Fall out of love: Gusto ko ng makipaghiwalay sa partner ko, paano?

May weeks an rin nang mag-comment si Shy sa post ni Ate Jevs  na Falling out of Love.   Ito rin kasi ang isyu sa kanyang love life at dahil kasing haba ng isang blog post comment n’ya, worth it din itong sagutin ng isang buong blog post.  Well aside sa matindi rin ang kanyang story 😉

Sorry natagalan pero heto na Shy at sana mabasa mo ang reply ni Ate Jevs . Ito muna ang slide ng iyong sulat/comment (initial video).  Bumibili pa ng mic si ate Jevs mo, para makantahan ka nya ng live. hehehe

Dear Shy,

Salamat at hindi ka  na-Shy na sumulat at  ibahagi ang iyong  kwento sa amin. Pasensya at natagalan ang aking pagsagot may pinoroblema lang ako na niligpit at itinumba ko nang dahan-dahan ,chuz!  Pero sana okay din sa iyo na  gawan ko ng  vlog  version ito ( which is wino-workout ko na may 453 days na hehehe).

Sa problem mo, hindi ba sa simula pa lamang ay talong-talo ka na sa kanya? Kaya paanong wala s’yang ginawang masama sa iyo? Sige mag-enumeration tayo the 5 Big Not So oh Good things he did sa ‘yo?

  1. Nagsama kayo na may pamilya na s’ya at kasal siya.  Dito pa lang ay maraming  tao na ang niloko niya – ang original wife, anak niya , ikaw at ang maging sarili niya.  O sige i-discount na natin ang sarili  n’ya , hindi naman s’ya aware.  Pero don’t blame me him masyado sa point na ito dahil magkatuwang kayo rito. You always have the choice, kahit masakit ang desisyon na hiwalayan s’ya dati. Alam mo Day sa buhay  natin  may mga bagay na hindi kayang i-overcome ng emosyon lang gaya ng napapanood natin sa mga drama series at movie. Kung ang pagmamahal ay utang at walang handang magbayad dapat siguro mawala na ang Mathematics.  (gusto ko rin talaga ‘ to :P)flashcards near scratch papers
  2. Take note, nagsabi pa na hiwalay sila.  Hindi ko alam kung na-verify mo  na ‘yan, sinakyan mo na lang, o  magaling talaga s’ya sa oratorical. Pero nagsinungaling siya di ba? Hindi ba masama ang nagsisinungaling sabi ‘yan ng teacher ko sa  prep.Love Padlock, N Seoul Tower
  3. Nabuntis ka at laging iniiwan ka sa ere. Hindi na nga naging mabuting asawa at ama sa first family niya, pati ba naman sa iyo at sa magiging anak ninyo. Nang ko po! Iyong totoo, nasaan part ng katawan n’ya ang “care,” “concern,” at “respect” kung kinukulang pa ang “love.”tomb for self pity
  4. Nambabae so many times – isa pang nang ko po! Nai-imagine ko kung nailinya mo na ba “ ano pa ba kulang sa akin?” Kasi malamang ang sagot ay siya lang talaga ang hindi makontento. Greedy, di ba bad din yon? Iyan sabi ng Teacher ko sa World History.Books
  5. Gusto mo nang makipaghiwalay at ayaw niya dahil wala raw siyang ginagawang masama. 100% wala nga s’yang ginawang masama…sa mundo n’ya. Hindi ka kailan man mananalo sa taong hindi marunong kumilala ng mali sa tama lalo na para sa sa iyo.

    games-1363218_640
    Credit: Pixabay

Alam mo nagtataka nga ako kung bakit umabot pa tayo sa no.5 bago may mailista tayong something different sa love life mo. Iyon ay nang isang araw ay mawalan ka ng amor at gusto mong aksyunan ito.  Wala nga akong makitang rason para i-“why not!” Kung love na lang ang nagba-bind sa iyo sa kanya at nawala pa ito? Ano pa ba?  Kasi in a way baka “you know” na lang din ang chuba n’ya. Hanggang kailan?

Ang pinakasimpleng payo na maibibigay ko  ay ang “idea ay hindi magiging mainam na desisyon, magandang resulta, o matagumpay na bagay kung hindi pangangatawanan, ipaglalaban, at paninindigan.”

Hindi malabong mahirapan ka na umaksyon kasi matagal na kayong nagsasama kumbaga ay naging comfort zone muna. Pero alam mo na sarili mo na kung ano ang tama at bakit ito tama. Set the record straight na klaro gusto mo nang bumitaw para maging masaya kayo pare-pareho.  Seek legal advice kung hindi na siya mapakiusapan sa maayos na paraan at palagi kang hihingi sa Kanya ng lakas ng loob and wisdom.

Nag-aaral pa rin ng Math,

Ate Jevs

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s