Itong Setyembre ay naging aware ako sa panawagan sa Change.org at ThunderClap tungkol sa pagsasailalim ng mga uri ng pating ( Thresher Sharks) sa Appendix II CITES at red list ng IUCN. Vulnerable at mabilis na mawawala ang mga isdang ito kung hindi mapipigilan.
Hindi ko na hahabaan ang post na ito, kung nais mong malaman pa ang relasyon ng ganitong adbokasiya sa ating well-being, economy, tourism, at iba pa. Maaaring mong basahin ang mga sumusunod na posts:

Ano ang halaga ng pagba-budget sa health, wealth, and environment?
Anak ng Pating, what’s the matter if fishes die
May Pawala ng uri ng Isda, paano na?
Sa ngayon ay nilalayon na makapdagdag pa ng boto sa Change.Org para mapaabot sa mga kinauukulan ang petisyon para sa mga Thresher Sharks. Sa hindi pa nakakaalam sa Pilipinas lamang makakapag-dive ang mga turista na makakita sila ng mga pating. Sa Monad Shoal around Malapascua Island (Cebu) ay mga Thresher Sharks ang mga bida. Noong panahon ng Super Typhoon Yoland/ Haiyan ay ang mga Thresher Sharks ang nakatulong para muling makabangon ang mga residente sa Malapascua. Para sa detalyeng ito, panoorin ang youtube video sa ibaba.
Sana makapagbigay tayo ng suporta at maibahagi rin natin ito sa mga kapwa nating Pinoy man o hindi, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa.
Magsisimula na ang convention (COP 17) sa 24 September to 5 October 2016 in Johannesburg, South Africa. Kaya Puspusan ang kampanya rito.
Mabuhay!