Meaning of my business name: Day 3 of 31 Days Blog Challenge

5446643327_8dc38a67c3_bWala pa akong konkretong business name pa, pero siguro ‘di na ako lalayo sa name ng  blogazine ko ang Hoshilandia.  Para naman iisa iyong tema at madali ma-promote.  Paano at saan nagsimula ang Hoshilandia?

Dati kapag may nagko-comment sa blog na ito ay ang sinasagot ko ay ‘Mabuhay welcome to Hoshilandia!” Nung mag-offer sa akin si Salbehe ng chance to have a domain ay s’ya na rin ang nag-suggest na why not use Hoshilandia. Well, parang world or baluarte ni Hoshi lang ang peg so okay sa akin.  Kaya maraming salamat din talaga kay Salbehe!

May isa pa akong business name na tina-target pero hindi ko na lang sasabihin muna hanggat hindi ko pa napapa-register.

By the way, Hoshi means star in Japanese and nakuha ko ito sa anime na Fushigi Yuugi. Crush ko ang character Emperor Hotohori.

fanatic

since naranasan ko ang maging addict sa anime, Dawson’s Creek, Titanic at Meteor Garden noon (pero pinakamatindi talaga sa anime), gusto kong maging malaya ang aking pamangkin sa pagkahilig niya sa high school musical. pero minsan pala, kapag ikaw ang nasa labas ng pagkabilog ng ulo ng iba. unreasonable ang kanilang mga pinaggagawa sa buhay.

unreasonable na sa iyo kung bakit nila nagustuhan iyong artistang’ yon, paulit-ulit na panonood at kailangan pang pagkagastusan kahit hindi naman praktikal.  sinasabi ko na nga sa pamangkin ko akina na si Zac Efron. wag na niyang agawin. pero hanggat maaari tino-tolerate ko siya as long as sinusunod niya ang pinag-usapan namin. strict ako e lalo na sa pagkain.

pero sa bata mas katolerate na tolerate talaga yung iba ang terible. nangkwento sa akin yung isa kong kasama sa campaign. inaway daw siya nung isang ale kasi nagkamali siya ng pagsasabi ng score nung isang politiko. humingi naman siya ng tawad pero daldal pa rin daw nung ale. ang dating e,parang fan na fan siya ng politician na yun at makikipagbakbakan siya.

wala naman masama di ba, basta wag lang over. kung ang isang tao o bagay ang iyong inspirasyon. hindi dapat yun ang pipigil sa iyo na maging malawak ang pag-iisip at tanggapin ang opinyon ng iba. gaya ko, nung tinanggal ng nanay ko ang panonood ko ng cartoons bumaba grades ko pero nung nakakapanood ako taas! hehehe

katwriran ko, alam kong kailangan mapanood ko ito at kakain ng oras sa pag-aaral ko. kaya bago ang oras ng anime ko gawa na assignments. magso-sorry pa ako nyan kay Hotohori at Kenshin pag bumaba grades ko. hehehe.

(pero payo ko better na wala kayong kinaka-adikan, iba ang laya at marami kang magagawang maganda. hehehe)

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?