensitivity to the feelings of the Migrant Sector.
Philhealth must also reckon with Rule XVII of IRR on R.A. 10022 which provides, under Section 4 on Government Fees, Administration Costs and Taxes, the following:
“All fees for services being charged by any government agency on migrant workers prevailing at the time of the effectivity of this Rule shall not be increased.”
Sincerely,
  
Jun S. Aguilar                                                
President       
Filipino Migrant Workers Group 
Bukas po ang blog na ito sa explantion ng kinauukulan. Nagtatanong at Nakikibahagi lamang! Happy New Year!