Reflection: What’s is your advice to your 18-year old self?

What’s your advice to your 18-year old self? Ito ang naisip kong tanong habang binubuo ko ang birthday message para sa kamag-anak kong debutante. Okay na okay kami ni birthday girl pero, I don’t think ganoon ka-close. Kaya nahirapan ako at ayoko naman na basta makasabi lang. Ayoko rin na tunog preachy. So paano? Ito na nga, naalala ko  yung question at naisip ko why not share simple life lessons. it will matter to her and to all 18+ people sa party.

Note: This is Hitokirihoshi, not Ate Jevs. Nagliliwaliw pa si Madam at miss ko na ang blog na to.

Photo by Pixabay on Pexels.com

Advice to 18-year old girls, boys

My short, but sweet este meaningful message sa debutant and actually sa lahat ng 18-year old girls and boys ay ang tatlong ito  (sinamahan ko na lang ng explanation now):

Time is your asset.  Sabi nga nila time is gold.  Pero dahil madalas nating iniugnay  ito sa procrastination at tardiness kaya parang mas walang dating.  Ibahin natin ang siwasyon …

  • Paano kung itong point na ito ay ayaw mo na sa work mo? Pagod, stress, at ayaw mo na sa boss mo.  Tipong hindi lang ito simpleng rant, kundi burn out ka na.  Kaso hindi practical choice na mag-resign ka kasi wala kang ipon at investment. At actually hindi mo alam kung anong next move mo. Feeling mo mare-reject ka sa pag-a-apply dahil sa edad o kaunti mong skills o work experience?

  • Paano kung magre-retire ka na? May pension ka pero sure ka na hindi iyon sapat sa pangangailangan mo. Wala kang naging retirement plan kaya hindi mo rin naisip noong kabaataan mo ang saysay ng retirement fund. Hindi mo na rin kayang magtrabaho kasi bukod sa mahina ang katawan mo, sakitin ka pa.
  • Paano kung awang-awa ka na sa kalagayan mo/n’yo? Puwedeng dahil iresponsable ang napangaswa mo. Walang makain at hindi makapag-aral ang mga anak mo. May sakit sa pamilya mo. At takot ka ring may mangyari sa iyo lalo na’t ikaw na breadwinner ay wala ring insurance.
  • Paano kung gusto mo ng pagbabago? Career shift o lumipat ng bahay malayo sa in lawsmo.
  • Paano kung bilang na ang araw mo o ng mahal mo? Masaya kang magpapaalam sa mundo o pagsisihan mo ang maraming bagay na hindi mo nagawa?
time, an advice to 18-year old self

May iba na ikinokonek sa YOLO ang mga mga agresibo at wild nilang aksyon. Gaya ng paggastos ng pera, pagtikim ng bisyo, pagkain ng mga unhealthy foods, at mga…, you know.  Sa maniwala ka’t sa hindi, kapag masamang-masasama sa iyo ay masama iyo. Kahit sabihin mo ikinasiya mo  iyon ng kabataan mo. O kahit may FOMO ka.  May tinatawag naman na in moderation, good choices and decisions, and the doing the right thing.  The time you spend is something either you waste or invest. It is not something can replace or reverse.  So habang bata ka, think that your time is asset. Use it wisely and make good choices while you have chances.

malabon zoo

Define your success.   Madalas naririnig ko noon ay “bata ka pa naman, magbabago pa ang pangarap (o  gawi mo).” Tapos sila rin magsasabi sa iyo na ganito dapat kunin mo at ganito gagawin mo ‘pag nagtapos ka. Dapat may ganito estado mo sa susunod o ganitong edad. Ganito o iyon ang taong successful na gagayahin mo.  Nakakarindi!

Then may mga nangangamusta.  Iyong kumusta na may laman. Iyong itse-tsek kong higher or lower level ka sa standards niya.  Iyong mapi-peer pressure ka kung hindi ka belong. Nakakaliit ng pagkatao!

Slogan dati ng Makati city

Sa maraming taon ng kakasunod, kakakumpara, at pagtapat sa pamantayan ng iba—I think I failed. And I think, hindi mo maabot ang antas ng tunay na success noon. But that’s not until masabi mo na ito ang success sa akin.  At yung success na iyon ay hindi definition ng ibang tao para sa iyo, kundi success na ikaw mismo ang nagtakda.  Aim higher and achieve that something valuable for you, your loved ones and the world.

Define your happiness. Kapag bata ka at kausap mo ay matanda parang ang happiness mo ay entertainment, leisure, or past time lang sa kanila. Ang totoo? Puwedeng oo o hindi. Okay lang naman na at 18 ay hinahanap mo pa ang happiness mo.  At okay din kung inaalam mo pa kung ano ba ang happiness mo.  Pero gaya ng success, it should be the happiness that you define for yourself.  And you should look for the genuine happiness– the kind of happiness that is right and long-lasting that you deserve.

Photo by Tirachard Kumtanom on Pexels.com

For me happiness ay hindi lang tao, bagay, activity or achievement kundi estado. Iyong kahit may bad trip days o ano pa ang sabihin ng iba, deadma ka. Iyong alam at ramdam mong puno ka ng pagmamahal. Kaya mong magmahal o tumanggap ng pagmamahal.  Iyong alam mong nakakatulong ka sa ibang tao o you serve your purpose. Iyong ginagawa mo iyong gustong-gusto mo.  At wala kang regret sa buhay mo, na kahit  mamatay ka na bukas ay masasabi mo pa rin “Thank you Lord!”

What’s my advice to my 18-year old self?

Noong 18 ako ang hilig ko sa anime at nasa college na ako. Nao- awkward ako kapag kasama ko iyong mga kaklase ko na sosyal, matalino, mayaman, at may itsura. Kasi feeling ko ang weird-weird ko, jologs, average student,  hampas-lupa,  at sakto lang itsura. Gusto ko noon sumama sa mga organizations gaya sa theater play, choir, at mag-library assistant. Kaso sa baon ko na Php 40 lang ang pangkain ko kahit pasok ko 7am – 7pm. Dalawa lang uniform ko sa 6 na araw na pasok ko.  In short, wa extra anda.

Sa grades ko masaya na ako maka- 1.5 ( 1 is the highest  and 5 is the lowest), pero nakakatikim ako ng 2.75 at 2.5.  Nakatikim din ako ng 3.5 ( o 70-74%) sa Math.  May crush na ako noon, pero kinikim ko na lang. kimkim na pinapatay yung feeling kasi hindi praktikal.  Ang biyahe ko papasok  at pauwi ay2-4 hours ( depende sa ula at traffic), pagdating ko ng bahay pagbabantayin ako ng tindahan. Tapos kailangan ko mag-review ng magreview.  Pressured ako kasi parang ako ng bobo sa A section.

Photo by Pixabay on Pexels.com

The thing is minus yung feeling bad about myself, wala akong regret.  If I can tap my 18-year old self  on shoulder and speak with her now…

Girl, I want to congratulate you. You’re doing the best that you can. and Ano man yan pinagdadaanan mo, nakatulong sa akin.  Thank you na ipinaglaban mo yung course na gusto mo. Thank you kahit awang-awa ka sa sarili mo at ayaw mo sa school mo, hindi ka sumuko. Thank you kahit napasama ka sa mga masasabing  bad influence, hindi ka nagpadala. Hindi kita sisihin kahit panay bili mo ng anime cards, poster, o panonood ng TV.

Hindi ka man nakasali sa organizations na unamong gusto, napursige mo makapasok sa counselling and testing section at junior saver’s club. My only advice for you to have confidence and boost your self-esteem.  Kapag kumpiyansa ka sa sarili mo – ang ganda-ganda mo. Yung talino at kasanayan mo, hindi kayang gayahin ng kahit sino. You’re imperfectly perfect. Kung may isa lang ako maidagdag ay sana lang nag-double time ka lang sa math at English grammar, hehehe

Photo by bruce mars on Pexels.com

Ikaw? What’s is your advice to your 18-year old self?

Advertisements

Nabasted: Paano harapin ang rejection?

Dear Ate Jevs,

Na-in love at po ako sa kaibigan ng Tita ko, at nabasted n’ya ako. Ano po bang gagawin ko?  Paano ba harapin ang rejection  sa love o pamba-basted na ito na nagkataon na first love ko pa man din?

Na-in love po ako sa kaibigan ng Tita ko, na itatago ko sa name na Amor.  Pitong taon  lang po ang agwat namin ni Amor.  Close po ako sa tita ko na  itinuturing ko ring ate. Dahil doon ay nababarkada rin ako sa mga kaibigan n’ya. Dito kay Amor, espesyal kasi  malambing, cute, at matalino. Iyon lang pagdating sa pag-ibig  palaging sawi. Kung bakit naman kasi nagmamahal s’ya ng mga maling lalaki.  Nakakatatlo na s’yang boyfriend, ‘yong isa pinaasa siya, ‘yong isa nambabae, at itong huli ay LDR sila. Naghiwalay sila dahil hindi kinaya ni Amor.

Bata pa lang ako ay may crush na ako kay Amor. Alam iyon ng Tita ko at tinutukso pa nga ako dati. Pero dahil  inakala nila na nagkaroon ako ng GF ay inakala rin nila nawala rin yung admiration ko.  Sa kabaliktaran ay lumalalim pa nga at inilihim ko na lang ito. Ako rin kasi nag-isip na baka crush, infatuation, o childhood love lang iyon naramdaman ko sa kanya. If ever na maging kami ay s’ya  talaga ang magiging first ever girlfriend ko. Kung mayroon man ako napagbalingan na ibang girls – MU lang.   Nagpapahaging na ako sa kanya before pero parang walang epek.

Sa tuwing nasasaktan po s’ya ay parang nasasaktan din ako. Gustong-gusto gulpuhin yung mga naging boyfriend n’ya lalo na iyong pangalawa.  Itong last nasabi ko na give up na ako ligawan s’ya.  Nakita ko gaano s’ya kasaya at mahal din naman s’ya nung lalaki.

Noong nagdesisyon silang maghiwalay dahil magtatagal pa yung lalaki sa US. Itong si Amor kasi may pagka-clingy din at hindi n’ya raw kayang maghintay pa.  Sabi ko that time, iyon na ang chance ko. Nilakasan ko na ang loob ko kasi may isa pang nanliligaw sa kanya na mukha rin manloloko.

Tinanong ko iyong tita ko, kung awkward ba sa kanya? Sabi n’ya oo, pero walang problema if ever na maging kami. Kaya lalong lumakas ang loob ko, kaso ang masakit ay nung nag-confess na ako ay agad niya akong binasted.  I try my very best to prove that I love her na hindi ito basta lang.  Iyong mga sinabi at sinasabi ko pa rin sa kanya kinimkim ko mula grade 10 hanggang ngayong nagtatrabaho na ako.  Tapos wala, sabi n’ya lang ay hindi kami talo at nabalitaan ko na lang na sinagot  na ‘yong nanligaw sa kanya na alam n’yang babaero.  Dati pa iyong boyfriend ng kabarkada nila ni Tita.

Ang sakit-sakit, I can’t compare it to any rejections na naranasan ko.

Salamat po in advance,

Ian

***

Dear Ian,

Alam mo ba na habang binabasa ko  itong letter mo ay feeling ko ay member ako ng s3*bomb dancers. “Laban-laban o bawi-bawi” ang peg ko, sabay buntong-hininga ng “awwwwww!” mga 7x ‘yon, hehehe. Kasi grabe ‘yang long-standing one-sided love mo ha, endangered specie ka na koyah!

Tatlo ang nakikita kong issue bakit nag-alangan si Tita Amor ( naki-Tita daw).

  • Nakondisyon s’yang kapamilya o kaibigan ka – friendzone
  • Yang 7 years na tanda para sa karamhan ng babae ay awkward – May-December love affair
  • In love din talaga s’ya siguro doon sa manlolokong-manliligaw-na-Bini-F n’ya. Tinanggap n’ya ang katotohanan e.

Gusto kong sabihin sana na “laban-laban!” kaso definitely “bawi-bawi” at “move on-move on” na ang sagot d’yan. May nanalo na e. Maghihintay ka ba ulit na magkahiwalay  sila o gusto mo ikaw ang maging dahilan na paghihiwalay  nila? Kung gagawin mo iyon, I don’t think na malaki rin ang tyansa na maging kayo ni Madam Amor.  Puwede siguro  balang-araw pero hindi ngayon.

Tips on how to accept rejection o pambabasted

Think that rejection is a blessing in disguise.   I believe she gives you a big favor nung binasted ka.  Why?  Parang may pattern kasi yung choices niya pagdating sa pakikipagrelasyon.  Gusto ata ni Madam ay pigaan-ng-puso love affair dahil sa tatlong bf n’ya ay hindi na pa s’ya natututo.  Na-jackpot n’ya na si Bf# 3, pero siya ang bumitiw.

Saka who knows din kung sino ba s’ya bilang karelasyon? Ang nakikita mo kasi ay Amor na kaibigan o Amor na iyong minahal. Halimbawa sa bf#1 n’ya, siya ba ay pinaasa o siya lang itong umasa . Baka balang araw nga ay ipagpasalamat mo na hindi ka naging bahagi ng listahan n’ya.

Believe you’re worthy to have someone/ something better.   Hands-down ako sa  pagmamahal mo at kung sa parte mo lang naman ay wala akong makitang  mabasang mali. I hope na ‘wag mong hanapan ng mali ang iyong sarili. Dahil ang kagaya mo ay deserved ng babeng better than Amor and worthy kang  mahalin. Yang pangre-reject sa iyo ni Amor ay sarili niyang opinyon, “and don’t represent the program, management, and the network”.   Buksan mo na lang love hot line mo tatawag ako, charr sa iyong matutuhan sa bagay na ito, sa ibang passion, o ibang tawag ng love. Baka nga matagal na nga s’ya kumakatok.  Nakasarado lang ang pintuan mo, may tatlo pang padlock.

Trust that you will reborn after ng pambabasted o love rejection.  Siempre wala naman nabasted, na-reject, o nakipag-break na hindi nasaktan. May mga moments din talaga na  pakiramdam mo “dead-end na.” Na tatanungin mo ang sarili mo ng kung anu-ano. Pero kahit alam mo  ang lohikal na sagot ay di mo nage-gets o ayaw mong ma-gets.  That’s normal, yeah know. Pero ika nga dapat daanan lang iyang phase na iyan, huwag tambayan.

Walang ibang makakahanap ng sagot sa iyong mga agam-agam kundi ikaw mismo. At madalas, hindi kailangan ng tanong at kahit na sagot- AGAD, para simulang mag-move on. Kapag inaksyunan mo ito hangang sa unti-unti mo ng matanggap ng buong-buo, lalabas ang Ian version 2.0. Better, bolder, Brighter pagdating sa love and relationship.

Additional tip, okay ang idea ng beginner’s mind when it comes to moving on and loving again. Kasi hindi lahat ng babae ay si Madam Amor mo, at hindi pare-pareho ang ipinapa-experience ng love. Siempre may masaya, positibo, at bongga.

Happy Valentine’s Day!

Nagkakape sa tanghali,

Ate Jevs

 

Sagot kay L: How to deal with Falling Out of Love

Few days ago ay nakatanggap ako ng email from Ms. L  na may kinalaman sa falling out of love and how to deal with it.  Natalakay na ito sa isang old post noon, pero para may update at para sa sitwasyon ni  Ms. L, ito ang aking tsika…

For reference ito ang link sa letter ni Ms.L

ito ang old post tungkol sa fall out of love

Dear L,

Maraming salamat sa pag-share sa MMK, MPK, o KMJS worth love story mo. Iyong haba noon ay puwede nang pumuno sa isang episode. Hehehe.  Kung ako ang tatanungin, ang lahat ay magtatapos o magbabago sa  isang desisyon mo lamang.  Iyon ang pinaka-how to deal with falling out of love. Pero siempre ‘di naman ‘yan  change of  scent ( sunshine fresh o perfume), variant ( brown, black or blanca), o flavor ( calamansi, chilimansi, o extra hot) lang. Ganito yan…

May mga bagay na beyond your control gaya ng ma-in love ka sa kanya,  sa discovery mo nang maging kayo, at  sa pakiramdam mo na kinahinatnan ng inyong pagsasama. Pero everything else ay iyong desisyon from the moment na piliin mo siya, tiisin ang mga pakiyeme niya sa iyo, at yes ang pati ang iiibigin pa s’ya o iiwan mo na s’ya.

Kung sakali man ang katwiran d’yan ay love is blind, then you choose to be blind.   Pero ‘wag mo sisihin ang sarili mo na pinili mo ang ibigin s’ya dati.  Para sa akin walang mali  naman sa pag-ibig at napakatapang mo para ipaglaban mo ito sa kabila ng lahat at sa mahabang panahon. Saka kung may ipagpapasalamat sa pag-ibig na ‘yan, ito ay nakapagbigay din naman sa iyo ito ng saya, challenge na makakapagpatibay sa iyo, at miracle sa buhay mo— ang guapo mong anak.  Pero kung ito ay mawala na, you have to be brave enough to admit it and take actions.

broken heart love sad
Photo by burak kostak on Pexels.com

Actually hindi mahirap ang mahirap  (ang  isang gawain, mamundok,  at mag-commute sa EDSA every rush hour every day )  o masakit ang  masakit  ( na pagsasakripisyo, pag-a-abroad, at pagha-high heels sa  damuhan/ dalampasigan).  Ang mahirap ay magtiis pa sa sitwasyon  na hindi mo na mahal.  But wait, there’s more…

mas masakit kung nagtitiis kang samahan ang taong sinamahan mo talaga para mahalin pero hindi mo na mahal. You are sacrificing not only your time, but also your life and future. So kung desisyon mo na iwan s’ya dahil  na-fall out love ka, ang – “how to deal with it” pa  para sa akin ay

  • Alamin kung sure na sure ka na – baka napapagod ka lang at pinapasukan ka lang ng what ifs. Iba rin ang “hate” sa “dislike” at “mad” lang.  Masakit din magsisi sa biglaan desisyon na hindi mo pala sure kung bakit at ano. So ang first step ay actually check the signs if you are falling out love.
  • Kaya mong panindigan – dahil may anak at mag-asawa na kayo, malaking desisyon  lalo ang makipaghiwalay . Kaya kailangan mong paglabanan ( ang iyong sariling agam-agam at kung ano mang kudang shallow promises n’ya)
  • Maging malaya! – let go of the sacrifices you already did for him, let go of the heartaches you felt, and let go of the old L…
  • Fall in love with your life – Sa age mong 22 ,you are too young  to stop discovering yourself, what else this life can offer to you, and the happiness you can experience with your son.  Fall in love again, fall out love again, and fall in love again…

Kung maayos kayo o kung maghihiwalay na talaga kayo at magkakabalikan in the future, remember lang yung dahilan bakit ka na-fall out of love. Sana  hindi mo balikan yung same person na inayawan mo ( oo s’ya at baka pati ikaw na nagmahal sa kanya na ganoon s’ya).

Hope these suggestions help you and ilapit mo rin sa Kanya siempre!   Mabuhay!

Naghahanap ng ikalawang pork sa lata ng pork and beans,

Ate  Jevs

Para kay L: About falling out love and how to deal with it

Hi Ate Jevs 🙂

Bago ko lang na-discover ang blog mohen I was scrolling about falling out love and how to deal with it. And lumabas ang blog mo at gusto ko i-share ang love story ko para rin makakuha ng advice. Pero please privatized my identity ha, just call me “L,” and I’m 22 years old.

October 2016, one month after ng breakup namin ng ex ko ay nakilala ko si M. Nag-ask s’ya ng cellphone number ko at ‘yun, text-text na. Single naman ako so yun, Judge me or whatever, naging kami ni M on the 2nd day of our texting. Kasi nga daw na-love at first sight daw s’ya on our 1st meeting kaya ligaw agad. Wala lang, trip ko lang…sabi ko sa sarili ko that time, sakyan ko na lang o laro lang. Honestly, that time si ex pa rin ang nasa puso ko kahit sira ulo ‘yon, sobrang mahal ko. Lumipas ang mga buwan ay unti unti akong napo-fall kay M. Nakalimutan ko ang ex ko at naka moved on, sabi ko, “siguro si M na…”

relationship failure problem sad
Photo by Pixabay on Pexels.com

Sa relationship naming ay ‘di naman talaga maiwasan ang ups and downs pero nakaya namin ‘yon. Nag-focus ako sa pagasasama naming at just like other couples ay date kami, travel kung saan-saan. After 7 months ay nabuntis ako Ate Jevs. At first, masaya ako kasi may baby na ako o may bunga na ang pagmamahalan namin. Ang kaso ‘di ako naka-graduate dahil doon kaya sobrang disappointed ang parents ko. During my pregnancy ay doon ko nakilala unti-unti ang totoong M. He chooses his friends over me. ‘Di niya ako sinasamahan during my checkups dahil sumama sa kaibigan niyang manood ng sine at pumunta kahit saan. Sinasabihan ko siya ng lahat ng hinanakit o regrets ko pero para sa ‘kin ay binabalewala niya. I told him “‘di kana tulad ng dati, may responsibilidad ka na” at dapat panindigan niya yoon. He just answered me na di pa ba daw sapat na binibigyan niya ako ng pera para sa mga needs ko.

Grabe ‘di lang naman pera kailangan ko, I also want comfort. Gusto ko ng karamay kasi nga nahihirapan ako sa amin kasi hindi pa okay ang pamilya ko, lalo na ang Papa ko. Tiniis ko nalang Ate Jevs, kasi may baby ako. Ayokong may mangyaring masama sa baby ko kung dibdibin ko lahat ng mga nangyayari sa ‘kin. Tinitiis ko ang mga ibang taong sinasabihan akong sayang dahil ‘di ko inisip future ko. Kung bakit daw ‘di ko pinag-isipan. Tiniis ko lahat ng tingin nila na mula pa noong hanggang nasa tiyan pa ang baby ko. Tiniis ko lahat ng hinanakit na naranasan ko kay M. Tiniis ko lahat ng regrets ko para sa baby ko. I pretended happy, but deep inside hindi.

In the 7th month of my pregnancy Ate Jevs, ang sabi ni M ay gusto niyang magpakasal na kami. Palagi na raw siyang pinaparinggan during Bible Study nila (‘di po s’ya Roman Catholic). That time ayoko talaga Ate Jevs, kasi napo-foresee ko na hindi kami magiging masaya.  Pumayag na lang ako Ate Jevs para matigil na lahat ng pagparinig ng kasamahan niya sa church nila. ‘Di ko rin gustong mahirapan siya dahil dun.

On the day of our wedding, ‘di ko feel. Ako lang siguro ang bride na hindi excited. Kapag may scoring ng nararamdaman that time, ang sa ‘kin ay 99% doubtful at 1% hoping. Umaasa nalang ako na siguro ito ‘yong magpapabago ng takbo ng situation namin. Siguro ito ‘yong magse-save sa lahat ng pagtitiis ko. Pero hindi Ate Jevs, at the nth time ay nagkamali na naman ako.

 

Dumating ang time na nanganak na ako. Nung nayakap ko na ang baby ko…Soooooobrang saya ko Ate Jevs! Ang gwapo ng anak ko. Ang sabi ko ay mahal parin ako ni Lord at sobrang bait Niya kahit sinuway ko ang utos niya. Binigyan pa rin Niya ako ng napakagwapong blessing.

 

‘Di pa nagtatapos d’yan Ate Jevs, noong palabas na sana kami ng ospital ay ako ang nag-process ng clearance namin. Nakakahiya Ate Jevs, ‘yong mga kasama kong pumila ay mga partners ng mga kasama kong nanganak. Ang sabi kasi ni M ay ‘di daw siya makatiis na pumila nang matagal. Sobrang bigat ng nararamdaman ko that time Ate Jevs, sobrang bigat. Tiniis ko na lang para makauwi kami ng baby ko. After that, ‘di ko kinausap si M, galit ako…sobrang na down ako noon. Gusto sana niyang doon kami umuwi sa bahay niya pero sa amin kami umuwi. Kinalaunan ay nag-sorry s’ya at pinatawad ko na lang para kay baby.

adorable baby baby feet beautiful
Photo by Pixabay on Pexels.com

Habang nasa poder niya kami ay ‘di ko na-feel na asawa niya ako, ginawa niya akong alila. Pinapalaba ng maraming labahin, pinapapalinis… Ang inisip ko noong una ay ‘yon naman talaga ang dapat gawin ng ina pero hindi ‘eh, sumosobra na. ‘Yong sasabihan kang ‘yan na nga lang silbi mo dito’ … Gusto kong mawala sa mundo tuwing sinasabihan niya ako ng ganun, iniisip ko na lang ang kapakanan ng baby ko, magtitiis ako para sa baby ko. Gumawa ako ng paraan para ma-divert ang atensyon ko kaya naghanap ako ng trabaho.

 

At ngayon, naiisip ko minsan parang napo-fall out love na ako sa asawa ko. Anong dapat kong gawin Ate jevs?

 

Hanggang dito nalang. Maraming Salamat. God bless

 

-L

Notes:

Publish with minor changes/ editing.

Will update this tomorrow, para sa answer ni Ate Jevs, offline pa ang ateng. In the meantime,  anyone can give advice and comments para kay L.

Hoshi

Dream Message: Work Abroad, Hair

Napanaginipan ko po ang aking dating co-worker  who’s currently live and work abroad. Nag-uusap daw kami at naitanong ko sa kanya kung bakit nagdesisyon s’ya mag-abroad.

Dear Ate Jevs,

Napanaginipan ko po ang aking dating co-worker  who’s currently live and work abroad. Nag-uusap daw kami at naitanong ko sa kanya kung bakit nagdesisyon s’ya mag-abroad.  Ibinalik n’ya sa akin ang tanong at ang sagot ko sa kanya ay wala (pa) sa plano ko ang mag-abroad. Hindi sa ayaw na ayaw, pero gusto ko ay gumawa at paunlarin ang kabuhayan ko rito sa ‘Pinas.

Ang napansin ko lang ay parang nakahawi ‘yong buhok ko na may bangs at nakaka-distract sa pag-uusap namin. Pinansin ng kasama ko rin ‘yong buhok ko.  Okay naman po iyong pakiramdam ko sa pag-uusap namin. Doon lang ako slight na na-conscious sa buhok ko.

Sa totoong buhay po ay hindi kami close ng co-worker ko na iyon, pero  hindi naman kami magkaaway. Nag-uusap naman kami dati ng  mga bagay-bagay, pero may mga pagkakataon at topic na malabo namin i-open namin sa isa’t isa.

Ano po kaya ang mensahe ng panaginip ko?

 

Adela

 

***

Dear Adela,

Mukhang maganda naman ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung ano man ang sinasabi mo doon ay malamang din ay dikit ito sa katotohanan sa totoong buhay.   Pero kapansin-pansin sa paningin mo ang iyong buhok. Puwedeng simbolo ito ng mga bagay sa realidad na pumipigil sa iyo para ma-realize o mag-materialize ang iyong mga idea.  Kung baga nandoon ka sa alam mo na ang gusto mo pero nanatiling distracted ka.

Sa tingin ko ay maaaring may agam-agam ka rin sa iyong mga ginagawa  dito sa Pinas. Minsan naiisip mo na mag-abroad ka na lang kaya? Pero ako Beh,  tukuyin  at putulin mo muna ang mga bagay na nakaka-distract sa iyo.  Kapag sinubukan mo na lahat para sa kina-career pero waley pa rin,  that’s the time na isipin ang option na mag-abroad.

Yo!

Ate Jevs

Disclaimer: Hindi expert sa dream interpretation si Ate Jevs. Kung ano man ang ibinabahagi sa post na ito  at gaya nito ay sariling pag-aanalisa sa mga bagay -bagay na nakapaloob sa panaginip.