Somewhere down the road

Part 2 of Iisa Pa Lamang

Naalala ko rin iyong nakita ako ni Wilfreo Smith habang humahabhab ng pagkain. Sa hiya ko nga iyong takip ng baunan ng barkada ko ang tinakip ko sa bibig ko kaya tawa siya ng tawa sa ginawa ko.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang isang kwentuhan na nauwi sa tuksuhan. Hindi man lumabas ng direkta sa mga bibig namin ni Wilfredo, nangako kami sa isa’t isa na maghihintayan kami. Isa na ata ‘yon sa pinakanakakakilig na sandali sa buhay ko.

Isang araw, tumawag na nga si Wilfredo Smith sa telepono namin, bad trip nga lang. Paano nanligaw kasabay pa ang iyong kaibigan niya na may gusto rin sa akin. Pasahan pa sila ng phone ha? Ano ako DJ sa radio, “hello DJ Dyesebel can I pass the phone? Gustong -gusto ko man siya sagutin pero inalala ko iyong friendship namin ni Guida kaya na-busted ko s’ya.

Dumating na nga ang sandaling naghiwa-hiwalay na kami at hindi ako nakapagpakuha ng litrato na kasama siya nung graduation day namin. Hindi rin ako nakapagpaalam kay Wilfredo Smith dahil bigla siyang nawala sa kasiyahan ng batch namin. Last ko siyang nakita ng personal nang dumalaw ako minsan sa kaklase naming naghuhubad ‘pag lasing nung first year college na ako. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa akin at tinawag pa nga ata niya ako pero hindi ako makalingon dahil sa ilang.

Lumipas ang anim na taon, nagtatrabaho na ako pero wala akong nasagap na ibang balita kay Wilfedo Smith, maliban sa may GF na siya. Nasaktan ako sa nalaman ko Ate Jevs pero okay lang alam kong may posibilidad na ganoon. Kaysa naman ‘di ba malaman ko na may karelasyon siyang lalake. Mas masakit iyon.

Siguro mga three years ago nang naisipan ko na i-search siya sa isang networking website. Nakita ko naman siya then in-invite ko. After that nagkaroon na kami ng communication. Binanggit niya na hindi ko na raw siya pinansin after nung tumawag siya sa akin. Kunwari nagmaang-maangan ako na di ko alam yong eksenang iyon. And take note nilagay niya iyon sa bulletin imbes na sa message o comment box ng website na friends kami kuno.

Hiningi niya ang number ko at naging textmate kami mga one week lang siguro. Ewan nagtampo ata nang i-text ko na ang mahal niyang ka-textmate. Paano sa gabi niya lang ako tine-text at nagte-text siya from pc. So pag nag-reply ako ang mahal. Buti na nga lang din ginawa ko iyon, kasi nalaman ko sa isa kong kaibigan na nakita niya si Wilfredo Smith na may kaakbay.

Nainis pa ako lalo nung mapansin ko na binura ni Wilfredo Smith iyong comment ko sa kanya sa website. Kaya ang ginawa ko binura ko na rin siya sa list of friends ko. Pero nung mahimasmasan ako humingi ako ng sorry sa kanya kung may nasabi ako sa kanyang ‘di maganda. Sabi lang niya sasakalin niya ako ‘pag nakita niya ako.

Okay na sana eh, bigla ba namang bumanat na irereto raw niya ako sa kabarkada niya. Ang loko ang hilig talagang magpasa, sarap idribol at pasiritin ang hangin. Pero alam mo, kailan ko lang nasabi kay Guida yong tungkol sa amin ni Wilfredo Smith at wala siyang nasabi. Medyo na-guilty ata, kasi nung time pala na nagkakagusto kuno siya kay Wilfredo Smith, may syota pala siya sa probinsya. Ang shakit!

Sa ngayon, hindi ko alam kung may pagtingin pa ako sa kanya pero alam kong may nagbago na rin sa akin parang excited na lang akong makita siya. Kung madudugtungan pa ang kwento namin, bahala na po?

Dyesbel

Dear Dyesebel,

Ur story is too long then d rin pla cool ang ending, joke. In my opinion, singlaki ng alatiris ang chance n d mo p sya frgt.

If I wer u , i-enjoy mo na lang ang life na meron ka ngayon. di mo kc pwdeng pnghwkan ung promise ño b4, halos s TV n lng ngaganap ‘yan. Khit ano png regret m, der n un eh. Kung kayo tlaga 4 each oder sa isa’t isa, magkakaroon rin kau ng moment somewhere down the road.

Mabuhay!

Ate Jevs

Advertisements

21 thoughts on “Somewhere down the road

  1. Tama si Ate Jevs, Dyesebel:) Enjoy life at hayaan mong matunton ka ng nilalalang na narararapat para sa ‘yo. Malay mo nasa tabi-tabi lang, malay mo hindi mo lang napapansin, malay mo inaaway-away mo lang yon pala…uhm enough said:)

  2. ate Jevs: naku mare okay na sana yong agree mo sa akin kaso hindi ata ako boto na makukuha niya lang sa tabi-tabi ang kapalit ni wilfredo smith. wahahaha. tingin ko kay dyesebel mahirap ma-in love at madaling ma-turn off. hahahahahhahahahahaha!

  3. sige, avi. tapos dapat maraming butterflies sa kasal nila. payag na rin ako na maging flower girl. haha may sasagot na rin ng layout and design ng invitation tapos ay photographer na rin. :-)))

  4. leng-leng, ready na yung magko-coverage ng kasal no! yung announcement na lang ng kasal ang hinihintay!

    hoy, dyesebel, bigay ko na kasi yung number dun ke paruparong bukid! ano ba? 😀

  5. Kaya wag mo inaaway-away ang nasa tabi tabi para hindi mo makatuluyan. You’ll never know:) Ako dati ayoko ng singkit, gusto ko deep set eyes, yung bumbayin ang mata. As in consistent ako sa mga boyfriends ko noon, puro ganun ang mata nila hanggang sa isang chinito ako nagpakasal:)

  6. ate jevz: ah mareng tonet, saan ba nanggagaling ang iyong kwento… parang wala ata sa letter yan. hehehe.

    pero sa tingin ko, wala sa pag-aaway ‘yan, depende pa rin. kung ang mag-soul mate nga hindi nagkakatuluyan e, mag-best friend lalo pa kaya ang ‘di magkasundo. at tingin ko ang tipo ni dyesebel ay di naman palaaway, ipaglalaban lang niya ang karapatan niya, caviteña ata yun este may pagkaWARAY. hehehe

  7. Ate Jevz: Oo nga, sana man lang ay ‘di na lang umeklabu si Guida para masaya sana love life ni Dyesebel. pero ganoon talaga, kaya good luck na lang kay Dyesebel.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s