tips sa tag-init

Dear Ate Jevs,

Nabalitaan n’yo na ba na may el ñino phenomenon na ulit sa ‘Pinas , tapos magsa-summer pa. Ngayon pa nga lang po ay nakapainit na lalo na kung tinanghali ka sa iyong lakad.

Mayroon po kayong advices for el nino and papalipat na summer? Just asking lang po.

Thank you,

Damian Nato

—————–

Dear Damian,

Ay oo nabalitaan ko at kanina nga rin, worried ako na naiwan ko ang akin sunglasses at ‘di ako nakapagpahid ng sun block with SPF 15.

hello sunshine!

Mabuti ngang maging aware tayo sa ganitong klaseng bagay kasi matindi ito e.  so heto na aking tips ‘pagkat mainit.

  • kapag kailangan na maglakad, ang gawin mo ay mag-mall tour ka. Nalimliman ka na, nalamigan ka pa. Basta ayusin mo naman ang suot mo, baka naman mukhang bibili ka lang ng suka.
  • wear hat/ cap and sunglasses, bring umbrella and mag-spread ng sun block. Dala ka rin ng panyo o tissue, baka ma-over ka sa pagiging sweat este wet look.
  • wear white  or light and cotton na damit. Kapag black or dark colors mainit sa katawan. Pero ayon sa akin nabasa, kung ang concern mo ay ‘wag mangitim mag-suot ka na nga lang ng dark kasi nagba-bounce ‘yong sunlight doon.
  • uminom ng maraming tubig para hindi ma-dehydrate. Pinapauso na rin ngayon yung pagdadala ng  whatever na lalagyan ng tubig. Basta siempre ‘yung may takip at maayos ang pagkakatakip. Baka ikaw ang  malilintikan ka ‘‘pag nakabasa ka.
  • ang the best way na ‘wag maarawan ng husto ay umalis ng umaga. Ang init ng araw ng around 9 am to 3pm ay hindi raw safe sa skin, ayon pa rin sa isang nabasa ko. Sige, try mong lakad ng ganitong mga oras kundi magdugo ang ilong mo.
  • time na rin na i–farmville or farmtown  mo ang iyong bahay.  Yang mga kalahamanan at kapunuan na ‘yan ay hindi lamang nagbibigay ng lilim kundi fresh air and soon fresh fruits, like alatiris at chesa.
  • be cautious din when it comes to electricity, mientras na mainit doon mataaas ang kunsumo.  Naku eh ang malalakas pa naman sa kuryente ay yong nagbibigay lamig like aircon, refrigerator and electric fan.
  • Actually malakas din sa current ang mahahangin na tao, mabuting iwasan sila dahil nakakapang-init  sila ng ulo.
  • Buksan ang mga windows para pumasok ang hangin.  actually nagdadala rin daw  ng suwerte ayon sa Feng Shui. Basta don’t forget na isara ang mga ito sa gabi. “Baka iba  pasok bahay mo. bad luck !”
  • at para lalong hindi ma-feel ang matinding init,  always calm yourself. Mag-menthol candy ka muna.

    Mabuhay!

    Ate  Jevs

    know Hitokirihoshi’s other sides -read hoshilandia.com

    18 thoughts on “tips sa tag-init

        1. Here’s a serious tip, advice ng mga kakilala ko na of-arab origin. Most Arab countries are hot, lalo na sa disierto. Temperatures can go as high a 40°C: (1) huwag uminom ng mas malamig sa body temperature -pag uminon ng malamig, panandalian lang ang ma-feel na comfort. Pag uminom ng hot tea, papawisanka and then your body will cool down. Mas madali na ang pag-adapt ng body mo sa room temperature. (2) Increase your salt intake. This will help your body cells maintain their water retention capability.

          Kung mainit pa ren, may binebenta akong bagong T-shirt. May built-in airco hehehe!

    1. may kanta ako dyan eh… icool ka lang…icool ka lang! sabay lamun ng kendi! hahaha!

      tawa ako dun sa bukas bintana. baka nga iba pumasok! hakhak! pero okey din ba buksan bintana sa gabi baka maya may mangharana! yebeybeye!

      pero sa totoo lang gusto ko ang init ng araw. ang sarap sa balat! hahaha! kasi ang lamig minsan sa baguio, hanap ko sikat ng araw!

      1. ah pag sa baguio ako nakatira, isasara ko pa rin ang bibntana hehehe. lamig nga diyan. naku maraming taga-Maynila ang gustong makaipag-swap sa iyong nararamdaman nyan. hehehe

        ako rin actually mas gusto ko ang maaaraw kaysa maulan at maulap. the best for me yung weather November – January, tas dami pa holidays. hehehe

    Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

    Connecting to %s