Materialistic

Alin ba ang mas mainam, ang maging kontento sa kung ano ang meron o mangarap ng magandang buhay para sa kinabukasan ng iyong pamilya?

Dahil half day na at male-late pa ako, tas gusto pa ng guard sa MRT na buksan ang dala kong regalo, nilakasan ko na lang loob kong mag-taxi. Actually, sooobrang bihira akong mag-taxi ng walang kasama o hindi inuudyukan e. Siguro last year pa ako last nag-taxi ng walang kasama.

Para kasing may masamang usok na bumubuga sa kokote ko ‘pag napapansin ko na mabilis pumatak ang metro. Wala akong gaanong tiwala sa mga taxi driver, maliban sa respetado at kilala ang kanilang operator. Siempre, pinaka-bottom line din e, kuripot na naman ako.

Kinausap ko yung driver, na ginagawa ko para maging feeling close nang hindi niya taasan ang singil sa akin. Ewan at mula sa kita niyang whooping 2000 per day ‘pag December (malinis na raw yun) hanggang sa mga  bisyo ng mga taxi drivers gaya ng pambabae hanggang sa pamimik-ap sa quezon ave at makati ng mga lalaki, bading at matrona ay napunta kami sa kuwentuhang  pag-aasawa.

May nasabi ako about na hirap mag-asawa o magpamilya ngayon. Kailangang handa ka sa gastusan at pagiging magulang. Eh mukhang kontento naman sa buhay si Manong. Sabi niya, masaya naman ang may pamilya basta nagtutulungan, masipag sa paghahanap-buhay at hindi materialistic.  May iba raw kasi (siguro mga babae) na wala na nga raw makain ay kung anu-ano pa raw ang gustong bilhin. (buti hindi niya  sinabi yung kung anu-ano ang inaatupag like cheese miss sa’n at pagsusugal).

Medyo napahinto ako, as if nag-moment ako at may nag-voice over ng ilang segundo. “Hoshi, materialistic ka nga ba? Sagot ni Hitokiri, hindi ka materialistic kuripot ka girl!”

Binalikan ko siya, sabi ko kay manong driver, minsan dapat matutuhan talagang maging kontento para mas maa-appreciate mo ang buhay. mukhang nag-agree naman si manong driver. pero sa totoo lang nandoon pa rin ang pagtatalo sa isip ko. pinalaki kasi ako ng nanay ko na ‘wag humintong mangarap. Animo’y ang  pangarap ay color sa iyong life.

In the end, magkaiba pa rin ang satisfaction at contentment.  Hehehehe! Kapag masaya ka na eddie masaya ka na.

18 thoughts on “Materialistic

  1. Ahaha, si Hoshi, inamin na kuripot din. Nanggagaya. Siguro may konti ka ring dugong Ilokano, ano? Di bale, being kuripot is an asset. Tingnan mo mga Dutch, dutch treat pag i-date mo sila hehehe…

    //sa tanong mo: “kuntento” o “mangarap”? Kuntento is stagnant. Mangarap stays pangarap till you do something about it. If you want to do something about your pangarap, being kuripot is a good way to start…

    Good luck, friend. Don’t forget my balato pag super-‘kuriput’ ka na…

    1. bat hindi ko pa ba nasasabi before? at hindi pa ba halata sa ibang posts ko. hehehe

      eh kailangan ko pa lan iwasan ang mga Dutch e, bat pa ako kukuha ng kapwa ko kuripot. doon na ako sa galante, para kabog na lang ng kabig. hehehe

      tama ka sa iyong tinuran about kuntento at mangarap, puwera doon sa balato. hehehe

      ano ako bale, matapos akong magtiis na magkuripot, bibigay ko lang. hehehe another shade ng kuripot ay damot. buhehehe

  2. Hindi masama na mangarap ng magandang buhay para sa pamilya pero hindi naman laging puro materyal ang mahalaga. Money is so important but it is not everything.

    At siyempre witness ako sa pagiging kuripot mo, hanggang Divisoria naglilista ng mga presyo. hehe Saludo ako sa galing mong humawak ng pera. :p

  3. AY HINDI NMAN MASAMA ANG MAGING KURIPOT BASTA BA LAGING ASA LUGAR.

    HINDI BAWAL ANG MANGARAP, ITO NA NGA LANG ANG LIBRE DITO EH DI GO LANG NG GO BASTA DAPAT SA KABILA NG PANGARAP AY ALAM MO ANG KATOTOHANAN AT GUMAGAWA KA NG PARAAN PARA MAABOT ANG IYONG MGA PANGARAP.

    HAIZ MAKATULOG NA NGA AT AKO’Y MANGANGARAP MUNA..WAHAHA PANAGINIP NA PALA UN.

    1. hi etchosera at thanks sa pagbisita sa hoshilandi!

      pero sana hindi naka-all caps. heheh

      tama walang masama sa pagiging kuripot. at masarap ang mangarap o managinip. wag lang babangungutin.

      merry Christmas and happy new year!

  4. wahahahaha! kuripot ako kapag para sa sarili ko pero kapag para kila mama’t papa ang bait bait ko naman! mapagbigay!

    pero enobeh? masarap mangarap…
    ako hindi pa ako kuntento eh…
    marami akong pangarap
    pero sabi dun sa full metal alchemist
    dreams that come true are not dreams at all
    ang saklap!
    medyo naapektuhan din ako niyang quote na yan!

    1. naku wag kang paapekto sa quote na yan. dati sunud-sunuran din ako sa mga quote until ma-realize ko na prinsipyo yun ng isang taong may point pero hindi applicable sa life ng kahit sino. kahit isama pa natin yung kina plato at socrates.

      at oo masarap mangarap, at masarap pangarapin yung sandaling happy ka na. hehe

      merry christmas!

  5. sabi daw a person will never be contented.

    kelangan nating patunayang mali yun diba.

    ako nagtaxi din kagabi kasi naman december 25. walang jeep na proj2-3. inabot ako ng 70pesos.
    pero inaamin kong mabilis ang byahe. o talagang maluwag lang mga kalsada. hehehe

    kamusta pamangkin ko merry xmas sayo ha!!!!
    magmano ka na lang saken para may gift ka hahahaha

    GOOD AM hoshi

    1. mano po tio jason? nasan na po ang aginaldo ko?

      miss ko na kayo ah! oo nga madalas din akong napapa-taxi ngayon pero siempre kasama ang mga kaibigan.

      talagang mahirap maging kontento, lalo na kung hindi ka tumitigil mangarap at maging masaya. hehehe

      mabuhay and merry Christmas din po!

  6. ok lang maging kontento kung anong meron pagtiyagaan… pero kung may ibubuga pa bakit di subukan, kung may magagawa pa, kung may paraan pa, kung kayang abutin y not diba?

  7. yo

    namiss mo ako?
    pasensya na
    ngayon lang nakadalawa

    busy at hectic ang schedule
    panay ang shooting ng movie at taping ng telefantasya ko for 2010
    nyahaha

    ang totoo nyan
    nawala ako ng wifi
    sosyal diba

    kamusta pasko natin?

    1. oo sosyal nga manong raft3r! Hmm paunti kami ng paunti sa bahay. medyo kulang na sa energy. halos lahat kasi ng mga kapatid ko nag-abroad na.

      na-miss ba kita? Happy New Year na lang!

      okay lang , naiintindihan ko ang buha-artista mo. tas ngayon fantasy pa pala ang ginagawa mo kaya, mas mahirap. hehehe

  8. halu! is your blog still active? if you ever read my comment hingi ako ng email mo to private message you nalang. i want to ask your advice about your blog topic. naguguluhan lang kasi ako kung ako ba ay kuripot na tao? o sadyang materialistic? o talagang madamot. thanks. pls email me. thanks a lot ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s