Introduction: 1 of 31 Day Blog Challenge

Nakita ko lang itong 31 Day Blog Challenge sa Pinterest at nagkainteres akong gawin. Kaya rin kasi minsan lang ako sa mag-post dito ay dahil  parang nasa verge ako na  baka preachy, ignorant o feelingera na ako. Pero ang isang bagay din ay siguro ay kailangan ko ulit hanapin ang voice ko at magkaroon ng rule dito at sa Hoshilandia  Anyway, let me do my  Introduction bilang first challenge.

Mabuhay I am Hitokirihoshi

cropped-cropped-twitter.jpgKwentotpaniniwalanihitokirhoshi.wordpress.com Kung babalikan ang una kong post dito ay next year pala ay isang dekada na ako sa pagba-blog sa WordPress.  Naudyukan lang ako noon so wala akong paki noong una kung may magbabasa  at mas gamay ko magsulat ng kwento ko sa diary. Kung mapapansin mo ay napakahaba ng url at blog name ko, sinadya ko ‘yan, pinagsisihan at sa huli ay pinanindigan na lang.  Ang nasa isip ko  dati ay pahihirapan yung mga maghahanap sa akin na as if  sikat na sikat ako.  May privacy issue ata ako at trip na trip ko talaga ang mystery.

Hitokirihoshi Laurence.  May ilan naguguluhan kong babae ba ako o lalaki.  Sa halip na ikorek ko ay ikinakatuwa ko na manghula na lang ang mga nagtatanong. Madalas napagkakamalan akong Sir or Mr. Pero wala akong identity crisis ha :p Sa seryosong aspeto,  mas napi-feel ko yung  appreciation at effectiveness ng blog or ng isa kong  post, kung may magko-comment base sa nabasa n’ya at hindi sa kung anong pagkatao.  Hindi ko naman itatago kung may magtatanong kung gusto akong makilala.

Ang first name sa pseudonym ay kombo ng mga  karakter sa anime at ang Laurence ay  – Little Women.

Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi. Hindi lang uso kundi it’s a must na raw ang niche blogging. Pero isa ako sa mga hindi sumusunod dito una kasi ay personal blog talaga ang simula ng lahat para sa akin.  Nasa personality ko na talaga ang magkainteres sa kung anu-ano at kaya kung anu-ano rin ang kwento ko. Bukod sa makwento rin talaga ako pag nasimulan na.

Siguro sa ilang bad effect sa akin ng pagkakaroon ng isa pang site ay

  • Nahihirapan ako ng definite pagkakaiba nila
  • Tutukan ang dalawa ng sabay
  • Mapag-combine yung mga readers.

Ang na-appreciate ko ay nakikita ko ang pagkakaiba at loyalty ng readers. Mas open ako sa blog site na ito na kahit anong topic at mas personal  ang aking approach. Ang aim ko kasi hoshilandia ay magazine type talaga.

Mabuhay! Bakit Pa Ako Nagba-blog?

hitokirihoshilogoYung kauna –unahan kong post dito ay tungkol sa bakit ako magba-blog? Ngayong halos isang dekada na ako – ang masasabi ko ay mabuti sinubukan kong mag-blog at mag-evolve bilang blogger. Marami itong naitulong sa akin sa aspetong personality development,  communication, social life at discovering more in life.

 

May pagkakataon na naguguluhan ako kasi parang all about business or money na. Minsan din gusto ko ng i-give up kasi hindi ko ma-sustain at parang naapektuhan na yung drive.  Siguro compare sa ibang blogger lalo na sa matatatagal na,  ang baba figures ng hits at followers ko. Pero kasi ang mahalaga sa aking pagba-blog ay passion, personality at relevance.

 

8 things I love about blogging d2


Noong October 3 ay 8th year anniversary ng blog na ito.   Ang site na nakasama ko sa aking journey mula sa malokong babae, nagseryoso sa trabaho,  kumawala sa ordinaryong estado, nangarap magnegosyo  at ngayon umaasa pa  ng maraming pagbabago.  Maraming salamat sa lahat ng readers, likers, followers, at padaan-daan dito. Paalam? Chuz! Wait share ko lang kung ang love ko sa hoshi sr blog ko.

Kwentot Paniniwala ni Hitokirihoshi to the 8th power8th anniversary badge

Obviously   I learn how to blog – kung ‘di ko sinimulan, nagpaturo at  pinag-aralan eddie wala akong online presence at  blogging career.  By the way, dito ko rin unang ginamit ang pseudonym ko  Hitokirihoshi.  Katawa lang na minsan, labo-labo ang nickname ng iba sa pseudonym ko na madals Hoshi at minsan ay hito. Puwede bang minsan naman ay Kirihosh? hoho!

I Feel more creative.   It’s a secret, but there were posts here na nagawa kong i-divert yung anxiety, frustrations, at problems ko into something I like.  Dito ko nailalabas yung tunay kong saloobin in the form of monologue, poem, lyrics or simple post. Check Pupu Series  (nag-start ito dahil  sa lokohan at sa lagi kong masakit na tyan)  at cars and laptops in a sentence (pangarap ko kasi na magkakotse at laptop).  Natawa rin ako na nabasa ng dati naming manager yung tag/ challenge post  nakabuo ako ng kwento na pagka-adult love story,J

I learn  to open up… kahit hindi ako nagpo-post ng sarili kong picture dito, I guess 80% ng pagkatao ko ay naibuhos ko na rito.  I understand if people think something different about me, but I don’t pretend and I just don’t say what I don’t want to say. I am not fond of eyeballs or attending events, pero for the first time in 2010 nagpakita na ako sa blogging community. It’s nice to see  in persons yung mga dati ko lang ka –tsika virtually like yung mga una kong nakita na sina Otep Katrina Danieles, Salbe Mogul, at Jason de  Guzman. Tas Masaya rin akong makita sina Duking, Axl Guinto, Mark Madrona at iba pa.  May ilan na rin akong laging kausap…  iba lang tuwa ko nung nakita ko in person si Aldous Sayno. Idol!

I can help  pala kahit papaano.  My two top posts dito ay may kinalaman sa love and weight.  Sarap lang na maging venue ang blog na ito to know people’s sentiment and get the message they need.  Interestingly, nakakatanggap din ako ng thank you message pagdating sa school  assignment at ibang klaseng compliment- sarappp sa puso!  Siempre dagdag na rin d’yan yung makapagbigay ka ng information and entertainment

I become competitive pa.  Well ambisyosa ata talaga ako, pero it doesn’t mean agad na go-getter ako kasi shy-type at passive din ako.  There were times na trip ko na mag-top post, most read, makatanggap ng maraming hits pero nag-level ako nung naisip ko na why not sumali sa blog contest. Unfortunately, mas nanalo ako kapag sa hoshilandia.com ako nagpo-post ( weird, but true).

I create an outlet for my excess baggage – May time na gusto mo lang sabihin directly yung mga tsika mo sa buhay, ‘Mema’ sabi or post.  Pero lagi kong sinasabi na therapy IMHO ang  freestyle writing (gaya ng pagda-diary) sa anger management, goal setting , stress at burn out.  May days na sawa ka sa routine ng buhay mo na hindi mo naman kailangan mag-quit o gumawa ng revolutionary act, kundi maghanap lang muna ng diversion.

I create an outlet  for kuning explorations – Alam mo yung term na magnify?  Minsan kasi you have ideas, gusto mo gawin pero hindi mo magawa kasi walang nagpu-push. Subukan mong i-post sa blog mo at kapag may positive reaction- at baka i-pursue agad.    Halimbawa n’yan ay yung simpleng pag-aalangan na kung pupunta sa isang blog event, eh mapapa-comment yung mga fellow bloggers na kakilala mo with their reasons. Pupunta ka o hindi?

I’m not alone – O sige nandyan kayo, nandito ako.  Nasa labas ang iba at ako naman ay nandito sa loob ng apat na sulok ng kuwarto at kinakalikot ang computer.  Pero solo man ako  saan mang panig man ako sa mundo ay hindi ibig sabihin nun ay lonely ako lalo na kapag may mga active kang ka-blog na masipag mag-comment. Actually miss ko na ata days na yun.

Maraming-maraming salamat sa lahat  ng sumasama-sama sa akin sa journey ko lalo na kina Raft3r, Doon Po Sa Amin, Len Armea, Cristal Maramag, Jennifer Sy, Jovelyn Calingo, Lambing,Sheryl Garafil- Raymundo at kahit na sa paminsan-minsang nagbabasa ng mga kwento’t paniniwala namin.

Note: sinulat ko ito sa mismong araw ng blog anniversary ko, di ko lang ma-post.  ayaw sa desktop pero ok sa laptop.  pabebe rin. hahaha. Mabuhay !

%d bloggers like this: