Kay hirap panghawakan ang pangakong muli,
kung di lang kasiguraduhan ang tanong…
kundi maging ang ilang beses kang naloko noon.
Subalit minsan pa para sa samahan
tiwala’y igagawad, pag-asa ang panghahawakan.
II
Ang masakit nito ay kung sino ang pinahalagahan mo
sa pang-unawa at tiyaga ay s’ya palang manloloko sa iyo.
Bibigyan ka ng matatamis na salita,
Dadaanin ka sa ngiti at pasakalyeng may patama
Sa huli rin pala’y manlaglag at mawawalang parang bula.
III
Ngunit kung tinig ko man ay di mo marinig
Pakiusap ko ay wala na ring halaga’t himig
Makakaasa ka para sa samahang
Aking pinahalagahan at iyong binalewala…
Patatawarin kita, para ako ri’y lumigaya
IV
Aalis man akong malungkot, talunan at
Nasaktan sa hapdi ng peke mong kinang
Mas magpapasalamat pa rin akong
sumugal ako sa ating samahan at pagdaka’y
nagising din sa katotohanan.
V
Aalahanin ko na lamang aral na nakuha sa iyo
Mga panahon na napuno rin ako ng pangarap
Pagka’t naniniwala ako na sa karanasang
nahirapan ako ang buhay ko ay lalo sumasarap
Lalo akong tumatalino at nagkakaroon ng puso.
VI
Sa iyo na ang sa iyo
salamat na lang kung maalala mo pa ako
Hindi man ako magiging tulad ng inaakala mo
Hindi rin naman ako magiging katulad mo
Iyon ang higit na ipagpapasalamat ko.
VII
Kung naniniwala ako sa hustisya at karma
Nanindigan din ako na may saya sa pagiging malaya
Sa liwanag ng kinabukasan
at sa rami ng pangarap na aking matutupad…
dahil sa tingin ko ay may Pag-asa sa buhay kong na wala ka.
Note: ang tulang ito ay alay ko sa mga taong umasa, nagpaasa at nag-iisip pang kailangan pang umasa.
tandaan na may relasyon na kailangang ipaglaban sa ngalan ng kung ano pa man.
umiiyak ang puso ko now ahaha… gusto kong umiyak ng umiyak at kumanta ng kumanta.. para naman sana mabawasan itong nararamdaman ko ngayon.. nalilito nahihilo ahahay at higit sa lahat nasasaktan toinks! sana magkaroon ako ng lakas ng loob na umalis huhay…
IMHO Lambing, hindi ko alam kung paano pero sa pakiramdam ko may hangganan din. Puwedeng mapagod lang tayo o ma-immune pero kung hindi pala bibitiw at kakalas sarili rin natin ang ating pinahihirapan… para bang hinanap na rin natin ang hawla ng ating kalungkutan.
may isa akong panaginip… isang makabuluhang panaginip. doon ko napagtanto na magkaiba ang pag-ibig at kasiyahan. Kasi puwedeng kasama mo ang iyong mahal at mahal ka naman nya pero kapag di ka na pala talaga masaya parang balewala rin. iisipin mo pa rin tumakas at lumayo.
hope you feel better soon! mabuhay!