100 Things about me part 2

26. hindi ako palakain ng vegetables

27. kaya kong magkulong sa kuwarto ng buong araw o hanggang kinabukasan pa

28. hindi ako mahilig sa politics

29. ayoko masyado nag-e-explain- dahil magulo rin ako mag-explain verbally

30. like na like ko nang matutong maggitara- kailangan ko lang ng time at gitara

31. pinupursige ko mag-retire sa pagwo-work pag nag-35 o 40 na ako. gusto kong tumandang business woman at hindi empleyado

32. naiisip ko minsan na mas bagay sa akin medyo ang malamyang lalake

32.isa akong baliw na tita…maloko pero medyo istrikta

33, bawal ako gulatin kasi napapamura lang ako

34.  dati mahilig ako sa aso, ngayon hindi na

35. namatay daddy ko nung 8 years old ako

36. ang first ipon ko ay umabot ng 100 at noong grade 2 ako

34. nagtinda ako ng mga candies at chichirya nung grade 3 ako try ko lang

35. madali akong kausap pag mura ang bibilhin  at pag nagugutom na ako

36. minsan nagsasalita ako habang natutulog

37. sensitive ako depende sa tao, sa sitwasyon at sa mood ko- moody rin minsan-minsan

38. iisa langang  inoorder ko madalas sa ilang resto

39. iilan lang ang kaibigan ko pero kini-keep ko sila as treasure

40. madalas akong pagkamalan na tomboy

41.  nagda-diary pa rin ako- hindi na nga lang ganun kadalas

42. hindi ako maka-relate sa usapang girly stuff dati kasi ever since maka-anime na ako

43. ewan umiiyak ako sa mas mababaw na bagay kaysa malalim ( at bibihira)

44. hindi ako sa mahilig sa batang cute at matalino nga pero bratinela naman…i’m pro good personality. because with right attitude you can beat odds and reach your goals

45.  mahirap mabalik ang trust at amor ko as in.

46. hindi ako plastik, marunong lang akong makisama

47. madalas akong napagkakamalan na taga-UP (ikot?)

48. mabilis akong magsalita pag kinakabahan at punong-puno ng ideya

49. madaling masira ang tyan ko

50. may allergy ako sa seafood lalo na sa lobster

51. trip kong kumain ng agiw at alikabok nung bata ako

52.  may ilang lalake na akong sinapak (solid)… nung bata ako

53. i think i’m diplomatic

54.  i like one on one and sincere chat with an accomplished person, old folk, and acquaintance

55.  i dance when i’m sad

56. gusto ko matutong magluto ng pesto pasta, champorado at actually magluto in general…kung kailan? saka na lang

57.  “weakness” ko ang lalaking maputi, may magandang mata at may salamin…kahit chubby or medyo payat

58. masama akong biruin pag bagong gising

59. hindi ako pabor sa mga babaeng sungit-sungitan pag mayroon. puwede feeling down at nasasaktan kapag malakas ang menstruation pero  hindi kasalanan ng iba na mayroon ang isang babae.

60.  hindi ko trip ang lalakeng nagger

61.  gusto kong matutuhan ang iba’t ibang lengguwahe gaya ng Spanish, Nihongo, Portuguese at French

62.  Gusto ko ma-achieve ang katawan ni Jennifer garner nung sya pa si Elektra

63.  dumaan ako sa phase na kunwari may kausap ako habang naglalaro ng bahay-bahayan. hehehe

64.  na-bully na ako nung bata, madalas akong pagtutulung-tulungan tuksuhin. pero hanggang tukso lang sila. marunong akong manakot- kunwari may alam akong spell

65. kilala akong siopao nung high school at daga nung elementary

66. naranasan ko na ang kainisan ng mga girls dahil niyakap ako, pinahiram ng jacket at kinakausap ng madalas ng campus crush ng bayan. tandaan daig ng babaeng may cute personality, ang babeng may total beauty …chuz!

67. naranasan ko na ang pumila nang mahaba sa audience entrance ng GMA 7

Morning Rush

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Salamat na kahit kinakabahan

At baka ako atrasado  na sa oras

Maganda ang panahon

Tama ang sikat at init ng araw

Iilan pa lamang ang aking nakakasalubong

At nakikinig pa ako sa aking paboritong tugtugin

Pakiwari ko na sana ay ay nagdya-jogging lang ako

Kung hindi lang sa nakasalubong kong naninigarilyo

Walang nag-e-ehersisyo na sumisinghot ng usok.

Makulay ang salita

Para maging maayos ang iyong buhay, alam mo dapat ang gusto mo
Para maintindihan ka ng iba, dapat marunong kang magsalita
Pero para maintindihan mo ang buhay ko, simulan basahin mo ang mga ‘to

BINGI sa Umaga

Nag-uusap kami ng isang babae na itatago ko sa pangalang Leng-Leng nang may nakita siyang lalaki.

Leng-leng: Hoshi ‘yan ‘yung lalaking nakita ko kaninang umaga sa MRT.
(eh parang mahina reception ng satellite ng tenga ko)
Hoshi: Ano yan yong lalaking nakita mong humada sa MRT?

Ang Galing Magbasa

Tumawag ang ate ko, kinakamusta ang anak niya?

Bisanghot (tukso namin sa kanya): Kamusta si >>>(pamangkin ko)? Marunong na bang magbasa?

Hoshi: Ay naku napakagaling magbasa niyan. Ang galing magbasa ng upuan at mesa, lalong-lalo na ng kama.
Akala ko nga ‘yon na ang bagong CR nila e.

Hampas-Lupa

Nagkukuwentuhan sina Manang Juling at  Si Manang Mendy (hindi totoong pangalan) habang kumakain kami.

Manang Mendy: Buti ang mga bata ngayon ang sasarap ng pagkain.  Kami noon nagtitiis sa pagkain ng mais.

Manang Juling: Kami nga rin pero kami naman ay kamote. Dinudurog namin yon at ginagawang parang kanin.

Hoshi: Ako po nagtitiis sa friend chicken… nagtitiis na tingnan ang fried chicken ng kapit-bahay namin kapag gutom na.

ambisyosa

Siguro nga may negative concept once na tawagin kang ambisyoso o ambisyosa. Nakarinig na rin ako niyan sa pabirong tono.  Pero kung seryoso siguro masasaktan ako lalo na kung hindi ko trip yong nagsabi.

Gaya na lamang ng isang lalaki na kamakailan ay na-meet ko ulit. Hindi naman niya ako sinabihang ambisyosa at that time pero isa sa naaalala ko sa kanya ay ng once na sabihan niya ako na parang “oh ano ha, pahiya ka no?” kasi noon napasama ako sa isang play sa school na tinatawag na chamber theater. Hirap ako sa role na pinapaganapan sa akin kasi seryoso at isa akong ambisyosang mother na gustong ikasal ang aking unico hijo sa anak ng aking amiga.

Hindi ko hiniling na i-cast ako noon. So wala sa akin noong una pero nung inumpisahan ko na i-internalize at i-memorize yung character ang mindset ko ay ito na-gusto ko na siya. Eh hindi magustuhan ng instructor/director namin yung bato ko ng linya (old English kaya ang setting).  Medyo napapaiyak ako nung sinabihan ako ng instructor namin pero kinaya ko kasi that’s part of the production pero tumulo na ang luha ko nung sinabihan n’ya ko ng tienes niya.

Ang napunta sa akin ay ang role ng amiga noon. Halos equal yung bigat ng character pero mas lamang yung first kasi mas malaman ang mga lines. Gusto ko sabihin sa instructor namin na iba na lang- backout na ako. Pero imbes na gawin ko yun, dinoble ko na  lang ang pagpi-prepare. Kahit yung linya noong amiga ko halos makabisado ko na (hanggang ngayon may iba pa akong natatandaan). Itinatak ko sa isip ko na kailangang ipakita ko sa lahat at sa lalakeng yon na walang role na hindi magiging makulay sa akin. Vindicated, pinalakpakan kami at naka-receive ako ng papuri.

Kung ibabalik ang sandali na huling nagkita kami at humaba pa ang chance na mag-usap kami gusto ko sabihin sa kanya na siguro nga ambisyosa pa rin ako.  Ang ambisyosang ito ay gumagawa ng paraan para maabot ang kanyang pangarap. At kahit sabihin natin na ang layu-layo ko pa doon at least nagta-try ako. Alin ba ang mas masakit ang malungkot dahil hindi sumubok o malungkot dahil natalo? Eh saan ka ba mas tumatatag? Bow!

Enterprising- selling, saving and sideline

Hindi pa ako nag-aaral sumasama ako sa lolo ko sa pagbebenta ng tanim naming mais, kamote at iba pang gulay sa palengke. Apart pa dyan ang panngangalap namin ng foods for the pigs.

Grade 2 – Nagbabaon ako ng isang malaking basong tubig. Lalaklakan ko pag nagugutom ako. ginagawa ko yun para makaipon ng pera. Yung isang daan ibinigay ko sa nanay ko at yung iba di ko na alam kung saan napunta.

Grade 3 – sinubukan kong magbenta ng mga foods for the teeth like pastillas, candies, sweet tamarind, and junk foods.  Ginaya ko lang yong isa kong kaklase pero noong maasar ako sa isa ko pang maarteng kaklase tumigil ako. asar e.

Grade 4 – tinutulungan ko yung friend kong kaklase na itinda yung paninda niya. Mahirap lang ang pamilya nila  kaya pag busy siya at kailangan ng tulong. Ako inaasahan niya.

1st year high school – tinutulungan kong magbenta ang teacher namin ng masarap na kalamay. Hindi dahil sa magandang grade kundi masarap kasi ang paninda niya at nalilibre ako. nagbenta rin ako ng ice cream on stick. ayun laging deformed.

2nd year high school – nagkaroon kami ng piggery and poultry business

3rd year and 4th year – nagbebenta ako ng mga chocolates na korteng jewelry box and roses tuwing Valentine’s day.  Kahit yong may crush sa akin o crush ko pinapatos ko na rin. pati na yung  di ko trip na kaklase at nagma-match pa nga ako. Pusa business is business. Ang hindi magbabayad, mapapahiya. Boooo

4th year– Dark age, nagkaroon kami ng tindahan. Walang social life at maraming manggagantso, one time gusto ko nang maglayas. Mayroon ding nakipag-away ako sa matandang lasing.  Kinabukasan siya ang humingi ng despensa sa nanay ko. mukha nya!

1st yr college – pinatos ko yung ibinebenta ng kaibigan ng ate ko na yung mga pangkikay. Hindi gaanong mabenta. Hindi ko rin kasi masyado trip hehehe. palibhasa hindi rin ako masyado Kikay kaya hindi believable.

1st yr – 2nd yr – P20 lang ang in-allot kong food sa baon kong 100. P50 doon ay sa pamasahe. Yung 30 iniipon ko pambili ng mga anime tienes ko o tinatago ko. Kaya pag nanood ako ng sine, mag-arcade o bibili ng pantalon, pera ko ‘yon. 3rd year nag-elevate na baon ko kaya lumaki na ang food allowance ko. hehehe. saka binawasan ko ang pag-iipon,  i-enjoy lang ang trip basta hindi sosobra. nagtapos ako ng pag-aaral na may ipon at kayang sustentuhan kahit papaano ang pag-a-apply.

Since 2007 tuma-try na ako ng pagsa-sideline

last year – naitayo ko na ang aking first investment (na lahat ay isang sideline ko lang nanggaling plus loan)

(may karugtong pa)