Recovery

Myeongdong Cathedral
church sa myeongdong south korea

may time na ba sa buhay mo na parang nablanko ka? iyong tipong hindi mo alam kong ano ba talaga ang nararamdaman mo sa mga pangyayari at  maging sa mga tao sa paligid mo.  tapos, wala ka ring gana sa mga bagay na dati-rati ay nagpapabangon sa  iyo sa umaga. ako, nito lang at di ko alam kung anong eksaktong nangyari.

pero hindi ko na himay-himayin para wala na ring lalamas-lalamasin. basta ang klaro ay sadyang lumalalim na ata ang hidwaan sa  pagitan ng kokote at puso ko. di na sila nagle-level, may nauuna  at may naiiwan pero nagkakaapektuhan pa rin. sarap pagtatampalin charr!

thankful na lang ako na parang sumaswak na sila na ang magandang resulta ay tatawagin kong “recovery.” at kahit sinasabi pa ng isipan ko may nade-delay at marami akong nami-miss, mabuti naman na makapagpahinga s’ya at maging si puso para makapag-refresh sila. isipin mo yung utak ko nakapag-ice skating sa denmark at yung heart ko nakapag- island hopping sa Palawan tapos nagkita sila sa airport ng Pilipinas. nag-appear and say  “tara let’s fight for better buhay.”

In short, maganda rin pala yung wala ka munang inaaala at pinipili mo ang problemang-poproblemahin mo. Siomai, naalala ko I’m human too.

Thank God, I survive and stronger now.

Ikaw ay Ikaw at ako ay ako

Sa dami ng taon ng iyong karanasan

nabuo sa iyong isipan ang iyong mga kagustuhan

ikaw ay nasaktan kaya gusto mo ng kasiyahan

mula sa kawalan nais mo ng kaliwanagan

ano pa’t unti-unti sa iyong pakiwari

tumitibay ang iyong loob

alam mo na ang iyong sarili.

II.

Pero may mga dumarating

na kakatok sa iyong diwa

pupukaw ng iyong damdamin

at bibigyan ka ng pag-aalinlangan

mas may narating, mas magaling,

mas may itsura, at mas may hinaharap

mga bagay na ‘di mo kayang basta pantayan

III.

Nakakainggit, nakakagalit,

nakakalungkot at nakakasimangot

bakit-bakit at bakit?

Subalit, datapuwat, at sandali lamang

Pakinggan mo ang isinisigaw ng iyong espiritu

hindi mo siya kailangan sabayan

hindi mo siya dapat palaging tingnan

IV

Lahat ay may kalakasan at may kapintasan

Ang daan mo ang iyong tadhana

Ikaw ang tatahak, lulukso at mangangapa

Kung paano ang lugar n’ya ay di mo balwarte

At ang  posisyon mo’y di niya pag-aari

Nabuhay ka, minahal,  minalas, sinuwerte

Sa iyo ang oras mo at maging sa iyong Lumikha

V

Mabuti ang minsan’y luminga-linga

Masdan ang iyong paligid para iyong makita

Ang mundo ay hindi rosas pero puno ng perlas

Isa kang yaman na tumataas ang halaga

Ang iyong talento’t gantimpala ay ang likas mong sandata

Maaaring ika’y minsang maligaw o mawalan ng loob

Pero ikaw ay nag-iisa gaya ni Hoshi na ngayo’y patula-tula…

V

Dahil gusto n’ya ng champorado, sapin-sapin at bibingka

Magpunta ng Palawan, Taiwan, Greece at South Korea

Makapag-ipon ng pera para sa negosyo at hearing aid ng ina

Makipagtipan sa kanyang Dentista

Makabili at matutong tumugtog ng gitara

Makapag-post palagi at magpa-promo sa Hoshilandia

At makatikim ng Haagen Dazs bago pa ‘to mawala sa bansa

Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz

motivated to lose weight

Dear ate Jevs,

Aware ako na lumalaki na ang katawan ko pero hindi ako ganun na naalarma kasi malayo pa naman ako sa pagiging obese. Talaga lang atang may mga tao na natatabaan sa akin dahil ikinukumpara nila ako sa mga patpatin o medyo anorexic na katawan.

Hindi problema ang weight sa akin noong nag-aaral dahil active ako sa mga extra curricular activities especially na since prep hanggang college ay nahihilig o napapasali ako sa pagsasayaw.

Tumaba na ako noong mag-start na akong mag-work. I think yung waistline ko ay naglalaro sa 25 ½ to 27 (depende kasi yan sa tabas at brand ng pantalon) noong estudyante ako pero noong nag-o-office na ako naging saradong 27 na siya at lumalaki pa.

May nagsasabi na bagay sa akin ang chubby at hindi bagay sa akin ang maging payat. Although nakakarindi rin na babatiin ka with matching “ano ang nagyari sa iyo ang taba mo nahhhhh!!!”, wala kong care.  Ang mahalaga sa akin ay ang pakiramdam ko… kung madali na ba akong hingalin, kung di na ako pinapasakay sa fx o taxi, o kung di ako matitigil hanggat di big uhaw ang iniinom ko.

Pero ngayon ay namo-motivate na po ako talagang magpapayat… nag-uumpisa na kasi akong mahirapang mamili ng damit na kakasya sa akin, bukod pa dyan na mas mahal at limitado ang napipili ko. Minsan wala na sa budget yong kinukuha ko, kasi ang nasa isip ko “iilan lang ito, buy it now.”

subalit, nitong nakaraan na namili ako naghalo ang frustration at kakarampot na kilig. Frustration kasi, hindi ko mabili yung gusto kong mabili dahil bukod sa size eh siempre may fashion style akong sinusunod. Ayoko po kasi ng fit sa katawan ko ang damit ko at di ko type ang pink, neon, pastel colors.

Ayoko mang mag-order ng inumin na favorite ko para hindi madagdagan ang fats ko, eh pinagbigyan ko na ang hilig ko dahil sa hapo. Nakaupo ako sa harap ng store na pinagbilan ko nang may dumating na tatlong fil-am – dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila sosyalin ang dating at English speaking. Deadma lang ako kunwari sa kanila kahit marami nang naglalaro sa isipan ko. Katwiran ko, nagbayad ako kaya bat ako matitinag sa inuupuan ko. Yung matabang lalaki tumabi banda sa gilid ko habang nag-o-order, yung babae sa harapan ko mismo pumwesto, then yung isang medyo payat palakad -lakad naman sa likod at harapan ko.

Tanungan at sagutan sila sa oorderin nila. Hindi nila ata matanto kung avocado o avocado ang oorderin nila… eh parang di naman magkaiba yun? Yung lalaking mataba tumalungko dun sa mesa na nasa gilid ko… (bahala siya kung ano o sino man ang tinitingnan niya), tas yung payat na lalaki parang di malaman kung saan pupuwesto. Siguro aligaga sila doon sa babaeng kasama nila na in fairness naman eh sexy and pretty.

Nang malagok ko na lahat ng laman ng iniinom ko, tumayo na ako sa inuupuan ko sabay kuha ng mga nilapag kong plastic at lumakad palayo. Then I heard “she’s cute huh” mula doon sa isa sa dalawang lalaki.

Tatlo lang yan eh

a. may nakita silang female poodle,

b. she ang pangalan noong babaeng kasama nila

c. At Ako yun… hahahha

Bahala na sila, basta gusto ko na po talaga ang magbawas ng timbang at magkasya na ulit yung mga dati kong damit sa akin. Mahirap ang buhay ngayon, dapat tigil gastos. Ano po bang dapat kong gawin para pumayat kahit konti?

Sumasainyo,

Gigi TatlongKilo

Dear Gigi,

Masasabi ko lang ay more power! Magpapayat ka dahil feel mong gawin ‘yan at para sa ikagagaan ng ‘yong loob. Pero dapat doon ka sa healthy, ‘yong proper exercise & diet.

Sa ibang payo, bahala na ang mga commentator natin dito… heheh.

Mabuhay!

Ate Jevs

nakakaloka na nakakatuwa

ciencia na mi amigo y mi amiga pero di ko talaga maawat ang aking kakangiti. Por que?

napansin ko sa top searches part ng hoshilandia ko na may nag-search ng…

nakakatuwa lang na malaman na talagang may nagtsa-tsaga na mag-type ng complete name ng blog ko at ng partikular na entry ko na medyo matagal ko nang nai-post. kung sino ka man saludo ako sa iyo! at eto pa…

inulit-ulit mo pa ha? kaya natuwa naman ako. thanks! nakakaloka ka o kayo? hehehehe

alam mo pwede ka rin mag-comment “,)

%d bloggers like this: