Alternative Backups for Typhoon, Earthquake and Finance

So after ng Typhoon Glenda ay nagkakaroon ng rotating brownoutsa  in Metro Manila, including my beloved Commonwealth Avenue area.  At dahil dyan tatlong araw na sa Eastwood ako nagwo-work at pornada ang aming negosyo especially ang Morning Delightful Rice and Sandwiches. At ito pa, Ayon kay Dr. Renato Solidum baka mag-look up -look up shake-shake anytime because of 7.2 magnitude earthquake.

Isa ako ang umiikot ang tumbong pag brownout because my work and businesses depend on electricity.  Pero kahit naman siguro sa atin ay parang di mapakali kapag  kuryente.  Ang masaklap nyan pag ganyang may emergency yung inaasahan natin na  bagay o tao ay hindi available.

Ano ang meaning nito?  We can never tell kung kailan darating ang calamities like typhoon and earthquake.  Kung gaano katindi ang epekto nila sa ating buhay at pamilya.  Siguro dito na papasok yung sinabi ni Dr. Solidum na hindi lang kulang sa preparation kundi sa imahinasyon.  Don’t settle for one option kung may maidadag pa na plan b and plan c.

ganito rin ang natutuhan ko sa work, business and personal finance.  Kailangan mo ng Diversified source of income because madalas yung salary mo sa day job mo  ay kulang pa sa monthly bills,  yung business mo may ups and may lowsssss at sa investments hindi lang yung pandagdag ang usapan kundi paano mo mapapangalagaan.

So first let’s see na kaagad yung mare-repair sa ating tahanan at pamumuhay then find alternative and back ups just in case may emergency.  mahirap yung kailan na nadyan saka lang gagalaw…at masaklap maninisi.

I encourage everyone  to find sideline business, get insurance and create emergency fund.

Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist!

Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist! Kini-claim ko that I’m an ambivert. I hang out with my friends and colleagues. Occasionally, I tr…

via Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist!.

fanatic

since naranasan ko ang maging addict sa anime, Dawson’s Creek, Titanic at Meteor Garden noon (pero pinakamatindi talaga sa anime), gusto kong maging malaya ang aking pamangkin sa pagkahilig niya sa high school musical. pero minsan pala, kapag ikaw ang nasa labas ng pagkabilog ng ulo ng iba. unreasonable ang kanilang mga pinaggagawa sa buhay.

unreasonable na sa iyo kung bakit nila nagustuhan iyong artistang’ yon, paulit-ulit na panonood at kailangan pang pagkagastusan kahit hindi naman praktikal.  sinasabi ko na nga sa pamangkin ko akina na si Zac Efron. wag na niyang agawin. pero hanggat maaari tino-tolerate ko siya as long as sinusunod niya ang pinag-usapan namin. strict ako e lalo na sa pagkain.

pero sa bata mas katolerate na tolerate talaga yung iba ang terible. nangkwento sa akin yung isa kong kasama sa campaign. inaway daw siya nung isang ale kasi nagkamali siya ng pagsasabi ng score nung isang politiko. humingi naman siya ng tawad pero daldal pa rin daw nung ale. ang dating e,parang fan na fan siya ng politician na yun at makikipagbakbakan siya.

wala naman masama di ba, basta wag lang over. kung ang isang tao o bagay ang iyong inspirasyon. hindi dapat yun ang pipigil sa iyo na maging malawak ang pag-iisip at tanggapin ang opinyon ng iba. gaya ko, nung tinanggal ng nanay ko ang panonood ko ng cartoons bumaba grades ko pero nung nakakapanood ako taas! hehehe

katwriran ko, alam kong kailangan mapanood ko ito at kakain ng oras sa pag-aaral ko. kaya bago ang oras ng anime ko gawa na assignments. magso-sorry pa ako nyan kay Hotohori at Kenshin pag bumaba grades ko. hehehe.

(pero payo ko better na wala kayong kinaka-adikan, iba ang laya at marami kang magagawang maganda. hehehe)