Nambasted ka na ba? O ikaw ang pinaasa, nasaktan at naghihinakakit. Ikaw ang nang-iwan o ikaw ang iniwanan? Paano kung none of the above? As in wala kang experience sa mga nabanggit pero alam mo na nagmahal ka. How do you know if it’s love actually? When You finally says naka-move on ka na sa fantasy mo? hehehe!
Kaya naniniwala ako na puwede akong novelist dahil magaling akong gumawa ng love story. Ilang beses na akong nakapag-joke na ganito ganyan tungkol sa akin at sa ibang tao. Sample-sample-sample?
read: Kapanipaniwala si Hitokirihoshi
Pero alam mo bang noong grade 3 o grade 4 ay may napaniwala ako na isa akong college student sa UP? Mayroon din yung feeling ko pinagti-tripan ako kaya sinabi ko ipinagkasundo na ako ng Nanay ko sa isang kababata na nakatira na sa ibang bansa at hinihintay na lang ako magtapos. Ito ang malupit, hindi ko naman direktang sinabi pero tinawag kong pare at sinabihan ko na” di tayo talo” ang isang manliligaw. at least di ko sinabi na tomboy ako ha, dahil hindi naman talaga.
result: Kinarma ako sa huli, sinabi niya sa pinsan nya na crush na crush ko na “ganun ako” Hayun nagdamdam, nag-asawa ng maaga, at nagkaroon ng dalawang anak… huwag kang maawa sa akin. yun lang na-imagine ko.
Pero paano naman kung yung fantasy mo totoo, yung hindi joke. Yung kinikimkim mo lang dahil hindi mo alam kung ano bang right move? Got to believe in magic, love moves in mysterious way dahil pati sa panaginip ayaw akong tantanan. Akalain ba naman na iniwan daw sa akin yung motor at lisensya nya pero sya wala. Kaya ang sabi ko sa panaginip ko “ay naku panaginip lang ‘to!”
Seriously, na-LSS ako sa Let It Go ng mga pamangkin ko. Tinalo ang latest anthem ko na If ever you are in my arms again. Pero ngayon gusto ko na balikan ang dati kong kinakantang Gone. why- why why? Tell Them It’s Human Nature – Gusto ko na syang mapawi sa malikot kong isipan at mapaglaro kong puso.
Arthur Joon, George Rosales, Laurence , Hugh Darcy, Isagani, Cris Pin o Basil Yu – Nasan na u?