Tatak

Dear ate Jevs,

Lumabas kami ng aking kaibigan para i-celebrate ang nalalapit niyang birthday. Nang kumakain na kami sa isang fastfood, may napansin akong pamilyar na lalaki na palakad-lakad sa may kalayuan.

Siya ay dati naming kaklase ng kaibigan ko sa high school. Tumaba ng konti ang damuho pero may itsura pa rin. Naisip ko nga kamukha ni Mike He ng Devil Beside You at Why Why Love.

Tinuro ko siya sa friend ko at kahit medyo matagal, sumang-ayon din siya na ‘yon nga yong kaklase namin na guapo nga pero nuknukan naman ng sama ng ugali.

Hindi ko na siya sisiraan pero ‘yon ‘yong pumatol sa isa pa naming barkada. Alam mo yung kababaeng tao ng friend naming eh inambaan niyang hagisan ng upuan at binulyawan ng bonggang-bongga. Saka yong bibig nun sarap busalan kasi dakdak ng dakdak eh wala namang kwenta ang mga pinagsasabi. Although maganda sana ang boses niya ‘pag kumakanta.

Wala naman akong personal na sobrang pangit na experience sa kanya, maliban sa naasar na rin ako niya. Iniiwasan ko kasi ang mga taong ganun pero siempre nung inaway nya ‘yong kaibigan ko (hinagisan ko naman siya ng mesa…joke!), ipinagtanngol ko siempre.

Mabalik tayo dun sa fast-food. Tingin ko napansin na rin n’ya kami. Tumingin na rin siya sa area namin at nung magpunta kami sa wash room nagtama ang aming mga mata (tapos biglang may lumabas na claws sa mga kamay ko…joke). Nung lumabas naman kami nakapuwesto na siya sa medyo madadaanan namin.

Wala, deadma lang talaga ang naging pagtatagpong iyon. Siguro kung ibang kaklase namin ‘yon, kahit hindi pa close, kami pa ang lalapit na magkaibigan. Tingin ko naman ay nag-iba na siya, as in bumait at nag-mature na. Kaya lamang, alam mo ‘yong iniwan niyang tatak, hindi talaga cool. Pero kung siya naman po ang lumapit, kakausapin naming siya. Hindi naman kami bastos gaya niya, noon e. Hehehe!

Adriana Rosa

Dear Adriana,

Hindi ka naman mapagtanim ng sama ng loob no?! Pero sa bagay, mabuti na rin na hindi kayo ang unang lumapit doon sa lalake dahil nakakailang, although guapo pa naman sana. (charing!)

Pero kung saka-sakali’t kinausap kayo niya, bigyan ninyo ng chance. Lahat naman ng tao nagbabago at malamang siya rin. Ayon nga sa impression mo mukhang nag-mature na rin siya. Isipin mo na lang na iba kayo nung kabataan ninyo at ‘yong pangit noon na ginagawa ng isang bata ay mas nare-realize ng tao sa kanyang pagtanda.

Anyway, mahirap din naman na makapagbigay ng magandang ala-ala. Subalit sana hanggat maaari at kaya, marunong sana makisama o maging sensitibo. Wala man masabi sa iyo na magandang-maganda, wala ring masasabing pangit na pangit. ‘Di ba naman?!

That’s all!

Ate Jevs

12 thoughts on “Tatak

  1. Naalala ko tuloy iyong mga bullies din sa school ko ng HS. Whenever I see them now be it in person or in social networking sites, I realized that who they were before is just a product of immaturity and youthfulness.

    Iyong mga matataba before, sobrang payat na ngayon. Iyong mga loko-loko, successful sa kanilang fields, iyong laging nangongopya, nakapasa ng board. May mga bagay na sobrang big deal noon, ngayon pwede ng pagtawanan.

    1. korek!

      yung hindi mo inaasahan na mangyayari nagiging ganun. ang pagbabago talaga hindi lang sa bagay, hayop at panahon. siempre sa tao rin. hehehe

      mabuhay!

  2. may malaking pagbabago magaganap sa isang tao kapag pumasok na siya sa maturity level at lalo na’t kapag nagkaroon na rin siya ng sarili niyang pamilya at responsibilidad..iba na siya sa dating bagets noon ngunit may maiiwan pa ring sarili niyang tatak na mahirap ng alisin dahil na siguro sa paligid niyang ginagalawan at pamilya.. pang unawa at pagtanggap ang kailangan natin dito dahil may sarili na tayong pag-iisip at hindi na tayo bata. 🙂

    salamat ate jevs 🙂

    1. simple nga lang ang karanasan na ito ni Adriana pero markado ang aral.

      naisip ko nga kanina, intentional man o hindi, nagbabago ang tao depende sa nangyayari sa kanya. alam mo ‘yong, magagawa mo ang bagay na akala mo hindi mo kaya kapag nasa critical kang sitwasyon. and once na nalagpasan mo yun para ka ng isang bagong tao or bigla kang nag-mature.

      thanks sandi!

  3. bumanat na naman ang ate jevs….bigyan daw ng chance oh!…well sa ganang akin may point si ate jevs, why not…makunat…eh di bigyan ng chance,,,,ehehehehhe…kaso eh di naman nagtanong ah! jok!
    basta ako …. mahirap kung ang talagang batayan natin sa pagkatao ay ayon sa naitatak nito sa ating isiapn…malamang very limited lang ang ating understanding sa human person…at saka sa change ek-ek..
    ..actually, I do believe that change is the only constant thing on this mother earth (hahahahha parang pang Miss Earth)..
    ibig sabihin ay tao ay pwedeng magbago…malay mo di na silya ang itatapon…malay mo buong bahay…ano mala-hulk! ah ewan ..naguguluhan na ako…
    ate jevs anong mapapayo mo sa akin…..hehehehehhe

    1. natatawa at natutuwa naman ako sa comment mo. parang hindi mo malaman kung sa paraan ko ng pagpapayo ka magbibigay ng komento o paksa ng sulat.

      tungkol naman sa tanong na sinasabi mo, sabi ko lang naman eh “kung sakali.” hehehe

      pero tama ka sa puntong, dapat lawakan natin ang ating isipan. malayo-layo rin siguro ang agwat ng taon ng huling magkita sina Adriana at ng kanyang ex high school classmate. malamang, marami na ring pagbabagong mangyari. sana nga lang nagkausap sila para mas magkaalamanan na.

    1. oo nga kuya blue, haba ng comment mo (pati sagot ni ate jevs). hahahaha!

      glad namana ako natuwa ka sa entry na ito ate jevs. teka san ka ba tuwang-tuwa?

      hehehe

  4. di mo naman masyadong iginugol ang kwento sa kanya noh bago mo naidugtong ang kwento sa fastfood.

    di nga kayo close mare, pero galing mo ha nadetalye mo ang kwento kung paano nag-away ang magkaibigan at bukod doon ay naalala mo ang kanyang itsura kahit nadagdagan na ang kanyang timbang… di kaya’y may “HD” ka sa kanya…

    1. ay hindi ko po alam kung may HD si adriana dun sa ex classmate niya o kung may nakaraan sila. hahaha!

      tingin ko naman kahit naman, madali lang na maaalala ang isang tao kahit may nag-iba sa itsura nito. Lalo na kung may mga unforgettable experience ka rito.

      sige nga ikaw kaya hagisan ng upuan sa harapan mo. hindi mo kaya maalala pagmumukha non? hehehe. ganun din si adriana siguro.hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s