When you encounter hate or personal attack…

How do you react when you encounter hate or personal attack? Ang sagot sa tanong na ito ay di ko alam eksakto.  Depende na rin  siguro sa tao, sitwasyon, obserbasyon, at lagay ng emosyon ko. Nangyari  na rin kasi na wala akong kamalay-malay tinitira  na pala ako, tapos   mayroon rin na ang simple lang at no intention to hurt me, pero nasaktan ako at nagalit. After all, I’m Capricorn at curly daw, kaya moody.

Ang maipagmamalaki ko na lang ngayong matured na ako ay mas less na yung instant react ko at more sa nag-iisip muna. Minsan pa nga feeling ko may pagka-stoic na ako. Kaka  pagiging objective ay  may ibang tao na nagsasabi o mare-realize ko na lang later  na subjectively  na may dapat pa lang ikalungkot o ikasama ng loob. Pero iba ‘pag takot, no?  Palagi itong nauunang isipin at maramdaman lalo na kung unknown pa sa iyo ang bagay-bagay.

Things I do against personal attacks

Avoid. Unless nasa sitwasyon ako na wala akong choice kundi makisama at na-provoke ako,  ako na iiwas. Kung ang iba ang sasabihin na tapatan ko rin, hindi ko gagawin. Hindi ko kino-consider na laban sa buhay ang tapatan ang mga taong alam ko na inggit, nagpo-power trip, nagmamagaling or what. In  fact, I don’t even want to analyze or feel something  sa kanila.  Ang alam ko lang ay pag di ako gusto sa una at hanggang tatlong  beses kaming nagkasama, na-judge na ako.  Hindi ko na kailangan patunayan ang sarili ko. Pero hindi rin nman ibig sabihin nun, bababa na ang self-confidence o magku-quit na ako. Yun ang pinagkaiba ng dating hoshi sa ngayon.  Call me quitter, coward, incompetent, or whatever … bahala ka na.  Basta alam ko ang gusto ko at ang mahalaga sa akin ay result. Hindi sa sasabihin ng tao, na wala naman bearing sa akin.

Silence.  Hindi ako masalita lalo na kung may tension sa paligid o may napi-feel akong something. I think mas magandan g taktika ang  katahimikan at poker face. Yung tipong asar na asar na sa iyo ang tao pero ikaw deadma lang, hehehe. Saka mas maraming naglalaro sa isipan ng tao  mas  nakakatorture sa kanila..

Go Direct to the point. Hindi ako ma-opensa pero hind ako  tatahimik kung aatakihin na ako ng below the belt at harap-harapan. If you attack me, hindi ako martir at tatanggap ng palo.  Pero honestly, mas naggaganito ako kapag mga mahal ko ang inaggrabyado o  piniskal na ako.  Kapag alam ko kailangan nang harapin yung tao, haharapin ko ng diretsahan.  Yun din karugtong ng avoid ko,  kung iniwasan ko  na at tumahimik na ako… pera inaabala pa rin ang kapayapaan ko. Malaki na ang problema  natin n ‘yan .

Things I do when someone hates me

Wala.  Bahala yung tao na i-hate ako. Kung wala naman akong ginagawang masama at ginagawa ko  ang best ko para okay ang lahat, why bother? Hindi ako pleaser, diplomatic lang.

Understand.  Lahat ng tao ay may pinagdadaanan at  pinanggagalinan. Kung nagkataon , ako yung tao na sa tingin nila ay hate nila kasi sa ganito ako at ganyan. Iintindihin ko, hind ako perfect at palaging tama.

Advertisements

Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident?

May mga  punto sa buhay ko na tinatanong ko rin  ang aking sarili kung  tama pa ba ang pagiging humble ko .  Iyon din kasi  ang  mga  panahon  na  ang pakiramdam ko ay  inaabuso ang  kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba.  Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung  tama  pa ba  ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?

Kailan ba ‘di okay ang  maging humble

It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay  mapagtanto ko ang bagay-bagay.

Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad.  Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.

Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako.  Buti na lang ay may  malupit na payo sa akin ang kuya ko na  tumatak sa kokote ko…

“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.

Sa bagay,  ang kabutihan ay hindi  palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa  sarili nilang mga  karanasan at nakalakhang pananaw.  So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban.    May wrong signal din kung baga. Ayon sa  nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa  Relevant Magazine   minsan ay mali na rin ang  definition natin sa humility.

“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”

So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na  “hindi naman?!,” sabihin mo  radyo “maraming salamat.”  Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa  pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

parish-of-the-holy-sacrifice-via-crucis.jpg
to be humble and confident is … (photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Kailan ‘di cool ang maging confident?

Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na  “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong  bata ako sa  mga  extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong  (esp. kabataan) tumatayo  para sa  kanilang pangarap.   Hindi  pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world.  So kailangan  kapag sasali ka sa reality show,  maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.

Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang  bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan.  Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :

“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves.  Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Para sa akin,  ang hirap abutin ng isang pangarap,  bagay man ito o tao, kung wala  kang lakas ng  loob.   At para  magkaroon  ka  ng lakas ng  loob  kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa  sarili. Ang magandang isipin siguro  tungkol sa  confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng  Diyos ng gifts  at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit  mo  hihindian dahil  lang sa  sinasabi  ng  iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:

“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”

Mabuhay!

Paano kung may nakikipagdebate tungkol sa relihiyon ko?

Wala akong matandaan na dibdibang debate tungkol sa relihiyon maliban sa isang job interview ko.  Ang totoo n’yan nakaranas na ako  na muntik na akong magpalit ng religion and it wasn’t easy and very complicated spiritually-emotionally-mentally. So iyon ang naghulma ng pagtingin ko sa differences between being religious and faithful. Pero “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed” o may makipagdebate  talaga?

Statue-at-San-Miguel-Church

Sa akin first up to seventh reactions ay surely ignore! Wala sa personality ko ang nakikipagtalo at ni ganahan na pag-usapan ang  isyu na sa  tingin ko ay hindi  pinagtatalunan o  malabong may patunguhan na maganda.   Ang  prinsipyo ko na lang dito ay “respect.” I give respect sa ibang tao sa  kahit anong relihiyon na mayroon  sila at nag-e-expect akong ganun din ang gagawin for me.  Hindi naman ako namimili ng kaibigan dahil sa religion. Medyo maiiba nga lang siguro sa kasal, pero mabuti at mayroong naman civil wedding hehehe.

If someone ridicule my  religious belief…

Kung aalipustahin (ridicule) ako because of my spiritual belief,  baka ang una kong isipin  ay  may something na doon sa tao.    Ano ba ang kanyang malalim na  pinaghuhugutan   at intensyon  dahil  it could be  beyond religion na eh. Kasi  sabi ko nga ay hindi naman ako papatol sa  debate o diskusyon tungkol sa religion, pero malamang  makikinig naman ako sa  abot ng aking  makakaya. Pero siyempre I also believe na may kapasidad at malalim na akong RELASYON sa  Kanya para iyon ang sundin ko. Hindi ko na kailangan ipagmalandakan ‘yon. Kung baga my faith is something personal na hindi kayang anuhin lang ng usapan o debate lang.

Isa pa I can say  na rito sa  Pilipinas may  mga batas  na sumasakop sa  ganito   gaya na lamang ng

Article III, Section 5 ng Philippine Constitution 1987

“No law shall be made respecting an establishment of religion or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.”

Hindi ko alam kung malulusuta pa itong batas na  ito at maaaring naba-violate. Subalit, to follow whatever religious practice na mayroon ako ay hindi ko na kailangan ipakipagtalo. Ang alam ko  lang  willing akong mag-share  kung bukas naman ang puso  at isipan ng  makikinig. Ang sarap magkuwentuhan at makipagkapwa-tao  kahit ano pa ang religion ninyo. Basta usapang faith na lang tayo di ba.

Note: Ito at reflection ko sa tanong sa Our Daily  Journey  “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed

Bakit ka may doubt sa sarili mo?

Palagi  akong may doubt sa sarili klo pero maaaring natatabunan ito ng aking mga kagustuhan (desire/ passion),  simpleng hiling man o matatayog na pangarap. Lumilitaw lang iyang pag-aalangan o pagdududa ko kapag may na-experience akong hindi naaayon sa  gusto ko. Pero alam mo ang mas masakit?  Iyong makaramdam  ka ng panghihina dahil ikaw na mismo ang nag-aalangan sa iyong sarili. So I’ll answer this question: “When you find yourself struggling with doubt, how do you find renewed hope?” na nabasa ko sa Our Daily Journey.

When do you find yourself struggling with doubt?

Malaking tulong ang aking maturity ( anuman ang antas nito) ngayon para mabawas-bawasan ang mga doubts ko sa buhay. Nagkakaroon na ng way to have objective perspective.  Magkaiba rin kasi yung kayang unawain ng puso, sa puwedeng maintindihan ng isipan. Pero in contrast sa tsika ng iba na palaging tama ang isip, may pagkakataon na mas tama din ang ♥.  Ang mga sumusunod ay  pinagmumulan ng  doubts ko sa aking sarili.

1 Failure –   Hindi ako  perpektong tao at tanggap na tanggap ko ‘yan. Kapag confident  ako sa ginagawa o gagawin ko ay siyempre ipupursige ko.  Pero kung nagkamali ako sa  bagay  pa naman na feeling ko ay okay naman ako  saka  ako nagdadalawang-isip.

Halimbawa sa work, napaka-sensitive ko kapag napagsasabihan ako sa task. Sa una at pangalawa ay nagbibigay pa ako ng allowance sa pagkakamali pero kapag paulit-ulit  na ay ang big deal noon sa akin.

Puwede rin dito iyong sumubok lang naman, tapos ang laki ng bagsak ng pagkakamali at may naapektuhan pang iba. Iyong tipong parang nasira na ang imahe ko sa ibang tao.

2 Intimidation/ Insecurity – I think medyo complicated ang definition ko ng intimidation na kumo-crossover sa insecurity. Mas malala ito ng noong college at fresh  grad ako (lam mo na bata) dahil mas feel ko na laging mahina ako kumpara sa mga tao sa paligid mong mas may  itsura, matalino, o mayaman.  Medyo rare  na kung ma-experience o maramdaman  ito  pero kapag dinalaw naman ay naku po…deep ang impact. Aminado rin ako na mas madali akong ma-intimidate ng taong alam kong magaling sa math, hahaha!

Ang  most recent na  naalala ko na na-intimidate o siguro medyo na-insecure ako  ay na-meet ko si rich guy freelancer  at nung may nagpa-flood sa wall ko na isang kakilala na panay ang kwento sa latest  achievements n’ya.

3 Incapable – May time na  gustong-gusto ko yung ginagawa ko pero di ko ma-meet yung expectation kaya pinag-iisipan ko yung kakayahan ko. Minsan ako na rin ang napu-frustrate kasi hindi ko na kinakaya o hirap na hirap na ako na ma-meet yung standards. So far, ito ang pinakamatinding factor kung ba’t ako nagkakaroon ng doubt sa sarili ko.

Outcast or you think no one believes in you – hindi naman malala pero there were instances that I felt na napagkakatuwaan or dina-down ako.  Yung doubt nanggagaling na rin sa pagiging conscious na baka  pag-initan or  maliitin ako. Puwede rin nag-aalangan ako sa isang tao kasi part siya ng elite group. In fact, noong college may isang guy na may feelings ako na mabait naman siya sa akin pero inalayo ko na sarili ko kasi dahil sa grupo n’ya.

Ikaw bakit ka nag-aalangan o nagdudu sa sarili mong kakayahan.

Want to know kung ano ginagawa ko

 When I Struggle with Doubt? 

Essay: Why is it important to see the value in all people?

When we’re young adults, what we usually noticed only knew were rich, powerful, and famous people. That’s because of the inside or outside influences including media, advertising, culture, and norms. I’m also like that before, I somehow associated success to being rich, powerful, and famous. Now that I am matured enough, I think those things are awesome to have. However, I don’t think they can replace immeasurable treasures such as love, friendship, good health, peace, and real happiness.

Note: I got this question from the book  – Our Daily Journey

Sa ganang akin, mas malalaman mo ang  saysay  at kulay ng iyong  journey sa mundo kung ma-appreciate mo ang ibang tao.  Isa pa mas mapi-feel mo ang “humanity” kung marunong kang  tumingin ng true value ng bawat tao. Hindi  lang iyong  kung sino malapit, palagi mong nahihingan ng tulong, sikat na napapanood   TV o movie, at nagti-trending sa social media.

It’s not who they are, but what they do for you or how they touch your life.

Remember that we have different sides. Ang title ng website ko ay aspectos de hitokiriHOSHI or the aspects of Hitokirihoshi tapos ang unang tagline ko dito ay “because we have different sides and shadows.” Noong una, ang naisip ko doon ay maipakilala ang ibang side ng pagkatao ko.  Pero later on I realize, eh talaga naman ang personality ay binubuo ng iba’t  ibang bahagi. Mayroon tayong mental, emotional, social,spiritual, physical,  etc. ito ay bukod pa sa mayroong tayong career, personal, relationship, and hobbies or passions.

mighty & shining ate Jevz...no super power pero malakas magpayo
mighty & shining ate Jevz…no super power pero malakas magpayo

Kaya ang hirap yang pamba-bash or cyberbullying na ‘yan, lalo na sa mga ordinaryong tao na nagkataon na nag-viral kasi  may nagawang hindi maganda at nakunan ng camera.  Kapag nam-bash ka  agad, ang kinuha mo lang na point view ay kung ano lang ang nakuhaan at napansin ng kumuha.  Hindi yung nauna, natapos doon, at ano ang buong kwento.  Pero ang masaklap doon ay  yung below the belt na pagtira na akala mo iyong tao lang na iyon ang imperfect  sa lahat. Tapos sakit -sakit noon na pati magulang, pinanggalingan, edukasyon  atbp ay na-bash na rin.

Teka lang po,  ang pinag-aralan ng isang tao ay hiwalay sa kanyang naging asal sa isang moment ng buhay n’ya.  Kayang i-overpower ng behavior ang dunong ng tao.

Pero kapag sinubukan mong makisalamuha at  makipag-usap ng personal sa iba’t ibang tao, tuturuan ka nitong makisama at umintindi.  Ganito ang sekreto ng mga OFWs at Businessmen na low profile pero  matatagumpay. They don’t even have time na mag-online pero may time sila for get together,  bonding moment, sports, and  other offline stuff.  And yes hindi lang sila OFWs at negosyante, sila rin ay anak, magulang, estudyante, barkada, at iba pa.

Bag by hoshilandia.com

You’ll understand your own purpose through them.  May mga bagay na siguro isinasawalang-bahala mo.   Pero kapag pinansin na ng iba ay  saka ka nahimasmasan.  Halimbawa sa trabaho ay palagi kang late sa pagpasok. Deadma ka na kasi regular ka na at ikinakaltas naman iyon sa sahod mo. Pero hindi mo alam  yung pagiging late mo ay nakakaapekto rin sa productivity ng inyong group at department. Malalaman mo na lang ang bagay na ito at iba pa, kapag sinita ka na ng team leader at HR Department.   So sa paraang ito mo nalalaman mo ang epekto o halaga mo rin sa ganyang bagay.

Ganito rin naman kung nakakatanggap ka ng payo o humihingi ka ng  payo. Ang ibinahagi sa iyo ay baka hindi lamang facts and analysis kundi wisdom mismo noong tao.  Hindi nga ba’t  kahit alam  na natin tama  o mali ang ating ideya ay  kailangan pa natin pa talagang i-consult ito bago umaksyon? Iba rin kasi kapag nakakausap ka para mailabas ang iyong saloobin. Bonus na bonus na lang kung positive ang reaksyon sa iyo.Mhona Andrade_ warehouse sale 2

Samantala, bitamina rin yung pagbati  at papuri gaano man kasimple o engrande  iyon basta sinsero. Ako may point sa buhay ko na naitanong ko kung nasa tamang larangan ba ako. I was  doubting  that time sa kakayahan ko and somehow may mga “what ifs” ako nakakagulo sa utak ko. But then, when  I received good comments  Napatunayan ko may kwenta ako at ang aking ginawa. May dahilan ba’t ako napadpad doon dahil nakapagpasaya, nai-inspire, at napagseserbisyuhan ko ang ibang tao sa paraan na gusto ko.

You’re not alone.   Personally, ang take ko sa “happiness” ay dapat hindi mo ito idinedepende sa iba. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi mo kailangan ng ibang tao sa buhay mo.  Ang  dapat mo lang ay maunawaan ay ang halaga nila sa buhay mo. May dadamayan ka sa hirap at ginhawa o paalalahanan ka at matutuwa sa iyong ginagawa.  Hindi ko ma-imagine kung paano nga ba i-celebrate ang isang pagkapanalo kung ikaw lamang ang masaya.

May kakilala ako na palaging  nirereklamo iyong kamag-anak n’ya na nagtyaga daw sa maliit na sahod at  parang  walang direksyon sa buhay. PERO nung nagkasakit s’ya, iyong kamag-anak na iyon ang nag-alaga sa kanya.  Pag nagkakasakit ka, mahalaga ang tulong na pinansyal pero ang laki-laki ng bearing ng taong nagbibigay ng lakas at oras n’ya para sa kalagayan mo.senguan temple. praying for the dead

You’ll understand that stuff like kindness, hope, and love do exist. Nito lang nakaraan ay may isang matanda, hindi ko kilala, pero tinuruan at tinulungan ako kung paano mag-ink refill sa cartridge.  Kung hindi siya sumingit sa usapan namin ng salesman, mapapagastos na ako ng malaki at clueless ako kung paano ko gawin nang tama. Iyong salesman kesyo may ganito pa akong dapat alamin at bibilhin para mailagay lang yung ink.  Medyo ini-expect ko na basic lang i-explain sa akin at gagawin lang noon kung saan siya kikita kaya paalis na ako.  Pero alam mo dahil sa matanda ay nailabas ni salesman iyong paraphernalia na meron na pala s’ya at libre naman kung tutuusin. Kung hindi pa sasabihin ng matanda ang bagay na iyon, hindi n’ya gagawin at hindi ko malalaman.  At ang malupit sinamahan pa ako ni Lolo para pumili ng pang-inject.  May hininging kapalit si Lolo? WALA!gyeongbokgung palace

Usually sa matatanda at sa travel din ako nakaka-appreciate ng pambihirang kabaitan.  Masasabi ko na isa yun sa dahilan bat ang saya ng Visita Iglesia ko sa Rizal at pagpunta ko sa South Korea.

When you see the value in all people, you’ll realize why money is not everything.

Mabuhay!