Thanks 2009

Gaya ng dati, gusto kong ibahagi ang mga bagay-bagay na aking ipinagpapasalamat sa nagdaang taon, mga bagay na puwedeng maganda o pangit pero pasadong inspirasyon at hamon. Last year nag-start akong magkaroong ng prayer requests and answered prayers na natima ko sa pagbili ng organizer sa PCBS. Okay naman siya nakakatuwa.

Answered prayer 1. Broadband connection

Oo sa tinatagal tagal ng panahon na may PC ako, nagkaroon ng work at ilang part time jobs ay nagtiyaga ako sa dial up. Nagagawa ko ngang magtiis sa P30 kada buwan, kung di kinakailangan. Puyatan lang ang drama.

Noong malaman ko na papatak na 200 lang babayaran ko kada buwan sa PLDT DSL, nagpakabit na ko. Kahit dumalang ang aking mga karaketan, at least wantusawa na ang blogging, chatting, pag-a-upload ng mga pics and videos, nakakapanood na ako ng mabilis-bilis sa youtube. Hehehe siempre damay na d’yan ang papatakbo ng aking resto (sa fb).

Answered prayer 2. Visit Baguio

At last, nakarating na ako sa city of Pines na halos walang kagastos-gastos. Buti na lang umuwi ang ate ko tas nag-aya na mag-Baguio for almost 4 days.

Answered prayer 3. Learn to eat vegetables

Hmmm baka may magpadala ng violent reaction, okay kahit papaano napapakain na ako ng bongga. Before kasi soobrang pihikan ako sa pagkain ng gulay. Pero nitong taon, nagugustuhan ko na ang magkakain ng salad na madahon. Dito sa bagay na ito, gusto ko ring pasalamatan ang mga friends ko na sina Len, Liz, Jovy at Ka Ver. Mga friends dahil sa nakakatakam ninyong pagsasalad, natatakam na ako. One thing pa, mas naging adventurous na ata ako sa pagkain at MEDYO ready ng gumastos pagdating sa pagkain at SALU-SALO.

Answered prayer 4. save money

Kumpara last year, mas naging matumal ang pagkakataon na makapag-save ako. Siguro dahil na rin sa gusto kong ma-try ng mga kabagayan na siempre equal sa gastos. Pero at least, nakapuno na ulit ako ng alkansya.

Answered prayer 5. small business

Siguro mga 5-7 years ago, sinabi ko sa sarili ko na pag-apak ko sa edad na ganito ay bibili ako ng kotse. ‘Pag hindi, kailangan may negosyo ako kahit maliit lang. Hindi PA ako nagkakaroon ng kotse, well, bukod sa wala pa ‘yong latest model na pinapagawa ko (chuz!), hindi rin advisable na mag-kotse ngayon sa taas ng langis at hirap ng buhay, kailangan may exercise (palusot no.35!) at higit sa lahat hindi pa naman ako marunong mag-drive (palusot no.154).

Ang nakakatuwa lang ay noong July, kasama ng aking Kuya, nakapagpundar kami ng store. Ako ang bahala sa financial at siya sa pagma-manage. Tumutulong din ako pero nagpo-focus ako sa isa pang under na business noon. Honestly, mas tulong ‘yon sa kuya ko more than sa kita ko.

Iba yong fulfillment na nakatulong ka na matupad ‘yong pangarap ng iba, saka may pinapatunguhan ‘yong pinagpaguran mo. ‘Yong puhunan doon ay halos naipon ko lang sa pagpa-part time at loan sa SSS. First investment ko ‘yon at first loan sa SSS.

Hmmm medyo may ilang problema kaming pinagdaanan at pinagdadaanan pero nase-settle naman na, sana! Magkagayon man, yong fulfillment na nadama ko nakatatak na yon at magsisilbing aral sa akin para sa mga susunod sa investments. More power Hoshi!

Answered prayer 6. Reconciliation

Wala na sigurong mas giginhawa kapag feel mong wala ka ng kaaway. Although marami akong gustong sabihin pa, for now thankful ako na after so many years nag-usap na kami.

Btw, remember my wild-wild wish? Isa sa natupad na doon ay ang maka-receive ako pareho ng Dirty Dancing 1 and Step Up 2 (puro original po yon Mr. Rickets), yahoo! Thanks JO o “Mama Car-Car”

33 thoughts on “Thanks 2009

    1. datirati nitro car pa ginagamit ko. adik na ako nun. paano pa ngayon na nakabroadband na rin kami. sobrang adik na! sobrang sobra! hahaha!

      hay hindi naman ako makakaligtas sa baguio na yan! tsk tsk tsk

      ui simula ng umakyat ako ng baguio, natuto ako kumain ng gulay. masarap pala. pero syempre may pinipili din naman akong gulay.

      nakakaawa. hindi ako nakapag-ipon. nakakainis!

      yang business na yan. hindi matuloy tuloy. may balak akong business.. may kapartner na rin kaso busy kami sa acads namin. walang mag-aasikaso!

      reconciliation – mabait naman ako eh. wala naman akong kaaway. ewan ko lang sila. baka may nagtitreat na kaaway ako na hindi ko alam.

      1. hehehe ako sobrang dinidisiplina ko ang aking sarili na wag ma-adik. kaso naging nadisiplina na ata akong maadik sa resto. hmmm gusto ko mag-download ng need for speed pero wag muna. mabagal pa pc ko. next project ko ito.

        oo dami ngang gulay dyan at nakakatakam. parang gusto ko ng matuto na ring magsalad. hehhee

        sana matuloy yang business ninyong magkakaibigan. pero sa tamang panahon na matutukan ninyo at magandang unahin ang pag-aaral. mas maganda ang mag-business kong napag-aralan nyo talaga ang mga bagay-bagay at kaya ninyong mag-focus dito. (naks napa-business advisor daw ako)

        hmmm ako kasi, mahaba pasenysa pero once na mapuno o masaktan. kayang i-take over ng pride at mahabang mag-isip. hehehe. kaya masuwerte ka at ganyan ang ugali mo. keep it up! gusto ko mawala tong asal ko. parang sa akin kasi mawawala ang love, kapag naramdaman kong inaapakan na ako ng todo-todo, hindi nirerespeto at nagsawa na sa kakaintindi.

    1. oo nga at yang mga yan parang major na ha. mayroon pang maliliit na bagay siempre. yong iba namang di pa nasasagot, hmmm makakapaghintay pa.

      oo ngayon ko na na-aapreciate yung iba. hmmm sarap ng letus, basil lalo na pag masarap ang sawsawan. pero dati pa gutso ko na ang kangkong/talbos at laing

  1. mukhang maganda ang year 2009 mo at masaya ko para sayo… kami ni 2009 mejo flop ang tandem namin… di patok sa patilya ng tenga ko 😆 masyadong madrama… marami akong unanswered prayers,mali siguro yung dinadasal ko… pero kahit ganon,Nagpasalamat din ako kasi marami akong natutunan. Happy new year!

    1. Happy new Year Dhyoy!

      salamat din at masaya ka for me. mayroon pa rin akong unanswered prayers. may ilang bagay akong naiisip para sa mga yon, hindi pa time; hindi para sa akin; at may iba akong dapat unahin.

      sa totoo lang, naniniwala ako na malaking part ng sarili ko ang nagkaroon ng transition. mas naging mapag-isip at nagkaroon ako ng urge na pag malungkot kailangan sumaya. hehhee

      pero kasama doon sa mapag-isip, napi-feel ko naman na nababawasan ang aking kumpiyansa sa aking sarili, sa pag-asam, at magmahal. drama no! pero totoo

    1. Hi and welcome sa Hoshilandia maelfatalis!

      salamat din at happy ka for me. hahaha oo masarap nga ang gulay lalo na kung masarap ang pagkaka-prepare at luto. since grade school nagustuhan ko na ang laing kasama ng ibang lutong gulay gaya ng monggo at pritong/ tortang talong.

      mabuhay!

  2. Answered prayer 2. Visit Baguio

    At last, nakarating na ako sa city of Pines na halos walang kagastos-gastos. Buti na lang umuwi ang ate ko tas nag-aya na mag-Baguio for almost 4 days.

    I’m glad na nakabalik ka sa Baguio! Ako rin nakabalik din ako twice pa before magend ang 2009! Iba kasi ang Baguio!

    Sa ibang mga natupad sa iyong buhay sa taong 2009, isang malutong na…

    CONGRATULATIONS!!!!

    1. isang crispy thanks din sa iyo Dorm Boy! hmmm that was my first time kaya solid na saya. hehehe

      mabuhay, pagnagkataon na sabay tayo magpunta doon ulit. kita tayo, papalibre ako ng pambili ng gulay at strawberry. buhehehe

  3. pamangkin una sa lahat
    paaka muna si tito para sa pagbati ng hapy new year!!!

    binabasa ko ang mga fulfilments mo at napapa ngete naman ako.
    so, hindi wasted ang past year mo
    nice to hear that

    apir!!

    lol @ vegetables hahahahaha
    kaw talaga

  4. Gumawa ka na ng list for 2010! Dali! :p

    This year din naging sobra ang pagke-crave ko sa vegetable salad. Go, go! Baka next time, ampalaya na ang kinakain mo. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s