What is Your Future?

May silbi ang figures of speech at hindi puwedeng mawala ang synonym para ma-explain mo ang isang bagay. Pero maiku-compare mo man sa isang hayop, bagay o lugar ang isang tao, hindi ito masasabing kasing accurate tulad ng iniisip ng karamihan. Hindi natin basta maipipilit ang ating paniniwala sa isang taong may sariling pinagdaanan, paninindigan at mga pangarap. Para yang thumb mark, may unique pattern at unique identification.

rica and the candlesdriven by emotion

Minsan ko nang naitanong kung ano ang mas matimbang-pag-ibig (love) o galit (anger) para ma-motivate ang isang tao para gumawa nang malaking hakbang sa kanyan buhay.  Although it is ideal and natural na sabihin na dapat love, hindi nakaka-surprise na may magsasabi ng anger. Because it is true, hindi lahat ng bagay ay sweet at imposible rin naman na walang facial expression ang taong nakatakam ng bitterness. Hindi ako pumapanig sa taong magsasabing ang taong pinangungunahan ng emosyon ay hindi nagtatagumpay.  Hindi lahat ng nagpapakasal ay dahil sa pera at maraming successful entrepreneur ang naging matatag dahil ang kanilang pinanghahawakan ay ang kanilang pagmamahal sa kanilang ginagawa. Ano ba ang passion? Bagay na walang buhay? eeeeekkkks!

Maaaring nakakasira ang emosyon sa konsentrasyon kung ito  ay hindi hahaluan nang pag-iisip. Pero anumang pag-iisip ng walang emosyon at konsiderasyon, ay isa lamang magandang ideya na hindi posible sa bawat tao.  Parang dictatorship, konsepto at pinapatakbo ng iisang tao pero hindi lahat sang-ayon.

The danger of unknown

kapurpurawan_agimat ni entengKung napanood mo ang last installment ng Twilight o Breaking Dawn part 2 o kaya naman alam mo kung bakit pinipilit na burahin ang lahi ng mga mutant sa X Men ( siempre favorite ko yung part 1 at X Men: First Class) ito ay dahil sa takot na  harapin ang  taong may hindi klarong pagkakakilanlan. Kapag ‘di alam, threat na agad?

Siempre sinong taong hindi mate-tense na humarap sa bagay, tao o sitwasyon na hindi mo alam. Pero kaya nga magandang may “will” sa structure ng future tense ay dahil titingnan mo talaga kung kaya mo at determinado ka kaya may “shall” na part dyan.

Madadapa ka, babalik ka sa umpisa o worst case scenario mas masahol pa ang sitwasyon mo kaysa dati. Pero alin ba ang mas nakakapanghinayang, ang magpatali sa paniniwala ng iba na hindi ka aasenso o sumuong ka sa isang bagay na gusto mo kahit alam mong parang malabo.  How Deep is Your Love is it Ocean Deep?

In the first place,  ang taong makakaalam ng totoong gusto mo o kaligayahan mo ay hindi ibang tao kundi ikaw mismo. Kung ang kaligayahan mo ay ang magpipisil ng bubble wrap maghapon o magbilang ng dolyar sa tuktok ng inyong bubungang lata, why not?  Hindi lahat ng tao ay masaya sa malalaking bagay, kahit ikaw na ang pinakamataas o powerful na leader ng bansa, may perang hindi na  kinakaya ng scientific calculator or above na sa 500,000 na kayang i-insured ng PDIC at may mukhang head turner ( mga 360 degrees) , kung hindi ka masaya- hindi ka masaya period!

grandpa's innBelief + action + emotion = direction/ fate 

May mga pagkakataon na kahit anong gawin natin, parang sablay lagi. Totoo nga siguro ang saliwikain na kung hindi bubukol, hindi uukol at kung hindi Yes eddie Love, ohah! chuz!

But it is a mistake if you don’t  do what you can do when you know you can do it (na).

Happy New Year sa lahat may you find your true self in 2013, Mabuhay and God Bless !!!

Morning Rush

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Salamat na kahit kinakabahan

At baka ako atrasado  na sa oras

Maganda ang panahon

Tama ang sikat at init ng araw

Iilan pa lamang ang aking nakakasalubong

At nakikinig pa ako sa aking paboritong tugtugin

Pakiwari ko na sana ay ay nagdya-jogging lang ako

Kung hindi lang sa nakasalubong kong naninigarilyo

Walang nag-e-ehersisyo na sumisinghot ng usok.

learned behavior

ni ate jevs

1. now is the time – gawin na ngayon para hindi abala bukas, wag matambakan ng papel at maiwasan ang bad exercise ng puso.

2. don’t frustrate yourself – madalas ang nagbibigay sa’yo ng stress ay ang pagpi-pressure mo sa  sarili mo.

3. courage is vitamins, faith is your life support – madali ang panghinaan ng loob pero kung matapang kang i-solve ang yong problema malaki ang chance na malalagpasan mo ‘yon. Kung naniniwala ka, gagawin mo ang dapat kahit mukhang hopeless.

4. plan and act – ideal ang magplano muna pero kung walang aksyon, balewala. iba ang definition ng dream at goal sa imagination.

5. like it! – bago magbunga ng maganda , i like mo ng totoo sa puso mo.  Imagine yung mga nagki-click ng like sa status gaya ng ” I’m broken hearted.” ang labo!

6. bad wish is curse – kung ano ang sinasabi ng yung bibig ay dikta ng iyong puso. Kung ano ang hinihiling mong masamang mangyari, baka ibigay sa’yo. at kapag ibinigay sa’yo, hindi mo na mababawi kung ano ang sinabi mo.

7. letting go is liberating – waste of time & energy kung papatulan mo ang lahat- lahat!

pagninilay sa Christmas & b4 mag-NY

One Love

Kagabi nagkakuwentuhan kami ng mga friends ko right after naming makipagburol (by the way, condolence again sa aking  Blog mentor na si Avi!). Yes sinunod lang namin ang pamahiin na huwag didiretso ng bahay pagkatapos makipaglamay.

Sa puyat naming tatlo at paghihintay sa isa pa sanang darating na kaibigan ay napunta kami sa usapang love.  Sabi noong isa, may nagsabi daw sa kanya na sa buong buhay mo isang beses ka lang daw talaga magmamahal ng totoo. Kahit pa sabihing bumilang ka pa ng serious relationships.

I don’t know pero hindi ako agree sa pananaw na ‘yon. May iba-iba sigurong level pero bawat taong ituturing mong sineryoso mo ay minahal mo. Puwedeng minsan ay masasabi mong masasaid ka dahil nagbigay ka ng sobra at masyado kang masasaktan. Pero kung bibigyan mo ang sarili mo ng kalayaan, maaari ka pa ring umibig ng higit o mas mababaw.

Naalala ko pa nga yung isang na-share  ng isa ko pang kabarkada na hindi raw siya handa noong nagpakasal siya sa asawa niya at parang napilitan na lang siya. Sa limang taon ng kanilang pagsasama na maraming bagay silang hindi pinagkakasunduan, aminado siyang minahal na rin niya ang asawa niya kahit sabihin pang naalala niya ang first true love niya.

T5DKJY5HNSZN