4 of 7 Days Gratitude Challenge – Friendship

Siguro last month may dalawa akong friend na nagsabi sa akin ng eksaktong linyang ito – “ilan lang naman kayong kaibigan ko.” I feel grateful in a sense na sobrang picky siguro nila nakasama ako sa elite circle of friends nila.  Pero napaisip din ako, ako lang bang itong feeling friendly? Naalala ko tuloy may nagsabi sa akin na ” hindi ka friendly.” Labo ano ba talaga?

Friendship is like a plug that you need to connect

surfing by paoTinanong ko yung mga kasambahay ko, kung ilan ba ang kaibigan nila at pare-pareho silang nagsabi na konti nga.  Siguro nga ang usapan dito ay totoong kaibigan versus dun sa kakilala lamang.  Sa bagay hindi naman kumo’t matagal na kayong magkakilala at laging nagkaka-kwentuhan ay tropa na kayo.

Hindi naman ako yung usual na maingay, katunayan iisipin mo loner at weird ako in person. May nakapagsabi na rin sa akin na akala nila  kinakausap ko lang yung  tingin kong ka-level ko.  That surprised me, akala ko okay naman kami at hindi lang ako nagsasalita kapag hindi naman kinakausap. Ayoko lang matawag o magbigay ng impresyon na sawswera ako sa usapan ng iba. Oh well iba-iba talaga ang interpretasyon ng tao sa personalidad ko and I understand that because hindi ako ordinary ( naks!)

I’m glad that kahit akala ng iba ay kakaiba ako, I find friends who stick with me through thick and thin. And they don’t need to be always present  for me to consider their friendship. Masaya na ako that they greet or remember me if they have time. Of course, I’m grateful to those who help me kapag kailangan ko ng assistance.

But if there are things that I realize when it comes to pagkakaibigan: 

  • it’s like a plug – kailangan mong ikonek sa outlet para dumaloy ang current o sabihin na natin mag-effort.  May mga pagkakaibigan na kumustahan lang buhay na. Present ka lang sa iilang okasyon, okay na . Sadly, may mga tao talaga na parang ayaw na magpakita sa iyo dahil wala lang silang gana. Sabi nga ng kuya ko, yung mga tao na tamad dumalo sa imbitasyon – hirap din magkaroon ng bisita.
  • It always begin with imparting yourself –  Naalala ko noong Grade 4 ay may kaklase ako na ang tagal na absent at walang maupuan. Inalok ko siya na maki-share sa upuan ko. Ang sikip at hindi ako makapag-aral nang maayos pero I’m glad I did that -siya ang itinuturing kong my first ever best friend.  Ganoon din naman sa iba, mas lumalalim yung respeto, pang-unawa at koneksyon n’yo sa isa’t isa when finally nag-open ka na ng little secrets or mag-effort ka to give something.
  •  There are certain characters and levels – May mga kaibigan ako na magkakaway o hindi gusto ang isa’t isa pero pagdating sa akin friends ko pa rin sila. Sabi ko nga sa day 1 ng challenge na ito – “as magical as magic sarap, I’m lucky to have different group of friends.  Siempre mayroon yung makikita mo lang pag ganito at malalapitan mo ‘pag ganyan. Anu’t anuman ang concern lang dyan ay respetuhan at pang-unawa.

ABC of Friendship

551277_471951536199704_1320257383_nI think hindi ko pa kayang buuin sa bilang ng alphabet ang mga itinuturing kong kaibigan pero kulang pa ang bilang alphabet sa lahat ng bagay na nagawa nila sa aking buhay.  I will be forever grateful for having true friends na nagparamdam at nagturo sa akin ng…

Acceptance, Bigayan, Cherish, Damayan, Education, Fun, Greatness, Happiness, Inspiration, Justification, Kapatiran, Love, Mindful, Neutral, Observant, Passion, Quip, Refuge, Sincerity, Trust, Understanding, Weirdness, Xenacios, Youthful, and Zeal.

Monologo para Que Inglesia

I. Nakilala sa Naruto costume

Hindi man ako maka-Naruto

Bentang-benta ang costume nya sa iyo

Parang itlog na sinasaw sa  harinang kahel

Patok na kwek-kwek lang ang level

II. Naging malapit sa Robinsons Galleria

Tumatambay sa Rob

Kasama ni Armea at ni Baylon

Kakain, tatawa, maba-bad trip at maya-maya’y

Tutuhog sa styro

Hahaba ang nguso

Saka mag-e-emo

III. Arte-artehan

Kaartehan sa katawan ‘di nawawala

Nanalaytay mula palad hanggang baga

Scrapbook, pananahi, at abubot

Kayang-kaya mong buwiset ka

Ikaw na ang masining na makultura pa

IV. Lover to the bones

Sa kwetuhan panalo na

Maaaksyon na hiwalayan

Nakakatakot na mga salitaan

Nakakatawang tagpo at yugto

At umaatikabong romansahan

MMK episode: Kabog!

V. Astig na palaban

Katahimikan ko’y nawawala

Pag umariba na ang iyong ngala-ngala

Mata’y umiirap, noo’y namumula at pag

HUY!

Si Pao may bagong special

Special getaway

Special incident report

At  special…

you know who you are.

VI. Hoshi’s wishes

Wala man ako sa iyong tabi

Panalangin ko’y sa iyo palagi

Kasiyahan at pag-ibig na wagas

Bulsa’y  hindi mabutas

talento’y patuloy na maipamalas

mukha’t binti’y ‘di magmanas

Mabuhay at Maligayang Kaarawan

Kaibigang Pao Iglesia

Ang Paborito Naming Laruan ni Matmat

I

Grade three po ako no’ng maging kaklase ko si Paeng. Si Paeng po ang naging kalaro ko sa takbuhan at Game Boy. Minsan din po nag-aaway kami kasi po nang-aaway siya ‘pag natatalo siya sa laro. Pero matapang po si Paeng, takot nga sa kanya ang mga kaklase namin eh!

II

Second grading period po namin no’ng mag-transfer sa school si Mathew. Tawag namin sa kanya ay Matmat, ang “Patpat.” Ang payat po kasi niya at ang putla pa. Pareho kaming nine years old pero siya may salamin na. Pala-ngiti naman siya sa akin at sa iba pa naming kaklase. Pero hindi ko po s’ya pinapansin masyado kasi parang ‘di siya masayang kasama.

II.

Isang araw nakaupo ako malapit sa kanya, hinihintay po namin si teacher Rudy. Nagsusulat po s’ya sa papel. Akala ko po nagdo-drawing, ‘yon pala ay tinitingnan niya ang assignment namin kay teacher Rudy. Lumapit ako sa kanya, sabi ko, “Matmat pakopyahin mo naman ako sa assignment natin, mahina ako sa Math e.” Ang sabi niya “Ayoko, bilin ng Nanay ko huwag daw akong magpapakopya.”

IV.

Simula po noon, inis na po ako kay Matmat. Kung ayaw niya, ayoko rin sa kanya, hmp! Ako may friends gaya ni Paeng, may Game boy, at walang tumutukso sa akin na patpat. Kahit mahina po ako sa Math, magaling naman ako sa ibang subjects lalo na sa Science. Alam ko sa’n umiikot ang earth at ano ang pina-pump ng puso. Oha! Oha!

V.

Kulay red po ang grade ko sa Math, 74%. Nang ibigay ko po kay Mama ‘yong (report) card ko pinagalitan n’ya ako, Nang makita naman ni Papa, akala ko po papaluin n’ya ako. Takot na takot ako kina Mama at Papa kasi bagsak ako. Tapos mababa rin ang grade ko noong first grading period. 79 +74+_+_ =?

VI.

Kinuha ni Papa ang Game boy ko, hindi na rin ako puwedeng manood ng TV ‘pag may pasok. Hayyyy! Buti pa ang mga classmates ko masasaya. Buti pa sila walang bagsak. Buti sila makakapaglaro pa rin. Buti pa si Matmat, kahit payat nagta-top sa Math. Teka, ba’t ko ba siya iniisip? Hindi naman kami friends.

VII.

Nagku-quiz kami sa Math nang narinig ko po na gusto ni Paeng na pakopyahin s’ya ni Matmat. Hindi pumayag si Matmat, kaya sabi ni Paeng mamayang uwian lagot daw siya. Kinabahan po ako. No’ng uwian, nakita ko na itinulak ni Paeng si Matmat, natumba s’ya sa lupa. No’ng parang itatapon ni Paeng ang mga libro ni Matmat, pinigilan ko po si Paeng. Ako po tuloy ang nabagsakan ng mga libro, ang sakit!

IX.

Isa, dalawa, takbo! Hinila ko si Matmat palayo kay Paeng. Hinihila ko pa siya kasi ang bagal-bagal po n’yang tumakbo. Noon malayo na po kami, napansin kong nahihirapang huminga si Matmat. Sabi po n’ya, “hinihika ako, hinihika ako!”  Pero sabi niya malapit na raw ang bahay nila kaya sinamahan ko siya pabalik sa kanila. Ang bahay pala nila ay tabi ng pinakamalaking junk shop sa amin. Ito raw ang kompanyang pinapasukan ng mga magulang n’ya.

X.

Malinis po ang bahay nila Matmat pero wala silang ga’nong gamit. Iyong TV nila black and white at ‘yong antenna po no’n ay nakalagay sa kanilang  bintana. May mga platong itim sa dingding nila. Sabi ni Matmat, mahilig daw kasi sa music ang Tatay n’ya.  Dati raw napapatugtog ng Tatay n’ya iyong mga platong ‘yon pero ngayon bago na raw, (cassette) tapes na.  Kinuha ni Matmat ‘yong gamot niya sa hika (Nebulizer) sa parang sirang microwave oven.

XI.

Dumating ang Nanay ni Matmat galing pong palengke.  Marami itong pinamili kasi malaki raw ang kita nito sa kanilang kompanya. May mga nakita akong mga gulay, isda, ‘di plantsadong damit, at ang hinihinging laruan ni Matmat. Nagulat po ako no’ng makita ko ang pasalubong na laruan n’ya kay Matmat, multiplication flashcards, laruan po ba ‘yon?

XII.

Kahit karton at hindi colorful, ang saya-saya ni Matmat nang tanggapin n’ya ang flashcards. “Ba’t ‘yan ang ipinabili mo sa Nanay mo,” tanong ko po sa kanya. Sabi n’ya hindi raw kasi niya makita sa dyaryo kapag iyon ang papel na ginagamit nila sa paglalaro. Saka naguguluhan daw siya sa number four ng tatay n’ya parang number nine. Hindi ko po talaga alam kung bakit ang tingin ni Matmat ay laruan ‘yon. Pero no’ng sumali po ako sa laro nila Matmat at Nanay n’ya, nakakatuwa at nakakaba po pala.

XIII.

Nagsimula kami sa ibang flashcards na nabili noon nila Matmat. May tungkol sa animals, fruit at ang paborito ni Matmat na addition and subtraction. Akala ko po magaling na ako sa sum pero hindi pa po pala. Ang yabang-yabang ko pa po na madali lang sa akin ang mag-plus, ‘yon pala ‘pag mabilis na, ang hirap po pa lang sumagot. Lalo naman po sa minus. Nagbibilang pa lang ako sa daliri ko, sagot na ng sagot si Matmat. Siguro, alam na alam n’ya na lahat ‘yon. No’ng sabi nila Matmat na gamitin na namin ‘yong multiplication flashcards n’ya, nagsabi na po ako na uuwi na ako. “Baka hinahanap na po ako sa amin, good bye po!”

XIV.

Gusto ko pong matalo si Matmat kaya nagpabili rin ako ng flashcards kay Mama. Sabi ni Mama kung sigurado raw po ba ako sa pinabibili ko kasi baka ang ibig kong sabihin ay pogs o teks.  Si Mama talaga, niloloko pa ako. Araw-araw nagpa-practice ako kasama si Yaya. Minsan sumasama rin si Mama ‘pag hindi siya pagod sa work. Sini-secret ko po kay Matmat ‘yon, para ‘pag naglaro na kami ulit, two times na akong magaling.

XV.

“Bakit close na kayo ni Matmat?” tanong po sa akin ni Paeng noong nasa canteen kami ni Matmat. “Ako maraming toys, may bike, at maraming baon parati. Nagsi-share pa nga ako sa ‘yo tapos sasama ka lang dito,” galit ni Paeng habang nakapamewang at nakanguso kay Matmat. “Mabait naman s’ya at saka masayang kalaro,” sagot ko po kay Paeng. “Bakit ‘di ba ako mabait at ‘di ako masayang kasama?” Sagot sa akin ni Paeng. “Saka ang galing-galing ni Matmat sa flashcards.” Ayon natahimik po si Paeng. Ano daw po ba ang flashcards?

XVI.

Isinama po namin ni Matmat sa kanilang bahay si Paeng. Natatawa nga po ako no’ng makita na ni Paeng ang mga flashcards ni Matmat, akala n’ya rin bagong labas na laruan. No’ng araw din po iyon nang makilala ko ang tatay ni Matmat na si Mang Marcos. May buhay-buhat po itong green na maliit na ref (refrigerator). Ang galing, may ilaw pa tuwing bubuksan namin ang bagong cabinet ni Matmat. Tapos nakilaro rin sa amin si Mang Marcos. Ang galing n’ya rin po sa sum at minus!

XVII.

Simula noon friends na kami nila Paeng at Matmat. Lagi na kaming naglalaro ng mga flashcards at nagpapalitan din po kami. Minsan natatalo na rin po namin si Matmat. Ang saya-saya! Kaso isang araw nagalit si Paeng kay Matmat kasi nandadaya raw po s’ya. Natulak ni Paeng si Matmat na napaupo sa lupa. Umiyak po si Matmat sa sakit at maya-maya ay hinihika na naman po s’ya. Tapos hindi pala nadala ni Matmat ang gamot n’ya.

XVIII.

Binuhat namin ni Paeng si Matmat patakbo sa bahay nila. Isa, dalawa, tatlo, pang- ilang street nga ba sa kanila? Sabi ni Paeng kung mag-tricycle na lang kami, hati na lang kami sa bayad. Paano nga po ba maghati? Minus ba ‘yon o times? Pero bago pa po kami mag-tricycle, nakita namin si Mang Marcos na nagtutulak ng kanyang kariton. Sumakay po kaming tatlo sa kanyang malaking kariton pabalik sa kanilang bahay. Ang bilis nga po ni Mang Marcos magtulak ng kariton, two times! Kaya madali pong nagamot si Matmat.

XIX.

Humingi po ng tawad si Paeng kay Matmat at pinatawad naman po s’ya ni Matmat. Hindi rin po siya pinagalitan ni Mang Marcos. Ang sabi pa nga po n’ya ay sana ay maging matatalik kaming magkaibigan hanggang paglaki namin. Kaso, isang araw sabi naman ni Papa lilipat daw po kami ng Davao. Doon daw po s’ya pinagtatrabaho ng boss n’ya. Pare-pareho po kaming nalungkot nila Paeng at Matmat. Nag-iyakan pa nga po kami no’ng nagpaalam na ako sa kanila at no’ng binigyan ko sila ng flash cards. Binigyan ko ng division flashcards sila Matmat at Paeng. Binigyan din nila ako ng cards pero hindi naman po flashcards kundi friendship cards.

XX  

Ngayon pong grade five na ako, hindi ko na po masyado na nagagamit ang mga flash cards ko. Siguro kasi magaling na po ako sa Math. Siguro kasi puwede na kaming gumamit ng computer dito sa school. Pero alam n’yo po kung tatanungin n’yo po ako kung ano ang paborito kong laruan, flashcards pa rin po. Kasi rito po ako natututo sa Math, hindi rin po kailangang mahal ang laruan at saka rito ko rin po naging kaibigan sina Matmat at Paeng. Maraming salamat po!- Sedrich.

Ang entry na ito ay aking lahok sa Kategoryang Kwentong Pambata sa Saranggola blog awards 3 (www.saranggolablogawards.com.)

Noona Jube

I.

Alam kong MALAKI ang iyong hinaharap

Sagana ka kasi sa rekado

Ng isang taong may MATABANG Pangarap

II.

BUSOG ka sa mga mapaglarong Ideya

NANAKAM sa maaaksyong eksena

Parang utot pa lang tae na

III

Sa Pagluluto ikaw ay Explorer

Walang sangkap na pang- canister

Sa iyong FOODieSCAPE na anti-food disaster

IV.

Mahusay ka ring MANGALKAL ng basura

Pero hindi ka naman tipikal na BASURERA

Sapagka’t kalat mo sa scrapbook ang punta

V.

MASTER PANGANGALIKOT at PANGANGALABIT

Pakaliwa’t pakanan OBRA na sa ilang SAGLIT

Lente ng  iyong diwa matindi kung MAG-INIT

VI.

Kung ihahambing kita sa musika, tunog mo’y JAZZ

Classic pero kayang maging super mega HIT

Nagpapaindayog mula bumbunan hanggang SINGIT.

VII.

Tulad ‘yan ng iyong love life na swak sa combo

Daig ang anumang tambalan sa radio

Pati na ang mga naka-body fit na super hero

VIII.

Kamukha mo daw si Chantal Umali

Tapos trip na trip mo pa si Hetty

Pero sa akin may similarities na kayo ni Sitti

IX

Subalit, sino pa man ang iyong maging  kamukha

Ano man ang pangalan ang itawag sa iyo ng iba

Saan-saang venue ka man magkukuha

XI

Kikilalanin kita bilang aking scrapbook mentor

Masugid na bubwit sa in na music at latest travel

At bilang Noona Jube sa luto, litrato at saka trabaho

XII

Panalangin ko ang KASIYAHAN ng iyong PUSO

PAMAMAYAGPAG at pag-unlad pa ng inyong NEGOSYO

at Pagkakaroon ng MALUSOG na pangangatawan

Noona Jube (art by Big Ver Calingo of VJP Photographics)

MALIGAYANG KAARAWAN Noona Jube!

10 things to know kung close na close kayo?

thought ni ate jevz

It’s hard to know kung close ka na sa kanya  especially kung medyo hindi madaldal hindi ba?

  • pag kwento na siya ng kwento kahit hindi na dapat ikinukwento
  • nagpapakita na sa iyo kahit walang gel sa ulo
  • namamalo na kapag nagdyo-joke
  • at ang joke niya lume-level up na sa pagka-green
  • queber na makita mo ang butas ng kanyang damit
  • pabalang na kung bumati (dati hello!, ngayon “oh ano na?!)
  • ini-treat ka niya ng mumurahing meryenda
  • puwede ring itini-take out niya for you ang tira –tira ng kinain niya sa fast food
  • ginagawa ka niyang salamin. Ikaw na ang magsasabi kung may muta siya sa mata, pang pugad ng itik ang kanyang buhok o kung may panis na laway siya sa pisngi.
  • walang habas na umuutot sa harap at likod mo

hindi na kasama yung pangungulakotkasi baka hindi mo lang napansin ‘yon dati. Tingnan mo ang ilalim ng mesa nyo.  Suwerte ka na kung imbes na yon eh, bubble gum ang makita mo.

Note: para hindi masakit, hindi mo dapat inaalam ang hindi mo dapat malaman