Study hard!

Kahapon hindi sinasadya na nakapakinig ako ng news sa radio at television.  And siempre, ang mga nagbabagang balita ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Incidentally, naibalita ang public high school na kung saan nag-aral ang aking mga nakatatandang kapatid. Noon sikat, maayos ang pasilidad, mahusay ang turo, at makulay ang buhay doon. Ngayon, nakakalungkot na isa na rin ito sa mga school sa Q.C. na problemado. Hindi ko sure , pero ang dinig ko parang sa paghahati sa morning and afternoon shift, hindi na ng kada year, kundi halimbawa sa first year –may mga papasok ng umaga at sa hapon.  Ito ay para ma-accommodate ang dami ng mga estudyante.

Pero may mas matindi pa roon, may alam akong isang  school din  sa Q.C. na sa lapag na nakasalampak ang mga mag-aaral at sa likod na ng mga building nagkaklase. Mayroon din na 100 na halos ang nasa iisang klase at hinahati pa ‘yong classroom. At yong divider ay isa o dalawang napakanipis na plywood.

Noong elementary pa nga lang ako umaabot na rin kami sa classroom ng 100 sa mga unang araw, ang ma-late walang upuan. At kapag mas mataas ang bilang ng numero ng section mo, wawa ka. Iyong mga makukuha mong books at upuan, “vintage” talaga. (iyan ay bukod pa sa thinking ng iba na ‘pag nasa section 4 – pataas ka na e mahina ulo mo). Buti kamo either section two or section one si hitokirihoshi. (so, elementary pa lang na nagwa-wantu-tri (123) na ako …hahaha!)

Halos lahat kaming magkakapatid ay galing sa public schools,  napilitan lang akong  i-private (or i-maximum security hehehe). Pumapasok kasi akong maayos pero bumabalik ng mukhang ewan (kung ano ‘yong mukhang ewan, ewan ko rin).

Dahil sa aking buhay –public school at iba pang  experiences, masasabi kong biggest achievement ko talaga ay makapagtapos ng pag-aaral. Siguro, pwede akong magsisi sa course na kinuha ko (na sa awa naman ay hindi pa naman ng bonggang-bongga, hehehe!) pero ang makatapos ng pag-aaral ay hinding-hindi ko pagsisishan. Kahit sabihin ng iba na mahirap din naman maghanap ng trabaho,  may pinag-aralan ka pa o wala. (e bat may trabaho ako, aber!)

Ang edukasyon sa akin ay hindi lamang daan para magkaroon ng maayos na trabaho at kumita ng salapi, kundi isang mahalagang pundasyon ng aking pagkatao. (palakpakakan n’yo naman ako!!! Komposisyon ko talaga yan. Sige na, pls! hehehe)

Then kagabi naman, napanood ko ‘yong Analysis by Winnie Monsod sa News on Q. Batay sa Philippine Human Development Report,  sa 1000 estudyante na nag-enroll sa grade one, 670 rito ang aabot sa grade 6, pero 650 lang ang makakatapos ng elementarya.  

Sa 650, mababawasan pa ito ng may 220- 230 dahil sa tantya ay may 420 – 430 lang ang makakapagtapos ng high school.  Sa 420 -430 na mag-aaral na ‘yon, 230 lang ang susubok na mag-college at malamang umano ay 120 lang sa kanila ang makakapagtapos ng kolehiyo.  Dagdag pa sa ulat, sa 120 ay isa lang dito ang mula sa talagang mahihirap na pamilya. 

Hindi ba’t nakakalungkot ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa at kung gaano karami ang out of school youth. Ang nakakainis pa rito, iyong may mga kayang mag-aral ay nagbubulakbol lang. Hindi nila naiisip kung gaano sila kaswerte na mag-aral sa dekalidad na eskwelahan na may cozy classrooms and state of the art facilities. Ang pinakamatinding usapin pa riyan ay  “buti pa sila nag-aaral.”

Sana ay sa sariling sikap at disiplina, matututong pahalagahan ang edukasyon.  Hindi rin lang naman tungkol ito sa data, ekonomiya ng bansa o dangal sa lipunan. Dahil ngayon, ang edukasyon (sa Pilipinas) ay isang pagpapala at isang pambihirang oportunidad.

Paki-basa rin ang aking lumang post na old school at panoorin ang Analysis. thanks!

Advertisements

22 comments

    • -Kapusong-kapuso ba? nga pala yung radio station na pinakinggan ko ay DZMM. hehehe

      -oo for the first time, pinakinggan ko talaga siya. between kasi sa kanila ni pareng oca, kay oscar orbos ako. sa pananalita at sa mga opinyon.

      -hindi ko alam kung sasang-ayon akong maki-mabuhay sa deped e. pero nirerespeto ko sila.

      -siempre dapat lang mabuhay sa akin. hahaha

      -ikaw ang presidente ng mga cuttingero. wahahaha! sa pagkakaalam ko once lang ako nag-cutting , math kasi ang subject. buhehehe

  1. ako naranasan ko 56 pinakamarami kong kaklase nung grade 1 pa ko nun. nagulat ako sa 100 plus na estudyante.

    pero sa daan-daang estudyante ay masasala yan hanggang college. magiging 4-9 lang ang makakagraaduate dahil sa maraming kadahilanan. pera, pera, pera, salapi.

    kaya mga bata.. mag-aral mabuti. Opo!

    • may sagutan factor talaga sa bandang dulo.hahahaha!!!

      tama ka diyan tito jason! dagdagan ko lang yung mga dahilan bat di nakaka-graduate yung iba. anda, kuwarta, katamaran at kawalan ng interes.

      ako bumibilib ako doon sa mga nagwo-working student.

      btw, yung 100 at siksikang mga student nagiging normal na ata sa mga public school. may iba na rin na, pumapasok na lang either t-th-s or m-w-f an maghapon, high shcool pa lang.

  2. Nakakalungkot man isipin pero dito sa bansa hindi na pwedeng maiapply iyong “Education is a right.” Ngayon kasi isa na lamang pribilihiyo ang makapg-aral at makapagtapos.

    Kung gusto natin talagang umunland ang bansa, kailangan nating bigyan ng importansiya ang edukasyon.

    At sana balang araw, maranasan ng lahat ng estudyante na makapag-aral sa maayos na silid-aralan.

    • mabuhay Ka Ka Leng-leng!

      tumpak ang iyong mga tinuran at gaya mo ito tin ang hiling ni Ka Hitokirihoshi_kawaii para sa mga kabataang Pinoy!

  3. wow ang lalim, agree ako dyan! Kung seseryosohin natin ang pag-pasok sa school madami tayo matututunan.
    1. You will learn how to make friends kasi may classmates ka.
    2. you will also learn how to balance time (studies, friends, and clubs/orgs, etc)
    2. yung pag pasok on time, discipline yun.
    3. yung pilitin mo aralin yng subjects na hindi mo type, discipline din yun.

    • thanks iceorg!

      and tumpak ka rin sa mga benefits na makukuha ng pagpasok sa eskwela at pagkakaroon ng disiplina.

      lalo na roon sa pagpasok on time… isa yan sa mahirap na i-maintain na discipline ha, hehehe.

  4. naku naku naku.
    nakakalungkot malaman ang mga bagay na yan. Mga estudyanteng nagsisiksikan sa klasrum. mga vintage na libro (hayop sa term!).

    Kaya nga sa tuwing naiisip ko ang bagay na yan mas lalo kong pinapahalagahan ang pag-aaral ko. Ang swerte swerte ko nga kung tutuusin kasi simula nang nag-aral ako eh lagi akong nasa private school. Tapos minsan heto at nagrereklamo pa.

    Ang gulo kasi ng gobyerno eh. Hindi natin matukoy kung ano ba talaga ang priority nila. Kasi kung ako sana masusunod eh mas gusto ko na lang na sa edukasyon talaga.

    Bakit ang bansang Japan at Korea umuunlad ng lubusan kahit wala silang natural resources? Iyon ay dahil sa ginamit nila ang edukasyon. Edukasyon naamn talaga eh!

    Masyado akong nadala sa post entry na ito. HAkhak!

    Mabuhay si hmmm ako! hakhak!
    Bleh!

    • hi eloiski and thanks for visiting my hoshilandia!

      nadala ka ba ng bonggang-bongga. hehehe

      well, mabuti at isa ka sa mga estudyante na pinagpala, nagsusumkap at nagpapahalaga sa edukasyon.

      and i think every school year, lalo na sa public school pahirap ng pahirap ang buhay ng mga mag-aaral. wala pa sila sa realidad, alam na alam na nila sa classroom pa lang.

      yes mabuhay ymmm me. heheh

  5. Nakakalungkot talagang isipin ang sistema ng edukasyon sa atin. Mababa nga ang singil ng matrikula pero mababa rin ang kalidad.
    Meron din akong napanood sa balita sa bandang Mindanao naman, yun gbata gusto mag-aral kaso ‘di raw marunong bumasa kasi hindi nakapag-kinder. E paano naman matuto bumasa yung bata kung naghihirap ang magulang at walang magtutro? Gustuhin nya man e pinagtatabuyan sya ng mga guro? Ano bang klase iyon? Ang lahat sa atin ay may karapatan magkaroon ng tamang edukasyon, hindi dapat ipagkait sa mga tao na kapos sa pangkabuhayan. Iyan ay nasa saligang batas ng Pilipinas.

    • hi and welcome sa Hoshilandia dimalupig!

      mag-a-agree ako sa komento mo about sa education system natin. pero hindi ko masyadong idadamay dyan ang karamihan sa mga guro natin. i think we still have competitive teachers kaya lang nababalewa ang kanilang kakayahan. ikaw ba naman magturo sa masikip, may madilim, tumutulo at may sira-sirang classroom na kung minsan ay pinapasok ng baha e tlagang maapektuhan ka.

      -nakakaawa naman yung batang nabanggit mo. buti nga ganun yung bata, may interes na mag-aral. sana ay may tumulong na local officials sa kanya since tinatawag din nila ang kanilang sarili na mga public servants. imbes na pagpapagawa ng kung anu-ano ang unahin nila ay yong bata.

  6. Maraming nagsasamantalang mga mayayaman at mga kapitalista sa Pilipinas pinapanatili nila ang pagiging mang-mang ng mga hampas lupa, dahil nga naman kapag natuto na ang mga ito sino pa ang kanilang uutusan. Ganyan din ang kalakalan sa mundo, pinapanatili ng mga mayayamang bansa na mahirap ang bansang tulad ng Pilipinas na galing sa ikatlong mundo para mas lalo nilang ma-exploit ang mga mamayan at mga likas na yaman.

    • wow sobrang nararamdaman ko ang sidhi ng iyong damdamin sa komento mong ito.

      oo nga may mga ganung tao na nang-aapak ng iba. i believe sila rin yung maaaring mabilis umakyat pero mas mabilis ding dumaosdos paibaba. marami silang insecurities, fears and pretensions. pero may iba rin naman na mabait and tumulong so bigyan din naman natin sila ng credit.

      pagdating sa relasyon natin sa ibang bansa. i think may fault sila pati na rin tayo. Tayo kasi mismo, mababa ang tingin natin sa ating sarili, walang pagkakaisa at hindi marunong lumaban. Kailangan ipamukha natin na hindi tayo basta-basta. iba siguro ang magiging impression nila sa Pinas, kung mayroon tayong strong economy, discipline, and superb education.

      mabuhay!

    • talaga masaya ba? hindi ko naranasan e. sige mag-aaral ako ulit tas magka-cutting ako pag may magandang palabas. buhehehe

      anong post? o anong topic. wala pa akong nababasa e.

    • hi and welcome curbside puppet!

      sadly ganun nga ang ilang magulang, and mas mahirap na challenge yun sa mga bata na gustong mag-aral. biruin mo sarili mo ng magulang ang ayaw.

      and yes diskrate o abilidad nga ang kailangan dito. pag-aaral o trabaho man. siempre hindi yung masamang diskarte kundi yung mabuting paraan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s