The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

Tatak

Dear ate Jevs,

Lumabas kami ng aking kaibigan para i-celebrate ang nalalapit niyang birthday. Nang kumakain na kami sa isang fastfood, may napansin akong pamilyar na lalaki na palakad-lakad sa may kalayuan.

Siya ay dati naming kaklase ng kaibigan ko sa high school. Tumaba ng konti ang damuho pero may itsura pa rin. Naisip ko nga kamukha ni Mike He ng Devil Beside You at Why Why Love.

Tinuro ko siya sa friend ko at kahit medyo matagal, sumang-ayon din siya na ‘yon nga yong kaklase namin na guapo nga pero nuknukan naman ng sama ng ugali.

Hindi ko na siya sisiraan pero ‘yon ‘yong pumatol sa isa pa naming barkada. Alam mo yung kababaeng tao ng friend naming eh inambaan niyang hagisan ng upuan at binulyawan ng bonggang-bongga. Saka yong bibig nun sarap busalan kasi dakdak ng dakdak eh wala namang kwenta ang mga pinagsasabi. Although maganda sana ang boses niya ‘pag kumakanta.

Wala naman akong personal na sobrang pangit na experience sa kanya, maliban sa naasar na rin ako niya. Iniiwasan ko kasi ang mga taong ganun pero siempre nung inaway nya ‘yong kaibigan ko (hinagisan ko naman siya ng mesa…joke!), ipinagtanngol ko siempre.

Mabalik tayo dun sa fast-food. Tingin ko napansin na rin n’ya kami. Tumingin na rin siya sa area namin at nung magpunta kami sa wash room nagtama ang aming mga mata (tapos biglang may lumabas na claws sa mga kamay ko…joke). Nung lumabas naman kami nakapuwesto na siya sa medyo madadaanan namin.

Wala, deadma lang talaga ang naging pagtatagpong iyon. Siguro kung ibang kaklase namin ‘yon, kahit hindi pa close, kami pa ang lalapit na magkaibigan. Tingin ko naman ay nag-iba na siya, as in bumait at nag-mature na. Kaya lamang, alam mo ‘yong iniwan niyang tatak, hindi talaga cool. Pero kung siya naman po ang lumapit, kakausapin naming siya. Hindi naman kami bastos gaya niya, noon e. Hehehe!

Adriana Rosa

Dear Adriana,

Hindi ka naman mapagtanim ng sama ng loob no?! Pero sa bagay, mabuti na rin na hindi kayo ang unang lumapit doon sa lalake dahil nakakailang, although guapo pa naman sana. (charing!)

Pero kung saka-sakali’t kinausap kayo niya, bigyan ninyo ng chance. Lahat naman ng tao nagbabago at malamang siya rin. Ayon nga sa impression mo mukhang nag-mature na rin siya. Isipin mo na lang na iba kayo nung kabataan ninyo at ‘yong pangit noon na ginagawa ng isang bata ay mas nare-realize ng tao sa kanyang pagtanda.

Anyway, mahirap din naman na makapagbigay ng magandang ala-ala. Subalit sana hanggat maaari at kaya, marunong sana makisama o maging sensitibo. Wala man masabi sa iyo na magandang-maganda, wala ring masasabing pangit na pangit. ‘Di ba naman?!

That’s all!

Ate Jevs

R.I.P. Daddy

Dear Ate Jevs,

May nabuo akong prinsipyo na imbes na maghimutok ay ipagdasal na lamang ang mga yumao. Ewan kong may matatamaang paniniwala iyon pero tingin ko mas maiigi na ang ganoon. Alangan naman kasi every time na masasaktan ka ay ibubunton mo sa taong wala naman diyan o lagi mong itataya sa lotto ang numero ng kanilang kapanganakan etc. etc.

Pero kapag Nov. 1 or 2 nakikisama naman ako sa tradisyon ng mga kamag-anak ko. Iyong padasal at konting paghahanda.  Kasama sa buong angkan na ipinagdasal namin ay ang yumao kung Daddy. Halos 17 years na rin siyang patay at masasabi kong unti-unti ko ng nakakalimutan ang kanyang itsura kung hindi lang sa mga lumang larawan namin.

Medyo madrama ang mga eksena ng aking kabataan at kasama siya sa highlights.  Hindi ko na ikukuwento ang mga ‘yon kasi gusto ko ng ibaon sa limot ang mga pangit  at gusto ko na lang itira ay  iyong ang masasayang alaala.

Sa aming apat na tunay magkakapatid, dalawa sa amin ang maki-ama, ang isa deadma at ako, bukod sa ina ko na lang ang nakasama ko simula’t sapul, ay masasabing maki-nanay. Subalit, siguro sa konting makakayanan ng aking Daddy ipinadama naman niya sa akin noon na espesyal din naman ako sa kanya Wala akong naalala na pinalo niya ako, bagkus aawayin niya sinuman na gagalaw sa noo’y very soft and delicate kong negrang skin.

Aaminin ko na may time na nagkaroon din ako ng hinanakit. Maraming akong tanong na alam ko rin namang ako na lang din ang sasagot kasi wala na nga iyong gusto kong tanungin.  Naka-move on naman ako at nag-mature na.

Nung kumakain na kami sinabi sa akin ni insan na noong nabubuhay daw iyon, daddy’s girl daw ako. Sabi ko, hindi ko matandaan na naging masyado akong malapit sa kanya.  Sagot niya, lagi daw akong kinakarga noon ‘pag nasa bahay. Alam mo Ate Jevs, na-move ako roon sobra.  Mas nakikilala ko siya sa salita at sa mga kwento ng mga taong lagi niyang nakasalamuha noon.

Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit sabihin nating paranormal, parang siya pa ang hindi nakakalimot sa akin. Nagpakita pa nga siya sa akin sa panaginip nung magtapos ako sa pag-aaral. Wala siyang sinasabi roon pero nakukuha ko ang ibig niyang ipakahulugan na binabati niya ako at masaya siya. Kinakamayan niya ako pero nung iaabot ko na sana ang aking kamay nasabi o naisip kong patay na siya. Hindi naman niya ipinilit kundi ngumiti lamang siya saka lumabas. Actually, hindi ko na ini-expect na makita pa siya kahit sa panaginip.  Pero kung totoo iyon, mas masayang-masaya siguro ako.

Sa November 9 ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ang kanyang puntod ay nakalagak sa sementaryo ng lugar kung saan siya nagbinata, nag-asawa at namatay. Sa totoo lang, halos wala ng espesyal ang bawat punta ko roon. Ni hindi ko na nga gustong puntahan ang bahay nila roon, ang nais ko na lang gawin ay ipagdasal siya na sana maging mapayapa at masaya siya saan man siya naroroon.

Nene Saltiq

Dear Nene,

May tma k nga n mdmdamin ang iyong letter. Kulang na lang ay hingin q rin s ktabi q ang tissue n’ya (btw, nsa coffee shop ako while reading your letter sa aking laptop) dahil sa pagsirit ng luha ko.

U know what, nhhirapan me n mag-comment.  But 4 me, tama ka na maigi na maalala mo ang mabubuti at masasayang bagay kaysa pangit.

Mabuhay!

Ate Jevs

Ayoko na Blue!

I

Sa mahigit limang taon ng ating pagsasama

Naging totoo tayo sa bawat isa

Walang kinubli , wala ring itinago

Ikaw ang nakaalam ng aking kasiyahan

Nang aking mga kalungkutan, tagumpay,

Kasawian at maging kabaliwan

Kung tutuusin ay napakaordinaryo mo

Pwedeng bastang palitan, pwede ring iwanan

Pero dahil akin ka, ‘yon ang pinagkaiba

II

Madalas sumusuong ako sa iba’t ibang laban

Napapagod sa aking pakikipagsapalaran

At kung minsa’y umuuwing luhaan

Ngunit dahil alam kong nariyan ka,

Handa akong umiyak at muling umasa

Ako’y sundalo at ikaw ang aking kuta

III

Patawad kong ako’y naging palalo

Palagi kitang pinipilit na magbago

Sa iyong kabuuan ay ‘di ako makuntento

Marahil kung susumbatan mo ako

Sasabihin mong “magulo kang tao!

“Kulang pa ba ang kabutihan ko sa’yo?

“Umalis ka’t bumalik, wala kang narinig

“Pinapansin kung kailan gustong gawin

“Hahanapin ‘pag walang ibang kapiling”

IV

Blue ‘di ko malilimutan ating pinagsamahan

Larawan nati’y itatago ng mainam

Tala ko sa iyo’y mahirap ng maparam

Subalit, hanggang doon na lamang

Iba na ang aking tinatangi

Pagbabago sa puso’y ‘di na maitatanggi

V

Masakit man sabihin pero ayoko na!

Gusto ko mang magpatuloy

Hindi na mapipigilan pa

Pati ang tao sa paligid ko’y humusga

Wala na tayong patutunguhan

Mabuti nang tanggapin ang katotohanan

Paalam na Blue Nassau

Alam kong sa hulihan nito

Ugnayan nati’y mag-iiba lamang ng anyo

Note:

Ang tula-tulaang ito ay para sa dating kulay ng aking kuwarto.

Ngayon kulay purple na siya with matching orange pa.

Wahhhhh!