May pangarap pero walang kumpiyansa sa sarili?

Dear Ate Jevs,

Gusto ko may marating sa buhay at alam ko naman na dapat ay pinaghihirapan ang pangarap.  Masipag naman po ako and I’m always looking forward na dumating ‘yong time na maging maginhawa naman  kami. Iyong tipong may sariling sasakyan, bahay, at kapag may nagkasakit ay hindi kami mamomoroblema sa pagpapa-check po.  Pero ewan ko po  kapag nand’yan na iyong opportunity ay parang palagi ko na lang pinagduduhan ko ang aking sarili. Kaya ko ba?

Dinadaga po ako na tanggapin lalo na iyong may malaking sahod sana pero may mabigat ng responsibilidad. Hindi ko po alam  kung takot lang ako na hindi ko kakayanin, sadyang wala akong tiwala sa  aking sarili, o siguro hindi lang po ako sanay na ako na pinagkakatiwalaan sa malalaking katungkulan. Mas sanay po kasi ako na tumatanggap ng kritisismo at komportable sa pagiging team player lang. Kung ako ay hirap na dalhin at kinaya ko lang, paano pa kung ako na pa ang maging  leader sa iba.

Problema po sa akin ito dahil  marami po akong pangarap pa. Alam ko haharap ako sa mabibigat na challenges kaya kapag hindi ko na-overcome ito ay mas lalo akong mahihirapan.  Sana po ay mabigyan ninyo ako ng tips. Marami pong salamat at pagpalain po kayo.

 

Nicole

pexels-photo-919607.jpeg

Dear Nicole,

Ateng ang hirap naman ng kalaban mo— ang sarili mo.  Ang daling magsabi ng payo kung iba kasi dali naman magtsika na tara tumbahin na natin ‘yang lukaret o damoho. Pero ito ay iba e, so kailangan  lansiin, sanayin at ikondisyon mo ang iyong sarili na?

  • Kung ‘di mo lalakasan ang loob mo, eddie mananatili kang feeling mahina at nagkakasya sa kung ano ang nand’yan. Eh kamo marami ka pang pangarap? Alangan naman mangarap ka ng malaki tapos  gusto mo maliit lang ang effort. Gusto mo makarating sa finish line, e ni hindi ka nga tumatakbo. Believe me, mas lalakas ang loob mo, kapag sinasanay mo itong palakasin. Kapag nagawa mo na minsan, masusundan at magagawa mong madalas basta magsimula ka.

Maniwala ka na ang Lakas ng loob is one of the powerful traits in the universe. Itatarak ko ‘yan sa noo ng mga astang matatalino at sa peslak ng mga feeling maganda at guapo.

 

  • Kapag gusto mo ang isang bagay kahit hindi ka sanay na gawin at dinadaga ka ay  ipaglaban mo.  Sino bang nadapa nang bongga na hindi nasaktan?  Que walang tumuklap na balat, bumulwak na dugo,  tumulong uhog, o nangilid na luha– Bes masakit pa rin ang madapa. Ngayon nasa tao na ‘yan kung hindi n’ya iindahin ang sakit o pagkapahiya, either dahil sanay na o deadma na lang s’ya. Ang importante ay hindi ‘yon ang nagpatigil sa kanya para maglakad ulit. At mas magagawa mong bamangon, rumesbak, mag-bounce, at kumadirit pa after ng madapa kapag motivated ka. ‘Pag ginusto mo, gusto mo tanong mo pa sa mga kinantahan ng “Love is Blind.”

 

  •   Baka naman gine-generalize mo ‘yang mga takot mo? Cliché man  gaya ng “rich boy meets poor girl” or “laging may masama sa magkakambal,”   pero oo  “case to case basis” ang mga bagay. Baka naman introvert ka at mas sanay ka na tahimik na nagtatrabaho sa isang sulok kaysa maglider-lideran. Pero maraming introvert na CEOs at artista. Baka naman dahil nag-fail ka dati kaya feeling mo magpi-fail ka ulit. Ano ka born to fail?

Baka naman may “impostor syndrome” ka or “fear of success?”   Ang masasabi ko lang d’yan whatever failure you had before, ano mang nakikita mong similarities, at takot mo sa unknown. May  antonyms ang failures, similarities, at unknown. Wag mo lang itanong sa akin ang specific dahil big word na sa akin ang “antonym.” Ikaw na magturo sa akin, hindi lang antonym kundi pati na rin ang  translation nga mga yoon sa science, Korean, o salitang kanto. Hohoho!

 

Supermodel sa ganda based sa kapal ng mukha,

Ate Jevs

Advertisements

When you encounter hate or personal attack…

How do you react when you encounter hate or personal attack? Ang sagot sa tanong na ito ay di ko alam eksakto.  Depende na rin  siguro sa tao, sitwasyon, obserbasyon, at lagay ng emosyon ko. Nangyari  na rin kasi na wala akong kamalay-malay tinitira  na pala ako, tapos   mayroon rin na ang simple lang at no intention to hurt me, pero nasaktan ako at nagalit. After all, I’m Capricorn at curly daw, kaya moody.

Ang maipagmamalaki ko na lang ngayong matured na ako ay mas less na yung instant react ko at more sa nag-iisip muna. Minsan pa nga feeling ko may pagka-stoic na ako. Kaka  pagiging objective ay  may ibang tao na nagsasabi o mare-realize ko na lang later  na subjectively  na may dapat pa lang ikalungkot o ikasama ng loob. Pero iba ‘pag takot, no?  Palagi itong nauunang isipin at maramdaman lalo na kung unknown pa sa iyo ang bagay-bagay.

Things I do against personal attacks

Avoid. Unless nasa sitwasyon ako na wala akong choice kundi makisama at na-provoke ako,  ako na iiwas. Kung ang iba ang sasabihin na tapatan ko rin, hindi ko gagawin. Hindi ko kino-consider na laban sa buhay ang tapatan ang mga taong alam ko na inggit, nagpo-power trip, nagmamagaling or what. In  fact, I don’t even want to analyze or feel something  sa kanila.  Ang alam ko lang ay pag di ako gusto sa una at hanggang tatlong  beses kaming nagkasama, na-judge na ako.  Hindi ko na kailangan patunayan ang sarili ko. Pero hindi rin nman ibig sabihin nun, bababa na ang self-confidence o magku-quit na ako. Yun ang pinagkaiba ng dating hoshi sa ngayon.  Call me quitter, coward, incompetent, or whatever … bahala ka na.  Basta alam ko ang gusto ko at ang mahalaga sa akin ay result. Hindi sa sasabihin ng tao, na wala naman bearing sa akin.

Silence.  Hindi ako masalita lalo na kung may tension sa paligid o may napi-feel akong something. I think mas magandan g taktika ang  katahimikan at poker face. Yung tipong asar na asar na sa iyo ang tao pero ikaw deadma lang, hehehe. Saka mas maraming naglalaro sa isipan ng tao  mas  nakakatorture sa kanila..

Go Direct to the point. Hindi ako ma-opensa pero hind ako  tatahimik kung aatakihin na ako ng below the belt at harap-harapan. If you attack me, hindi ako martir at tatanggap ng palo.  Pero honestly, mas naggaganito ako kapag mga mahal ko ang inaggrabyado o  piniskal na ako.  Kapag alam ko kailangan nang harapin yung tao, haharapin ko ng diretsahan.  Yun din karugtong ng avoid ko,  kung iniwasan ko  na at tumahimik na ako… pera inaabala pa rin ang kapayapaan ko. Malaki na ang problema  natin n ‘yan .

Things I do when someone hates me

Wala.  Bahala yung tao na i-hate ako. Kung wala naman akong ginagawang masama at ginagawa ko  ang best ko para okay ang lahat, why bother? Hindi ako pleaser, diplomatic lang.

Understand.  Lahat ng tao ay may pinagdadaanan at  pinanggagalinan. Kung nagkataon , ako yung tao na sa tingin nila ay hate nila kasi sa ganito ako at ganyan. Iintindihin ko, hind ako perfect at palaging tama.

9 Apologies for blogging in my way part 1

Bakit 9 apologies for blogging blah blah?  Una ay batiin mo ako dahil nine years na ang blog na ito noong October 3  at apologies para malaman mo ang iba ko pang saloobin bilang blogger.  I am sorry kasi ang lagay ba ay puro  perfect, yabang  positibo, at emo lang ang pagba-blog?

1.  I am sorry for  my typographical  errors or incorrect grammar!

Siyempre madaling  mahanap ang mali kung in English di ba? (kaya iniiwasan ko mag-English?). Pero mayroon din mali-mali sa  marami kong  posts in Filipino.  Alam kong malaking bagay ang zero errors na babasahin at walang magandang alibi para idepensa iyan. Pero kung tatanungin mo ako kung bakit mali-mali ako. Hindi ako magaling sa editing ( palusot 101) para maging madali at sipagin ako na makita yung mga mali.

baguio _ cemetery of negativism 3

Nagba-blog ako, una base  sa mensahe at kagustuhan kong ma-post iyon sa particular date. Hindi rin naman ako araw-araw nagba-blog kaya  mas sinusundan ko ang sense of urgency kaysa itengga ang buong ideya sa draft or somewhere in my mind para ma-check kung tama o mali.  Baka ito pa nga ang secret ko bakit prolific blogger ako for 9 years.  Pero I am sorry talaga, ginagawan ko ng paraan na i-improve yang skill, i-double check bago i-publish, at pati sipag ko sa pag-e-edit.

2. My apologies if I have novel-long posts 

I agree with you kung nakakatamad magbasa ng mahabang post. I try to trim down each of my article sa 400 words pero may pagkakataon na mahirap i-edit ang “charrot,” “hehehe,” “mabuhay,” ” hohoho,” at iba pa. Nandoon yung human touch at naipapadama ko kung paano talaga ako makipag-usap o mapa-light yung tone.  Isa pa mayroong mga impormasyon na gusto kong buong-buo na isiwalat sa iyo.  Pero kung gusto mo ng magandang rason, ayon sa ibang sites ay gusto nila 1000 words dahil sa SEO thingy. Ambot!Books

3.  My aplogies if I don’t have regular interval or schedule in posting

Pansin mo ba yung 31 days of blogging ko? Naging 31 weeks of blogging ata. Pilitin ko man na araw-arawin ay ‘di ko magawa. Bukod  sa minsan busy ako sa totoong buhay ay torete din ako sa hindi totoong buhay. Ano bang  Filipino  ng virtual works? Di totoong buhay na mga trabaho?

Sorry kung pabalik-balik ka rito o sa Hoshilandia.com kung may new post ako. Nakakatuwang malaman para sa akin iyan, kaya Thank you very much and I am very sorry!

...many hats @ d same time...is gold
…many hats @ d same time…is gold

Alam mo  sagana ako sa turo na magandang every day ang pagpo-post ng new entry . Pero sa ngayon ay mas itinuturing ko na passion blogs  ang mga sites ko. Hanggang maaari ay nais kong sundan ang sarili kong ritmo (hindi lang sa walang wisyo) sa pagsusulat na nandoon na iyong ideya, tamang gana, at  malayang oras na gawin.

Madali rin naman mapansin sa mga sinusundan mong personal blogs kung maka-update lang o wala lang yung post. Maaaring may mga time na ganun din naman ako, pero hanggang kaya ay ayokong ganun parati. Kasi feeling ko  kaya rin ako nagtatagal sa pagba-blog ay dahil nasusunod yung values, purpose, at kaartehan ko.

4. I am sorry I don’t follow niche blogging

Isa sa mahahalagang aral na nalaman ko ay  pagkakaroon niche  blog.  Kinikilala ko iyon at kahit papaano ay pinagpaplanuhan ko kung paanong istratehiyang gagawin.

I am sorry kung nag-follow ka sa akin dahil nag-blog ako ng sunod-sunod about money-saving tricks , movie reviews o kaya travels, then bigla may iba na naman klaseng paksa akong post.top blogs.ph - 4-6-12.b

Subalit, gaya nga ng nabanggit ko ay nagbaba-blog ako for passion and personal reasons. So kasama rin doon yung mood at ano ang flavor of the week ko.  Madali naman gumawa ng maraming niche blogs, ang tanong ay gaano kadali ang mag-maintain ng blogs?  Siguro makakabawi ako kung lalong lumawag ang sked ko at matutukan ko iyan. Ang iwo-work ko na lang siguro ay iba-iba talagang topics ang gusto ko at alin doon ang mga pinaka.

5. I am sorry for my ugly photos, broken links, and messy layouts!

Sa totoo lang gustong-gusto kong i-claim sa buong mundo kung gaano ako kahusay na photographer, eh hindi pa?! Ayokong sisihin ang mga cameras or phones ko kasi di ba nasa mata ng photographer talaga yan.  To explain my side – tradigital  frugal ako. I don’t feel na urgent need na makabili ako ng DSLR camera, mag-aral ng photo editing,  at iba pa lalo na kung may gamit pa naman ako. Ewan ko rin kung bakit mas gusto ko yung documentation of event or behind the scenes pa nga.  I am sorry kung di mo nagugustuhan.  Siempre darating din siguro na kailangan ko ng i-priority at mag-level up. Wait lang ng konti.

my 9-year old mobile phone
my 9-year old mobile phone (batiin mo rin sya sa December 8. hehehe

Ayan humaba  na naman kaya sundan mo ang 6-9 sa susunod na post

My Worst Habits: 19 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ang dami kong worst habits kahit feeling ko malakas-lakas ang disiplina ko sa sarili. Iyong iba nababago ko naman na, pero ang daling-daling balik-balikan huhuhu. I am human too, you know.  Mahina, nadadarang, natutukso at marupok rin. Bleee

Korean's Traditional BedPuyatera – morning person pa ako nung office girl pa ako. Ikaw ba naman makikipagpambuno sa EDSA.  Pero every weekend I make sure na puyat ako kasi lahat ng gusto kong gawin na personal stuff ko noong weekdays ay ipinagsiksikan ko sa two-day off ko. Kasama roon ang favorite sports ko na movie marathon,  surfing the net, and  badminton ng lamok .   Eh nung nag-freelance ako mas masaya, hawak ko oras ko.  Pero dahil mahal ko ang fez [na good thing umawat na panahon ng tag-yawat] and buhay ko, saka nakaka-affect din sa productivity and mga lakad… kailangan maging normal  akong tao. working on it.

the gift of educationCleaner by Request –   I am not proud of it pero makalat akong babae . Actually hindi ito tipong bad habit lang o dala ng katamaran [although big factor din yun…SLOB] kundi annoying working trait.  Inaantok o boring sa akin ang masyadong maputi, malinis, at mabangong work station. Naglilinis naman ako pero pagtapos na ang work kaya usually ang general cleaning ko ay mga weekend afternoon na.   I don’t know walang naniniwala sa excuse kong ito, pero siguro ang makaka-relate ay yung mga artist. May mga kakilala pa nga ako [painter] na hindi naliligo hangga’t di natatapos yung trabaho kahit hanggang kinabukasan.  Pero to cut it short, bad habit pa rin ito. Aminado!

Multitasking – Yes, worst habit for me ito and kung sino man magsasabi sa iyo na effective ang multitasking sa trabaho…hmmm eddie s’ya na. Karugtong ng nasa itaas na item, boring sa akin ang isa lang ang ginagawa unless may ibi-beat akong deadline.  I think time killer ang multitasking at nakakasira ng focus, pero guilty ako dyan. Buti kamo naiwas-iwasan ko na ang Facebook at laro. Youtube, Twitter, at maraming  naka-open na tabs na lang hehehe. Way to go Hoshi!

5. timeMinsanang procrastinator – Proud akong sabihin na napakabihira na may hindi ako ma-beat na deadline. Malaking bagay din siguro iyong mga pinagdaanan kong hirap sa career para pahalagahan ko yung natatatanggap kong work at ang aking mga co-workers. PERO may mga time na hindi ko talaga mapigilan lalo na kung tinamaan ako ng magaling kong MOOD at di ko masyadong trip yung task.

Marami pa akong bad  and odd habit pero hindi ko na ire-reveal kasi isa ibini-beat kong bad habit ay oversharing hohoho!

Timeline of my Day? 15 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ever since na nag-freelance/ home-based ay naging erratic ang sked ko almost every day kaya medyo mahirap sa akin sagutin ang tanong na ito. Bukod sa mas buhay ang diwa ko ‘pag gabi, gusto ko man maging person ay nagpapagabi na rin ako sa gawain. Ang ineet, wala [pang] air con ang home office ko. Ang ibabahagi ko na lang ay iyong average o iyong pinakamadalas na timeline of my day [nitong tag-init]

5. time10-11am [‘pag kaya 7-8am] – almusal konti o brunch ligo

12nn – 10 pmn trabaho/ negosyo  –

3 or 4 pm – break/ siesta up to 5-6 pm

6pm 7: 30 pm   trabaho/ negosyo/ blogging [pag kaya]

10 bahala na kung ano trip kong gawin unless may deadline to beat

  • Manood ng youtube videos ng Jimmy Kimmel,  Graham Norton, Marvel, Anime, Gandang Gavi Vice, Tonight With Boy Abunda,  Powerhouse, Ang Tunay na Buhay o kahit  ano
  • Magbasa-basa sa iba’t ibag websites – Daily Worth, Elite Daily, Entrepreneur, Inc, Forbes, Pep, Philippine Star, Journal.ph at iba pang sites.  Actually ang curator ko ay ang Twitter followers/ following ko [minsan Facebook friends – nagbabasa talaga ako ng interesting na links.
  • Mag-check ng Instagram/ Facebook pag bet ko. Basta lately, mas gusto ko na lang tumambay sa Twitter at Youtube or mag-browse-browse sa Pinterest.

usual  na tulog ko ay 1-2am