Champorado
Gustong gusto ko ang Champorado,
Hainan mo man ako ng pancit, spaghetti o palabok
Iyon pa rin ang pipiliin ko.
Simple man ang aking paborito
Metikulosa ako sa lasa nito
Kahit nga luto ni Manang Juling, hindi pumasa sa panlasa ko
Ang memorable na champorado na natikman ko?
Ang limang pisong ga-mangkok ni Manang Guia
Maraming cocoa, tama ang tamis, gumamit ng malagkit at
Higit sa lahat may gata ng niyog
Malinamnam din yun dahil pinolbos ng gatas
Ngunit wala na si Manang Guia, (nasa abroad na no!)
Bihira na rin ang nagtintinda
Kung meron man, naku di ganun kasarap
Sinubukan kong maghanap ng ibang pagkain
Napagtripan ko ang taho, hopiang monggo, kutsinta
Pati na ang bibingka
Pero wala pa ring pumalit sa Champorado
Bakit ba ako takam na takam sa pagkaing ito?
Aking naalala kapatid kong nasa ibang bansa na
Lagi niya akong ipinagluluto ng lugaw na binuhusan ng Ricoa
Para kumain ako… dinadamihan niya iyon ng asukal
Sa halos ganun ding luto ako ipinapakin ni Manang Juling
Ang sa kanya ay bahaw na kanin na bubuhusan niya ng…
Isang tasang mainit na mainit na Milo.
Isang araw aking napagtanto, hindi ko na gusto
Ang ipinapakain nila sa akin
Anung sustansiya ang makukuha ng noo’y
Patpat kong katawan
“Nay ba’t ba lagi na lang Milo ipinakain n’yo sa akin?”
Tanong ko kay Manang Juling
Wala siyang masagot, pero naintindihan ko
Wala naman akong makakain na iba
Maging ang namayapang si Mang Celing
Mayroon din iniwang alala sa akin
Pinakain niya ako ng manit na champorado
Nang panahong nilalagnat ako dahil sa isang aksidente
Hay kailan at saan ako makakain ng masarap na champorado?
sarap yan, champorado at tuyo. naku! perfect yan ngayon habang tumitipa ako dito at nagkokomento. may raindrops sa background ko. sound effects at mood talaga!
korek ka diyan, avi liza…perfect!
Sa delle’s:) gusto mo?
ayoko… mahal na, napaka-simple pa ng pagkakaluto… gusto ko i-try yung sa Tio Pepe’s…
hindi ako kumakain nito..sad.
ay sad nga. sarap pa man din. hehehe