Something I Miss: 21 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Siguro dahil sa lumalalim pa lalo  iyong pag-iisip ko , something I really miss ay yung kababawan at  kalokohan ko.  Kung babalikan iyong mga nauna kong post, may time na iyong  puro lang ako kalokohan at nagagawa ko iyon kahit medyo sad o frustrated ako. Naalala ko pa nga na dati masakit lagi ang tyan ko kaya isa yun sa naging inspirasyin ng Pupu Series. Gayon din iyong gusto kong magka-kotse at laptop.
I’m still jolly pa rin at mahilig akong mag-joke lalo na sa mga kaibigan  ko.  I don’t think  iyong maturity  nakabawas, it just that siguro busy  na at seryoso na rin yung mga inaasikaso ko sa buhay.  Parang sense of humor na lang na tawanan mo iyong problema because iyon ang paraan to handle yung stress. Bihira na iyong tatawa ka kasi natatawa ka lang.

Nami-miss ko rin iyong pagiging idealistic ko.  Alam mo iyong batang malawak ang imagination, walang iisipin balakid o saka na iyon. Basta gusto lang mangarap. Sa love life, hindi ako nahilig sa fairy tales pero wala naman akong problema sa pagtanggap ng konsepto ng “prince charming,” “destiny” o “forever.”

cropped-lovely-ducks.jpg Iyon lang, ngayon ang feeling ko ay nawala sa akin iyong bilib sa emosyon na iyan. Para na lang  itong konsepto na kung paano mo paniniwalaan ang pagmamahal o kung paano kayo nagmahalan.  Nirerespeto ko iyong mga naniniwala d’yan at  naniniwala ako na may tunay na nagmamahal kahit gaano ka kapangit, kataba o kahirap. Ang usapan ng  forever ay paano n’yo kayang panindigan ang pagmamahalan anuman ang mangyari. At end of the day,  strong love and relationship comes with your commitment to stay together.

Ganyan din sa work at iba pang goals.  Nandoon pa rin naman iyong  pagiging mapangarap [ang dami kong pangarap] at  optimistiko ko. Pero ngayon, ang pangarap sa akin ay iyong tipong ipinapalangin mo at ginawan mo rin dapat ng paraan. Hindi lang iyong naghihintay ka lang ng pagkakataon na kung may darating o wala. Although may mga suwerte, suprise, pagbabago, at magic na hindi mo inaasahan.

What I am afraid of: 18 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Kahit anong sabihin kong atapang akong babae, waley afraid pa rin ! Maraming  pagkakataon na epic fail ang palaban kong itsu. Akalain mong naka-1.5 ako sa Swimming Class[P.E] namin noon pero sa 5 feet swimming fool ay muntik pa akong malunod. Ang nakakahiya pa noon ay nasa Boracay kami. Malulunod na lang di pa sa dagat di ba? Baka may sumagip pang prince charming, charoot!

Hindi ako takot sa ipis, bubwit, dilim at minsan kahit pa nga sa momo, pero ayoko talaga sa palaka. Ayoko ni ma-imagine na dinila-dilaan at tinalunan ako. Ewan nagsimula ata ito noong bata ako na nagkaroon ako ng kulogo na ang sabi ay dahil baka daw naihian ako ng palaka. Pero huwag ka naging paborito kong Sanrio character noon si Kero Kero Keroppi.

frogs-1109775_640
Credit: Pixabay

Siempre bukod dyan mas marami pa akong kinakatakutan na alam o iyong di ko pa alam. Noong umakyat ako ng bundok ang alam ko wala akong fear of heights or acrophobia. Pero nalula rin ako kouya and teah, iba ang hangin parang kinakampayan ka ng manananggal sa harap at likod.  So either nalula lang ako o medyo may fear din ako, ikaw ba naman ang umapak sa bato na nasa 1397 feet.

Iyong ibang takot ko, bahala na si Lord.  May mga kinatakutan ako na common naman ata sa lahat ng tao. At mayroon akong kinatakutan noon na akala ko kaya pero kinaya ko kapag nandyan na.

Favorite Quote: 13 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Isa ako sa taong mahilig sa motivational and inspirational quotes kaya marami rin akong paborito.  Sa ngayon ang pinakapumapasok talaga sa utak ko parati ay  ang principle na kadalasan ay inuugnay sa Roman playwright na si Terence.

“Fortune favors the brave.”

Statue-at-San-Miguel-ChurchAng Latin version nito ay “fortis fortuna adiuvat” na ayon sa tsika Quote/Counterquote ay nabanggit sa play na Phormio (161 B.C.). 

Bakit ko ito nagustuhan? Naniniwala ako na isa sa strongest asset ko ay Kapal ng mukgha este lakas ng loob na kung ita-translate  para mas may dating ay “courage.” Naging mantra ko na ang quote na ito nang mabasa ko sa nabili kong journal last year at akmang-akma naman sa pinaglalaban ko sa buhay. charr!

Hindi naman kailangan na may awayin ka o makipag-away ka para masabi kang brave o matapang. Ang courage ay lakas ng loob at tapang na ipaglaban ang iyong pangarap at ang sa tngin mo ay tama, hindi lamang sa ibang tao kundi sa sarili mong kahinaan at kakulangan.

I think ang desisyon at panindigan mo na  mag-diet, maghanap nang matinong trabaho, manligaw, magnegosyo, magtapos ng pag-aaral, at magmahal ay simbolo ng iyong katapangan. Aba mahirap na kalaban ang mga mangungutya na nanggaling pa man din  sa sarili mong bakuran o sa sariling pagkatao.  Kapag pursigido kang lumaban, wala kang ibang hahantungan kundi ang swerte mo sa buhay.

Tama ba ako?

 

 

Introduction: 1 of 31 Day Blog Challenge

Nakita ko lang itong 31 Day Blog Challenge sa Pinterest at nagkainteres akong gawin. Kaya rin kasi minsan lang ako sa mag-post dito ay dahil  parang nasa verge ako na  baka preachy, ignorant o feelingera na ako. Pero ang isang bagay din ay siguro ay kailangan ko ulit hanapin ang voice ko at magkaroon ng rule dito at sa Hoshilandia  Anyway, let me do my  Introduction bilang first challenge.

Mabuhay I am Hitokirihoshi

cropped-cropped-twitter.jpgKwentotpaniniwalanihitokirhoshi.wordpress.com Kung babalikan ang una kong post dito ay next year pala ay isang dekada na ako sa pagba-blog sa WordPress.  Naudyukan lang ako noon so wala akong paki noong una kung may magbabasa  at mas gamay ko magsulat ng kwento ko sa diary. Kung mapapansin mo ay napakahaba ng url at blog name ko, sinadya ko ‘yan, pinagsisihan at sa huli ay pinanindigan na lang.  Ang nasa isip ko  dati ay pahihirapan yung mga maghahanap sa akin na as if  sikat na sikat ako.  May privacy issue ata ako at trip na trip ko talaga ang mystery.

Hitokirihoshi Laurence.  May ilan naguguluhan kong babae ba ako o lalaki.  Sa halip na ikorek ko ay ikinakatuwa ko na manghula na lang ang mga nagtatanong. Madalas napagkakamalan akong Sir or Mr. Pero wala akong identity crisis ha :p Sa seryosong aspeto,  mas napi-feel ko yung  appreciation at effectiveness ng blog or ng isa kong  post, kung may magko-comment base sa nabasa n’ya at hindi sa kung anong pagkatao.  Hindi ko naman itatago kung may magtatanong kung gusto akong makilala.

Ang first name sa pseudonym ay kombo ng mga  karakter sa anime at ang Laurence ay  – Little Women.

Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi. Hindi lang uso kundi it’s a must na raw ang niche blogging. Pero isa ako sa mga hindi sumusunod dito una kasi ay personal blog talaga ang simula ng lahat para sa akin.  Nasa personality ko na talaga ang magkainteres sa kung anu-ano at kaya kung anu-ano rin ang kwento ko. Bukod sa makwento rin talaga ako pag nasimulan na.

Siguro sa ilang bad effect sa akin ng pagkakaroon ng isa pang site ay

  • Nahihirapan ako ng definite pagkakaiba nila
  • Tutukan ang dalawa ng sabay
  • Mapag-combine yung mga readers.

Ang na-appreciate ko ay nakikita ko ang pagkakaiba at loyalty ng readers. Mas open ako sa blog site na ito na kahit anong topic at mas personal  ang aking approach. Ang aim ko kasi hoshilandia ay magazine type talaga.

Mabuhay! Bakit Pa Ako Nagba-blog?

hitokirihoshilogoYung kauna –unahan kong post dito ay tungkol sa bakit ako magba-blog? Ngayong halos isang dekada na ako – ang masasabi ko ay mabuti sinubukan kong mag-blog at mag-evolve bilang blogger. Marami itong naitulong sa akin sa aspetong personality development,  communication, social life at discovering more in life.

 

May pagkakataon na naguguluhan ako kasi parang all about business or money na. Minsan din gusto ko ng i-give up kasi hindi ko ma-sustain at parang naapektuhan na yung drive.  Siguro compare sa ibang blogger lalo na sa matatatagal na,  ang baba figures ng hits at followers ko. Pero kasi ang mahalaga sa aking pagba-blog ay passion, personality at relevance.