Weird quirk of Mine, patagilid akong manood: 31 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nabanggit ito pero maituturing kong weird and natural quirk of mine ay ang patagilid kong panonood. I-imagine mo si Jean Grey na nakahawak sa magkabila n’yang sentido at patagilid (kanan side) na nakatingin sa iyo na umaastang nanood lang na ala-Cyclops- ganern.

Bata pa lang ganito na ako. Sabi ng nanay ko ay namana ko raw ito sa Lolo ko. Pero dati wala pang kamay tapos nagagawa ko ito kahit hindi nanood ng TV. Naalala ko na nasa grade 5 ata ako noon nung pinansin ng teacher ko na tinitingnan ko raw sya ng kakaiba o masama. Patagilid lang tumingin masama na? Tapos habang lumalaki ako mas more lang ng panonood pero padagdag nang padagdag yung mga daliri sa paghawak sa sentido ko. Dati isang kamay lang at ngayon lahat na. Madali mo nga akong makikita sa sinehan kasi ako lang yung mukhang tangang nakahawak sa sentido at patagilid na nood. Daig pa ang naka-sunglass na pang 3D animation.
Nung high school nagkaroon na ako ng astigmatism. Pero bukod sa posibleng ito ang dahilan, nagbabasa rin ako ng medyo madilim sa kuwarto. Tapos nagsalamin ako at tinanggal ko na lang kusa kasi nawala naman na yung pamamaga ng mata ko. Sagabal lang din kasi sa panonood yung salamin kasi nga kusang tatagilid ang paningin ko at sumusuot ang daliri ko sa loob ng salamin. Mula naman noon ay okay ang mata ko. In fact, ang linaw-linaw kahit isuksok ko na yung ilang daliri ko sa mga mata ko. Lahat na nga ng mga friends ko na kapwa ko ng profession ( may kinalaman sa computer) ay nakasalamin na at nahihirapan ng umaninag. Ako hindi malinaw kahit pag sa mga annual checkup sa office.
Habang sinusulat ko itong post na ito. Ngayon ko lang naisip na i-research bat nga ba ako sideway manood? Kadalasan may kinalaman sa head posture at eyesight ang nakikita ko, pero itong tsika ng Naked Scientists ang naka- relate ako base sa pakiramdam ko….
“The reason is probably the same as the reason people generally find it hard to do two things at once, or the reason that it’s hard to concentrate on a book if someone’s talking. Averting your gaze allows you to cut yourself off from a particularly attention-getting and distracting environmental stimulus – the questioner’s face – in order to focus on the answer to the question.”
Nakakaloka na isa rin palang sign ito na tinitingnan kung may autism ang isang bata ayon sa Autism Help For You.
Pero Iba kasi pag naka-scanning mode na ako parang buong-buo kong nakukuha yung tinatakbo ng pinapanood ko news o istorya man. Mas natatandaan ko yung mga linya, iyong acting partikular na mga character, at maliit na bagay na BAKA hindi kaagad napapansin ng iba. May mga times na sinusubukan ko ito sa pakikinig lang sa iba. Medyo effective kaso nakaka-conscious kasi mukha nga lang akong tanga at ayoko rin masanay. Baka makasira na nga sa mata ko. Pansin ko rin kasi hirap akong magtuwid ng pagguhit ng linya kahit may ruler o pattern. Ewan baka totoo o palusot ko na lang din dahil pinaniniwala ko na tagilid talaga ako tumingin. Sa panonood lang talaga wala akong control lalo na pag may papatungan ng kamay. Automatic iyon kahit pigilan ko sa simula o straigt naman akong nakatingin sa screen.
Any explanation? Share naman!

Advertisements

Top Things in My Bucket List: 29 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Wow bucket list! Hindi ko na naiisip yang ganyang term pero sagana ako sa career, financial, and life goals. So pagsama-samahin ko na lang at iba pa.  Masarap din kaya mangarap nang tuloy-tuloy lang wala kang inaaalang pangit, negatibo o imposible. Ang sumusunod ay 10 lang pa lang sa maraming items sa aking listahan:

Travel to Japan – nauna pa ito sa Greece at South Korea dahil nauna rin naman ako nahilig sa anime kaysa Greek Mythology at Korean series.samurai x text collection

5446643327_8dc38a67c3_b

Travel to Greece – Dagdag ko na rin sa tsika ko sa Greek Mythology ay ang Spartacus hehehe

Kuha ni Jen Syngkit

Have my Family – Kung napaplano man ito o hindi, siempre nangangarap din akong magkaasawa, magkaanak (2-3) o magkapamilya.

Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child by Napoleon Abueva

Go Solo – Ma-try lang habang wala pang asawa at kung ma-afford ko. Na-try ko na rin mag-freelance at mag-business, ito yung next level kung baga. Gusto ko ma-try manirahan sa Baguio, Eastwood (Quezon City) o lugar na fresh ang paligid pero may access man lang sa pamilihan at maayos ang Internet connection. Hindi ko pa alam kung kaya ko mamuhay sa ibang bansa.

a tree house sa PMA, Baguio

Bonggang –bonggang Hoshilandia!

Host and produce radio talk show – Posible siguro ito sa podcasting pero okay din ako sa traditional.  Ayoko yung DJ type mas gusto ko feature o magazine show gaya ng ginagawa ko sa Hoshilandia.cassete recorder

Established business – marami akong ideas at nasubukan, kailangan ko na lang talagang i-all out na. Hopefully company na maayos either as a solopreneur or partnership with my sister.

To become a best-selling book author or independent film screenwriter –   Actually okay na sa akin ang makapaglathala lang ng isang book. Pero bakit ko naman masyadong ili-limit sa ganoon di ba? Ito-todo ko na! Bookworms 2

Aware ako sa works nina Paul Soriano, Jose Javier Reyes, Michiko Yamomoto, Chris Martinez (Ang Babae sa Septic Tank), Roy Iglesia, at Ricky Lee.   Siempre gusto ko rin mag-mainstream kaso para mas may freedom at leveling ay sa independent film industry ko gusto mag-start. Mas type ko  makagawa ng istorya na comedy, fantasy and action…ako na lumaki sa anime.

To become financially at peace – Though na-mention ko ang maging millionaire, it just a level/ point to beat para may deadline or measurement.  The ultimate financial goal for me is to enjoy financial freedom.  Kung pagbibigyan ako na maging bilyonarya, why not? Pero ang gusto ko lang ay if something happens good or bad and opportunity or adversity may madudukot naman ako para sa akin at sa pamilya ko. I hope money works for me, not the other way around. Wala akong balak na maging alipin, maging ganid, at masilaw sa pera.

Ma-meet and greet in person sina Henry Cavill, Ariel Lin, Jang Nara, Lea Salonga, Kristen StewartKate Winslet, Jennifer Garner, Warren Buffet, George RR Martin, and  JK Rowling.

 

Last time I Cried: 28 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Bihira ako na ako umiyak at minsan kung  kailan pa ang babaw ng isyu.  Pero para sa akin mainam sa akin na  tumatangis ( magamit lang ang word)  ‘pag  nagdarasal kasi  feel ko ang gaan na ng pakiramdam after. Pero sa dami ay the last time I cried na naalala ko iyong tampo ko sa buhay. Hehehe.

Itong kwento ko ay tapos na at kung baga wala na akong gustong sisihin. Kung baga ay naka-move on na ako at aAyoko na lang sana maulit pa. Ikukwento ko na rin ito dahil sa challenge at para sa kapwa ko mahal kong__k.

Ganito kadaming luha? (Traditional Korean Jars)

Personally, ayoko ng nagkukumpara kasi alam ko dun nagba-bonding ang magpipinsan na jealousy, frustration, insecurity, at discontentment.  Kaya siguro tinatyaga ko rin magsipag at ipagpatuloy i-appreciate ang maliliit na blessings na mayroon ako.  Iyon nga lang minsan, hindi maiiwasan kapag  malapit sa iyo ang involve  at wala sa hinagap  mo yung scenario ay sakit-sakit

Hindi po ako nagmamalinis at maaaring may mga nakaligtaan akong pagkakataon. Pero sa buong tanan na nagtrabaho ako ay wala akong matandaan na humiram ako sa N_ ko na Php 1000 o lalagpas doon. Pero dahil sa isang proyekto na  gusto ko sanang matapos kaagad ay nanghiram ako ng Php10, 000 na ipinangako kong babayaran ko agad. Nasaktan lang ako dahil sa unang pagkakataon na ginawa ko iyon, pinabayaran sa akin ng less than a week at medyo forceful pa. Kaya nga ako naghiran e, hindi lang sa kinakapos ako ng pera kundi time lang din. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang hindi ako ngangungutang at baka ako pa nga nagpapautang.  So nag-start na ako ma-frustrate at mag-compare dahil sa ginawa ng N_ko.

  • Bakit iyong iba umaabot ng Php50K -150K plus at taon na binilang ay baka hindi pa nakapagbayad sa kanya ay napagbigyan n’ya?
  • Iyong proyekto ko halos directly ay para rin naman sa amin kasi kabuhayan yun.
  • Ako naman lagi taya, at sa ganang akin ginagawa ko rin yung responsibilidad ko. Hindi ako humihingi kundi nanghihiram. Hindi ako lalapit sa kanya kung alam kong wala. Hindi ako mamimilit kong ayaw ng tao. At klaro kong sinabi na isang buwan ay mababayaran ko. Gaano ako kasigurado 100%.

Napuno ako kasi siguro three days pa lang after ko na mahiram yung pera ay pinilit niyang makuha ang Php6000 sa umaga. Nagulat ako bakit ganun pero since sakto may naitabi ako at para mabawasan agad ay deadma na ako. Pero pagdating ng gabi ay pinipilit n’ya ulit akong kuhanan ng Php 2000. Biruin mo in one day Php 8000  at wala pang isang linggo? Sa inis ko ibinigay ko na rin ng Php 2000 kinabukasan nang umaga. Iyong iyak ko noon dahil natanong na lang ako ng kuya ko e at napakuwento kasi tahimik ko na. Naawa na lang din ako sa sarili ko dahil alam ko nangarap lang ako. Ang ganda ng intensyon ko, at  ngayon lang ako ever nangutang sa N_ko.

Ang dami kong gustong isumbat, kabilang na yung time na nagbabayad ako ng utang n’ya na hindi ko naman ininda at wala akong intensyon na pakinabangan ever.  Iyong inis, galit, at ano pang emosyon na may kinalaman sa sama ng loob, iniyak ko na lang.  Aral na lang siguro na hindi na ako hihiram sa kanya hanggang maaari. I guess the values of this story were at the end of the day ako rin tutulong sa sarili ko, kapag may pangarap ako  ay paghandaan ko na lang nang todo, and gritty rin pala ako.  Sa huli na-delay lang yung proyekto pero natuloy ko pa rin.  Nasaktan na ako lahat pero hanggang gusto ko deadma tuloy ang pangarap!

What make me feel better always: 27 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

 Ang akala ng iba kong kaibigan ay bihira akong magalit, mainis o mayamot. Ang totoo n’yan ay nasa loob ang kulo ko  medyo malakas-lakas ang pagtitimpi ko at may mga key sensitive points lang na kapag yun ang nakanti mo sa akin madali na akong malulungkot. So what make me feel better?

Handwriting sa diary.  At first ka-emotera han lang ang alam kong dahilan bat ako nagda-diary. Pero I realize na ang journaling ay parang writing therapy for me.  Maraming pagkakataon na nakatulong ito para mabawasan ang inis (stress management), galit (anger management), at mapagtanto ko kung ano ba talaga ang trip ko (meditation).  Ayon sa experimentation ko, magandang isulat mo  lahat ng galit mo, then i-visualize mo kung ano naman ang susunod mong mangyari at pagbabago. Minus yung kinaiinisan mong tao o gawain.

Watching movie or videos on Youtube.  Actually ang panood  ay isa ng diversion so puwede rin naman ang manood ng TV shows na trip mo.  Pero para sa akin ay hindi effective yan dahil siguro dahil hindi na rin ako nanood ng TV.  Kapag afford and carry ang pelikula, panonoorin ko ang palabas sa sinehan. I know na magastos at ma-effort pero iba talaga para sa akin ang maging moviegoer.

Lately, mahilig na nga ako manood ng video clips sa Youtube. Tinalo na nito ang paglalaro ko online at pagbabasa ng print copy of magazines.  Ewan ko rin bat tuwang-tuwa ako sa mga trivia, test ng national geographic, at music videos. Ganoon din sa mga talks shows especially kay Graham Norton, Jimmy Kimmel, and Jimmy Fallon.

Coffee/chocolate at sound trip – dati kaya ko isabay ang music sa ibang gawain pero ngayon hindi na, maliban sa pagligo.  Parang mas bet ko na ang i-focus ang attention ko sa music lalo na bored, alone, or sad. Sasamahan ko na lang ng laklak ng kape, ngasab ng tsokolate o kaya sayaw-sayaw na parang baliw.

Ice Cream!

5 favorite blogs: 26 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ang hirap naman sagutin nito, ako pa naman yung klase ng reader na  nakabase sa topic o presentation  at hindi sa  kung sino ang author o artist.  So ganoon na lang, kung saan madalas na site ako nagpupunta base sa interest. Siempre favorite blog site ko sa lahat ay Hoshilandia.com. Itaas ang bangko! 

fitz villafuerte 2
Fitz Villafuerte at the iBlog Summit

Financial / Business – sa local lagi kong bini-visit ang blogs nina Fitz Villafuerte at Victorino Abrugar. Bukod sa informative ay conversational yung tone ng kanilang pagkakasulat. Since kapwa Pinoy at nasa Pinas sila so mas nakaka-relate ako. Ang iba ko pang business and finance websites na bini-visit ko ay Entrepreneur and Money Sense.

Arts and CraftsPinterest pa lang busog na ako sa kakatingin pero madalas din ako tumambay sa Home Made Simple and Better Homes Gardens.

Life/ Career – Nahihilig ako tumambay sa Female Network, Daily Worth, Elite Daily, Self.com,  at Success.com lately.  In a way para pampa-good vibes, inspiration, at motivation na rin. Maliban sa mga ‘yan, basta gusto ko ng good vibes tambay muna ako sa Pinterest. Ang Maganda rin kasi doon naka-infographic na yung mga tips.

Travel –  Sa local mas madalas ko i-check si Pinoy Adventurista and na-meet ko na s’ya in person.  Susundan nina Pinay Solo Backpacker and Traveler on Foot.  Sa international wala naman particular, usually kasi magse-search ka na sa international kung may anda ka o interesado ka malaman di ba.  Pero mahilig ako sa mga cheap and backpack travel stories.

Blogging  –   Dito sa wordpress basta may free time ay nagba-blog hopping ako so lahat ng followers ini-isa kong puntahan from time to time.  Ganun din naman sa hindi ko followers basta talaga ma-spot –tan lang.  marami na nga ako name-miss pero siempre ilan sa madalas ko nabi-visit ay blogs nina Jason Hamsterkwento ni Kat, Walang basagan ng Trip, Doon po Sa Amin, at inactive na ata an si ate Kengkay.  Ang iba ko pang pinupuntahan ay Hubspot Blog, Entrepreneurs-Journey ni Yaro Starak,