Students, gawing independence day today

Three days after ng Philippine Independence Day at lagpas isang buwan matapos ang National Election, nagbukas na ang mga klase para sa school year 2010-2011.

Sa ganang akin ay may malalim na kaugnayan ang mga ito sa pagpa-practice ng kalayaan ng mga kabataan o ng pagiging independent. Saan ka mang antas puwedeng-puwede mong ipakita ang iyong pagiging independent.

  1. Kung hindi rin delikado- hindi na kailangang ihatid at sunduin sa ekswelahan (if there’ wheel there’s a highway)
  2. marunong i-budget ang allowance (debit is good but we need cash)
  3. mapagkakatiwalaan sa perang hinihingi gaya ng para sa mga  projects. (honesty is parent’s best policy)
  4. Kayang ipakilala ang sarili at makihalobilo sa mga kaklase ( no man is an island)
  5. May respeto sa guro. (Teacher May I Go Out?)
  6. Sumusunod sa mga polisiya ng paaralan (No I.D. No Entry – No Recess)
  7. Ginagamit sa mabuti ang technology lalo na ang computer at mobile phone (“Feed Your Mind!”)
  8. Pinangangatawanan ang pagiging istudyante, nagdadala ng panulat, susulatan at babasahin (Walk The Talk)
  9. Kayang pagsabayin ang pag-aaral sa ibang gawain. ( Time is Gold)

10. kumakain ng tama at umiiwas sa bisyo (An ounce of prevention is a pound of cure)

-siyempre  dapat nag-aaral ng mabuti.  Dahil ang pagiging independent ay hindi batay sa liberty mong gumawa ng masama kundi kalayaan  mong hulmahin ang iyong sarili at kinabukasan.

Daig ng pagkaPinoy, ang taong tamad

In-anticipate ko na ang kaguluhan at aberya sa election kaya tinamad akong bomoto.  Doon pa nga lang sa manu-manong pagboto ay hanapan kami ng hanapan kung nasaan ang presinto ko.  Tapos ang nakakainis pa pag nahanap mo ang name mo ay mali pa ang pakaka-type. Pero hindi ako galit, iniisip ko na lang na ganun din ako. (pampakalma)

Pumunta ako sa school kasi

  1. Lahat ng nakaalam na tinatamad akong bomoto ay nagsabi sayang naman.
  2. Inaya ako ng 2 kong kuya na bomoto, yung isa naninirahan na sa Montalban nagpunta lang dito para bomoto.
  3. Minsan lang sa six years na masasabi mo ang choice mo.
  4. para malaman kung nasa listahan pa ako
  5. Dahil isa akong Pinoy na may paki

Sa  school

  1. parang piyesta sa dami ng bandaritas pero ngayon mas konti na yung papel. Tao na lang ang dumadami
  2. kawawa ang mahahaba ang pila, buti na lang wala doon sa presinto ko
  3. tuwing pupunta ako sa school (my alma mater) laging may bago.
  4. may ilan akong nakitang kakilala, wala tiningnan ko lang sila at lumayas na ako. Init kaya!
  5. parang astig iporma yung daliri mo na may ink. Buti na lang hindi nila nilagay yung ink sa hinlalaki ano! Wahahaha

pag-uwi galing sa school

  1. sarap makipamalita sa ibang friends kung ano naging kalagayan nila
  2. okay na makipagtalakayan kasi naranasan mo ang bomoto
  3. sarap lumaklak ng malamig na inumin
  4. mainam na itabi ang yung vote’s stub ( na ang tagal namang maging ID). May silbi pala ito.
  5. sarap i-blog ang iyong sentimiento.

The stories of an uncommon commoner

Small but brusque

Sa isang public elementary school may isang siga-sigaan na estudyanteng batang lalaki. Sa pagka-bully niya ay pinapatulan niya kahit mga babae. Kinaasaran siya pero kinakatakutan ng mga kaklase dahil ayaw nilang masaktan. Ang masaklap nito ay hindi lamang siya ang may ganitong ugali. Nahawaan niya ang ibang batang lalaki sa kanilang klase.

Isang araw ay napagtripan naman niya ang isang batang babae. Ipinagtanggol kasi nito ang sinapak niyang kaklase nila. Lakas ng loob nito, gayong sa height at built ng katawan ay napaka-average nito. Inundayan niya ng suntok pero sa kanyang gulat ay nasalag siya nito  at saka siya sinapak at pinagpapalo sa ulo ng jollibee payong nito. Mula noon ay hindi na namamatol ang lalaki, lalo na sa kaklase niyang ito.

The tough idiot

In this class of high school students, naglalabu-labo ang mga talented, matatalino at average teenagers. May isang guy dito na known for his cool image, galing sa pagdo-drawing, at husay sa pagigitara. Ang isa lang niyang problema ay mahilig siyang mag-cutting class.

May ilan na nagka-crush sa kanya, kasama na rito ang hindi kagandahang dalaga. Nang malaman niya ito ay agad siyang naglitanya na bopol naman daw ito sa klase, lalo na sa Math. Nasaktan ang dalaga pero ano magagawa niya, ayaw siya ng crush niya.

One day, hindi um-absent si cutting class boy at napakinggan kung paano mag-report si di kagandahan girl. Minsan naman ay namalas niya kung paano ito mag-lead ng isang grupo. Naka-partner din niya ito sa sayaw, napanood sa iba’t ibang program nila sa school at nakakakuwentuhan na rin niya ito.

Bigla siguro na- realize na lang niya na special itong si ‘di kagandahan girl. Hindi siya mapapansin kagad dahil maraming maganda at matatalino sa klase. In the end, si bopol at di kagandahan girl ay gumaradweyt with honor at niligawan niya.

Simply amazing

To her dismay, hindi lang siya nag-aaral sa university na parang sosyal kundi nakaka-culture shock din ang pagiging sunod sa fashion, grade conscious and active ng kanyang mga kaklase. Hindi niya kayang sabayan ang mga ito, dahil iginagapang lang siya ng kanyang mother para makapag-aral at hindi siya ang tipong matalino sa lahat ng bagay.

Habang ang iba ay nahihilig sa mga latest trends, music, gimikan, siya naman ay sa mga kakatwang bagay pa nagkainteres.  At ang mga nahanap niyang true friends ay masasabing may pagka-introvert. Reality check, she believes that she’s just a plain Jane for everyone.

And then one day, nakasabay niya ang isa niyang kaklase na go for cuteness and hottest things. That day ang kanyang classmate ay medyo balisa and then bigla nitong sinabi na mabuti pa siya stunning sa pagiging simple. No complications, no hassles and looks happy na parang nakakainggit.

That’s why I take pleasure in my weaknesses, and in the insults, hardships, persecutions, and troubles that I suffer for Christ. For when I am weak, then I am strong.”

2 Corinthians 12:10

Note: ang mga istoryang ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni _ _ _ _ _

my (most embarrassing) shoe story

Shoe Store sa Harap ng World Of Butterflies
Shoe Store sa Harap ng World Of Butterflies

Noong College, mayroon akong mala-elevator and bulldog shoes na ginagamit ko everyday sa school. Minsan, nai-intimidate ako dito kasi ‘yong sa mga kaklase at schoolmates ko ay magaganda at pang-porma talaga.

Subalit, I am vindicated sa pagamit nito especially during rainy days or kung may matubig na daanan kaming pupupuntahan. Ikaw na ang magkaroon ng barkong sapatos ika nga.

Pero gaya ng barkong Titanic, my ship shoes was  sinkable too at nangyari pa ito sa first day duty ko as Peer Counselor sa aming Counseling and Testing Department. That day, nag-iingat na talaga ako sa pag-akyat sa overpass ng Morayta kasi umulan at basa ang daan.

Ang nangyari ay limang baitang pababa ay nadulas ako at sumadsad talaga. Nakakahiya kasi pinagtinginan ako ng mga tao, pati nga ‘yong binibilhan ko ng mani o mga junk foods tawa ng tawa.

Bad day talaga kasi, I was wearing my all new white uniform kasi nga sana I wanted to impress  on my first day, pero iyon naging madumi.   Na-realize ko lang na dahil sa shoes ko kung bakit ako nadulas noong mangyari ulit ‘yon sa canteen namin. Doon ko napansin na masyado na palang gasgas ang suwelas ng sapatos at hindi na kumakapit.

After noon, bumili na ako ng bagong shoes at ‘yong mababa na.  Napansin ko rin kasi lumaki ‘yong muscle ko sa binti kakagamit ng mabigat na sapatos na ‘yon.

Study hard!

Kahapon hindi sinasadya na nakapakinig ako ng news sa radio at television.  And siempre, ang mga nagbabagang balita ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Incidentally, naibalita ang public high school na kung saan nag-aral ang aking mga nakatatandang kapatid. Noon sikat, maayos ang pasilidad, mahusay ang turo, at makulay ang buhay doon. Ngayon, nakakalungkot na isa na rin ito sa mga school sa Q.C. na problemado. Hindi ko sure , pero ang dinig ko parang sa paghahati sa morning and afternoon shift, hindi na ng kada year, kundi halimbawa sa first year –may mga papasok ng umaga at sa hapon.  Ito ay para ma-accommodate ang dami ng mga estudyante.

Pero may mas matindi pa roon, may alam akong isang  school din  sa Q.C. na sa lapag na nakasalampak ang mga mag-aaral at sa likod na ng mga building nagkaklase. Mayroon din na 100 na halos ang nasa iisang klase at hinahati pa ‘yong classroom. At yong divider ay isa o dalawang napakanipis na plywood.

Noong elementary pa nga lang ako umaabot na rin kami sa classroom ng 100 sa mga unang araw, ang ma-late walang upuan. At kapag mas mataas ang bilang ng numero ng section mo, wawa ka. Iyong mga makukuha mong books at upuan, “vintage” talaga. (iyan ay bukod pa sa thinking ng iba na ‘pag nasa section 4 – pataas ka na e mahina ulo mo). Buti kamo either section two or section one si hitokirihoshi. (so, elementary pa lang na nagwa-wantu-tri (123) na ako …hahaha!)

Halos lahat kaming magkakapatid ay galing sa public schools,  napilitan lang akong  i-private (or i-maximum security hehehe). Pumapasok kasi akong maayos pero bumabalik ng mukhang ewan (kung ano ‘yong mukhang ewan, ewan ko rin).

Dahil sa aking buhay –public school at iba pang  experiences, masasabi kong biggest achievement ko talaga ay makapagtapos ng pag-aaral. Siguro, pwede akong magsisi sa course na kinuha ko (na sa awa naman ay hindi pa naman ng bonggang-bongga, hehehe!) pero ang makatapos ng pag-aaral ay hinding-hindi ko pagsisishan. Kahit sabihin ng iba na mahirap din naman maghanap ng trabaho,  may pinag-aralan ka pa o wala. (e bat may trabaho ako, aber!)

Ang edukasyon sa akin ay hindi lamang daan para magkaroon ng maayos na trabaho at kumita ng salapi, kundi isang mahalagang pundasyon ng aking pagkatao. (palakpakakan n’yo naman ako!!! Komposisyon ko talaga yan. Sige na, pls! hehehe)

Then kagabi naman, napanood ko ‘yong Analysis by Winnie Monsod sa News on Q. Batay sa Philippine Human Development Report,  sa 1000 estudyante na nag-enroll sa grade one, 670 rito ang aabot sa grade 6, pero 650 lang ang makakatapos ng elementarya.  

Sa 650, mababawasan pa ito ng may 220- 230 dahil sa tantya ay may 420 – 430 lang ang makakapagtapos ng high school.  Sa 420 -430 na mag-aaral na ‘yon, 230 lang ang susubok na mag-college at malamang umano ay 120 lang sa kanila ang makakapagtapos ng kolehiyo.  Dagdag pa sa ulat, sa 120 ay isa lang dito ang mula sa talagang mahihirap na pamilya. 

Hindi ba’t nakakalungkot ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa at kung gaano karami ang out of school youth. Ang nakakainis pa rito, iyong may mga kayang mag-aral ay nagbubulakbol lang. Hindi nila naiisip kung gaano sila kaswerte na mag-aral sa dekalidad na eskwelahan na may cozy classrooms and state of the art facilities. Ang pinakamatinding usapin pa riyan ay  “buti pa sila nag-aaral.”

Sana ay sa sariling sikap at disiplina, matututong pahalagahan ang edukasyon.  Hindi rin lang naman tungkol ito sa data, ekonomiya ng bansa o dangal sa lipunan. Dahil ngayon, ang edukasyon (sa Pilipinas) ay isang pagpapala at isang pambihirang oportunidad.

Paki-basa rin ang aking lumang post na old school at panoorin ang Analysis. thanks!