Study hard!

Kahapon hindi sinasadya na nakapakinig ako ng news sa radio at television.  And siempre, ang mga nagbabagang balita ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Incidentally, naibalita ang public high school na kung saan nag-aral ang aking mga nakatatandang kapatid. Noon sikat, maayos ang pasilidad, mahusay ang turo, at makulay ang buhay doon. Ngayon, nakakalungkot na isa na rin ito sa mga school sa Q.C. na problemado. Hindi ko sure , pero ang dinig ko parang sa paghahati sa morning and afternoon shift, hindi na ng kada year, kundi halimbawa sa first year –may mga papasok ng umaga at sa hapon.  Ito ay para ma-accommodate ang dami ng mga estudyante.

Pero may mas matindi pa roon, may alam akong isang  school din  sa Q.C. na sa lapag na nakasalampak ang mga mag-aaral at sa likod na ng mga building nagkaklase. Mayroon din na 100 na halos ang nasa iisang klase at hinahati pa ‘yong classroom. At yong divider ay isa o dalawang napakanipis na plywood.

Noong elementary pa nga lang ako umaabot na rin kami sa classroom ng 100 sa mga unang araw, ang ma-late walang upuan. At kapag mas mataas ang bilang ng numero ng section mo, wawa ka. Iyong mga makukuha mong books at upuan, “vintage” talaga. (iyan ay bukod pa sa thinking ng iba na ‘pag nasa section 4 – pataas ka na e mahina ulo mo). Buti kamo either section two or section one si hitokirihoshi. (so, elementary pa lang na nagwa-wantu-tri (123) na ako …hahaha!)

Halos lahat kaming magkakapatid ay galing sa public schools,  napilitan lang akong  i-private (or i-maximum security hehehe). Pumapasok kasi akong maayos pero bumabalik ng mukhang ewan (kung ano ‘yong mukhang ewan, ewan ko rin).

Dahil sa aking buhay –public school at iba pang  experiences, masasabi kong biggest achievement ko talaga ay makapagtapos ng pag-aaral. Siguro, pwede akong magsisi sa course na kinuha ko (na sa awa naman ay hindi pa naman ng bonggang-bongga, hehehe!) pero ang makatapos ng pag-aaral ay hinding-hindi ko pagsisishan. Kahit sabihin ng iba na mahirap din naman maghanap ng trabaho,  may pinag-aralan ka pa o wala. (e bat may trabaho ako, aber!)

Ang edukasyon sa akin ay hindi lamang daan para magkaroon ng maayos na trabaho at kumita ng salapi, kundi isang mahalagang pundasyon ng aking pagkatao. (palakpakakan n’yo naman ako!!! Komposisyon ko talaga yan. Sige na, pls! hehehe)

Then kagabi naman, napanood ko ‘yong Analysis by Winnie Monsod sa News on Q. Batay sa Philippine Human Development Report,  sa 1000 estudyante na nag-enroll sa grade one, 670 rito ang aabot sa grade 6, pero 650 lang ang makakatapos ng elementarya.  

Sa 650, mababawasan pa ito ng may 220- 230 dahil sa tantya ay may 420 – 430 lang ang makakapagtapos ng high school.  Sa 420 -430 na mag-aaral na ‘yon, 230 lang ang susubok na mag-college at malamang umano ay 120 lang sa kanila ang makakapagtapos ng kolehiyo.  Dagdag pa sa ulat, sa 120 ay isa lang dito ang mula sa talagang mahihirap na pamilya. 

Hindi ba’t nakakalungkot ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa at kung gaano karami ang out of school youth. Ang nakakainis pa rito, iyong may mga kayang mag-aral ay nagbubulakbol lang. Hindi nila naiisip kung gaano sila kaswerte na mag-aral sa dekalidad na eskwelahan na may cozy classrooms and state of the art facilities. Ang pinakamatinding usapin pa riyan ay  “buti pa sila nag-aaral.”

Sana ay sa sariling sikap at disiplina, matututong pahalagahan ang edukasyon.  Hindi rin lang naman tungkol ito sa data, ekonomiya ng bansa o dangal sa lipunan. Dahil ngayon, ang edukasyon (sa Pilipinas) ay isang pagpapala at isang pambihirang oportunidad.

Paki-basa rin ang aking lumang post na old school at panoorin ang Analysis. thanks!

Tatak

Dear ate Jevs,

Lumabas kami ng aking kaibigan para i-celebrate ang nalalapit niyang birthday. Nang kumakain na kami sa isang fastfood, may napansin akong pamilyar na lalaki na palakad-lakad sa may kalayuan.

Siya ay dati naming kaklase ng kaibigan ko sa high school. Tumaba ng konti ang damuho pero may itsura pa rin. Naisip ko nga kamukha ni Mike He ng Devil Beside You at Why Why Love.

Tinuro ko siya sa friend ko at kahit medyo matagal, sumang-ayon din siya na ‘yon nga yong kaklase namin na guapo nga pero nuknukan naman ng sama ng ugali.

Hindi ko na siya sisiraan pero ‘yon ‘yong pumatol sa isa pa naming barkada. Alam mo yung kababaeng tao ng friend naming eh inambaan niyang hagisan ng upuan at binulyawan ng bonggang-bongga. Saka yong bibig nun sarap busalan kasi dakdak ng dakdak eh wala namang kwenta ang mga pinagsasabi. Although maganda sana ang boses niya ‘pag kumakanta.

Wala naman akong personal na sobrang pangit na experience sa kanya, maliban sa naasar na rin ako niya. Iniiwasan ko kasi ang mga taong ganun pero siempre nung inaway nya ‘yong kaibigan ko (hinagisan ko naman siya ng mesa…joke!), ipinagtanngol ko siempre.

Mabalik tayo dun sa fast-food. Tingin ko napansin na rin n’ya kami. Tumingin na rin siya sa area namin at nung magpunta kami sa wash room nagtama ang aming mga mata (tapos biglang may lumabas na claws sa mga kamay ko…joke). Nung lumabas naman kami nakapuwesto na siya sa medyo madadaanan namin.

Wala, deadma lang talaga ang naging pagtatagpong iyon. Siguro kung ibang kaklase namin ‘yon, kahit hindi pa close, kami pa ang lalapit na magkaibigan. Tingin ko naman ay nag-iba na siya, as in bumait at nag-mature na. Kaya lamang, alam mo ‘yong iniwan niyang tatak, hindi talaga cool. Pero kung siya naman po ang lumapit, kakausapin naming siya. Hindi naman kami bastos gaya niya, noon e. Hehehe!

Adriana Rosa

Dear Adriana,

Hindi ka naman mapagtanim ng sama ng loob no?! Pero sa bagay, mabuti na rin na hindi kayo ang unang lumapit doon sa lalake dahil nakakailang, although guapo pa naman sana. (charing!)

Pero kung saka-sakali’t kinausap kayo niya, bigyan ninyo ng chance. Lahat naman ng tao nagbabago at malamang siya rin. Ayon nga sa impression mo mukhang nag-mature na rin siya. Isipin mo na lang na iba kayo nung kabataan ninyo at ‘yong pangit noon na ginagawa ng isang bata ay mas nare-realize ng tao sa kanyang pagtanda.

Anyway, mahirap din naman na makapagbigay ng magandang ala-ala. Subalit sana hanggat maaari at kaya, marunong sana makisama o maging sensitibo. Wala man masabi sa iyo na magandang-maganda, wala ring masasabing pangit na pangit. ‘Di ba naman?!

That’s all!

Ate Jevs

Somewhere down the road

Part 2 of Iisa Pa Lamang

Naalala ko rin iyong nakita ako ni Wilfreo Smith habang humahabhab ng pagkain. Sa hiya ko nga iyong takip ng baunan ng barkada ko ang tinakip ko sa bibig ko kaya tawa siya ng tawa sa ginawa ko.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang isang kwentuhan na nauwi sa tuksuhan. Hindi man lumabas ng direkta sa mga bibig namin ni Wilfredo, nangako kami sa isa’t isa na maghihintayan kami. Isa na ata ‘yon sa pinakanakakakilig na sandali sa buhay ko.

Isang araw, tumawag na nga si Wilfredo Smith sa telepono namin, bad trip nga lang. Paano nanligaw kasabay pa ang iyong kaibigan niya na may gusto rin sa akin. Pasahan pa sila ng phone ha? Ano ako DJ sa radio, “hello DJ Dyesebel can I pass the phone? Gustong -gusto ko man siya sagutin pero inalala ko iyong friendship namin ni Guida kaya na-busted ko s’ya.

Dumating na nga ang sandaling naghiwa-hiwalay na kami at hindi ako nakapagpakuha ng litrato na kasama siya nung graduation day namin. Hindi rin ako nakapagpaalam kay Wilfredo Smith dahil bigla siyang nawala sa kasiyahan ng batch namin. Last ko siyang nakita ng personal nang dumalaw ako minsan sa kaklase naming naghuhubad ‘pag lasing nung first year college na ako. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa akin at tinawag pa nga ata niya ako pero hindi ako makalingon dahil sa ilang.

Lumipas ang anim na taon, nagtatrabaho na ako pero wala akong nasagap na ibang balita kay Wilfedo Smith, maliban sa may GF na siya. Nasaktan ako sa nalaman ko Ate Jevs pero okay lang alam kong may posibilidad na ganoon. Kaysa naman ‘di ba malaman ko na may karelasyon siyang lalake. Mas masakit iyon.

Siguro mga three years ago nang naisipan ko na i-search siya sa isang networking website. Nakita ko naman siya then in-invite ko. After that nagkaroon na kami ng communication. Binanggit niya na hindi ko na raw siya pinansin after nung tumawag siya sa akin. Kunwari nagmaang-maangan ako na di ko alam yong eksenang iyon. And take note nilagay niya iyon sa bulletin imbes na sa message o comment box ng website na friends kami kuno.

Hiningi niya ang number ko at naging textmate kami mga one week lang siguro. Ewan nagtampo ata nang i-text ko na ang mahal niyang ka-textmate. Paano sa gabi niya lang ako tine-text at nagte-text siya from pc. So pag nag-reply ako ang mahal. Buti na nga lang din ginawa ko iyon, kasi nalaman ko sa isa kong kaibigan na nakita niya si Wilfredo Smith na may kaakbay.

Nainis pa ako lalo nung mapansin ko na binura ni Wilfredo Smith iyong comment ko sa kanya sa website. Kaya ang ginawa ko binura ko na rin siya sa list of friends ko. Pero nung mahimasmasan ako humingi ako ng sorry sa kanya kung may nasabi ako sa kanyang ‘di maganda. Sabi lang niya sasakalin niya ako ‘pag nakita niya ako.

Okay na sana eh, bigla ba namang bumanat na irereto raw niya ako sa kabarkada niya. Ang loko ang hilig talagang magpasa, sarap idribol at pasiritin ang hangin. Pero alam mo, kailan ko lang nasabi kay Guida yong tungkol sa amin ni Wilfredo Smith at wala siyang nasabi. Medyo na-guilty ata, kasi nung time pala na nagkakagusto kuno siya kay Wilfredo Smith, may syota pala siya sa probinsya. Ang shakit!

Sa ngayon, hindi ko alam kung may pagtingin pa ako sa kanya pero alam kong may nagbago na rin sa akin parang excited na lang akong makita siya. Kung madudugtungan pa ang kwento namin, bahala na po?

Dyesbel

Dear Dyesebel,

Ur story is too long then d rin pla cool ang ending, joke. In my opinion, singlaki ng alatiris ang chance n d mo p sya frgt.

If I wer u , i-enjoy mo na lang ang life na meron ka ngayon. di mo kc pwdeng pnghwkan ung promise ño b4, halos s TV n lng ngaganap ‘yan. Khit ano png regret m, der n un eh. Kung kayo tlaga 4 each oder sa isa’t isa, magkakaroon rin kau ng moment somewhere down the road.

Mabuhay!

Ate Jevs

Iisa Pa Lamang

Dear Ate Jevz,

Nang i-plug ang teleseryeng Iisa Pa lamang nina Claudine, Gabby and Diether, parang nagandahan ako sa istorya. Nasimulan ko lang ito at hindi na nasusubaybayan dahil sa trabaho. Subalit, one day naisip ko teka parang nakaka-relate ako sa kantang pinagmulan ng teleseryeng ito.

Ang “Iisa Pa Lamang” ay orihinal na kinanta ni Joey Albert at movie title ng pelikula nina Dawn Zulueta at Richard Gomez noong 1992.

Since may hinihintay akong something sometime in September parang oo nga noh  napaisip ako kung ano ang impact sa akin ng kantang ito at talagang type ko siyang  ibirit sa videoke kasunod ng “I’ll Never Get Over You (Getting Over Me) ng expose  and “Somewhere down the road” ni Barry Manilow.”

Okay ito po ang back story…

From first year high school ay magkaklase na kami ni Guida kahit noong mag-transfer ako ng school (second year) eh bumuntot pa rin siya sa akin.  Ito na ang siste, nagkaroon ako ng secret crush sa kaklase naming si Wilfredo Smith.

Then dahil madada itong si Guida lagi siyang tumatabi sa akin, napansin rin niya na may itsura itong si Wilfredo Smith na katapat ko lang ng upuan. Isang araw sinabi niya sa akin na crush niya na rin iyon. Of course dahil mas nauna siyang nag-announce ng kanyang saloobin, lalabas na nasa kanya ang copyright.

Anyway, dahil ako ‘yong tipo ng tao na nakikiramdam pa sa emosyon… nag-decide na lang akong maging tulay ni Guida kay Wilfredo Smith. “Isang gawain na sa proseso ay nalaman ko ang tunay kong damdamin.”

Tinanong ko si Wilfredo Smith kong ano ang tipo niya sa isang babae. Lahat  po ng sagot niya ay na kay Guida.  Kaya mula noon tinatak ko sa isipan ko na hindi niya ako magugustuhan and total wala rin naman sa kanya ang type ko sa isang lalaki eddie sige.

Mix emotion kapag may progress na nangyayari, at kapag nagpaparamdam si lalaki kay babae. Natutuwa ako para sa kaibigan ko pero parang kinukurot ang isang bahagi ng damdamin ko. One time nga may nalaglag si Guida, gumulong iyon sa nilalakaran ni Wilfredo Smith. Pinulot niya iyon saka inabot kay Guida na namumula pa.  Nakangiti po ako noon pero nagsikip ang dibdib ko.

Dumating ang araw na  na-schedule ang first date nila ni Guida na nagpa-realize sa akin na talagang dapat ko ng kalimutan kung ano ang nararamdaman ko kay Wilfedo Smith.  Pero noong araw ng date nila ay hindi siya nakasipot dahil nagkasakit.

Birthday ni Wiilfedo at nang-imbita ng mga kaklase. Gusto kong pumunta pero wala akong guts na gawin iyon. Buti na lamang pinilit ako ng isa kong barkada kasi magkapit-bahay sila. So siempre kasama kong nagpunta si Guida.

Ang nangyari naglasing yung barkada ko at si Guida. Iyong isa naghuhubad at ‘yong isa ay nilabas ang lahat ng problema niya sa buhay at nagwawala sa kakaiyak. Pareho ko silang inaasikaso sa magkahiwalay na bahagi ng birthday party na iyon. Ang hindi ko alam, pinagmamasdan na ako ni Wilfredo Smith, siguro na-amaze sa aking pagiging kind.  Hanggang sa kinunan kami ng litrato ng tatay niya. Tumabi siya sa akin imbes na kay guida at umakbay pa po.

Mula noon ay tila nagiging particular na sa akin si Wilfredo Smith. Lagi na niya akong pinapansin. Ako ang pinili niyang ka-partner sa isang sayaw, tinanong niya ang phone number ko at nakikinig na siya ‘pag ako ang nagre-report sa klase.

Nung birthday naman ng kabarkada ko na kapit-bahay niya (yong naghuhubad) hindi ako naka-attend kasi may matindi akong sakit noon. Nakakatuwa nung tumawag ako kinausap ako ng mga lalaking nili-link sa akin

( kunwari madami ) pero ang hinihintay ko ang boses niya. Hindi naman ako nabigo Ate Jevz  kasi kinuha niya ang phone at nakipag-usap sa akin.

sundan sa susunod na blog entry….

%d bloggers like this: