In God’s perfect time: Thank you 2016 and Hello 2017

Roller-coaster ang journey ko this year na para bang mas maraming pababa kaysa pataas. May mga pagkakataon na halos ikunsidera ko ng malas o hindi magandang taon ito para sa akin.  Pero kung babalikan ko iyong mga  panahon na down ako, doon ko pala mas natutupad ang mga dati ko pang pinaplano at maa-appreciate ang ibang tao sa buhay ko.5. time

Nitong Oktubre lamang, I don’t know kung out of frustration or ambition, ay sinimulan kong maglakad ng papers for my business.  Actually three or a week before this, nakadalawa akong job interviews na hindi ako na-hire. I guess hindi lang sa disqualified ako, but all along alam ko na rin na may iba na akong gusto o priority. At nararamdaman ng mga interviewers na hindi lang trabaho ang focus ko sa buhay na.  Hindi ko rin ideni-deny ‘yon kapag tinanong ako. I believe din kasi na ang totoong may malasakit na trabaho/amo ay nag-o-offer ng work-life balance at hindi sahod na malaki lamang. Um-attend ako sa job interview na sa tingin ko ay interesadong gawin na makadagdag sa experience ko at siempre financial.  Subalit, hindi ko rin itatatwa kong halimbawa ayoko ng magpatuloy sa application o maging honest sa sagot. Tapos na ako sa era na kailangan sumagot sa gustong marinig ng HR officer. Hindi sa anu pa man, if I really want the job and I believe I’m qualified hindi ko kailangan magsinungaling o i-sugarcoat pa yung mga linya. Anyway, thank you pa rin sa kanilang time.
So dahil naisip-isip ko nga kaya nga ako nagpi-freelance ay para makapagnego-negosyo rin.  Pero this time, iyon naman ang gusto kong mas matimbang kaysa pagtatrabaho. Dahil dito ay binalikan/binasa ko ulit ang mga business books at magazines ko.  May book ako na “Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business” nabili ko  siguro 2010 or 2011. Ito iyong mga panahon na  kung kailan pa-sideline-sideline pa lang ang drama ko at wala sa isip ko ang mag-freelance. Pero 2013 siguro ko na halos ito matapos at seryosong basahin, yung time na ginawa kong  therapy  workbook ito dahil gusto gusto ko ng mag-resign sa work  hindi lang sa ayaw ko na sa work mismo kundi sawa na ako sa buhay commuter. Muli ko itong binasa nitong nakaraang araw at may isang page (41) dito na halos maluha-luha ako nung makita ko ulit. ..

Simple lang naman ang nakalagay at nilista ko “write your goals, the steps, you will take to achieve them, and your time frame.  Natuwa ako nang ma-realize ko na hindi man natupad noong 2013 o 2014 yung laman ay  halos mission accomplished  lahat ngayong 2016. Yung taon na puro ako gastos, kulang sa kita, down moment, at puro subok ang drama.  Biruin mo nagawa kong ipursige yung mga matagal ko ng goals kung kailan lost, frustrated, at waley ako sa limelight. Sa bagay, isa pang realization din kasi sa pag-abot ng pangarap ay hindi naman puwedeng walang lang extra effort o gastos. May kailangan kang i-risk o ipagpalit in return for something na mas talagang gusto mo. So mas namo-motivate ako ‘pag pressured?

Hindi ko na iisa-isahin yung mga goals na yun at hindi ko rin naman sinasabi na lahat na-achieve na. Pero dahil natupad na iyong iba, feeling ko konting push pa at dalangin ko kay Lord ay matutupad din paisa-isa.

Kaya ang isa sa New Year’s wish, goal, resolution, at prayer ko ay “Tuloy ang pangarap, laban kung laban!

Mabuhay at Happy New Year sa iyo!

Advertisements

9 apologies for blogging…part 2

Oh di ba saktong-sakto ang item no. 3 sa part 1 ng akin 9 apologies in my own way kaya ito  na ang part 2.  Anyway, narito ang karagdagan bagay na aking gustong ihingi ng tawad na may kinalaman sa aking 9 years ng pagba-blog especially sa website na ito.

6 I am sorry for blogging differently… From someone who you used to like

Pupung Wagi as Victor Pupu
Pupung Wagi as Victor Pupu (drawing by conrad mananes)

May point sa blogging journey ko na nagustuhan ko yung maraming comments o attention.  Siempre bata pa rin naman ako noon kaya mas maloko, mas emo, at parang weird. Ngayon, dala ng maturity, ay nag-evolve ako sa someone na quirky, pa-deep, at unconventional. I also realize  na  mahalaga na balanse lang sa pagbabahagi ng kwento, iyong may relevance sa mambabasa at sa akin.  As much as I want to please everyone pero kung talagang hindi na ako yun, parang nilaglag ko naman sarili ko.  So kung may post ako na nakita mo kahapon na patawa ako, at kanina naman ay bigla akong seryoso. Mainam na napansin mo kasi confirmed totoong human blogger ako. No need na mag- Captcha. Hindi ako robot dahil may damdamin at nagbabago.

7 I am sorry for prioritizing other things… kaysa makapagbahagi perfect blog post/ blog

Aminado ako na mas napagtutuunan ko ang Hoshilandia.com at sa ngayon, mas ang bago kong blog na In The Entertainment Zone. Though napaka-sentimental ng kwento’t paniniwala ni hitokirihoshi sa akin, kailangan ko ring bigyang daan ang iba ko pang idea at mga oportunidad na umusbong din naman mula rito. iyong paggawa ko rin ng separate website, ang sagot ko sa tinatawag nilang niche blogging. 😉

may pangangailangan lang
may iba  rin akong trip yeah know

8 I am sorry if I decline sa ilang invitations or blog activities

Naniniwala ako sa katagang “kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.” Pero in connection to item 6 and 7, I think it’s not too selfish na maging vocal kung ano ang gusto mo at kung ano pinapahalagahan mo. Hindi naman yan usapin na basta may ayaw kang personal sa isang tao o organisasyon. Ito ay dahil may kailangan ka lang piliin na personal. Pero kung makakabawi ka sa ibang pagkakataon, gawin mo.voter

If I really have to rate my blog life (kasama na lahat-lahat ng may kinalaman rito) according to time (not passion) pa lang, siempre pangatlo lang ito sa trabaho at pagnenegosyo. In a way, being exposed to other things make me a sensible blogger too. I blog tips and stories about personal finance, career, business, entertainment (movie review etc), arts, travel, culture, at iba pa. Hindi lang dahil opinyon ko lang, may karanasan na  ako at may pinaghuhugutan.

9 I’m sorry if parang feeling at Ms. Know -it-all

Actually thankful ako na bilang na  bilang yung pagkakataon na parang umalsa ang curly hair ko ala Brave dahil sa comment. Ayoko  rin  naman mang-bash o  mang-rant so mainam.  Pero posibleng may  naiinis sa akin o sa mga post ko tulad ng nag-message sa akin sa  FB na tinawag akong “kupal’’ at “pu..”nag-suggest pa si  ateng ng topic na iba-blog ko. Di ko naman sinagot, wala rin naman akong maramdaman o  maisip na kahit ano kung hindi deadma. #stoicismRaon 2 b

Hindi ko naman intensyon na magyaabang (slight lang), manggaling-galingan (puwede naman :p ) at magtali-talinuhan (levelling).  Inaamin ko pa nga ang mga flaws and imperfections ko. Sadyang madaldal lang ako sa sulat at sa ibang banda, nasa tamang platform ako para magdaldal. Hindi ako nakiki-wall, nagta-tag, at wala naman akong inaaway. Pero sorry na rin may “noise” akong naidulot.

Mabuhay! Advance Merry Christmas and Happy New Year! Maraming salamat sa pagsama sa aking journeyy bilang personal blogger.

My Worst Habits: 19 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ang dami kong worst habits kahit feeling ko malakas-lakas ang disiplina ko sa sarili. Iyong iba nababago ko naman na, pero ang daling-daling balik-balikan huhuhu. I am human too, you know.  Mahina, nadadarang, natutukso at marupok rin. Bleee

Korean's Traditional BedPuyatera – morning person pa ako nung office girl pa ako. Ikaw ba naman makikipagpambuno sa EDSA.  Pero every weekend I make sure na puyat ako kasi lahat ng gusto kong gawin na personal stuff ko noong weekdays ay ipinagsiksikan ko sa two-day off ko. Kasama roon ang favorite sports ko na movie marathon,  surfing the net, and  badminton ng lamok .   Eh nung nag-freelance ako mas masaya, hawak ko oras ko.  Pero dahil mahal ko ang fez [na good thing umawat na panahon ng tag-yawat] and buhay ko, saka nakaka-affect din sa productivity and mga lakad… kailangan maging normal  akong tao. working on it.

the gift of educationCleaner by Request –   I am not proud of it pero makalat akong babae . Actually hindi ito tipong bad habit lang o dala ng katamaran [although big factor din yun…SLOB] kundi annoying working trait.  Inaantok o boring sa akin ang masyadong maputi, malinis, at mabangong work station. Naglilinis naman ako pero pagtapos na ang work kaya usually ang general cleaning ko ay mga weekend afternoon na.   I don’t know walang naniniwala sa excuse kong ito, pero siguro ang makaka-relate ay yung mga artist. May mga kakilala pa nga ako [painter] na hindi naliligo hangga’t di natatapos yung trabaho kahit hanggang kinabukasan.  Pero to cut it short, bad habit pa rin ito. Aminado!

Multitasking – Yes, worst habit for me ito and kung sino man magsasabi sa iyo na effective ang multitasking sa trabaho…hmmm eddie s’ya na. Karugtong ng nasa itaas na item, boring sa akin ang isa lang ang ginagawa unless may ibi-beat akong deadline.  I think time killer ang multitasking at nakakasira ng focus, pero guilty ako dyan. Buti kamo naiwas-iwasan ko na ang Facebook at laro. Youtube, Twitter, at maraming  naka-open na tabs na lang hehehe. Way to go Hoshi!

5. timeMinsanang procrastinator – Proud akong sabihin na napakabihira na may hindi ako ma-beat na deadline. Malaking bagay din siguro iyong mga pinagdaanan kong hirap sa career para pahalagahan ko yung natatatanggap kong work at ang aking mga co-workers. PERO may mga time na hindi ko talaga mapigilan lalo na kung tinamaan ako ng magaling kong MOOD at di ko masyadong trip yung task.

Marami pa akong bad  and odd habit pero hindi ko na ire-reveal kasi isa ibini-beat kong bad habit ay oversharing hohoho!

Most Proud Moment: 11 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Credit: Pixabay
Credit: Pixabay

Siempre marami akong most proud moment lalo na nung na-realize ko na may positive effect ang pagka-count ng blessings. Pero kung usapang “most” talaga, ito ‘yong makapagtapos ako sa kolehiyo sa first choice kong course. Kung tutuusin baka may ibang mas masaya o nakakanangiti pa akong  proud moment pero emotionally at logically, meaningful yung impact nung nakasuot ako ng toga at tumanggap  ng diploma.  Kasi:

  • Sa entrance exam, hindi ako natanggap sa first and second choice kung university. Basta ang mentality ko noon ay kahit saan basta first choice kong course ang kukunin ko.
  • Magse-second year ako, muntik na akong huminto sa pag-aaral – financial woes
  • Third year at magme-major na ako nang ipinipilit ng ate at Nanay ko na mag-shift na ako ng pharmacy at nursing o engineering. Sabi ko ilipat n’yo na ako ng mas murang school, pero hindi ako magpapalit ng course.
  • Nagpahula ako sa isang kilalang manghuhula, sabi n’ya hindi ko raw matatapos ang course ko at ‘di ito bagay sa akin.
  • Iyong ayaw na ayaw mo sa ilang teacher pero kailangan mong tiisin para makapanood ng anime series dahil gusto mong makapasa.
  • Iyong feeling mo dehado ka sa mga classmates mo dahil matatalino at afford nila yung mga projects. Diskarte’t dasal lang talaga puhunan ko, sinabayan ko na lang  level up of cuteness :p
  • Iyong pinakatipid-tipid at nagkakanda puyat-puyat ka na sa thesis, pahahabol-habulin ka pa ng prof mo.
  • Naranasan kong pahiyain ako ng prof ko na nasa harapan ako ng klase.
  • Yung 3.5 ka sa prelim mo sa Math at nag-1.75 ka sa mid-term sa motivation mo “$#! Math lang yan, di yan ang pipigil sa pag-aaral mo.
  • Yung nakakapasok ka na sa dean’s list, tapos mawawala ka rin dahil lang sa isang subject at di naman Math.
  • Iyong di ka pinakakikinggan at pinagtatawanan ka pa ng mga kaklase mo sa report mo, pero nabigla sila sa pasabog mo. Result 1.25 grade
  • Hindi ka pala-ayos pero may nanligaw at kahit gusto mo ring lumandi , di ka maka-aura dahil  isa ka pa lang hampas lupang diskarte’t dasal + cuteness lang ang puhunan para makapagtapos sa pag-aaral.
  • Hindi ako nakapasok sa dream companies ng mga nag-o-ojt sa school namin. Pero blessing in disguise, dun sa napuntahan ko ang ganda ng training ko at napuri ako ng mga trainer ko.
  • May major project at pang-contest  piece ang buong klase namin at hindi ibinigay ang credit na para sa akin. Iyan ang pinakamasakit na pamumulitika na ginawa sa akin ng ilang kaklase ko.
  • Sa isa pang major project ( na pang contest-piece din) ayaw ibigay sa akin ang isa sa main position ng karamihan sa grupo. Pero dahil sa kaisa-isang tao na nagtiwala sa akin ( may na-convert sya na magtiwala rin sa akin). Tinuloy ko na lang ang laban dahil ayaw kong biguin ang tiwala n’ya. Sa bandang huli nanalo kaming dalawa ng major awards.
  • Natakot din akong di maka-graduate, tapos nung malapit nang gumradweyt parang takot na takot pa.

Ilan lang yan sa mga pinagdaanan ko nung college na mabuti na lang nalagpasan ko. Totoo, kapag gusto mo ang ginagagawa mo at handa kang ipaglaban ito – ang tanging direksyon mo lang ay magtagumpay ka kahit commoner ka lang. J

Introduction: 1 of 31 Day Blog Challenge

Nakita ko lang itong 31 Day Blog Challenge sa Pinterest at nagkainteres akong gawin. Kaya rin kasi minsan lang ako sa mag-post dito ay dahil  parang nasa verge ako na  baka preachy, ignorant o feelingera na ako. Pero ang isang bagay din ay siguro ay kailangan ko ulit hanapin ang voice ko at magkaroon ng rule dito at sa Hoshilandia  Anyway, let me do my  Introduction bilang first challenge.

Mabuhay I am Hitokirihoshi

cropped-cropped-twitter.jpgKwentotpaniniwalanihitokirhoshi.wordpress.com Kung babalikan ang una kong post dito ay next year pala ay isang dekada na ako sa pagba-blog sa WordPress.  Naudyukan lang ako noon so wala akong paki noong una kung may magbabasa  at mas gamay ko magsulat ng kwento ko sa diary. Kung mapapansin mo ay napakahaba ng url at blog name ko, sinadya ko ‘yan, pinagsisihan at sa huli ay pinanindigan na lang.  Ang nasa isip ko  dati ay pahihirapan yung mga maghahanap sa akin na as if  sikat na sikat ako.  May privacy issue ata ako at trip na trip ko talaga ang mystery.

Hitokirihoshi Laurence.  May ilan naguguluhan kong babae ba ako o lalaki.  Sa halip na ikorek ko ay ikinakatuwa ko na manghula na lang ang mga nagtatanong. Madalas napagkakamalan akong Sir or Mr. Pero wala akong identity crisis ha :p Sa seryosong aspeto,  mas napi-feel ko yung  appreciation at effectiveness ng blog or ng isa kong  post, kung may magko-comment base sa nabasa n’ya at hindi sa kung anong pagkatao.  Hindi ko naman itatago kung may magtatanong kung gusto akong makilala.

Ang first name sa pseudonym ay kombo ng mga  karakter sa anime at ang Laurence ay  – Little Women.

Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi. Hindi lang uso kundi it’s a must na raw ang niche blogging. Pero isa ako sa mga hindi sumusunod dito una kasi ay personal blog talaga ang simula ng lahat para sa akin.  Nasa personality ko na talaga ang magkainteres sa kung anu-ano at kaya kung anu-ano rin ang kwento ko. Bukod sa makwento rin talaga ako pag nasimulan na.

Siguro sa ilang bad effect sa akin ng pagkakaroon ng isa pang site ay

  • Nahihirapan ako ng definite pagkakaiba nila
  • Tutukan ang dalawa ng sabay
  • Mapag-combine yung mga readers.

Ang na-appreciate ko ay nakikita ko ang pagkakaiba at loyalty ng readers. Mas open ako sa blog site na ito na kahit anong topic at mas personal  ang aking approach. Ang aim ko kasi hoshilandia ay magazine type talaga.

Mabuhay! Bakit Pa Ako Nagba-blog?

hitokirihoshilogoYung kauna –unahan kong post dito ay tungkol sa bakit ako magba-blog? Ngayong halos isang dekada na ako – ang masasabi ko ay mabuti sinubukan kong mag-blog at mag-evolve bilang blogger. Marami itong naitulong sa akin sa aspetong personality development,  communication, social life at discovering more in life.

 

May pagkakataon na naguguluhan ako kasi parang all about business or money na. Minsan din gusto ko ng i-give up kasi hindi ko ma-sustain at parang naapektuhan na yung drive.  Siguro compare sa ibang blogger lalo na sa matatatagal na,  ang baba figures ng hits at followers ko. Pero kasi ang mahalaga sa aking pagba-blog ay passion, personality at relevance.