Iisa Pa Lamang

Dear Ate Jevz,

Nang i-plug ang teleseryeng Iisa Pa lamang nina Claudine, Gabby and Diether, parang nagandahan ako sa istorya. Nasimulan ko lang ito at hindi na nasusubaybayan dahil sa trabaho. Subalit, one day naisip ko teka parang nakaka-relate ako sa kantang pinagmulan ng teleseryeng ito.

Ang “Iisa Pa Lamang” ay orihinal na kinanta ni Joey Albert at movie title ng pelikula nina Dawn Zulueta at Richard Gomez noong 1992.

Since may hinihintay akong something sometime in September parang oo nga noh  napaisip ako kung ano ang impact sa akin ng kantang ito at talagang type ko siyang  ibirit sa videoke kasunod ng “I’ll Never Get Over You (Getting Over Me) ng expose  and “Somewhere down the road” ni Barry Manilow.”

Okay ito po ang back story…

From first year high school ay magkaklase na kami ni Guida kahit noong mag-transfer ako ng school (second year) eh bumuntot pa rin siya sa akin.  Ito na ang siste, nagkaroon ako ng secret crush sa kaklase naming si Wilfredo Smith.

Then dahil madada itong si Guida lagi siyang tumatabi sa akin, napansin rin niya na may itsura itong si Wilfredo Smith na katapat ko lang ng upuan. Isang araw sinabi niya sa akin na crush niya na rin iyon. Of course dahil mas nauna siyang nag-announce ng kanyang saloobin, lalabas na nasa kanya ang copyright.

Anyway, dahil ako ‘yong tipo ng tao na nakikiramdam pa sa emosyon… nag-decide na lang akong maging tulay ni Guida kay Wilfredo Smith. “Isang gawain na sa proseso ay nalaman ko ang tunay kong damdamin.”

Tinanong ko si Wilfredo Smith kong ano ang tipo niya sa isang babae. Lahat  po ng sagot niya ay na kay Guida.  Kaya mula noon tinatak ko sa isipan ko na hindi niya ako magugustuhan and total wala rin naman sa kanya ang type ko sa isang lalaki eddie sige.

Mix emotion kapag may progress na nangyayari, at kapag nagpaparamdam si lalaki kay babae. Natutuwa ako para sa kaibigan ko pero parang kinukurot ang isang bahagi ng damdamin ko. One time nga may nalaglag si Guida, gumulong iyon sa nilalakaran ni Wilfredo Smith. Pinulot niya iyon saka inabot kay Guida na namumula pa.  Nakangiti po ako noon pero nagsikip ang dibdib ko.

Dumating ang araw na  na-schedule ang first date nila ni Guida na nagpa-realize sa akin na talagang dapat ko ng kalimutan kung ano ang nararamdaman ko kay Wilfedo Smith.  Pero noong araw ng date nila ay hindi siya nakasipot dahil nagkasakit.

Birthday ni Wiilfedo at nang-imbita ng mga kaklase. Gusto kong pumunta pero wala akong guts na gawin iyon. Buti na lamang pinilit ako ng isa kong barkada kasi magkapit-bahay sila. So siempre kasama kong nagpunta si Guida.

Ang nangyari naglasing yung barkada ko at si Guida. Iyong isa naghuhubad at ‘yong isa ay nilabas ang lahat ng problema niya sa buhay at nagwawala sa kakaiyak. Pareho ko silang inaasikaso sa magkahiwalay na bahagi ng birthday party na iyon. Ang hindi ko alam, pinagmamasdan na ako ni Wilfredo Smith, siguro na-amaze sa aking pagiging kind.  Hanggang sa kinunan kami ng litrato ng tatay niya. Tumabi siya sa akin imbes na kay guida at umakbay pa po.

Mula noon ay tila nagiging particular na sa akin si Wilfredo Smith. Lagi na niya akong pinapansin. Ako ang pinili niyang ka-partner sa isang sayaw, tinanong niya ang phone number ko at nakikinig na siya ‘pag ako ang nagre-report sa klase.

Nung birthday naman ng kabarkada ko na kapit-bahay niya (yong naghuhubad) hindi ako naka-attend kasi may matindi akong sakit noon. Nakakatuwa nung tumawag ako kinausap ako ng mga lalaking nili-link sa akin

( kunwari madami ) pero ang hinihintay ko ang boses niya. Hindi naman ako nabigo Ate Jevz  kasi kinuha niya ang phone at nakipag-usap sa akin.

sundan sa susunod na blog entry….

Advertisements

16 thoughts on “Iisa Pa Lamang

  1. Mare alam mo dapat kinikilig ako sa kwento mo pero nade-destruct ako tuwing binabanggit mo ang Wilfredo Smith kasi Pinoy na Pinoy ang pangalan nya tapos pang-Amerikano ang apelyido. Parang sa mga comedy films hehe:) Yon ba talaga name nya o pseudonym ito?

  2. Of course dahil mas nauna siyang nag-announce ng kanyang saloobin, lalabas na nasa kanya ang copyright.

    hehe.. oo nga no. kaya pala may mga taong nagsasabi na halos lahat ng lalaki eh crush nila. strategy pala yun. hehe

  3. ate Jevz: siempre mareng tonet kailangan kong itago ang totoong name niya.. pero may pagkakatulad ang itsura ni wilfredo kay will smith.. pero medyo mas mapusyaw naman ang pagkaitim nun… parang nakatatlong laba na tas nakula ng konti then jino-joboss… hehehe

    abangan mo ang kasunod ng kwentong ito dahil mahaba ang kwento ng letter sender ko ngayon. wahahaha

  4. ate jevs: korek ka diyan carol. hilig pa ng mga karamihan ng girls eh crush pa lang nagseselos na sa ibang lalapit sa lalake. kaloka pero trulily

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s