May sari-saring rehiyon, relihiyon, lengguwahe o diyalekto, at higit sa lahat nakatira sa magkakahiwalay na pulo- pero sa iisang diwa kaya ng bawat Pinoy na magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ito ay dahil sa halip na pader, marunong tayong tumulay at gumawa ng “tulay.”
Ang mataas na tulay ng (viaduct) Patapat sa Pagudpud, Ilocos Norte ang pang-apat na pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na nagdudugtong sa Ilocos at Cagayan Valley.
Ang larawang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 4
Tayo ang Tulay

Ayus pasok sa deadline good luck saten 🙂
oo nga kuya, nagdalawang isip na rin ako sumali kasi hindi ko natapos yung sanaysay sana. eh nagkataon na nag-travel kami. kaya pasok sa banga ang drama ko. hehehe!
Naging panakot ng matatanda dati noong bata pa kami magkakapatid, matulog daw kami tuwing hapon dahil baka kuhain kami ng mga manggagawa ng tulay, dahil daw ang nagpapatibay sa isang tulay ay dugo daw ng mga bata? hmmm..
kaloka naman yang panakot na yan para lang makatulog. baka naman sama ng panaginip nyo nyan hehehe!
uso kasi iyon sa probinsya. pero sa tingin ko ang naging epekto sa mga kaugalian o paniniwala ng mga ganyan ang siyang nagpalawak sa aking imahinasyon.
hello. 🙂
ay tama ka dyan… yang mga panakot at sabi-sabi na yan ang nagpapalawak sa ating imahinasyon. napaisip tuloy ako kung anong panakot sa akin nuyng bata ako. Pero noong bata ako nung nagbakasyon ako sa probinsya ng nanay ko. Maaga kami pinapauwi a pinapatulog sa gabi kasi may tiktik daw. eh parang totoo e, kasi maririnig mo talaga yung parang huni ng malaking ibon. spooky! hohoho!
im from the north but i havent been here. sana makarating din ako ako dito one day. 🙂
Sana nga makarating ka. Sayang ang dami talagang mapupuntahan dyan- punta ka sa kapurpurawan, sand dunes, windmill at malacañang of the north. superb! (malapit lang namana ng sur at norte di ba? )
hindi pa ako nakakarating sa ilocos. pero nakarating na ako sa cagayan during elementary. regional math competition. 🙂
Naku nabanggit ang math… atras na ako. hahaha!
pero wish ko pa rin ang makarating ka sa lugar na yan. Lagay mo ang bandera mo.hehehe
Ang sarap bagtasin habang may kahawak ang tulay na iyan, kakaiba ang pagkakagawa, kaiba sa mga ordinaryong tulay! Tunay na maipagmamalaki.
goodluck sa patimpalak
hi InongDavid and welcome sa hoshilandia sr!
naks ang sarap i-imagine nyan. oo kakaiba siya at talagang malaking tulong sa transportasyon at turismo.
Maraming salamat sa iyo! Gayon din naman ang aking hiling sa iyong lahok.
Mabuhay sa atin!
Walang anuman, mukhang magiging regular ang pagbisita ko sa iyong tambayan.
wow good news yan… at least naging tulay ang tulay kong ito para maging regular visitor na kita. hehehe
mabuhay!
Kaya salamat sa SBA
maganda ang scenery, maganda rin ang kuha na siyang lahok. good luck sa patimpalak, hoshi… kaway-kaway 😉
kaway-kawa, maraming salamat sa suporta Sa Saliw Ng Awit!
naalala ko pag pupunta ng probinsya tapos dadaan sa mga tulay.
tayo ay tulay sa kabila man ng ating pagkakaiba. husay!
good luck! 😀
Hi Jessica and welcome sa Hoshilandia!
Salamat sa iyong pagbisita at pagbati. Korek, magagawa natin maisantabi ang pagkakaiba at limitasyon kung marunong tayong tumulay at gumawa ng tulay.
ang galing!
sakin panalo kana!
congratulations!
http://malibay.blogspot.com
naks naman! bolero!
pero sana magdilang anghel ka. hindi naman masamang mag-wish di ba!
Goodluck sa entry mo din bro.. ganda din ng entry mo
Maraming salamat Bro! Mabuhay!
maganda ung pic, sarap mglakad lakad tapos mag-isip ng mga bagay bagay. tamang tama pra mkpgrelax.. goodluck girl
Maraming salamat Che sa iyong suporta! Tama yang sinabi mo pangf muni-muni ang lugar na ito.
Mabuhay sa atin!