tipid tips

Dear Ate Jevz,

Aminado ako na naging sosyal ako mula nung magtrabaho ako. Sanay naman ako sa hirap dahil galing ako sa lower middle class pero since nga na  naiba ang lifestyle ko ng ilang taon ay parang mag-a-adjust ako dahil sa hirap ng buhay ngayon. Madalas kasi kinakapos na ako ng pera.

Pwede  mo ba akong bigyan ng tips diyan? Ano ‘yong mga ways na pwede akong maka-earn ng extra money o maka- minimize ng gastos.

Thanks

Tara Neighdito

Dear Tara,

Wow, parang feel ko eh nagho-host ako ng lifestyle & magazine show dito. In fairness I like the idea. Hehehe!

Actually kapag gustong magtipid ng tao, marami bagay siyang nakukuha.  Halimbawa niyan ay ang ‘di mo muna pagbili ng food na  kinatatakaman mo. Oh di ba instant diet ka agad, especially kung fatty or sweet ang target mong lamunin.  Ganon din kapag gusto mong madagdagan ang barya mo by selling bote, newspaper and lata (yes hindi na uso ang garapa my dear).  Nakatulong ka na rin  kay mother nature.

Other than these things… heto pa ang mga advice ko powered by Manang Juling

switchKuryente. kahit sabihin na nating nangitngit ka sa galit sa Meralco dahil mataas ang bill mo eh makinig ka pa rin sa kanila especially kung about sa pagtitipid ng kuryente ang commercial nila.

Sa bahay, hindi namin pinagsasabay-sabay ang mga kagamitan. Kapag may nagpaplantsa, tanggalin muna ang ref. Kapag konti na lang ang pinaplantsa at maliliit na lang gaya ng mga undergarments eh hugutin mo na ang plug. Mainit pa yung plantsa nun, kung gusto mo hawakan mo pa eh. Joke!

Iwasan mo na ang mag-aircon, sa halip ay mag-bentilador ka na lang. promise malakas sa kuryente ‘yan at isa pa hindi yan healthy. Sos tapos yung aircon mo ay may palawit pang hugist pine tree na sobrang bango, nakakahilo!

planga-plangganaTubig. Kung hindi naman pasakit sa iyo and kung alam mong may konting tagas ang mga tubuhan mo diyan eh better isara mo ang pinaka-switch, yung near sa metro sa gabi bago ka matulog.  Ang bulusok kasi ng tubig ng may panaka-nakang utot este hangin na siyang nagpapagalaw ng mabilis sa metro.   But of course, dapat lang na ipagawa mo kaagad ang iyong mga gripo o tubo para iwas aksaya at extra pay.   Tapalan mo na rin yang mga drums at timba ninyo ba!

Plastic, Can, Bottle.  Yes, dadagdagan ko lang yung binanggit ko sa taas.  Minsan djahe pero ano bang mawawala kung iuwi mo na lang yang mineral water mo o di kaya ay iyang coke in can mo. Hindi naman sinabi na magbote ka diyan sa food court. Ang mahalaga ay di ka nagkalat, may pandagdag ka pa sa kabaryahan mo.

alkansyaAlkansya.  Oi hindi lang ito pambata noh! Pwedeng matagal at mas maliit kumpara sa mga savings account ng iba diyan pero  maigi na rin may kalagyan ang mga barya mo.  Hindi mo alam ito ang makaka-save sa iyo ‘pag kulang ang pamasahe mo, kung kailangan mo ng pangmeryenda o pandagdag sa bibilhing mong gadgets.

Lakad.  Hindi ko na kailangang i-elaborate ‘di ba kung bakit mahalaga ang paglalakad kaysa pagsakay ng tricycle?  Kasi ‘di ba dapat alam mo na na ang paglalakad ay form of exercise at tipid sa pamasahe?  Sorry hindi ko talaga ma-explain masyado eh.

bus & jeepBus and Jeep.  Hindi naman sa tinatakot kita, pero tandaan mo na kapag nag-taxi ka hindi mo alam kung magkano ang babayaran mo at malamang hindi pa tama ang metro ni manong kaya baka ‘yang perang dala mo ay magkulang o sumakto lang para sa buong labas mo. Tapos alam mo ba na mahirap ‘yong naho-holdap na mag-isa at idadaan ka pa sa madidilim na lugar?  Ito sa akin lang ito ha, hindi ako nanakot.  Pili ka na lang siguro ng taxi na mapapagkakatiwalaan o ‘di kaya ay magtiis ka na lang sa bus at jeep.  Maholdap ka man (na huwag namang sanang mangyari eh) ay may mahihingan ka ng tulong.

Baon.  Sayang naman ang laman ng ref mo kung hindi mo kakainin ang mga ito, da va?  Magbaon ka lalo na kung magaling kang magluto.  Malaki ang matitipid nito at nakakasigiguro kang malinis ang kinakain mo. ‘Pag nagluto ka ng champorado o  macaroni salad, dalhan mo ako ha!presscon

Raket.  Sa lagay ng buhay ngayon, use your extra time and talent para makapag- part time job and sideline.  Pero piliin mo rin kung ‘yang part time mo ay may patutunguhan. Baka naman ikaw pang gumagastos or ikaw pa ang lugi.

Libre. kumain ka doon sa mura lalo na sa libre. pwede ring magpalibre ka ri paminsan-minsan. hehe!

Tipid.  Ay naku, kalimutan mo na ang lahat sa itaas  ‘wag lang ‘to. Kahit kilo-kilong lata ng soft drinks ang maibenta mo at hindi ka na natutulog kaka-part time eh walang kwenta kung gastos ka pa rin  ng gastos.  May isa akong friend na laging may bitbit na small notebooks na nakalagay doon lahat ng bibilhin niya pati kaliit-liitang bagay na binili niya eh nililista niya roon. In that sense, alam na alam niya kung saan napupunta ang pera niya. Maganda rin ‘yon, lalo na kung may goal kang bilhing bagay. Ay naku masarap mag-check.

Sana’y may nakuha mo ang mga payo ko.  Tsk tsk.

Mabuhay!

Ate Jevz

35 thoughts on “tipid tips

  1. hahaha, nung asa thailand ako may notbuk din ako na lista dun pati yung singkong duling na ginastos ko. pero ano daw naging purpose nun? hindi ko alam, pero sarap nyang balik balikan, memories nung mga naging laman ng tyan ko 😀

  2. wow… ako rin ‘yong mga nakakatuwa kong mga notes tinatabi ko. kahit ‘yong mga planners / organizers ko na gamit na… kasi pinapaala nun yung mga na-achieve ko or yung mga di ko pa nabibili.

    yung mga lista …a e paalala lang na panay ang bili ko ng mga kuning-kuning. hahaha

  3. e di mayaman ka na ate jevz.. pautang naman 1 million lang… sige na pleaseeeeeeeee… heheeh!

    ang akin naman, kung gusto mong makatipid siguro dapat live below your means and always save atleast 25 percent of your salary… wag gagastusin hangang mag retire ka! proven yan at sabi ni colayco…

    di masamang maglista, actually ako lahat ng pumapasok na pera sakin at lumalabas nakalista yan sa spread sheet ko at makikita ko roon kung saan ako malakas gumastos at makikita ko rin doon kung may natitira pakong pera or may utang pako sa credit cards ko…

    kung hindi mo kayang bayarang every month ang credit card mo paputol mo na.. kasi tumutubo yan ng 3.5 percent kada buwan or sa isang taon 42 percent ang laki di ba? so kung dimo kaya unti untiin bayaran mo na ang utang mo sa credit card tapos ipasara mo na..

    much better kung mag gogrocery ka ay ilista mo lang yung kailangan mo sa ganon ay walang magkulang at wala kang sobrang mabili pag nasa grocery ka.

    magkaroon ng alkansya para naman pag may emergency kang kailangan pera may makukunan ka.

    kung may ipon ka na at kaya mo na mag business e di try mo… PERO, may PARETO principle na tinatawag or yung (20-80 principle) na sa nag bi-business ay 20 percent lang ang nagiging successful after 3 years ng operation so tyagaan at dedication ang dapat mong gawin pag gusto mong sumubok nito. read all the related articles sa net kung may gusto kang pasuking negosyo…Lahat na nasa WWW free lang yun kaya magbasa at aralin bago sumugal sa negosyo. at higit sa lahat dapat yung alam mo ang inenegosyo mo at yung mag eenjoy ka mahirap yung di mo type at alam sure makakasama ka sa 80 percent na nalulugi sa business ventures nila and we are talking hundred of thousands na puhunan…kaya be careful!

  4. ate jevs: salamat sa additional tips mo mang badoy… maraming matutuhan sa atin ang ating mga readers.

    mukhang mas marami akng alam at big time ka. dapat ata ako ang umutang sa iyo. hehehe

    mabuhay ka diyan sa Malaysia!

  5. ONT: Gusto ko ring i-recommend ang pagtatabi ng lahat ng pera nyong malulutong, ok kaya yung mga 200 peso-bills. Ipunin nyo lang, wag nyo gastusin.

    Sa pag-iipon sa alkansya, dumakot kayo ng maraming marya at ilagay ang isang 500-peso bill. Tapos ibalik nyo yung hawak nyong barya. Bukod sa tatamarin na naman kayong halukayin ang pera, malilimot nyo pang nailagay nyo yun dun. Kaya pag bukasan na, di lang maraming barya ang laman ng inyong mga alkansya.

  6. ate jevz: well thanks Mang Tim at may naibigay kayong POSITIBONG suhestiyon sa ating mga mambabasa.

    well kanya-kanyang style yan sa pag-iipon at maigi rin naman yang idea mo. tanong ko lang bat talagang 200 ang gusto mong itago.

    Mac(K)a-pagal ka ba?

  7. nyahaha
    hindi ko ito kinaya

    eto naman mga tips ni raft3r:
    maligo once a week, tipid sa tubig, shampoo at sabon
    may piggy bank diun ako ng puro 10 peso coins ang laman
    sumasayaw ako ng macho dancer on the side

  8. in fairness kinaya ko yung tip no. 1 mo na maligo once week (paniniwalaan kong ginagawa mo talag ‘yan, sige ka!) yung 2 ang hindi. ang cheap eh, di ba dapat malagkit ang katawan mo dapat nun tas dinidikit na lang sayo yung mga bill. hahaha

  9. Dagdag mo ito as a sub category sa Tipid:

    a) Kuripot. Gayain ang mga katulad kong Ilokano, kuripot. Pero huwag ka, malala pa ang mga puti sa pagka-cory kaya ayan, sa tagal ng aking pakikisama sa kanila, x2 na ang aking pagka…. hehehe!

  10. tama ka dyan ate jevs…..hehhehehe nakikita ate ang sarap ng piling bumata ako kahit manlang d2. cge go ipasok sa mga kukute ng mga gastador na kailangang magtipid dahil baka bukas maglakad ka nalang papasok sa opis…….hahahahahahaha

  11. ate jevz: at talagang feeling bata ka pag nandito ka?! hahaha. korek an entry na ito ay para sa mga gustong magtipid, mas gusto pang magtipid at lalong-lalo na sa mga gastador. hahaha.

    mabuhay kayo! gagasta pa ako.haha

  12. sige, mag-serious nga ako minsan.

    pag kakain kami sa resto, talagang dutch-treat. bahala ka pag wala kang pambayad, kunde, ililista at sisingilin without losing a face. hindi rin puede yung may natitira sa plate na pagkain. pati sauce, they clean it dry using a piece of bread.

    sa mga high end na resto, included na ang tip sa bill and it’s discouraged to leave additional tips.

  13. wow serious nga si VF!

    ate jevz: anyway, tumpak ka diyan na dapat pag may kainan dapat maging sensitive sa iba na may mga gastos din sila kaya dapat KKB (Kanya-kanya ng Bayad).

    and surelily na kapag napagastos ka na rin lang eh sulutin mo yung ginastos mo. huwag yung gumastos ka na nga parang tinapon mo pa.

    dun sa iba, hindi naman masama ang paminsan-minsan eh bumili ng mahal o i-try na makalasap naman ng mahal. basta make sure na una sulit yun, maganda ang quality, pang matagalan at masisiyahan ka talaga.

  14. hello Jason! Welcome sa aking HOshilandia (uli?)!

    tumpak ka na nagkakaintindihan ang malalawak ang pang-unawa at mature na mga tao. hehehe! ang kailangan na lang ay palaganpin ang ating adhikain sa buhay.mabuhay!

  15. yun nga maganda, eh
    dahil malagkit ang wankata ko
    yun mga pera na bininigay sakin mga parokyano
    hindi nawawala at nakadikit sa katawan ko

    sige, prepare muna ako
    at may show pa ako in 30 minutes

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s