Paano makaka-Save ng Thresher Sharks?

Itong Setyembre ay naging aware  ako sa panawagan sa Change.org at  ThunderClap tungkol sa pagsasailalim ng mga uri ng pating ( Thresher Sharks) sa Appendix II  CITES at red list ng IUCN.  Vulnerable at mabilis na mawawala ang mga isdang ito kung hindi mapipigilan.

Hindi ko na hahabaan ang post na ito, kung nais mong malaman pa ang  relasyon ng ganitong adbokasiya sa ating well-being, economy, tourism, at iba pa. Maaaring mong basahin ang mga sumusunod na posts:

Save Thresher Sharks for Malapascua Island
Save Thresher Sharks for Malapascua Island

Ano ang halaga ng pagba-budget sa health, wealth, and environment?

 Anak ng Pating, what’s the matter if fishes die

May Pawala ng uri ng Isda, paano na?

Sa ngayon ay nilalayon na makapdagdag pa ng boto sa Change.Org para mapaabot sa mga kinauukulan ang  petisyon  para sa mga Thresher Sharks.  Sa hindi pa nakakaalam sa Pilipinas lamang makakapag-dive ang mga turista na makakita sila ng mga pating. Sa Monad Shoal around Malapascua Island (Cebu) ay mga Thresher Sharks ang mga bida.  Noong panahon ng Super Typhoon Yoland/ Haiyan ay ang mga Thresher Sharks ang nakatulong para muling makabangon ang mga residente sa Malapascua. Para sa detalyeng ito, panoorin ang youtube video sa ibaba.

savethreshertala-thresher-shark-by-hitokirihoshi

Sana makapagbigay tayo ng suporta at maibahagi rin natin ito sa mga kapwa nating Pinoy  man o hindi, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Magsisimula na ang convention (COP 17) sa 24 September to 5 October 2016 in Johannesburg, South Africa. Kaya Puspusan ang  kampanya rito.

Mabuhay!

Paano ba mag-blog?

notesKa-simple ng tanong at ilang taon ko na itong ginagawa, kung experience ang usapan, pero bakit ba ang hirap sagutin  ito para sa akin  nang madalian? Nitong nakaraang week lang kasi ay may dalawa akong kaibigan na trip na mag-blog  para mai-share sa madlang pipol ang kanilang travel stories. Ang unang sagot ko ay tanong din- gaano mo katagal balak gawin at ano ang vision mo?

Sa kabuuan ito ang sagot o tips ko sa tanong sa title:

  • Know first why you are blogging – ang pinakatama sigurong ginawa ko sa buong tanan ng pagba-blog ko ay ilista ang dahilan ko ng pagba-blog. Kasi either dumaan ka sa point na mawala ka sa focus or nagsisimula ka na wala ka na agad pinatutunguhan. Oo nga nandoon na tayo na gusto nila na travel stories pero paano ang approach,  puro pictures lang, mas maraming text, humorous, inspirational or informative, mataas ang traffic, at maka-attract din ng advertiser.  Puwede naman all of the above  o ibahin kapag di naglaon, pero dapat klaro  sa simula pa lang. Iwas pagod, gastos, at sakit sa bangs. Gets mo ang point ko? avi dcor8s my pc
  • Choose your platform and as much possible, think long term. Halos lahat ng nakausap ko ang gusto lang nila ay mag-share. Pero gaano sila kahanda na pag-aralan ang technical side.  Na-try ko mag-blog sa blogspot, tumblr, dito sa wordpress at iba pa. Para sa akin medyo mas complicated ang wordpress pero maraming gumagamit at kilala. Sunod d’yan ay kung free or paid. Kung iniisip mo na gusto mo na mag-dotcom ka na or sarili mong domain, I think idiresto muna. Wag ka ng mag-free para mag-practice muna at saka ka magda-dotcom.

Kasi kahit halimbawa from hitokiroshi.wordpress.com to http://www.hitokirihoshi.com lang ang mabago at particular ka pa sa ranking, followers, at iba pa. Malaki ang adjustment na gagawin mo.  Isa pa may iba isang beses lang mag-travel sa isang taon, eddie yearly post  ba ito?

  • Design and Pattern – Maganda kung may kausap ng web developer na puwedeng tumarabaho ng iyong site. Maganda rin kung alam mo na rin kung anong gusto mong  layout, design at format. Simple lang ba? Magazine style?  May live chat at slide shows?  Makakatulong kung may peg ka na gaya ng isa sa nakausap ko na ang gusto ay ang design ng blog ni Saab Magalona at blog style ni Bianca Gonzalez.

Bianca_moderation

  • Study your platform as in – Mahirap mag-tutor ng hindi hands-on at mabilisan hindi ba? Mabuti na lang ay may video tutorial na sa Youtube at sa iba pang website para malaman ang teknikal na aspeto ng wordpress, blogspot o iba pang social media.  Bukod sa basic, kailangan updated ka rin kahit konti kung paano yung mga pagbabago lalo na kung naka-dotcom para alam mong i-tweak,  pagbutihan at pagandahin pa ang iyong blog. Tandaan din na sa travel – puro pictures at  baka kailangan na i- re-size, lagyan ng watermark at anu-ano pa.
wordcamp
WordCamp 2010
  • Choose to share your blog post and interact –  Majority, kaya nagba-blog ay para mag-share di ba ? Subalit may iba rin na gusto lang ay mag-post ng kanilang magagandang kuha at nakaka-inspire na mga articles but not willing to share. Puwede naman yun siempre. Pero kung malungkot sa totoong buhay na alone ka, aba ganun din sa blogosphere ano? Ikaw lang nagbabasa ng blog mo, paulit-ulit mong iki-click para kunwaring  tumataas nag hits (may hugot moment ako dun a).  Masaya at may sense ang pagba-blog hopping marami kang matutuhan at makikilala.  Siempre maganda rin na malaman ng mga friends mo sa Facebook, Twitter, Pinterest, at iba pang social media sites na walastik  “Blogger na ako!!!”

    Chris Lao,Bianca Gonzalez, and Maria Resa of Rappler at Social Media Summit

Ikaw ano ang payo mo sa kanila? Share mo na sa comment box!

Para naman sa ibang gusto ng level up blogging may tsika ako sa iyo sa Hoshi Magazine.

Hoshi Express: Movie Treat for Mother’s Day, National Museum’s Free Entrance

Halo-halo!  Ito si Hitokirihoshi, napagkakamalang isnabera pero lapitin ng tsikang may kwenta.  At para sa mga nagbabagang-palitaw nang mahilig sa paghataw… free entrance peg ngayong ng National Museum para sa selebrasyon ng National Heritage Month. Music Museum at Greenhills Cinemas may pakulo para sa mga moviegoers and mama’s girls and boys.

 Mother’s Day. Movie Tickets. Music Museum

Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child by Napoleon Abueva

Kailan ka nanood ng sine… na kasama si Mommy?  Naku po, matagal na? Magpakana ng special treat sa pinaka- special na mommy (oo si Nanay mo) sa pamamagitan ng panonood ng sine nang libre.  Ito ay pakulo ng Music Museum at Greenhills Cinemas  kung saan magkakamit ng VIP Movie pass ang mapipili nilang malambing na anak na  kilalang-kilala ang kanyang Ina. Paano ang mechanics?

  • I-like ang fan page ng Music Museum Group at Greenhills Cinemas
  • Mag-post ng photo mo with your mama at itsika kung bakit siya extra-ordinary. Gamitan ng hashtag na #MyVerySpecialMom para exciting (make sure na naka-public ang post na ito para ma-sight ng MM at GC)
  • Para masaya mag-aya ng 10 friends  by tagging them sa iyong post.
  • Bilisan ang pagsali dahil May 1 to Mayo 10, 2015 lamang ang promo na ito.

Ang grand winner ay magkakamit ng Greenhills Cinemas VIP-Celebrity Movie pass ( para sa 2) na manood ng kahit ilang pelikula sa loob ng anim ng buwan. Oh di ba?

Para sa iba pang detalye, go-go-go sa official FB fan page ng Music Museum at Greenhills Cinemas.  

Dahil National Heritage Month, May Free Entrance

One month na lang pasukan na… gala pa more! Kung hindi na kasya ang dalawa at hanggang tatlong tao sa hawak mong Kwarta, aba huwag tumalungko. May puwede ka pang i-explore na LIBRE naman ang entrance.  Sugod na sa  kung saan ‘malakas maka-estudyante’ sa mga gurang adult na at makatalino sa talagang bagets pa. Balikan  ang mga naiwang pamana nina Lolo Rizal, Tandang Sora at iba pang sinaunang PNoy.

Mahirap pumunta sa National Museum? Malamang hindi… dahil hindi na kailangan tumawid sa matarik  na kabundukan, lumangoy sa kanal, o humimas ng bolang kristal bago ito matuntunan. Magtanong lang kay Ka Google, Manang WikiMapia o bumibumisita sa Hoshilandia.

Ano ang matutunghayan sa National Museum? Mabuhay may istorya dyan ang Hoshi Magazine.

Sa Ngalan ng Hoshilandia at Kwentopaniniwala, ako si Hitokirihoshi bumabati ng advance Happy Mother’s Day sa ina mo iyong Mama/ Nanay / Mommy. Mabuhay!

wanna be an e-book writer

Sa blogging nakapakadali to express yourself at kasama na roon ang iyong arts, knowledge and sentiments. But iba pa rin naman ang fulfillment when you published a book  under respected publication such as Vibal Publishing.

Ngayon sa iBlog10 or the Philippine Blogging Summit 2014 na ginanap sa Malcolm Hall, UP College of Law, I think good thing lumapit ang Vibal dito para naman sa mga expressive (in writing) na gaya ko. Oo gusto ko rin maging e-book writer or book author.

Ganoon din, appealing iyong digital products, apps, and services nila na helpful in educating Filipinos in general. Wanna know more about those things? Well better visit their website Vibal Publishing .

Back to my interest, ang makapaglathala ng libro, dream ko talaga ‘yan lalo na dati na gustong-gusto kong maging storybook author. So aaralin at susubukan ko ang Vibe Bookstore, why not ‘di ba? Dream and act, ito na ang chance and tool.

Personal History of Internet Exploration part 1

I read Philippine Internet Review book of Ms.  Janette Toral, Migs Paras, Danny Escasa and Antonio Bucu.  Na-enlighten pa ako dito kung gaano na kalayo at kalalim ang Cyberworld sa bansa. Ako mismo parang napa-isip sa aking personal online exploration habang binabalikan sa book ang innovation and inventions sa Internet from 1994 to 2004.  So ito naman ang aking kwento at paniniwala about surfing the Net.

Entertainment then for Study

BooksNung mag-boom ang Internet, isa ako sa mga aba. Walang PC (personal computer) at CP (cellphone) kaya laman ako ng library namin para i-avail ito. Kasama naman ito sa matrikula ko kaya sinusulit ko ang gamit. Ito pa, 3-7 hours/ month lang ang puwedeng i-consume at di ko pa nilalaan sa talagang pag-aaral ko.  Katwiran ko, mas masipag ako magbasa ng books.  Ang paniwala ko pati noon,  synopsis type lang ang info sa internet gaya ng episode guide sa mga series at anime na sinusubaybayan ko .

Since  daming limitations,  paminsan-minsan ay tini-treat ( mula saa ipon ko) ko ang aking sarili at nagpupunta ako sa mga computer rental shops. Wala naman akong naalala na nagsabi ako sa Nanay ko na pinging pang-computer para lang mag-chat , mag-games or etcetera maliban sa paggawa ko ng projects and assignment lalo pa nga’t wala nga kaming PC.

Nag-try ako na makipag-chat   sa kahit kanino from foreigners hanggang sa mga taga-province .  Well bukod sa nahihiya ako na malaman iyon ng mga classmates ko, kaloka rin ako mag-type sa keyboard  para akong may kaaway. Nahilig din ako mag-search ng anu-ano at mag-take ng personality test.  Like kung ako ay member ng X-Men or Avengers sino ako.

Pentium 2 and dial up

avi dcor8s my pcHindi ko alam kung naloko Nanay ko, gusto n’ya lang makatipid or di s’ya aware. Basta biglang isang araw pagdating ko ng bahay ay may PC na kami na Pentium 2.  So try to imagine yung higante at dumihin na white monitor, CPU at maingay pa rin keyboard. Pero tiniis ko yun at ipinagpasalamat, bigay yun ng Nanay ko e. Bale 10, 000 pesos yun kasama na ang chairs and table.  Saka tulong na rin kasi kung typing lang naman ay puwede na.

Nadama ko lang ang pasakit noon nung mag-start na ako mag-work. Bumubutas na ako ng bangko sa  pagre-research , email  at iba pa.  Dagdag na rin  sa pag-i- imagine mo  ay yung paggamit ko ng dial up.  Doon na ata ako nag-start tumaba, masanay na magpuyat pa at aralin ang simple troubleshooting. Thank God maayos pa naman ang vision ko kahit  pa umaabot din ako sa point na pink na ang kulay ng monitor.  At ito pa, wala akong printer so  gastos din.  So isa ako sa mahilig mag-adjust ng font size at style para lang maka-save ng page. Hanggang ngayon gawain ko pa rin yan.

abangan ang Part 2 😉