Dahil maraming part ng mga oras ko noong bakasyon ang puro pagre-reflect (nagbubulay-bulay kapag walang magawa), trip na trip ko ang mag-dairy, na take note 10 years ko na palang ginagawa. Bunot ako doon sa mga luma, parang take a pick sa baraha. Nabunot ko ‘yong diary ko noong 2000 na isang Sailormoon notebook.
That time ay sooooobrang addict ako sa anime at ang mga pinoproblema ko lang ay ang pagbabantay ng tindahan namin (na ayokong-ayoko), pag-aaral ko sa unibersidad (na ewan bat ako napadpad doon) at kung paano ako makakapanood ng mga favorite TV programs ko -anime, Charmed & Dawson’s Creek. Binanggit ko rin dun na sa wakas nakabili na ako ng tape ng M2M (na ewan kung nasan na rin). At doon ko pala itinago ang mga payslip doon sa unang co. na pinasukan ko.
Madalas natatawa ako ‘pag naaalala ko ang kababawan ko noon, kung gaano ako ka -persistent sa mga gusto ko, yong mga bagay na gusto kong makuha, kung paano ko protektahan ang sarili ko at yong mga moments na nawaglit na sa memorya ko.
Dun sa isang page na nabuklat ko, ang nakasulat ay tungkol sa isang naging crush ko from other college. Wala akong alam tungkol sa kanya maliban sa student no. n’ya. Nakakaloka ang naging palusot ko noong napalingon siya habang sinisipat ko kung ano ang name n’ya sa ID n’ya. And later on, na-realize ko na hindi ko naman kailangan alamin pa dahil… of all people, siya pala ang kaagaw ko sa isang libro na madalas kong hiramin.
In a way, kahit sabihin pa ng iba d’yan na ‘di na uso ang diary, pambata lang at ‘di ko na masyado nagagawa ( ang gap ko nga ngayon ay kada buwan na ata), wala akong paki. Buhay ko ‘to no, joke. Ang diary ay isang avenue para sa akin para makapag-reflect, sabihin ng buong-buo at purong -puro (parang kape lang) kung ano ang nasa isip at puso ko. In swimming, Freestyle ang stroke.
Pinakapayak, mura at madaling makukuhang bagay ang diary kung gusto mo ring may pagbuntunan ka ng galit at mai-record ang naiiba or ordinaryong experience mo. May time na may mga pahina na ayokong buklatin pa at may nababasa rin akong nagpapalungkot sa akin. Pero ‘di ba sa awa naman ng Dios ay nalagpasan ko ang mga ‘yon.
Kabuntot ng pagbabasa ko ang iba pang ala-ala na pwedeng kadugtong nang nangyayari sa akin ngayon. May isa akong naisip na maliban naman sa nakalipas na, sa tingin ko ‘yon na ang the best decision/action ko noong time ‘yon. Isa na lamang yun magandang aral para sa aking kasalakuyan at buhay sa hinaharap. (Gusto mo malaman kung tungkol saan?, ‘Wag na pang-diary nga lang e)
I don’t know kung hanggang kailan ko kayang mag-diary (lalo’t ngayon may Hoshilandiana ako) pero isa lang masasabi ko… iba pa rin ang may diary!
tama ka dyn iba talaga pag may diary, bow! happy easter!
happy Easter din Blue! oo naman, ang diary ay ang analog ng blog. buheheh
Pareho tayo! Ever since bata pa ako, nagda-diary na rin ako. Iyong iba, hindi ko na alam kung saan ko nailagay. Iyong iba asa akin pa. Mayroon namang isa na sinadya kong itapon kasi puro painful memories.
Masarap magbasa ng diary. Magugulat ka na lang na naisulat mo pala iyong mga bagay na iyon.
It actually reminds me of who I am and how I have improved as a person. It also keeps me grounded.
Para sa akin ang diary ay:
1. Isang kwadernong may lamang sikreto.
2. Isang kwadernong may lamang sikreto na maaring may makabasa.
3. Isang kwadernong may lamang sikreto na maaring may makabasa na magiging sanhi ng miserableng buhay dahil sa sikretong nabunyag.
Nyehehe joke lang.
Hindi ko ugali ang magdiary (blog sa makabagong panahon), pero ginagawa ko ito paminsan sa madalas upang paglagyan ng mga detalye ng mga ganapin sa buhay kong mas madalas kong makalimutan kaysa maalaala.
“Magugulat ka na lang na naisulat mo pala iyong mga bagay na iyon.
“It actually reminds me of who I am and how I have improved as a person. It also keeps me grounded.”- len
hoshi: very nice comment, i can relate to it. actually sa sobra mong gulat na nakasulat ka ng mga ganun, hindi pwedeng mabasa yun ng iba. hahahah
tumpak ka diyan jovy! talagang giyera patani pag may nakabasa ng diary ko, lalo na walang pahintulot.
dati wala rin sa akin ang diary. my first diary / notebook nga ay parang listahan lang ng pa-ending pa. however, na-entice ako na ipagpatuloy yun, may something kasi na out of the blue, natutupad yung mga simpleng bagay na gusto ko na ibang tao ang nagbibigay or kahit papaano lumulubag ang loob ko. di ba, may mga thoughts ka na parang hirap i-share sa iba. lalo pa dati, di ko pa know ang blogging. hehehe.
totoo yun hitokiroshi, napakasarap mag-reminisce minsan at iba sa pakiramdam lalo na pag nabasa mo ang mga pangyayari na yon pagkatapos ng ilang taon.
meron din ako nyan kaso tinigil ko bago pa man ako natapos ng college. sayang nga eh.
happy easter sa ‘yo. 🙂
iba talaga diary.. ikaw lang kasi nakakabasa..wag mo lang pananakaw baka mabisto kung mga likes and dislikes mo..
kalimutan ko anong movie yun.. parang thief of heart
Happy Easter din Aling Baby!
salamat at naka-relate sa pagda-diary ko. talagang nakakaloka at nakakangiti na parang ewan pag may nababasa ka na alam mong sinulat mo na makulit pero alam mong totoong -totoo.
pwede mo pa naman ituloy. kanya-kanya naman ng phase / chapter / o part ang life natin. malay mo yung masusulat mo ngayon… mababasa mo pag mat apo ka na.
naku di ko rin alam yung movie na yun Sandi.
pero sa pagkakaalam ko marami ng movies mapa-local at international na gumamit o tumalakay sa mga lihim na galing sa diary.
may famous diary nga di ba.. yung “the diary of anne frank” at guess what, may song palang ( ngayon ko lang nalaman)
THE DIARY OF JANE by breaking benjamin
…manakaw nga yang diary na yan para malaman ang mga first:
first tagihawat sa ilong, first love, first kiss…
musta na?
good luck sa iyo VF… bukod sa yung mga tinta ng iba ay nagmamantika na eh, ever since magulo ako magsulat at sali-saliwa ang aking mga ideya… mahirap ma-trace ang mga gusto mong makita. hahaha!
pero sige sasagutin ko ang isa mong gustong malaman, ang unang beses na tinigyawat ako ng nakakainis ay nung third year college ako.
kung kailan ako nagpa-facial at mayroon kaming play. hayyyy ako pa naman ang isa sa bida.. hahaha
… bida, like sleeping beauty na ayaw halikan ng prince charming dahil may cherry-red pimple sa ilong? 🙂
yang secrets of a diary ay parang teenage love letters, full of silly lies and lines.
I remember my older girl cousin na tumira sa amin noong maliit pa ako; strikto at madamot. Binasa ko yung love letter tapos minemorize ko. Yun, may panakot ako tuwing may gusto akong hilingin sa kanya.
excuse me… as if naman magsusuot ako ng gown. hahaha.. kung may gusto man ako character, si dora na yun.
and excuse me, lahat ng nasa diary ko totoo at hindi puro love…anime pwede pa. mas marami pa nga akong nagustuhang anime characters kaysa totoong tao sa buong buhay ko. hahaha!
bad u! namba-black mail haha
Hindi black mail a, “insurance” hehehe! And that’s the only way to get around bullies at masusungit na older persons at kung ang pag-iyak doesn’t work anymore. 🙂
Animé sa diary mo ha. I bet, there are sketches ng mga superheros: guapo, pointed nose, big ears, large round eyes while the heart is beating; Hito, Hito Hito!
Hakhakhak! Malas mo pag ako ang kuya mo. Akin lahat ang mga masasarap na pagkain sa bahay. Kunde, idi-declame ko ang laman ng diary mo!
sos iniiba -iba mo pa ang term yun din yun.
yeah, may diary pa nga ako para lang sa pinaka-favorite anime ko. hahaha… bawat episode ito. maraming nagbibigay sa akin ng mga anime sketches kaya di ko na kailangang gumawa. bukod pa diyan sa hindi ako magaling mag-drawing. heheh
halakhal din (ala bruha), kung ikaw ang kuya ko… ikaw ang malas. wala naman mawawala sa akin kahit i-monologue mo pa ang laman ng mga diary ko… una magaling akong kumabig, pangalawa- pihikan ako sa foods, at last, ikaw lang ang mapapahiya. poor-poor kuya, nag-effort walang napala… buhehehe
nyahaha
dawson’s creek?
talaga?
sabay crush na crush ko non si joey!
hehe
sa bagay pala yon
hindi sabay
hehe
waheheh… yun pla shrtct ng sa bagay = sabay .. joke!
wahhh.. crush mo si Joey?! ako crush dati si jack… eh bumigay, pero ok lang din. hahah
may pagkakapareho kami ni joey. alam mo kung ano? minsan wala kaming paki na magulo hair namin. hahaha